Chereads / Celestial Academy. / Chapter 2 - Chapter 2

Chapter 2 - Chapter 2

First day ko ngayon as apprentice, at nandito ako ngayon sa celestial palace para kunin ang magiging gamit ko.

" Apprentice celestina narito na ang mga gamit mo" abot sakin ng babae. Kinuha ko naman ito. Nang palabas na ako biglang may tumawag sa akin.

" Celestina!" tawag sa akin ni erin. Hindi ko talaga gusto ang babaeng to, parang may masama siyang balak. At hindi pwede pagkatiwalaan

" Welcome to Celestial Academy! I hope na mag enjoy ka dito " sabi ni erin

" thank you" maikli kong tugon. Ngumiti lang siya sa akin at tinalikuran ko na sya. Nang palabas na ako ng palasyo may sinabi siya

" sana huwag mong tularan ang magulang mo" rinig kong sabi niya bago ako makalabas ng celestial palace. Anong ibig sabihin niya? Bakit hindi ko dapat tutularan si mom and dad? bakit? may mali ba silang ginawa? Ano ang hindi ko alam, Sa sobrang kakaisip ko hindi ko namalayan na may nakabangga na pala ako.

" im sorry" paghingi ko ng paumanhin. Wala ako sa mood magsungit ngayon. Iniisip ko pa rin ang sinabi nung erin bat ba simula nung pumasok ako rito ang gulo gulo na!

"It's okay miss " sabi niya sabay smile sa akin. Gosh nasabi ko bang cute siya? His pinkish lips, his grey eyes and cute smile

"Miss are you okay?" nag aalalang tanong niya.

Nahimasmasan naman ako ng tapikin niya nakatulala pala ako sa kanya.

" I'm okay. Sorry again" sabi ko gosh! nakakahiya ! bat ako natulala sa kanya.

" im grae and you are?" pagpapakilala sabay lahad ng kamay niya. Tiningnan ko naman ang kamay niya. Mahirap na baka kung may ano at baka maulit yung dati. At sana hindi siya tulad ng lalaki kanina.

" ahahaha don't worry miss wala yan na kahit na ano. I 'am a god of water " sabi niya

" so nagtutubig lang kamay mo?" Inosente kong tanong.

" pffft ahahaha yeah i'am a god of water but it doesn't mean na nagtutubig na kamay ko at ano mang parte ng katawan ko" sabi niya habang tumatawa ng malakas. Tama nga naman hays ang boplaks mo celestina ba't di mo yun naisip ngayon napahiya ka nanaman.

"Sorry. Im Celestina Cassandrina" pagpapakilala ko sabay abot naman ng kamay ko nag shake hands kami

"Nice meeting you ice princess" nagtaka naman ako sa sinabi niya. Bat alam niya? ei hindi ko naman nasabi sa kanya.

" alam ko nagtataka ka, you know what? isa pa na kakayahan ko na makaramdam ng kapangyarihan ng iba" paliwanag niya

" aa " sabi ko na lang. Hindi pa rin ako makapaniwala sa kanya. Lahat ba ng apprentice dito may kakaibang kakayahan bukod sa kapangyarihan nila.

" so saan ang punta mo celestina hatid na kita " pag alok niya

" sa Celestial room 143 " sabi ko. Pumayag naman ako na ihatid niya ako magiging choosy pa ba ako? baguhan lang ako dito. Hindi naman malayo ang building kaya agad kami nakarating. Hmm mukhang high class ang building na to parang hotel ang style. Sumakay na kami ng elevator para pumunta sa 16th floor nandun kasi ang room ko. Kala ko ang pangit ng facilities dito pero mali ako.

" pano yan ito na ang room mo, so see you later celestina, if you need anything just call me . Kasabay mo lang ang room ko" sabi niya sabay turo sa kabilang room. Kada floor may 3 rooms. Hmm sino kaya yung isa?

" thanks grae sige bye" sabi ko at pumasok na sa room ko

Nilapag ko ang gamit na binigay sa akin kanina. Sa ngayon ito lang gamit ko. Hindi na kasi ako pinadala nila mom at dad ng kahit na anong gamit kasi bawal daw iyon. Paano naman? ano gagamitin kong underwear? pati yun bawal. Pero dahil sa masunurin akong anak nagdala ako ng damit at gadgets ko galing sa outside world na hindi nila alam.

Binuksan ko yung bag na binigay sa akin kanina. May damit este uniform na nakalagay sa left side ang logo ng school at sa may balikat naman ay no. 1. Teka bat may number? para saan to? Binaba ko muna ang uniform at tiningnan pa ang laman ng bag may watch na kakaiba. Aanhin ko naman ito? Ei samantalang may malaking clock sa labas ng celestial palace. Nagulat ako ng biglang tumunog at umilaw ang watch

" You have 30 minutes to prepare before your 1st subject at celestial room 109" sabi ng watch. Hologram watch exactly. Mas lalo ako napahanga super advance rin pala ang technology dito. Nagmadali naman ako baka malate ako nakakahiya first day ko pa naman. Pero dadalhin ko ang phone ko alam kong bawal to pero walang makakapigil sa akin. Ako si Celestina Cassandrina walang bawal bawal pag ako na.

Sinout ko na yung uniform na binigay sakin. Not bad. maganda ang uniform nila blouse ang skirt. Sinout ko rin ang hologram watch na binigay sakin. Kinuha ko rin yung backpack na binigay kanina at sinuot na. Lumabas na ako sa room ko at sakto naman na palabas na rin si grae na naka uniform na rin

" ow nice bagay saiyo ang uniform ang sexy mo lalo " puri niya sakin. Nginitian ko siya. Siya rin naman mas lalo siyang naging cute sa uniform na suot niya. Teka bat number 2 ang nasa balikat niya? ano ba ang ibig sabihin ng number na ito na nakaukit sa uniform namin. " magkalaban pala tayo hahaha " sabi niya habang nakatingin sa number ng uniform ko

" teka para saan ba tong number? " tanong ko

" aa yang number na yan diyan makikita kung anong district ka i mean kung anong team ka makakasama ." paliwanag niya. Nagsimula naman kami maglakad. Pero hindi ko pa rin maintindihan kung para saan ang grupo

" so you mean district 2 ka ?" tanong ko

" obvious naman diba ahahaha " sabi niya sabay pakita ng number niya. Nakaukit ito sa color blue at sa akin naman ay red

" teka hindi ko maintindihan bakit may ganun ? ang akala ko walang ganto at bakit magkaiba ng color ang number natin sa uniform?" tanong ko Hindi ko pa rin maintindihan kung ano talaga. Wala naman kasi nabanggit si mom at si dad tungkol dito nagmumukha tuloy akong tanga.

" ganito kasi iyon, every district may tinatawag na superior may limang  superior dito sa academy at iyon ang pinakamatataas na rank at magagaling dito, then each group may tinatawag silang power rank kung saan nagpapataasan ng rank at nag papatagisan ng kapangyarihan bawal ang kulelat pag 3 beses ka na sa pinakamababang rank maykaparusahan na naghihintay saiyo" paliwanag niya sa akin. Sa ngayon medyo nalilinawan na ako sa sinabi niya. pero napaisip ako kung sino ang tinutukoy niyang superior malalakas ba talaga sila?

" sino naman yung limang superior dito? ano role nila dito ?" tanong ko ulit

" sila? malalaman at makikilala mo din sila mamaya may celestial battle mamaya kung saan sila ang hurado para sa maglalaban na iba't ibang district " sabi ni grae hindi ko namalayan na nandito na kami sa room. YEAH magkaklase kami. Niyaya na niya ako pumasok .

Pumasok na kami sa room at may nakita akong hindi kanais nais.

"Hey bro! Maaga ka ngayon ah" Sabi naman ni grae dito sa lalaki na nakaaway ko .

" nice to see you again weak , so district 1 ka pala .Ayoko pa naman sa mahihina" sabi ni mr. hell boy habang nakatingin sa akin. Naguluhan naman ako sa sinabi niya. Nakita ko naman ang number sa uniform niya na 1 din pero iba ang pagkakaukit nito parang may dragon na nabubuo kapag masyado itong tinitigan. Tiningnan ko naman yung kay grae at ganun din. Bakit iba sa kanila? anong meron?

" so sa tingin mo gusto ko rin ang mayabang na katulad mo?" pagtataray ko sa kanya

" na meet mo na pala siya ?" tanong ni grae, naku kung wala talaga tong cutie na grae na to sisigawan ko na itong hell boy na to, sabi kasi ni mom nakakaturn off daw ang babae sigaw ng sigaw in a public place.

" Yeah kanina lang" sagot naman ni hell boy

" so ganun wala ng problema magkakilala na pala kayo ng bago mong studyante. Sige Uno mauupo na kami" sumunod naman ako kay grae sa upuan niya

" Hindi mo sinasabi na nameet mo na pala si uno" sabi nya

" mr . Hell boy? Yeah i met him earlier " walang gana kong sabi naiinis lang ako naaalala ko na naman yung nangyari sa akin

" mr hell boy tawag mo? ahahahaha " tawa niya

"Yeah i have a trauma on him " sabi ko napatigil naman siya sa pagtawa

"what happened?" tanong niya

kinwento ko yung encounter namin nung mr hell boy or Uno daw whatever his name is. Sobrang tawang tawa si grae sa akin hays

" aa kaya pala kanina na nakikipagshake hand ako sayo nag dadalawang isip ka hahaha " hays naalala ko na naman yung kahihiyan ko.

" oo ei kasi naman baka kung ano na naman mangyari sa akin " i said

" don't worry hindi ako ganun at isa pa si uno mabait naman yan kaso strict lang at short temper" sabi ni grae

" mabait ba yun sa lagay na yun ? " sarcastic kong sabi

" oo promise, you should try to know him more" ba't ba pag nagsasalita si grae napapa oo na lang ako. Sana lahat ng tao ganito kay grae.

after 3 hours natapos na rin sa wakas. I admit na medyo boring ang teacher dito.

nag aayos na kami ng gamit ni grae ito naman kasabay ko tulog. Ayos ah pwede pala matulog dito. Try ko nga minsan.

" grae san ka na pupunta ?" tanong ko.

"Canteen lunch time na ei " grae said

" pwede sumama muna ako saiyo grae ? Hindi pa kasi ako familiar dito " sabi ko

medyo nakakahiya pero okay naman siguro wala naman ata masama.

" oh sure ipapakilala na din kita sa barkada ko" grae

" thanks grae don't worry ngayon lang naman to " sabi ko nakakahiya naman kasi

" hays it's okay friends naman tayo diba ?" grae sabay smile "let's go to canteen gutom na ako ei " sabi niya ulit.

" aa sige tara na " sabi ko

habang papunta kami sa canteen pinagtitinginan kami. Di ko alam kung bakit pero may nararamdam akong hiya. May nagbubulong bulungan.

" just ignore them. Hayaan mo sila naninibago lang" grae said sabay smile

nagsmile lang din ako sa kanya . Siguro wala naman mangyayari dito sa akin at di naman ata ako nila susugurin dahil sa mga tingin nila.

" hey bro! Who's that girl?" tanong naman ng isang lalaki na may nakalagay na number 3 sa uniform niya ganun din ang pagkakaukit sa number kay grae pagtinititigan mo may nabubuong dragon pero white ang color nito. nandito na kami sa loob ng canteen at pati rin dito pinagtitinginan kami .

" caddie and austine this is Celestina Cassandrina " pagpapakilala samin ni grae

" hello miss im caddie " sabi naman nung number 3 . So district 3 siya .

" hi im austine nice meeting you celestina " sabi naman ni austine na nakalagay sa uniform niya ay 4 so district 4 siya at ganun din sila kay grae iba rin pagkakaukit. Ano bang meron sa kanila?

" im celestina nice meeting you caddie and austine " sabi ko naman. mukhang mababait naman sila.

" teka district 1 ka pala bat kasama mo si grae ? " austine asked

" ahm di ko pa kasi kabisado tong school baguhan lang kasi ako kaya humingi ako ng favor na sumama muna sa kanya " paliwanag ko naman

" i see. So upo na tayo at kumain na nagugutom na ako ei . Ang tagal niyo " sabi nung austine. halatang mahilig kumain.

" kulang pa tayo " napatingin naman ako kay caddie .

tiningnan ko naman si grae nag smile lang siya. May iba pa ba? sino pa kaya hinihintay nila.

" ang speaking of the devil ayan na siya " austine

tumingin naman ako sa pinto ng canteen kasi nakatingin sila. Si hell boy ang tinutukoy nila .

" late na ba ako ? " tanong niya

" hindi pa naman " sagot ni grae

tiningnan naman ako ng masama nitong hell boy. Sinamaan ko rin siya ng tingin. Di ako papatalo sa kanya noh.

" ahem! guys kakain ba tayo o magtititigan na lang kayo diyan ?" tanong ni caddie

" lalamig na yung pagkain oh " austine

iniwas ko na yung tingin sa kanya. Humanda siya . Hindi pa ako nakakaganti sa kanya.

" teka nga may tanong ako . Grae ba't kasama mo si celestina dapat kasama niya si uno kasi district 1 siya " tanong ni caddie habang kumakain kami

" nagpapasama lang sakin si celestina di niya pa kasi kilala daw yung mga ka district niya " sabi naman ni grae

tama naman siya ei. Di ko pa sila kilala at itong si mr. hell boy ayoko nga siya makasama magkakaroon ng world war dito. Hindi ko siya uurungan.

" at isa mukhang di sila magkakasundo " austine sabay tingin saming dalawa. Hindi naman talaga kami magkakasundo nitong mokong na to

nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng biglang tumunog at umilaw ang hologram watch ng apat. Nagtaka naman ako yung akin hindi tumunog. Anong meron?

nagsitayuan naman sila at nagmadali.

" ang bilis ng oras ah" sabi naman ni caddie

" ahm celestina mauuna na kami ah? may gagawin kami . Manuod ka ng celestial battle mamaya na yun doon sa likod ng school " sabi ni grae at umalis na.

nauna na yung tatlo lumabas pero itong si mr. hell boy nakaupo pa at nakatingin sa akin .

" what do you need?" tanong ko

" nothing miss weak welcome to district 1, my team and good luck at ayoko sa team ko ang mahina kundi ..." sabi niya at nagpaliyab siya ng apoy sa kamay niya. Seryoso ba siya?

iniwan niya akong nakatulala. Bat ganun siya? baliw ata yung lalaki na iyon.