Chereads / Classy / Chapter 1 - Prologue

Classy

🇵🇭pattyyy_mgs
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 2.6k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Prologue

MALAKAS na tugtog ang sumalubong sa'kin pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa silid na ito.

Masyadong makipot na ang daan dahil sa mga katawang nagsasayawan, ang ilan pa'y may hawak na kopita ngunit patuloy ang paggiling ng katawan. Ang iba naman ay abala sa pakikipag-usap sa kani-kaniyang kaibigan.

Nagpatuloy ako sa paghakbang, inililibot ang mata sa bawat sulok at espasyo ng silid. Bagaman mahirap makipagsiksikan ay nagpatuloy pa rin ako sa pagpasok. May minsanan pang nasasagi o nasisiko ako ng mga nagsasayaw ngunit binabalewala ko lamang iyon.

Patuloy na hinanap ng mata ko ang lalaking kanina pa tumatakbo sa isip ko.

Sana'y mali ang mga paratang sa'yo. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa buhay ko kung sakali mang mapatunayan kong totoo ang lahat ng iyon.

Masyadong malabo ang nakikita ng mata ko, lalo na't patuloy ang pagsaliw ng musika at sabay sa pag-ugoy ng iba't ibang ilaw.

Ngunit ganoon na lamang ang pagguhit ng reyalisasyon sa utak ko. Bagaman malayo ang pwesto nya mula sa kinatatayuan ko, himalang biglang parang luminaw ang paningin ko, sa kabila ng nakakasilaw na liwanag at nakakarinding tunog ng musika. Biglang naglaho ang lahat sa mundo ko.....

Tanging tibok ng puso ko na lamang ang naririnig ko at tanging mga galaw mo na lamang ang nakikita ko.

Isang malaking pagkakamali ang pagpunta rito. Unti-unting napalitan ng silaw ng patak ng luha ang liwanag na kanina'y nananaig sa silid na ito. Ang kaninang makipot na daan ay parang kusang lumuwang, ngunit at puso ko ang unti-unting sumikip kadahilanang ito'y hinawakan ko.

Ang tanawing nakita ang nagpabagsak ng mundo ko, natigil ang pag-ikot at waring inapak-apakan resulta ng pagkadurog nito, maging ang puso ko....

Ang gabing iyon ang hinding hindi ko malilimutan. Bagaman dalawang taon na ang nakakalipas ay patuloy pa din akong inuusig ng mga alaala.

Nakaupo ka sa isang silya, hawak hawak ang bewang ng babaeng kay tagal mong hinintay, unti-unting lumapit ang iyong mukha at nasa malayo ma'y kitang kita ko ang paglalapat ng inyong labi.

Hindi nakayanan ng aking puso ang nasaksihan, ang sya'ng pagtalikod ko ay ang sya ring pagtalikod ko sa lahat ng ugnayan ko sa'yo.

"Sana'ya maging masaya ka sa pinili mo. Mahal na mahal kita..." patuloy ang pagpunas ko sa mga luha kong di maawat awat sa pagtulo "Paalam, Kazhir."