Chereads / Generation Z. / Chapter 1 - Generation Z

Generation Z.

Chelsea_Amber
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 4k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Generation Z

Sabi nila, Ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Pero bakit ganun? Tayong mga kabataan ay hindi nila pinapakinggan? May kamalayan ba kayo sa mga nangyayari sa ating lipunan? Paano nga ba natin ito matutugunan at mabibigyan ng solusyon?

Palaging may tama at maling paglaban. Ang tamang paglaban ay may tamang dahilan at basihan. Ang maling paglaban ay paglaban para lang sa sarili mong kagustuhan. Dapat alam mo kung mali ba o tama ang iyong pinaglalaban. Dahil mahirap kapag sa nilikha mong laban, ikaw pa ang naging talunan.

Marami pa rin tayong mangmang at nagbubulag bulagan sa mga nangyayari sa bansa natin. Hindi ka ba nagagalit? Hindi ka ba aalma? Samantalang ang mga nakaupo ay nananamantala?

Kung sa tingin natin ay sapat ang ibinibigay ng gobyerno, bakit hindi ka tumingin sa paligid mo? Buksan ang mata at tingnan ng mabuti, wag maniwala sa talas ng pandinig, wag tayo maniwala sa maling pag-asa.

Kaya sa susunod na henerasyon, maging mausisa sa pagpili ng mamumuno, may prinsipyo at hindi iniiwan ang kapwa.

Huwag tayong magbulagbulagan sa mga nagaganap. Sapagkat, tayo ay pag-asa ng hinaharap na makapagpapabago ng lipunan sa magandang paraan.

"Walang naka-aangat sa batas,kahit pa presidente." - Heneral Luna.

Padayon.