Chapter Twenty
•••
Zia's POV
Nagising ako sa pagtapik sa braso ko, pag mulat ko ng mata ko ay nakita ko si Marvin na mukhang kagigising lang din.
"Asan na tayo?" tanong ko sa kaniya at tumingin sa bintana at nakita g nasa Beach na kami, hapon na at ilang oras kaming nag byahe dito.
"Nandito na pala tayo, hihi" sabi ko at nakangiting lumabas na.
Paglabas ko sa bus ay agad akong tinamaan ng sariwang hangin. Ang ganda ng hangin dito, hindi katulad sa school, kung ano ano kasing hangin ang nandun*~'.
"Put your tents and take a rest, we will start tomorrow. " sigaw ni Prof. Loku saaming lahat at agad naman kaming gumalaw lahat, mga alas-singko palang ng hapon at may time pa kami para maganda ng tents.
Agad naming kinuha ang mga gamit at ang tent, ako ang tutulong kay Marvin at siya naman ang magpupukpok sa ibabaon na bakal para maitayo ang tent. Sila Hazel at Justin naman dun sa isa, pero syempre mag katabi kaming matutulog ni Hazel. Kami sa isang tent at magkasama naman si Justin at Marvin sa tent na ginagawa nila.
"Kunin mo na yung bakal" sabi ni Marvin ata agad naman akong gumalaw para kunin yung bakal.
"'Wag mong ta tamaan yung kamay ko" takot na sabi ko sakaniya, baka kasi matamaan niya yung kamay ko, mahirap na.
"Don' t worry, I'll never let you get hurt" sabi niya at ngumiti saakin.
"Tsh, ayan ka na naman sa mga banat mo, simulan mo na" sabi ko at tumawa din.
.
.
.
.
"Sa wakas, tapos din!" sigaw ko nang matapos namin yung last na bakal, tapos na kami at tapos na rin sila Hazel.
Lumapit si Hazel at Justin sa amin habang halata ng pagod ang mga mukha nila.
"Sa wakas, tapos na rin" sigaw din ni Justin pero parang wala sa mood si Hazel.
"Hazel, ba't ganyan ang mukha mo?" tanong ko sa kaniya at na patingin naman siya saakin.
"Nako, kanina pa yan sa bus, pano ba naman kasi, tragic yung pinapanood niyang teleserye eh, haha" sagot ni Justin saakin habang tumatawag.
"Paano ba naman kasi, nalaman ng babae na ginagamit lang siya ng lalake sa huli, mahal na nila ang isa't isa eh, tapos iniwan nung babae yung lalake" sabi niya habang naluluha pa.
"Aw!" na patingin kami kay Marvin nang mapasinghal siya.
"Anong nangyari sa'yo?!" tanong ko agad sa kaniya at nakita ko na tinataas niya yung paa niya.
"Na-nahulog saakin yung martilyo" sagot niya at pinaupo naman namin siya.
"Ano bang iniisip mo at mahulog sa'yo 'to?" tanong ni Justin sa kaniya.
"Nakalimutan ko lang na hawak ko pa pala yan, nabitawan ko kaya ayun nahulog sa paa ko" sagot niya at nagkamot sa batok.
"Magpahinga ka na nga diyan baka ano pang nangyari sa' yo" sabi ko sa kaniya at hinawakan yung ulo niya at lumabas na ng tent nila ni Justin.
Baliw talaga yun, nakalimutan daw na may martilyong hawak. 8-).
"Tara na Zia, pasok na daw sa tebts" tawag saakin ni Hazel at tumango nalang ako at pumasok na kami sa tent.
Marvin's POV
"Paano ba naman kasi, nalaman ng babae na ginagamit lang siya ng lalake sa huli, mahal na nila ang isa't isa eh, tapos iniwan nung babae yung lalake"
Hanggang ngayon hindi pa rin mawala yung sinabi ni Hazel na nagyayari sa pinapanood niya. Paano kung malaman ni Zia yun at ganun din ang gawin niya din saakin yun, gawin niya na iwanan ako?
Pero hindi niya naman malalaman 'diba?
At napagdesisyunan ko rin na sabihin kay Justin yung tungkol dun bukas, gusto kong may makaalam para hindi ko sinasarili yung ganung problema pero alam ko namang kasalanan ko eh.
Bahala na...
«Kinabukasan»
Zia's POV
Nagising na kami dahil sa pagpukpok ng mga Professors ng kaldero at sandok, ansakit kaya sa tenga.
Agad na kaming nagpalit sa tent namin at lumabas na.
Ngayon daw kami mag-eenjoy sa beach at mamaya daw mag dumilim na ng mga hapon ay magbo-bonfire. Mukhang masaya yun eh haha.
Naka-spaghetti strap lang ako na damit at si Hazel naman ay naka short at sa pantaas ay yung backless na sando.
"Asan na kaya sila Justin" sabi ni Hazel athinanap sila sa paligid.
"Nandito kami" nagulat kami nang may magsalita sa likod namin, sila Justin at Marvin.
Lumapit saakin si Marvin at tinanggal yung jacket niya at sinuot ito saakin.
"Bakit?" tanong ko at humarap sa kaniya.
"Masyadong kita ang balat mo" sabi niya saakin habang seryoso lang.
"Kaya nga spaghetti strap eh 'diba" sabi ko at nagpout.
"Eh pake ko ba diyan sa spaghetti spaghetti strap na yan, basta masyadong kita ang balat mo" sagot niya saakin at sinuot yung shades niya.
Anong meron dito? Ba't siya seryoso? Ang aga aga bad mood.
Nakasando nalang siya ngayon na grey at ako naman ay suot-suot yung jacket niya.
Pumunta na kami sa hinanda naming lamesa at nagsimula ng mag-almusal.
"Nga pala, kailangan kitang makausap mamaya Justin" napatingin naman kami kay Marvin nang sabihin niya yun.
"Ba't 'di mo nalang dito sabihin?" tanong ni Justin.
"Oo nga" komento naman ni Hazel.
"Basta, it's boys talk" sabi ni Marvin at pinagpatuloy na ang pagkain.
Tumingin siya saakin pero nag-iwas na agad ako ng tingin sa kaniya.
Pagkatapos namin kumain ay naglatag na kami ng mga sapin para pag-upuan namin habang nakatingim sa dagat. Mainit din ngayon kaya kailangan naming maglagay ng sunblock.
Naglalakad ako papunta sa tent nang makita kp si Drake. Siya yung may problema sa babae 'diba?
"Drake!" tawag ko sa kaniya at lumapit ako sa kaniya.
"Oh, Zia? Why?" tanong niya din saakin.
"Kamusta na kayo nung girlfriend mo na nalamang ginamit mo lang daw siya para maghiganti sa iba?" tanong ko sa kaniya, ang harsh pero yun na yung mabuting paraan talaga ng pagkasabi ko eh.
"Anon--"
"Yung kinwento saakin ni Marvin" pagpuputol ko sa kaniya.
"Wait lang Zia, wala pa akong nagiging girlfriend, Are you sure?" sabi niya saakin habang tumatawa.
"A-ano? Wa-wala pang nagiging girlfriend?" naguguluhang tanong ko sa kaniya.
"Yep, wala pa akong nagiging girlfriend, at ano? Kinwento sa'yo ni Marvin? Baka joke lang" sabi niya ulit habang tumatawa.
"A-ah, seryoso siya nun eh" seryosong sabi ko sa kaniya.
"Ganun ba? Baka ibang Drake" sabi niya at seryoso na rin.
"Pero teka, ako lang naman ang kaibigan niyang Drake eh" napatingin ako sa kaniya nang sabihin niya 'yon.
Nagsisinungaling ba saakin si Marvin nung oras na yun o pinagtitripan niya lang ako? Nako Marvin lagot ka talaga saakin kung pinagtripan mo ako, napahiya tuloy ako kay Drake.
"Sige, mauna na ako. At sorry nga pala sa pag-aabala at pagsasabi sa' yo" sabi ko at tumakbo pabalik sa pinag-uupuan namin kanina.
Wala akong sinabi at umupo nalang sa tabi ni Hazel, may hindi talaga sinasabi si Marvin saakin eh.
.
.
.
.
.
.
.
Nakaupo na kami ng bilog para sa bonfire habang nakaharap sa apoy. Medyo malayo kami sa apoy kasi ang init kapag lumapit ka.
Ilang minuto lang ay nag-start na kami.
May mga sumasayaw at mga nagkukwento ng mga stories na nabasa o nangyari sa kanila. Yung uba nakakatakot yung iba nakakaiyak at nakakalungkot pero yung karamihan naman ay nakakatawa.
Napatingin naman ako sa gilid ko nang unalis si Justin at Marvin, wala akong magawa kaya susundan ko nalang sila.
Patago-tago ako sa mga puno baka makita nila ako pero nawala ko naman sila.
Asan na ba yung mga yun? Tumitingin ako sa mga gilid ko pero wala naman sila, asan na yun?
Ilangsegundo pa akong naghanap at babalik na sana ako dahil wala akonh makita pero nakarinig ako ng hulog ng flashlight.
Kaya dali-dali akong pumunta sa direksyon na yun.
"Marvin, nagtiwala si Zia sa'yo!" rinig kong sigaw ni Justin kay Marvin.
"Alam kong kasalanan ko pero, mahal ko na siya, yun na ang totoo." sagot naman ni Marvin at halatang natataranta.
Anong pinag-uusapan nila? Tungkol saakin ata eh!
"Ano bang naisip mo at ginawa mo yun?!" tanong ni Justin ng pasigaw kay Marvin.
"Gusto ko lang nang makabawi kay Rey, pero I fell for her" sagot niya, ako ba yun?
"Pero bro , ginamit mo siya. Ginamit mo yung bestfriend ng girlfriend ko!"