Chereads / PRAGMA - Thorn Aiden McKenzie / Chapter 4 - Chapter 3

Chapter 4 - Chapter 3

Scarlett's pov

Gabi na at nakauwi na kami kasulukuyan kong ginagawa ang assignment ko. 'Thorn' sulat ko sa likod nang notebook ko nang bigla ko siyang maalala.

Bigla ko na namang naramdaman ang pag bilis nang tibok nang puso ko. Alam ko sa sarili kong gusto ko na siya.

Napayakap ako sa note book ko kung saan ko sinulat ang pangalan niya.

I jumped into my bed still holding my note book. I don't know what am i thinking but i just found my self rolling in my bed still hugging the notebook with his name in it smilling like those crazy girls in love in drama.

Now i understand how it feels like. It's kind of weird I just met him. I think maybe im just infatuated by him but it's first time i feel it and i really feel happy.

That night I sleep with a big smile on my face.

MAAGA AKONG pumasok ngayong araw. Hindi ko alam pero parang sinaniban nang kasipagan ang katawan kong tapat na nanumpang magiging tamad habangbuhay.

Hapon na ang bilis nang oras. Lunch break namin ngayon.Tulala akong nakatingin sa notebook ko. Kailangan namin mamili ngayon nang club na sasalihan. Dahil isa iyon sa requirement sa school.

Namimili ako kung arts club ba o science ito lang kasi ang club na kahit papano ay may pagasa akong makasurvive.

Hindi ako ganoon katalino.Kasali ako sa Student School Leader bilang representative nang boung grade 10 pero napagtripan lang naman kasi ako nang mga kaklase ko ewan ko ba kung anong klaseng espiruto nang kademonyohan ang nag udyok sakanilang bigyan ako nang kanito kalaking tungkulin.

"Scar ano may napili ka na ba?" Nakangiting tanong sakin ni Kylie.

"Wala pa nga"sagot ko habang nakatingin parin sa notebook

"Ang sabi sakin ni James Science cub daw ang sinalihan nila ni Thorn"

With what she said I immediately circle the science club. I walked to the teacher's table at inihulog ang papel kung saan nakalagay ang choice kong club.

Bigla namang lumapit si Kylie sakin. "Anong club pinili mo?" She asked

"Science club. Of course" sabi ko sakanya habang malapad na nakangiti.

"Huh. You choose Science. Arts club pinili ko" gulat niyang sabi sa akin. Bakas ang lungkot sa boses niya ito kasi ang unang beses na di kami magkasama sa club.

I came back to my seat.

"Malapit na naman maglilipatan na naman nang section ano balak mo?" I asked her.

It's normal to our school that every semester mag lilipat nang section base sa grade or sa average na makukuha mo. Ang sabi nang may ari nang school para daw mas marami kaming makilala at kaibigan.

" Just as usual" she said.

"Gusto kong malipat nang first section ngayon" determinado kong sabi sa kanya.

Nung nag transfer si thorn ay nasa first section siya agad. Matalino pala siya. Kaya naman para maging kaklase ko siya at para mas madaladas ko siyang makita ay gagalingan ko sa exam.

As long as I do well in our exam. I'll probably be in the same class with Thorn.

Kylie look at me questioningly. "What happened to you? " she asked looking so confused.

I just smile at her and look at the window. Nagningning naman ang mata ko nang mapansin na nagba-basketball na naman pala sila Thorn kasama ang mga kaibigan niya.

Napatingin ako kay kylie." Go run with me at the around the court. " i said at bago pa siya makapagreklamo ay hinila ko na ang kamay niya papunta sa labas.

"Since when did you start to like running" reklamo niya nang nasa hallway na kami. Hindi ko naman siya sinagot at patuloy lang na tumakbo

Pede naman kaming tumakbo dito hindi naman kami sa mismong gilid nang court tatakbo sapat lang para matanaw sila Thorn.

I looked at Kylie she is looking at me like she wanted to cuss at me.I laugh "Kylie wag ka na magreklamo nandito na tayo." sabi ko habang tumatakbo.

I saw Thorn shoot the ball. I smiled "From now on Kylie lagi na tayong tatakbo dito tuwing lunch."

"Mag isa from now on tatakbuhan na kita tuwing lunch ang init init kaya at bakit ba parang sumisipag ka ata. diba dapat tamad tayong dalawa?" reklamo niya sakin.

Thorn's pov

I was about to shoot the ball when i saw two girls running around. I shoot the ball and look closely at them. Sila addison yon. Diba sila napapagod ang init-init pa naman. I'm a bit worried.

"Bro what's wrong?" james asked me.

"Nothing" I answered. And just focus on the game.

Nakailang round pa kami nang biglang tumunog ang bell hudyat na simula na ang klase nakita ko sila addison na papasok na sa building nila kaya pumaso na din kami nila james sa sarili naming classroom.

Nasakagitnaan nang pagtuturo si Sir. Pascual nang biglang may pumasok na grupo nang estudyante.

Kailangan daw bumuto dahil nag transfer-out daw ang school beauty kaya kailangan nang bagong kapalit.

" What a boring selection I won't vote." sabi ni james habang nakatingin sa board sa harap.

Nangdumaan ang mga nagpa-paboto sa harap namin ay kumuha ako nang maliit na papel. 'Scarlett Addison Heart' sulat ko at mabilis na hinulog sa kahon ang papel.

Bigla naman napatingin sa akin si James "You voted?" mukhang gulat na sabi ni james sakin

"Sino binoto mo?" he asked.But i just look at the window and smile.

DAYS PASSED at dumating na kaagad ang semi-finals nakabase sa score namin ngayon kung malilipat ba kami nang section o hindi.

" You still have half an hour please check your answers carefully and take your time." sabi nang prof. namin.

But I just smile and purposely did not answer some question even though i know the answer. I wanna be in third section.

I looked at my testpaper and bring down my pen.I wan't to be in same class as Addison.

Scarlett's pov

Semi na ngayon mariin kong tinignan ang mga katanungan sa papel buti nalang at napag aralan ko ang lahat nang ito. Ilang gabi na rin akong hindi nakakatulog nang maayos para lang mag-aral.I will do my best this semester.

AFTER A WEEK nilabas na ang result nang test nag mamadali akong tumungo sa bulletin board. I did may best this time. I'm sure i will be in first section pero mas mabuti na yung sigurado.

Nang nasa bulletin board na ako ay nakita agad nang mga mata ko si james na nagbabasa rin nang resulta agad niya akong binati.

"Wow. Addison where in the same class"bati ni james sakin at tinapik ang balikat ko. Success ako. Kaklase ko na si Thorn. Teka ba't di ata kasama ni James si Thorn

"James nasaan pala si Thorn?"masigla kong tanong.

Napahawak naman nang batok si James parang naguguluhan."I don't know what happened but he didn't do well this time so his in class 3, magkaklase sila ni Kylie" With that nawala ang ngiti sa mukha ko at bagsak ang balikat na nagtungo sa bagong classroom.

'Sana all talaga Kylie. Sana all' sabi ko sa isip ko.

Thorn's pov

Malungkot kong sinubsob ang mukha ko sa mga braso kong nakapatong sa lamesa. Kung alam ko lang. Sana sinugutan ko nalang yung boung test paper.