Niella's POV
"KRIINNGG KRIINNGG"pangalawang tunog na ng alarm clock ko kaya napilitan na akong bumangon. Dumiretso na ako ng banyo at tsaka naligo. Pagkaligo ko lumabas na ako at nagbihis. Ang uniform namin ay simpleng blouse lang na may necktie at palda na 2 inches above the knee. Naka-base sa kulay ng necktie at palda kung anong year ka nag-aaral, red sa first year, green sa second year, yellow sa third year at black sa fourth year like me. Inayos ko na ang gamit ko nang makatanggap ako ng text galing kay Iah.
From: Iah
Bilisan mo may orientation pa tayo sa mga transferee.
To: Iah
Sige papunta na ako.
Pagka-reply ko ay bumaba na ako papuntang 1dt floor. May tatlong palapag ang bahay namin, di ko nga alam kung matatawag pa itong bahay o mansyon na. Sa 1st floor ang kwarto ng mga maid.
Sa 2nd floor ang kwarto nina Mom at Dad at tatlong guest room samantalang sa 3rd floor ang kwarto ng kambal at tatlong guest room. Sa 4th floor ang kwarto ko at nina Ate at Kuya at isang guest room at may isa ding room para sa mga ginawa ko at alaga kong pusa. Habang na sa hagdan ay nakasalubong ko si Mom.
"Good morning mom" bati ko.
"Morning din 'nak, kain kana" sabi sa'kin ni mom. "Andun na sa dining room yung ate't kuya mo pati na yung kambal at Dad mo."
"Di na po. Sa kotse na lang ako kakain" sagot ko naman kay Mom
"Sige ingat ka ha" paalala ni Mom.
"Opo"
Pagkarating namin ni Mom sa dining room ay nandun na nga silang lahat at parang kami na lang ni Mom ang hinihintay. Kumuha na lang ako ng sandwich at itinago sa bag.
"Di ka na kakain 'sis" tanong ni Ate
"Di na 'te. Dun na lang ako kakain" sagot ko.
Hinalikan ko muna sa noo ang kambal at nagmano kay Mom at Dad.
"Ingat ka princess" Wika ni kuya na nagpatigil sa akin.
"Sabi ko naman na wag mo na akong tawagin na "princess" kuya eh" saway ko kay kuya but he just continued eating at ako naman ay pumunta ng labas.
"Pahatid sa school" utos ko sa driver namin na si Kuya Rex.
Si Kuya Rex ang family driver namin matagal na siyang namamasukan siguro simula pa nung tumira sina Mom at Dad sa bahay ay driver na siya.
Habang nasa loob ay kinain ko na ang sandwich na kinuha ko kanina.
By the way my name is Eriniella Heartlair, 17 years old, fourth year sa Tiera Allegra Academy na pagmamay-ari ng tita ko. Good girl noon pero badgirl na ngayon dahil sa panloloko ng ex ko na si Sebastian buti na lang at tinulungan ako ng mga anak ng ka business partner nina mom at dad. Si Mom naman ay isang fashion designer. Meron din siyang pagmamay-ari na modeling company. Mino-model dito lahat ng damit na ginagawa niya.
Pare-parehong kaming tatlo na badgirl and badboy. Si Kuya Ren ay namamahala na ng isang branch ng hotel namin at Boss ng isang Mafia Organization na Arcana Familia. Pero ang mafia na pinamumunuan ni Kuya ay katulong ng gobyerno na humuhuli sa mga kriminal. Si Ate naman ay 4th year college student na sa Billionaire's High puro mayayaman ang nag-aaral doon accountancy ang kinuhang course ni ate at isa syang agent.
Si dad ang may ari ng mga Heartlair Hotel dito sa pilipinas. Binigay nya ang isang hotel kay kuya para i-manage. Ayaw naman nina mom na maging tulad namin ang kambal. Si Rossy ay mas matanda kay Ricko ng limang minuto, they were 13 years old at magaling gumawa ng codes and ciphers. Sabi nila gusto daw nila maging detective paglaki kaya punong puno ang kwarto nila ng Sherlock Holmes books, Detective Conan comics at iba pa.
"Ma'am andito na po tayo." pukaw sa akin ni Kuya Rex kaya bumaba na ako at sakto din namang naubos ko na ang pagkain ko.
Habang naglalakad ay may mga bumabati sa akin. Bakit? Dahil ako ang Presidente ng Student Council dito sa school.
Dumiretso muna ako sa locker ko para ilagay ang iba kong gamit at dumiretso na papuntang private room. Habang naglalakad ay may pumatid sa akin. Ramdam ko na may mga estudyanteng nagulat dahil sa nangyari.
"Ms. President"
"My gosh transferee pa naman din tapos ganyan agad ang ginawa nila sa President."
"Patay sila sa President niyan"
Yan ang mga narinig kong bulungan.
"Oh, sorry. Here let me help you."sabi ng pumatid sa akin sabay abot ng kamay.
Inabot ko ang kamay niya pero hindi ko na pala dapat ginawa iyon dahil bigla niyang binitawan ang kamay ko.
"HAHAHAHAHAHAHA" rinig kong tawanan nila na mas lalong nagpalakas ng bulungan.
Nang tingnan ko sila ay hindi lang pala siya nag-iisa dahil may dumating pang tatlong bwiset. Badboys.
Lahat sila ay may mga ngisi sa labi maliban sa isa na mukhang seryoso. Pansin ko din ang isa. My cousin.
"Oh my gosh Niella. What happened to you." rinig kong tawag ni Iah kasama sina Vie at Kaye na palapit sa akin. Pagkalapit nila ay agad nila akong tinayo.
"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong sa akin ni Vie at tumango naman ako bilang sagot at hinarap ang mga asungot na pumatid sa akin. Dumadami na din ang mga estudyanteng pumapalibot sa amin.
"New faces means new students" nakangising wika ko sa kanila "Pasalamat kayo at first day ngayon dahil kung hindi ay baka may nangyari nang masama sa inyo ngayon pa lang."
Umalis na kami sa lugar na iyon at dumiretso sa private room.
"So Kaye what's the news?" tanong ko pagkaupo.
May iniabot naman sa amin na folder si Vie.
"Yan ang mga natanggap na transferee" wika ni Vie.
Every year ay tumatanggap ang school ng mga 1,000 na transferees para pumalit sa mga grumaduate na estudyante pero kalahati lang sa kanila ang natatanggap.
"By the way gusto ko makilala kung sino ang mga pumatid sa akin kanina." utos ko sa kanila at tumango naman sila.
"Here's they're picture" wika ni Kaye at ipinakita sa amin ang isang picture.
Si Vie ang Secretary ng SSG, habang si Iah ang Auditor at si Kaye naman ang isa sa mga miyembro ng Tierra Allegra Public Information Office. Habang binabasa ang mga pangalan ng nasa folder ay nagulat ako nang mabasa ang pamilyar na pangalan.
Shanaiah Loraine from Milled Stone Academy
"Looks like someone found me" bulong ko sa sarili na narinig pala ni Iah na katabi ko lang.
"Oo nga" wika niya at ipinakita sa akin ang folder na hawak niya.
Sebastian Kier Demir from Milled Stone Academy.
Tadhana nga naman.
"Found it" sabay sabay na wika ng tatlo at ibinigay sa akin ang mga folder na hawak nila.
Ezekiel Ken Recile from Milled Stone Academy
Denver Kyle Cezar from Milled Stone Academy
Lucas Fhalia from Milled Stone Academy
Xenon Bryan Santos from Milled Stone Academy
"Pare-pareho pa talaga sila ng school na pinanggalingan" komento ni Iah na nasa likod ko at nakikibasa din.
Ang totoo ay meron naman talagang opisina ang Studend Council kaya lang dahil hindi kami madalas magkasundo ng ibang miyembro ay humiwalay na lang kaming apat.
Natigil kami ng may kumatok sa pinto. Binuksan ito ni Vie at bumungad sa amin ang isang miyembro ng Tierra Allegra Executive Commitee.
"Nakahanda na po ang mga transferees sa gymnasium para sa orientation. Kayo na lang po ang hinihintay" wika nito sa amin kaya sumunod na kami sa kanya papunta ng gym.