Chereads / ANOTHER CHANCE / Chapter 28 - LEADS TO YOU

Chapter 28 - LEADS TO YOU

MIGO's POV

Napagdesisyunan namin na bumisita kay lola lita dahil nga birthday ni mikki ngayon.

"Sasama daw ba sina chester?"

"Kailangan pa daw kaseng mag ayos ng documents ni adrian kaya baka daw dina sila makahabol"Sagot ni mikki.

Habang nagiimpake na kami ay dumating na si josh.

"Goodmorning sainyo!Pinarada kona sa labas yung sasakyan"Ani niya.

Ilang oras pa nang pag aayos ay natapos naden kami.

"Ready na ba kayo?"Tanong ni josh.

"YES!"

"Baguio papunta na kame!"

Pumasok na kami sa sasakyan at nagdrive na si josh papunta sa baguio.

"Dadaan muna tayo sa burnham park tapos doon naden muna tayo mananghalian"Banggit ni josh habang nagmamaneho.

"Diba pedeng deretso nalang byahe?"Tanong ni cherry.

"Mula kase burnham park dalawang oras pa ang byahe papunta kila lola"Sagot ni mikki.

Ilang oras pa ang lumipas ay nakadating na kami sa burnham park.

"Park ko lang muna 'to"Ani ni josh.

Naglakad lakad muna kami habang hinihintay si josh.

"Sakay tayo don sa may swan"Pagaaya ni cherry.

"Oh ayan na si josh,Tara na"

Sinubukan namin ang ibat ibang pwedeng gawin sa burnham park at pagtapos nito ay naghanap na kami ng makakain.

"Canto bogchi joint?Ayun daw pinakamalapit na food spot mula sa kinatatayuan naten"Ani ni cherry.

"Alam koyan diyan ako dinadala ni lola dati"Sagot ni mikki.

Pumunta na kami doon at kumain,Matapos ang ilang oras na pagkain ay bumalik na kami sa sasakyan para ituloy na ang pagbyahe.

"Ano yan?"

"Ofcourse strawberry taho"Sagot ni cherry.

"E baket nasa tumbler mo?"

"Syempre para sulit talaga ang Baguio trip"Sagot niya pa.

Matapos pa ang ilang oras sa byahe ay nakarating naden kami sa bahay ng lola ni mikki.

"Andiyan na pala kayo"Salubong saamin ni lola na may kasamang ngiti.

"La diba sabi ko hintayin niyo kami sa loob ng bahay"Ani ni mikki.

"Ay nako apo minsan nanga lang kayo dumalaw e diko pa kayo sasalubungin"Sagot pa nito.

Pumasok na kami sa bahay at pinaghanda na kami ng pagkain,Matapos kumain ay inaya na muna kami ni lola lita para magpahinga.

Habang nag aayos si mikki sa kwarto ay lumabas na muna ako para magpahangin.

"mukang malalim ang iniisip mo ha?"Tanong ni josh habang papalapit saakin.

"Ang saya lang kase hanggang ngayon magkakasama paden tayo,Teka!Bat nga pala dimo tinutulungan si cherry mag ayos?"

"Tapos na,Nagpapahinga na siya atsaka ayoko na muna siya istorbohin"Sagot nito

"Ahhh maiba ako kamusta na pala status niyo ni cherry?"

"Mas mabuti nalang siguro yung gantong magkaibigan lang muna kami atleast nagagawa niya yung dapat niyang gawin"Sagot pa nito.

"Alam mo wag ka mawawalan ng pag-asa kase kung Para talaga kayo sa isa't isa kahit gaano pa katagal yan,pagtatagpuin at pagtatagpuin ulit kayo"

"Alam ko naman yun atsaka hindi ko den siya minamadali"Sagot niya.

"Kaya habang hindi pa kayo pinagtatagpo try to build yourself first kase instead of waiting the perfect person,be the right person"

"Alam mo saludo talaga ako sayo kaya ang tagal niyo naden ni mikki e"pabirong Ani ni josh.

"Alam mo kung kuntento kana talaga sa isang tao at alam mo na hindi niya kayang gumawa ng ikakasira niyo,Hindi kana magdududa na siya na makakasama mo habang buhay"

Naputol ang usapan namin nang tinawag na ako ni mikki para pumasok sa kwarto.

"Samahan moko umakyat ulit ng bundok"Pagaaya ni mikki.

"Yung Feel free Mountain?"

"Mismo!"

Lumabas na kami ng kwarto at bago kami umalis ay sumalubong samin si Lola.

"Oh saan kayo pupunta?"Tanong nito.

"Ahh pupunta lang po kami sa feel free mountain la"Sagot ni mikki.

"Magiingat kayo ha atsaka umuwi den kayo agad at baka abutan kayo ng dilim"Ani nito.

Hindi na namin inaya sina cherry dahil nakita namin na natutulog na sila kaya naman pumunta na kami sa bundok.

"May mabigat ba sa damdamin mo?"

"Gusto ko lang mag muni muni"Sagot niya.

Habang nakaupo kami ay napansin ko na nakatitig saakin si mikki.

"May dumi ba sa muka ko?"

"Sorry migo"Ani niya.

"Sorry saan?"

"Sorry kase diko nasusuklian yung pagmamahal na binigay mo saakin"Sagot niya.

"Alam mo hindi mo naman kailangan suklian yung pagmamahal ko dahil ikaw palang sobra sobra na"

"I love you"Banggit niya sabay patong ng kanyang ulo sa balikat ko.

"Magiisang taon na pala tayo no?ilang buwan nalang at masaya ako dahil ikaw paren kasama ko araw araw"

"Masaya den ako na nandiyan ka palagi para sakin"Ani niya.

"Pangako ko sayo mikki nandoon ako sa pinaka masayang araw mo"

"Ako lang?Pinaka masayang araw naten!"Dagdag niya.

Ilang minuto pa ay palubog na ang araw

"Sunset na!"

"Ang ganda no?"Tanong ni mikki.

"Kaya nga e,Wait!Picture tayo"

Pagkatapos namin mag picture ay bumaba na kami ng bundok dahil pagabi naden.

"Ba't nakapatay ang ilaw?"Tanong ni mikki.

"Ako na muna papasok,Sunod kalang sa likod ko"

Nakapatay ang ilaw sa buong bahay ni lola kaya naman kinabahan na kami at pagpasok namin ay nagulat kaming dalawa.

"HAPPY BIRTHDAY MIKKI!"Sigaw nila.

"Hala thankyou"Ani ni mikki.

"Happy birthday apo"Banggit nito sabay yakap kay mikki.

"Saan kayo nagpunta ha?"Pabirong Tanong ni josh.

"Ahh pumunta lang kami sa bundok"

"Mamaya na ang kwentuhan,Halina't kumain"Pagaaya ni lola.

MIKKI's POV.

Pagkatapos namin kumain ay nagligpit na kami at nagpahinga na muna.

"Gusto mo naba pumasok sa kwarto?"Tanong ni migo.

"Mauna kana muna at tutulungan kopa si lola sa gamit niya"

Ilang minuto pa ay biglang nag ring ang cellphone ko.

*RING RING*

"Mikki ba't ka nag day off?"Tanong ni bryce.

"B-Bryce?Ba't kaba tumatawag?"

"Nasaan ka ngayon?iniiwasan moba ako?"Tanong nito.

"Nasa bahay ako ni lola atsaka pwede ba wag ka tawag ng tawag mamaya malaman pa ni migo e"

"Sorry,Happy birthday nga pala ah"Ani niya.

Naputol ang usapan namin nang bigla akong tinawag ni migo.

"Mamaya ka nalang tumawag"

Pumunta na ako sa kwarto at tinulungan ko na siya sa pag aayos ng higaan.

"Maliligo lang ako ah"

Pagkapasok ko sa cr ay naligo na ako at ilang minuto pa ay bigla akong tinawag ni migo.

"Mikki may tumatawag sayo kaso wala namang pangalan"Ani niya.

Kinabahan ako,Alam mo yung feeling na kahit malamig ay pagpapawisan ka.

Pagkalabas ko ng banyo ay nakaabang sa pintuan si migo.

"M-Migo?"

"Ano yon mikki?Baket?"Ani niya.

"Let me explain migo"

"Baket naman hindi mo agad sinabi saken mikki?"Tanong niya.

"M-Migo"

"Ang dami dami mo ng gamit tas umorder ka nanaman sa shopee,Buti nalang talaga at nandoon si manang para bayaran yon"Sagot niya.

"S-Shopee?"

"Oo,Minsan naman sasabihan mo ako ayan tuloy tumawag pa sayo yung rider kung nakuha mo daw ba"

"Ahhh shopee!"

Ilang sandali pa ay pumasok sa kwarto si lola.

"Apo sa makalawa naba talaga ang uwi niyo?"Tanong niya.

"Ahh Opo may pasok pa po kase kami nila migo atsaka babalik napo sa ibang bansa si cherry"

"osige,Magpahinga na kayo ha"Banggit niya sabay labas ng kwarto.

Nahiga na kami ni migo at nagpahinga naden dahil napagod kami ngayong araw