Epilogue
•••
Zia's POV
Papasok na ako at hindi ko matanggap na kailangan kong umalis.
Pang-isang hakbang paakyat, hindi ko kayo makakalimutan.
Pangalawang hakbang paakyat, hindi ko makakalimutan, mas lalo na siya
Pangatlong hakbang paakyat, hindi ko makakalimutan yung mga memorya kasama kita.
Pang-apat na hakbang paakyat, sana maging masaya ka kahit wala ako.
Pang-limang hakbang paakyat, hindi ko makakalimutan ang ngiti mo.
Pang-anim na hakbang paakyat, pinagsisisihan mo ba na ginamit mo ako?
Pang-pitong hakbang paakyat, umiyak ka ba nung nalaman ko yun?
Pang-walong hakbang paakyat, deserve ko bang magamit?
Pang-siyam na hakbang pataas, deserve mo bang iwan?
Pang-sampung hakbang paakyat, masaya akong makilala ka at mabago ka.
Panglabing-isang hakbang paakyat, nagpapasalamat ka bang nabago kita?
Panglabing-dalawang hakbang paakyat, masaya ako nung nakita kita sa itim na buhok at ngumiti saakin.
Panglabing-tatlong hakbang paakyat, hindi na ako magpapagamit.
Panglabing-apat na hakbang paakyat, minahal mo ba talaga ako?
Panglabing-limang hakbang paakyat, ang huling hagdan paakyat at papasok sa eroplano, sisiguraduhin kong babalik ako...
"ZIA! BUMALIK KA DITO! HINDI KO KAYA NG WALA KA! 'WAG KANG UMALIS, MAHAL NA MAHAL KITA, ZIA!" rinig kong sigaw ng isang lalake, nakaitim siya at luhaan.
Pasensya na, pero kailangan kitang iwan.
Lumingon ako sakanya at ngumiti habang may tumulong luha sa mata ko sa huling pagkakataon. Pangako, babalik ako.
"HINDI!!!" sigaw niya nang magsimulang magsara ang pinto ng eroplano.
"HINDI AKO MAGMAMAHAL NG IBA! IKAW LANG LAGI ANG MAMAHALIN KO, TANDAAN MO YAN. 'WAG MO AKONG KAKALIMUTAN!" rinig kong sigaw niya nang magsara na ng tuluyan ang eroplano.
Wala na akong magagawa, nandito na ako at may isa akong pangako, babalik ako.
The End..