Chereads / ANOTHER CHANCE / Chapter 20 - SIN

Chapter 20 - SIN

BENNIE's POV

[MARCH 1965]

Katapusan na ng school year namen kaya naman nag aantay nalang kami sa resulta nang biglang habang naglalakad kami sa hallway ay may mga nagtatakbuhan at hinarang ni Felix ang isang lalaki.

"ano nangyayare?"Tanong niya.

"Nakapaskil na daw sa baba lahat ng mga nakapasa"Sagot ng lalake.

Nagkatinginan kami ni Felix at dumiretso na kami sa baba para tingnan ang mga nakapasa.

"Bennie kinakabahan ako"Ani niya.

"Wag kang kabahan,Tara na tingnan na naten"

Tiningnan na namen lahat ng pasado at...Nakita namen ang pangalan namen

"Bennie pasado tayo!"Sigaw niya

"Sabi naman sayo e"

Niyakap niya ako ng mahigpit "salamat talaga Bennie"Bulong niya.

"Ano kaba!Pasalamatan mo sarili mo dahil nakapasa ka"

Habang naglalakad kami ay nakasalubong namen si Lita.

"Lita!"Sigaw ko.

Tumingin lamang ito saakin at niyakap niya ako.

"Bennie hindi ako nakapasa"Banggit niya habang umiiyak.

"Meron pa namang chance next month e"

"Pero hindi ako makakasabay na grumaduate sainyo"Sagot niya.

"Ayus lang yon!Basta ang mahalaga makapasa kana sa susunod"

"Salamat"Sagot niya pa.

"Laban?"

"Laban!"Ani niya

Nagpaalam na ako kay Lita at tumungo kami ni Felix sa sikat na kainan sa binondo.

"Felix first time ko pumunta dito sa maynila"

"Ayus lang yan,Uuwi den naman tayo agad"Sagot niya.

Pagkatapos namin kumain ay naglakad lakad muna kami hanggang sa inabutan na kami ng gabi at napaupo kami sa gilid.

"Bennie salamat ulet ha"Ani niya.

Ngumiti lamang ako at bigla niyang hinawakan ang hita ko.

"Anong ginagawa mo?"*inalis ko ang kamay niya*

Hinawakan niya pa ulit at binilisan ang paghimas.

"Felix!"

"Bennie alam kong alam mo yung nararamdaman ko sayo"Ani niya.

"Ano bang pinagsasabi mo?"

Niyakap niya ako ng mahigpit at pinilit na hubarin ang suot ko.

"Tangina Felix sinabing tumigil kana!"

"Sinabi kong mahal kita diba?Bat ayaw moba maniwala saken"Tanong niya.

"Dahil hindi totoo yang nararamdaman mo!Libog lang yan!Parehas tayong lalake"

"Eh ano naman kung parehas tayong lalake?Anong pinagkaiba non sa pagmamahalan ng babae at lalake?"Banggit niya sabay hawak sa kamay ko.

"Bitawan moko!"

Dinala niya ako sa may bus station.

"Umuwi na tayo baka hanapin kapa ng magulang mo"Ani niya.

Napatingin ako sakanya at nakita ko ang pagtulo ng luha sa kanyang mata.

Pagkabalik namin sa baryo ay nilakad nalang namin ang daan papunta sa bahay.

"Alas dose na pala"

habang naglalakad ako ay biglang huminto sa daan si Felix.

"Anong ginagawa mo diyan?"

"Dito lang ako!"Sagot niya.

"Nasisiraan ka naba ng bait?"

"Dito lang ako hanggat dimo inaamin na may nararamdaman ka den saakin"Ani niya.

"Bahala ka diyan!"

Pinagpatuloy ko na ang paglalakad dahil alam ko na hindi niya kakayanin ang manatili doon.

Makalipas ang kalahating oras ng paglalakad ay tumingin ako sa likod ngunit wala pa den siya kaya naman tumakbo na ako pabalik,,,Pagkabalik ko ay nakita ko siya na nakaupo sa daan at nakatingin sa langit.

"Nasisiraan kana ba ng ulo?"

"Sinabi ko naman sayo diba hindi ako aalis dito hanggat dimo sinasabi na may gusto ka den saakin"

"Oo na!"

*tumayo siya*"ulitin mo yung sinabi mo"Ani niya.

"Gusto den kita!"

"Woohoo!!"banggit niya sabay yakap saakin.

"Tara na umuwi na tayo"

Pagkapunta ko sa bahay ay nakasarado na ito dahil ayoko naman na istorbohin pa sila ay inaya na ako ni Felix na sakanila matulog,,,,pagkadating namin doon ay naabutan namen na nandoon ang magulang ni felix.

"Oh felix balita ko nakapasa kadaw"Ani ng tatay niya.

"Opo"Sagot ni Felix.

"Hayaan mo may regalo ako sa birthday mo"Sagot niya.

"Talaga?"

"Oo,Ngayon ka lang nagdala ng kaibigan sa bahay ah!Buti naman at nagbago kana sinasabi ko nanga ba at titino ka dito sa probinsya e"Sagot ng tatay ni Felix.

"Ah ngayon lang po siya nagdala ng kaibigan niya dito?"

"Oo"Sagot pa niya.

Tiningnan ko si Felix at napakamot nalamang siya sa ulo niya,,,Umakyat na kami sa kwarto niya at naligo na siya.

"Bennie paabot nga ng towel"Ani niya.

"Bahala ka diyan nakikinig ako ng Radyo e"

Ilang sandali pa ay lumabas na siya ng cr at nabitawan ko ang aking iniinom ng lumabas siya na walang tapis.

"Wag mona takpan yang mata mo!Matitikman mo den naman to sa susunod"Pabiro niyang sabi.

"Gago!"

Natulog na kami at pagkagising ko ay nagpaalam na muna ako sakanya dahil uuwi na ako ng bahay.

"Oh Lita ba't ka andito?"

"Sinungaling ka!"Ani niya.

"H-huh?"

"Diba sinabi ko sayo una palang na may gusto ako kay felix"Tanong niya.

"Oo"

"Eh ba't nagyayakapan kayo kagabi?"

"W-wala yon,Makaibigan kami ano pa bang iisipin mo"

"Sana nga wala yon bennie!"

Umalis na siya at pumasok naden ako sa loob ng bahay.

"Oh anak nakausap mo ba si lita?"Tanong ni mama.

"Ah opo"

"Saan kaba nagpupupunta ah at dika dito natulog?"Tanong niya.

"Ahh nagkasiyahan lang po kami ng kaibigan ko kase nakapasa po kami"

"Galing talaga ng anak ko!Oh siya pagluluto kita ng paborito mo,Gisingin mo na pala si audrey at kagabi kapa niya hinahanap"

Lumipas ang ilang buwan ay lalo pa kami mas naging malapit ni Felix.

"Bennie nandito si felix"Sigaw ni mama.

"Oh ano ginagawa mo dito?"

"Gusto sana kita ayain bukas na pumunta sa bahay dahil birthday ko"Sagot niya.

"Ay oo nga pala,Sino sino tayo doon?"

"Madami!"Sagot pa niya.

Kinabukasan ay pumunta na ako sa bahay nila at pagpasok ko ay ako palang ang bisita.

"Ayan na pala yung bisita mo nak"Ani ng mama ni Felix.

"Felix nasan na yung iba mo pang kaibigan?"Tanong ng papa niya.

"Ahh hindi daw po sila makakapunta e"Sagot nito.

"Ay sayang naman"Ani ng mama niya.

"Pinlano mo 'to no?"

Ngumiti lamang siya at kumain na kami at ilang oras pa ay dumating na ang kaibigan ng tatay ni Felix.

"Kumpare buti naman at nakaabot kayo"Ani nito.

"Nasabi mona ba kay Felix?"Tanong ng kumpare.

"Pa anoyon?"Tanong ni Felix.

"Ah anak napagdesisyunan na namin ng mama mo na hanapan kana ng mapapangasawa"Sagot nito.

Nanlaki ang mata namin dalawa at napatingin saakin si Felix.

"Pa 19 palang ako!"Reklamo ni Felix.

"Kami ng mama mo ng kinasal ay 17 kami parehas pero tingnan mo naman kami ngayon"Sagot nito.

Biglang pumasok mula sa labas si Lita.

"Kumpare ayan naba yung anak mo?"

"Lita?"

Ngumiti lamang si Lita.

"Pa ayoko pa po magpakasal!"Ani ni Felix.

"Magpapakasal ka kung ayaw at sa gusto mo!Susundin mo kami!"Sagot ng papa niya.

Lumabas ako at narinig ko na tinawag ako ni Felix ngunit hindi na ako lumingon.

Matapos ang pangyayari nayon ay hindi na muli kami nagkita ni Felix at balita ko ay lumipat na sila sa baguio.

[35 years later]

Nakapag pangasawa naden ako at nagkaroon na ng pamilya.

"Bennie pumunta ka bukas sa reunion naten ha"Ani ni dennis.

"Sige"

"Mahal magiingat ka ha at baka masyado kang magpakasaya malimutan mo na may sakit ka"Ani ni Gina.

Si Gina ay naging asawa ko pagkatapos ko maka graduate sa kolehiyo meron na kaming tatlong anak.

Pagkatapos ng tatlumpung taon ay ngayon ko lang ulit nakita ang mga kaklase ko lahat kami ay may kanya kanya ng pamilya,Naalala ko lang noon naglalaro pa kami sa hallway ng eskwelahan at masaya pa kaming naglalakad sa may bukid.

"Bennie"Ani ng boses mula sa likod.

"Lita?"

Nagulat ako ng muli kong makita si lita.

"Kumusta kana Lita?"

"Ayus lang naman,Ikaw?"Tanong niya.

"Eto medyo nagkakaroon na ng sakit sakit sa katawan"

"Nakakamiss yung kabataan naten no?Napakabilis talaga ng oras"Ani niya.

"Kaya nga e"

"Ahh siya nga pala may gusto akong ibigay sayo"

Binigay niya saakin ang isang card.

"Ano 'to?"

"Card yan ng hotel dahil may isang tao na gustong gusto kana makita"Sagot niya.

"Lita~"

"Pumunta kana"Ani niya.

"Agad naman akong sumakay papunta sa hotel"

Nakita kona ang Room 124 ngunit kinakabahan ako at diko alam kung handa naba ako ulet makipag kita sakanya.

"Lita paabot naman ng gamot ko sa may cabinet"Sigaw niya.

Narinig ko ang boses nayun kaya naman agad akong pumasok at kinuha ang gamot niya.

"B-Bennie?"Ani niya.

"Felix"

Parehas tumulo ang luha namin at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Namumuti na yung buhok mo"Pabiro niyang sabi.

"Atleast ako kaya kopa maglakad ng malayo"

Madami kaming napagkwentuhan simula noong huli kaming nagkita at ngayon ay tila ba parang walang nagbago,Ang tanging nagbago lang ang ay ang itsura namen dahil kumulubot at pumuti na ang buhok namen dahil sa tanda.

"Bennie pede bang magsama na tayo ulit gaya ng plano naten dati?"Ani niya.

"Felix hindi na tayo bata meron na tayong sariling mga pamilya"

"Pero mahal paden kita at hindi magbabago yon"Sagot niya.

"Mahal den kita at wala sino man ang makakapag pabago non"

"Oh edi pwede na tayo ulit magsama para naman kahit sa sandali nalang ng buhay naten ay tayo paden"Ani niya.

"Kasalanan yan Felix kapag tinuloy naten"

"Ilang beses koba sayo sasabihin na hindi kasalanan ang magmahalan ang dalawang lalaki!"Sigaw niya

"Felix kasalanan ang magmahal ng may asawa na!"

Napatigil siya sa pagsasalita at niyakap niya ako ng mahigpit.

"Kahit isang araw lang Bennie,pakiusap"Bulong niya.

Naramdaman ko na tumutulo na ang luha niya.

Kahit ilang taon pa ang lumipas kapag minahal mo ang tao ng totoo asahan mo na habang buhay na siyang may parte sa puso mo,Ang pagibig namin ni Felix ay hindi naging madali lalo na't kalaban namin ang mundo pero isa lang ang alam namen,Mahal niya ako at mahal ko siya.