Chapter 25 - Chapter 24

***

Taimtim siyang nag papahinga sa likod ng Unibirsidad habang kumakain ng Mansanas, mariing siyang natawa ng maisahan niya si Lion. Natakas niya ang kumag, pero alam  iya rin naman na mahahanap at mahahanap parin naman siya nito kahit mag tago pa siya.

Mula sa kanyang bag kinuha niya ang libro na binigay pa sa kanya ng tita Ginger niya, nais niyang basahin iyon sa palasyo subalit mas naisip niya na mas magandang umpisahan niya muna ang unang chapter ng libro.

Muli siyang kumagat ng mansanas saka niya binuklat ang aklat sa unang pahina. Ngunit hindi paman niya na uumpisahan may mga pares na mga sapatos ang sumulpot sa harapan niya. Kayat agad siyang nag angay ng mukha na sana ay hindi niya na lang pala sana ginawa.

"Can we talk? " Malamig nitong sabi, ngunit walang tugon mula sa kanya bagkos inayos niya ang kanyang gamit. Bago niya kinuha ang saklay nanasa damuhan.

Hindi niya pinansin ito, mariing lamang siya nitong pinagmasdan bago muling nag salita.

"Kara.. "

Shit! Wag kang lumingon Kara..

"Kara, please let's talk. "

Saka siya nito hinigit  na kanyang ikina bigla at kamuntikan na siyang mawalan ng balanse kung hindi lamang siya nito maagap na hawakan sa baywang.

"W-wala na tayong dapat pang pag usapan. " Sabi niya saka siya mabilis na lumayo rito.

"Ngayon lang Kara---"

"Leave me alone. "

Sabi niya bago niya ito talikuran subalit sadyang makulit ito. Muli siyang hinigit pero agad naman din siyang napalingon sa kanan ng may isa rin humawak sa kabilang kamay niya.

"Ayaw ka nga niyang maka usap diba? Leave her alone dude. " 

Lumingon siya kay Lion. Bago kay Hashim na madilim ang mukha.

"Pewede ba hindi ikaw ang kausap ko---"

"Gago ka pala talaga, ayaw ka nga niyang ka usap hindi kaba maka intindi? "

Bago nito hinawi ang kamay ni Hashim na nakahawak sa mga kamay niya. Subalit hindi paman siya nakakapag salita at si Lion mabilis ng bumulagta si Lion sa damuhan.

"Oh, god.. " Hindi na niya naawat ang mga ito sa pang bubuno. Hindi niya rin alam kung papano aawatin ng mga ito.

Damn.

"Wag kang! Makialam hindi ikaw ang pakay

ko! "

"Shut up! Layuan mo na  siya, wala kanang karapatan pa na lapitan siya! "

Galit na sabi ni Lion bago nito sinugod si Hashim ganon din ito tila ayaw mag paawat ng mga ito nataranta na siya ng makita niyang tumilapon si Lion ilang diba ang layo. Shit!

Hindi siya puwedeng manahimik na lang , baka mag patayan na ang mga ito.

"Tama na! Please.. Hashim! Itigil mo na yan baka mapatay mo si Lion. "

Pakiusap niya ngunit bingi ang mga ito at nag patuloy parin sa pag susuntukan, napalingon na lamang siya sa mga bagong dating na ina Ragen at Covil agad naman na aawat ang dalawa.

Agad naman lumapit si Ragen kay Hashim nang lilisik ang mga mata nito.

"Binalaan na kita Hashim, na hindi kana puwede pang lumapit kay Kara. "

"Kailangan ko lang siyang maka usap kahit ilang minuto lang---"

"Enough! And leave her alone, if you won't die. "

Sabi ni Ragen bago tumingin si Hashim sa gawi niya habang naka alalay si Covil sa kanya na kikiusap ang mga mata nito.

Subalit matigas ang pinsan niya saka lumapit sa kanya agad siya pinangko nito na sundan niya na lamang nang tingin ang binata habang papalayo sila rito tila nasaktan ang puso niya ng mga sandaling makita ang itsura nito. Napakagat labi na lamang siya.

Hindi mang yayari ang gusto niya dahil ramdam naman niyang wala talaga itong na raramdaman para sa kanya kaya mas mabuti ng tuluyan na talaga silang hindi magkapalapit pa.

©Rayven_26