Chapter Sixteen
•••
Zia's POV
«Kinabukasan»
Napagpasyahan naming apat na magreview sa library ngayon, dahil bukas na ang Last Periodi Test namin. At sa susunod na mga araw ay magfi-field trip kami at kukunin nalang ang mga Cards(^o^).
Papunta na kami ngayon sa Library at isang kotse lang ang gamit namin, yung kotse lang ni Marvin.
At ngayon ko lang din nalaman na sila Hazel at Justin na, sinagot daw agad ni Hazel si Justin kagabi.
Kaya naman tanong ni Marvin ay Bakit hindi ko din daw siya sinagot agad. Hindi naman ako pa - easy to get katulad ni Hazel 'no.
"Zia, ayaw mo bang bumaba?" nabalik ako sa tamang wisyo nang magtanong si Marvin.
"A-ahh nandito na pala tayo" sabi ko at bumaba na.
Pumasok na kami sa library at wala masyadong tao dito. Baka sa bahay nila sila nagreview.
Humanap muna kami ng mga librong gagamitin namin at umupo na.
-3:30 pm.-
Malapit na ring magsara ang library at buti naman ay tapos na kaming mag-review. Halatang pagod silang tatlo, at syempre ako din, ang dami kaya naming binasang book.
"San na tayo pupunta?" tanong ni Hazel samin at huminto muna sa paglalakad.
"May pupuntahan ako, isasama ko si Zia" sabi niya at napatingin naman ako sa kaniya dahil wala naman siyang nasabi kagabi saakin na may pupuntahan kami.
Nagsimula ng mag-drive si Marvin at ako naman ay nag cecellphone lang dito at hinihintay ko lang na makarating kami sa pagdadalhan niya saakin.
"Malayo ba?" tanong ko sa kaniya.
"Malapit na" sagot niya naman at hindi tumitingin sa akin dahil nakatingin siya sa daanan.
Marvin's POV
Nang makarating kami sa beach side medyo malayo lang siya sa school namin.
Napagdesisyunan ko lang siyang idala dito kasi wala akong maisip na gawin para maidagdag sa pangliligaw ko sa kaniya eh. Napapaisip lang ako kahapon na paano kaya kung malaman niya yung gagawin ko sanang paggamit sakaniya, magagalit kaya siya? O mapapatawad niya ako agad dahil sa pagkagusto niya saakin.
Bumaba na kami sa kotse at nagandahan ata siya sa view ng beach na pinuntahan namin.
"Bakit mo namang naisipang dalhin ako dito?" tanong niya saalin habang 9nakangiti at nakatingin sa tubig.
"Wala lang, naisipan ko lang" sagot ko at nag-'tss' nalang siya at ngumiti.
Nagtanggal siya ng sapatos at nagpaa na lumakad sa gilid ng dagat.
"Ang ganda dito" sabi niya habang tinitignan niya ang nababasa niyang paa dahil sa alon. Tama siya, ang ganda dito katulad niya.
"May tanong ako, Zia. Tanong lang ha? 'Wag mong totoohanin." sabi ko sa kaniya at napatigil naman sa paglakad at pumunta sa malayong dilig ng dagat at umupo, sinundan ko lang siya at umupo din.
"Kunwari, ginamit lang nung lalake yung babae para maghiganti dun sa nang-aagaw sa lahat sa kaniya, tingin mo anong magiging reaksyon ng babae" tanong ko habnag nakatingin sa tubig na malayo saakin.
"Syempre, masasaktan. Ang sakit kayang magamit ka tapos akala mo mahal ka, tapos minahal mo naman." sagot niya habang nakatingin din sa tubig.
"Pero sa una pang ginawa nung lalake yung paggamit nung tumagal kasi, nagustuhan din nung lalake yung babae, imbes na gamitin niya, nahulog nalang siya" sabi ko naman sakaniya, sana hindi niya mahalatang kami ang pinag-uusapan namin.
"Syempre masakit pa rin yun, at karma nalang sa lalake kung magkagusto sa ginagamit niya dahil hindi niya alam na 'Hindi mo mapipigilang tumibok yung puso kahit may mahal kang iba'" sagot niya at parang nagui-guilty ako, gusto kong sabihin sa kaniya yun pero baka magalit siya at iwan niya ako. Alam kong kasalanan ko yun pero ewan ko ba kung anong naisip ko nung mga oras na yun.
"Pero kung ikaw yung nasa kondisyon ng babae, anong gagawin mo sa lalake" tanong ko sa kaniya at napatingin naman siya saakin.
"Hmm. Tingin ko iiyak ako, dahil sa sakit ng ginawa nung lalake at yung pagmamahal ko sa kaniya" sagot niya at mas naguilty lang ako. Sana hindi niya ako kamuhian kung sinabi ko yun sakaniya. Sasabihin ko ba o isisikreto ko nalang? Pero lahat ng sikreto ay nabubunyag. Kaya mas magandang ako nalang ang magsabi kesa sa iba pa niya marinig.
"Pero paano kung sakaniya mo mismo narinig, o siya mismo ang nagsabi sa'yo at humingi ng tawad, papatawarin mo pa kaya siya?" tanong ko sa kaniya at kumuha naman siya ng bato na maliit at tinapon 'to sa dagat.
"Syempre hindi agad-agad. Isipin mo, gibamit ka at tinago pa rin sa'yo yun kahit kayo na. Dapat kasi sa isang relasyon marunong ka ng magsabi ng mga sikreto mo, kahit makasakit pa sa kaniya. Kasi isipin mo yun, mas magandang ikaw ang magsabi kesa sa malaman pa niya sa iba, 'diba?" sagot niya at ako naman ay nakatulala lang sa dagat, sa oras na' to, nagui-guilty talaga ako.
Kung hindi ko sana naisip na gawin yun, edi sana wala akong tinatago ngayon.
"Teka nga, asan mo ba hinuhugot yung mg atanong mo, ha?" napatingin naman ako sa kaniya nang itanong niya yun saakin, pagharap ko sa kaniya ay nakakunot ang noo niya na parang nacu-curious talaga.
"Nagkwento kasi yung kaibigan ko saakin at tinanong din yung mga tinanong ko sa'yo, kukuha lang ako ng sagot sa'yo para may isagot din naman ako sa kaniya kung magkikita kami" pafsisinungaling ko s akaniya habang nakapilit ng ngiti.
"Sino naman yung kaibigan mong yun?" tanong niya pa saakin, anong isasagot ko? Bilang lang ang kaibigan ko at kilala niya kahat yun.
"Ah-ah s-si... Si..." wala akong maisip na isagot.
Nakatingin naman ako sa kaniya na nakakunot pa rin ang noo niya at ako naman ay nagkukunwari lang na ngumingiti.
"Sino?" ulit na tanong niya at lumapit saakin.
"Sasabihin k-ko sa'yo pero 'w-wag m-mong sasabihin sa i-iba, okay?" sabi at wala ng ibang lumalabas sa bibig ko kundi yung mga salitang yun.
"Maasahan mo. So sino nga?" tanong niya saakin ng pabulong.
"Si Drake" sagot ko, wala na akong masabing ibang pangalan. Napatayo naman siya sa pagkakaupo habang nakatakip ang palad sa bibig niya.
"May love life na pala si Drake, 'di man lang siya nags-share kapag nagkikita tayo.
"Oo n-nga eh, haha" sagot ko sa kaniya at patago na nagkamot ng ulo, sorry drake pero ikaw naman ang gagamitin ko.
Lahat nalang ba gagamitin ko para lang makalusot?