"Ma!, ako nalang po ang pupunta sa parke!!!"Â pamamaalam ko kay Mama
"Paano ang trabaho mo sa shop?!"
"Nandiyan kasi ang anak ni Ma'am Alison wala daw pagkaabalahan kaya yung anak daw muna niya ang magtitinda sa shop."
"Tinagkal ka sa trabaho?!"
"Hindi naman Ma!, pinatigil muna ako mga tatlong araw lang daw naman ang anak niya dito kaya ok lang yun."
"Edi wala kang trabaho ng tatlong araw?!"
"Parang ganun na nga Ma... kaya tutulong nalang muna ako kay bunso sa pagdeliver ng mga niluto mo."
"Sige na sige na"
Kinuha ko ang mga tupperware na may lamang mga lutong ulam. Nagtaka ako nang makita ko si Mama sa tabi ko.
"Bakit Ma?"
"Sure ka ba na ayaw mo ituloy ang pag-aaral mo?"
"Ma, alam mo naman na hindi natin kaya diba nagaaral na si Emily ng high school pag nakisabay pa ako mawawalan tayo ng budget. Dagdag pa na pinipilit ko ipaayos itong bahay natin."
"Anak, pwede ka naman makakuha siguro ng scholarship matalino ka naman atsaka masipag mag-aral. Sigurado ako na makakakuha ka ng scholarship. "
"Ma, hindi nga pwede, mawawalan ako ng oras para magtrabaho. Magigipit tayo Ma..."
"Sige na hindi ko na pipilitin. Pero tatandaan mo na mas maganda kung makakapagtapos ka ng kolehiyo para makakuha ka nang magandang trabaho."
Tinanguan ko nalang si Mama.
"Aalis na ako Ma"
"Mag-iingat ka baka makipagbasag ulo kananaman diyan sa may kanto"
Tinawanan ko nalang si Mama.
Naglakad na ako paalis ng bahay. Nadaanan ko pa ang shop na aking pinagtatrabahuhan. Nakita ko ang anak ni Ma'am Alison nagulat ako nang tumingin ito mismo sa mga mata ko. Ang ganda pala ng anak ni Ma'am Alison pero parang ang weird niya naman dahil tumitingin parin siya saakin o sadyang assumera lang ako....
Pinagsawalang bahala ko nalang iyon dahil baka hindi naman ako ang tinitingnan niya. Pumunta ako sa may parke kung saan nagtitinda ang mga vendor ng mga sari-saring pagkain.
Hindi ko na isinama si Em sa paghatid dahil may praktis daw siya. Kaya madami akong bit-bit na eco bag. Si Em kasi ay member ng isang performing club sa school nila. Kung sa sayawan lang naman ay masasabi ko na may ibubuga kami ng kapatid ko.
Isa-isa ko ng binigay ang mga order na ulam ng mga vendor. Kay Mama kasi sila bumibili. Sideline ito ni Mama dahil ang totoo niyan ay cook siya sa isang karenderya.
Pauwi na ako sa bahay at nakita ko ang anak ni Ma'am Alison na pinaliligiran ng mga tambay sa isang eskinita na teritoryo daw ng mga basag ulo dito. Ito din yung mga tambay na nakabangga ko noong isang araw ahh.
Naglakad ako agad papunta sakanila.
"Ang ganda mo naman miss"
"Oo nga, miss isang kiss naman jan oh"
"Lumayo nga kayo saakin!"
"Palaban pare, yan ang mga tipo ko ehh"
"HAHAHAHHAHAHHA"Â nagsitawa naman ang iba pa nilang kasama.
Lumabas ako sa pinagtataguan ko at kinalabit ko ang isang kasama nila.
"Pre may isa pang magandang binibini dito. Gusto din yata makisali..." sabay tawa ng napakalakas na animo'y napakalinis ng madilaw na ngipin at napakabango ng kanyang masangsang na hininga.
Nagsilingon naman ang mga kasamahan niya pati narin ang anak ni Ma'am Alison.
"Ohh, ikaw pala yan Calli. Hindi ko pa nalilimutan ang ginawa mo sa amin noong isang araw."
"Bakit Rence ano bang ginawa ni Miss beautiful?"
"Wag mo nang alamin Jason pagiinitan kalang ni boss" rinig kong bulungan nung dalawang nasa gilid ko.
"Anong ginagawa mo sakanya?"
Tanong ko sa boss kamo nila na si Dev. Sabay turo dun sa anak ni Ma'am Alison na kanina ko pa napapansin na nakatitig saakin.
"Wag mo na kami pakialaman Calli kung ayaw mo madamay." Ani ng boss nila na si Dev.
"Paano ba yan damay na ako, anak ng boss ko ang kinakanti ninyo." Nakita ko ang bahagyang pagkagulat ni Dev.
"Anak nung Alison na yun ito?!" Aniya
"Akalain mo nga naman na may anak yun na maganda akala ko pa naman ay matandang dalaga yun."
"HAHAHAHAHAHHA "Â nagtawanan na naman silang mga baliw.
Hinigit ko sa braso ang anak ni Ma'am Alison kaya napapunta ito sa tabi ko. Bigla naman nagsipagtigil sa pagtawa ang mga adik na tambay na ito at sinamaan ako ng tingin. Hindi naman ako nagpatalo at sinamaan ko din sila ng tingin.
"Ayaw magpatalo bossing gusto talaga ng away nitong si Calli."
"Bibigyan kita ng isa pang pagkakataon. Umalis kana. Pagbilang ko nang tatlo dapat wala kana dito."
"Isa"Â nginisian ko lang siya
"Dalawa"
"Tatlo" bigla kong sabi. Sabay taas ng kilay.
"Marunong akong magbilang hindi mo na kailangang pa gawin ang bagay na iyan."
"Talagang sumusobra na siya boss!!"
"Anong gagawin natin sakanya bossing?"
Tanong sakanya nung nasa kanan niya bale mga anim sila. Tinititigan lang ako ni Dev. Tinataasan ko naman siya ng kilay at nginingisian.
Nang biglang may tumawag sa kanya.
"Kayo na bahala sa kanya. May pupuntahan lang ako."
"Sige bossing"Â saad nila habang mga nakasaludo, nakakatawa talaga sila mga mukhang tanga.
Tiningnan ko muna ang kalapit ko at nakitang hindi man lang ito kinakabahan katulad ng ibang babae na winawalangya nila. May nasesence tuloy ako sakanya.
"Paano ba yan wala na si boss tayo na daw bahala... Hahahah..."
Lumapit ito sa akin at bago paman makahawak saakin ang madumi niyang kamay sinipa ko na agad ito sa tuhod kaya napaluhod ito, tinuhod ko ang ulo at nakitang nawalan ito ng malay.
Â
One down four to go...
Sumugod saakin ang dalawa kaya kinapitan ko ang isa sa kamay bago sinipa sa tiyan nito tapos hinila ko ito patungo sa isa niyang kasama at sinipa ulit kaya natumba silang pareho.
May dalawa pang natitira. Sumugod yung isa kaya pagkalapit sinuntok ko kaagad tumakbo naman yung isa pa na nakahanda na ang kamao kaya umiwas ako at hinigit ang kanyang braso patalikod saakin at sinipa ko siya sa binti at pinatulog ko ito sa pamamagitan ng paghampas sa batok.
Hinila ko na siya para makaalis na kaagad.
Hinatid ko siya sa kanto kung saan naka tayo ang bahay nila.
"Anong pangalan mo?" tanong ko sakanya.
"Ikaw ang anak ni Ma'am Alison diba?"
Hindi man lang niya ako kinakausap.
"Aalis na ako sa susunod mag-iingat ka."
Akala ko ay di na niya ako sasagutin kaya aalis na sana ako ngunit...
"I'm Aurora, If you discover something strange you can tell me"
Kahit na hindi ko masyado maintindihan ang ipinapahiwatig niya nginitian ko nalang siya.
"Salamat Aurora, tatandaan ko ang mga sinabi mo."Â
Pagkasabi ko nito ay umalis na ako. Madami pa akong gagawin sa bahay.
.......