Chereads / This Girl Stole My Heart (Tagalog) / Chapter 2 - For Her Sister

Chapter 2 - For Her Sister

"Isang milyon!? Aba kingina! Sampung libo nga, wala tayo isang milyon pa kaya!?" sigaw ni Mama at marahan sinuklay ang buhok nya gamit ang kamay nya. Napasandal na lang sya sa pader ng waiting area habang ako ay patuloy na umiiyak at hindi alam kung ano ang gagawin.

Sobra-sobra na ang kamalasan ang natatangap ng pamilya namin, at ngayon naman ay nagkaroon pa ang bunso kong kapatid ng malubhang sakit, lukemia. Cancer sa dugo! At ang masakit pa ay wala kaming magawa. Baon na baon na nga kami sa utang ganito pa ang mangyayari. Hindi ko kakayaning mawala ang nag-iisa kong kapatid. Walong taong gulang palamang sya at marami pang pangarap. Nakikiusap ako sa Diyos... Sana ako na lang at 'wag na ang kapatid ko!

"Lahat ng tao ay namamatay..." sabi ng bagong asawa ni Mama, si Tito Marcelo. "Maaga nga lang kay Jess pero pabayaan mo na. Hindi mo rin naman kayang buhayin yang anak mo, hindi ba? Huwag kang magsayang---"

Hindi nya na natapos ang kanyang sasabihin dahil isang malakas na sampal ang natangap nya mula kay Mama.

"Wala kang karapatang magsalita. Kasalanan mo ang lahat ng ito! Kung hindi mo sinasayang ang pera natin sa pagsusugal mo---"

"At ako pa ang may kasalanan, ha!? Sino ang pabayang ina at asawa na walang ginawa kundi ang mangabit at--"

Naputol nanaman ang sinasabi ni Tito Marcelo dahil muli syang sinampal ni Mama sa kabilang pisngi. "Ako pa talaga ang nangangabit!? E ikaw nga itong walang ginawa kundi ang magsugal para sa mga babae nya! At ano ba ang gamit mo!? 'Di ba ang perang sahod ko sa ab--"

"Pwede bang tumigil na kayo!?" sigaw ko sa kanila. Natigilan naman sila at tumingin saakin. Ngayon lang nila napansin na pinagtitinginan na sila ng mga taong nasa ospital. Gumagawa pa sila ng walang kwentang eksena, pareho lang naman silang may kasalanan.

Pinunasan ko ang luha ko at tumayo. Hinarap ko sila. "Alam ko naman na wala kayong gagawin dahil parehas kayong walang kwenta. Paano nyo nagaga 'to habang nasa gitna ng kamatayan ang kapatid ko?" napangisi ako dahil sa inis. "Ako na lang ang gagawa ng lahat kung ayaw nyo. Mahal na mahal ko ang kapatid ko kaya hindi ko hahayaang mamatay sya dahil sa kapabayaan nyo."

Hindi ko na hinayaang magsalita pa sila, tumalikod na ako at naglakad paalis. Habang naglalakad ako ay kinuha ko ang cellphone ko sa aking bag at tinawagan si Ciyan-- Ang pinakakilala kong taong masama--At ang taong alam ko na makakatulong saakin.

Wala na akong pakealam kung gaano katalim ang kakapitan ko. Handa akong gawin ang lahat para sa kapatid ko... Mapunta man ako sa impyerno.

Ilang ring lang ay sumagot na sya "Oh, Jasmine? Bakit ka napatawag? Huwag mong sabihing tungkol ito sa inaalok ko?" malamig na boses nya.

Napalunok ako at napabuntong-hininga. "Ano ang kaylangan kong gawin?"

Oh, Diyos ko. Sorry in advance po!

•••••

"Well, well, well... Tingnan mo nga naman, sa huli ay saakin pa rin ang bagsak mo. Welcome to the family of thieves, Jasmine!"

I rolled my eyes. Tiningnan pa ako ni Baklang Ciyan at muling tumawa. Pano ba naman, kaaway ko kahit noong Grade two pa. Maldita kasi ako dati--At syempre mas maldita ako ngayon.

"Tigilan mo 'ko, bakla. Kung hindi naman kaylangan ay hindi ko gagawin 'to." iritang sabi ko pero tinawanan nya lang ako.

"Hay nako, Jasmine the top 1, hindi ka mabubuhay ng maayos kung wala kang kalokohang ginagawa sa buhay! Tingnan mo akers, pretty and rich na nga, marami pang mga hot na papas! Ayaw mo ba norns?"

Hindi ko mapigilang mapangiwi. Malamang madami syang pera, ang galing kasi magnakaw dinaig pa ang secret agent. Kapag nakulong talaga ang bakaang 'to, mag ce-celebrate ako.

"Manahimik ka na nga! Sabihin mo na lang ang kaylangan kong gawin! Gagawin ko na agad-agad as in now na! Ang daldal mong bakla ka e amoy suka ka naman!"

Nanlaki pa ang bibig nya na parang nagulat sa sinabi ko. Inilagay nya pa ang kamay nya sa dibdib nyang peke at umaarteng nasasaktan.

"Ang harsh mo. Pero dahil lab kita, pagbibigyan kita."

Wews. Love nya ako kasi ako lang naman ang nagpapakopya sa kanya ng exam noon.

Nagpaalam sya na may kukunin at pumunta sa kwarto nya. Pagbalik nya sa sala, meron syang hawak-hawak na papel at iniabot nya ito saakin. Kahit nagtataka, kinuha ko ito at tiningnan.

Wow...

Isang picture ng napakagandang singsing na silver.

"Ayan ang singsing na nanakawin mo. Ang pretty 'di ba? Kasing pretty ko lerngs. Actually mas pretty ako pero pretty rin naman 'yan."

Hindi ko pinansin ang sinasabi ni bakla, nakatuon lang ang atensyon ko sa picture ng singsing. Sobrang ganda....

Pero magkano ang makukuha ko kapag ninakaw ko ito? Feeling ko ay hindi ito aabot ng isang milyon.

"Maganda sya. Pero wala na bang iba? Yung magkakahalagang isang milyon? Feeling ko kasi--"

"Hay nako, 'te! Waley nang iva. 'Yan lang kasi ang alam kong mananakaw mo."

"Eh ano bang halaga nito? Hindi mo ba naiintindihan na napakalaking halaga ang kaylangan ko? Akala ko ba matutulungan mo ako!? Eh isang---"

"Tatlong milyon." natigilan ako sa sinabi nya.

"A-Ano?"

"Tinatanong mo ako kung magkano ang halaga ng singsing na 'yan. Tatlong milyon. Mula pa kaya 'yan sa ibang bansa at talagang mamahalin 'yan! Nagiisa lang ang singsing na 'yan kaya expensive." sabi nya at maarteng tiningnan ang kuko nya.

Tatlong Milyon!? Seryoso ba 'to!? Kahit nga ibenta ko ang kaluluwa ko, hindi ko kayang magkaroon ng ganyang kalaking pera. Pero seryoso?

Binigyan ko sya ng 'are-you-joking-look' pero itinaas nya lang ang kilay nya. "Mukha ba akong nagbibiro?"

Tumango ako. "Sorry. Mukha ka kasing clown, e."

Sinamaan nya ako ng tingin. "Kung wala kang tiwala, huwag ka nang--"

"Sabi ko nga nagtitiwala ako, e. So ngayon... Paano ko makukuha ang singsing na 'yan?"

Ngumiti sya. "Natagpuan namin ang nagmamay-ari ng singsing na 'yan. Estudyante sya sa Ash International High."

Napaawang ang labi ko. Ash International High... 'Yon 'yung pinakasikat na high school sa Pilipinas... Pinakamahal rin. Alam kong mahigpit ang security nila kaya paano ako makakapasok sa ganong lugar? Aish! Bahala na si Batman.

Napabuntong hininga na lang ako. "Sino ba ang babaeng nanakawan ko ng singsing na 'yan? Sabihin mo na..."

Umiling iling sya. "Hindi babae. Lalaki. Isang hot at poging lalaki!"

Napakunot ang noo ko. Bakit naman apgmamay-ari 'yon ng lalaki--- E halatang pambabae 'yung singsing? Hindi kaya...Beki rin 'yon?

"He is an twelve-year-old high school student. Matangkad, matangos ang ilong, gwapong may abs, Goshhh!" sabi pa ni bakla at parang nag da-daydream sya. Kadiri!

"Oo na, gwapo na. Pero wala ka bang picture dyan? Para makilala ko kaagad."

Inilagay nya pa ang daliri nya sa baba nya. "Hmm...Syempre wala." naningkit ang mga mata ko dahil sa sinabi nya. "Pero I'm sure na makikilala mo kaagad sya dahil sobrang gwapo nya at----"

"Oo na. Gwapo na. Pero kahit pangalan lang, pwede mo bang ibigay?" naiinis na sabi ko sa kanya.

"Ah, sure..." nginitian nya ako. "His name is Gabriel... Gabriel Mandrigal."

...

Ugh! Nakakairita! Bakit ba kasi kaylangan ko magsuot ng ganitong kaikling dress!? Nakakairitang baklang 'yon!

Napabusangot na lang ako at umupo sa waiting area ng mamahaling school na ito.

Nasa waiting area ako ng Ash International High School. Wala naman kasi akong magawa kundi ang maghintay. Actually, halos tatlong oras na akong naghihintay pero hindi ko pa rin alam kung kaylan ang uwian nila..

kung kaylan ko makikita si Mr. Gabriel Mandrigal, ang gwapo at super hot na lalaki rito---Ayon kay bakla.

Hindi man lang kasi ako binigyan ng pictures o ibang information man lang ni bakla...Pinapahirapan talaga ako, e. Basta ang ginawa nya lang, pinasuot nya ako ng maikling dress at linagyan ng kung ano-anong kulerete sa mukha. Sabi pa nga nya, "Beautiful and hot girls are the weakness of the beasts." at hindi ko naman 'yon maintindihan.

"Napakaganda mo Miss, pero nakasimangot ka..."

Muntik na akong mapatalon sa gulat noong narinig ko ang boses na 'yon mula sa likod ko. Anak ng--- Bakit ba sya manghulat!? Hindi nya ba alam na irita---

Natigilan ako nong nakita ko ang lalaking 'yon. Ngumiti sya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"Are you new here? You look unfamiliar..." sabi nya at muling ngumiti. 'Yung puso ko... Ang lakas ng tibok!

"Why are you staring at me like that? Is there something wrong in my face?"

Oo masyadong gwapo. "Ah, wala wala." umubo-ubo pa ako. "Uhmm...Hindi naman ako nag-aaral dito. Hinihintay ko lang 'yung ano... 'yung boyfriend ko..." sabi ko at nag-iwas ng tingin.

Psh, wala nga akong boyfriend.

"Ah...Gano'n ba? Sino ba 'yang boyfriend mo? Malay mo 'di ba... Malay mo kilala ko."

E wala nga akong boyfriend. Gusto mo ikaw na lang?

"Ha?" my God. Ano bang pangalan ang babangitin ko? Bahala na nga si batman! "Si Gabrie---"

"Bro, halika na!"

Napatingin ako sa grupo ng mga lalaking tumawag sa kanya. Ngumiti naman 'yung lalaki sa tabi ko at tumingin sa akin.

"Nice to meet you. Mauna na ako."

Bago pa ako makasagot, naglakad na sya paalis at nagtungo sa direksyon ng mga tumawag sa kanya. Napanguso ako. Hindi ko man lang natanong ang pangalan nya, kainis.

Pero hindi ko dapat problemahin 'yon. Ang mahalaga ay ang makuha ko ang singsing na nagkakahalaga ng tatlong milyon. Pero bago 'yon ay kaylangan ko munang mahanap ang pogi at super hot na lalaki na tinutukoy ni baklang Ciyan. Pero saan ko ba mahahanap---

Teka! 'Yung lalaki kanina... Pogi at mukhang super hot. Hindi kaya...

Hindi kaya sya ang hinahanap ko? O kung hindi man...Baka kilala nya ang hinahanap ko!

Nasapo ko ang noo ko. Ang tanga ko talaga! Sobra!

"Kuya, wait!"

Agad akong tumakbo sa direksyon na dinaanan nung lalaking kausap ko kanina. Malaki ang hinala ko na sya ang susi para mahanap ko ang singsing na 'yon!

"Kuyang hot na pogi, wait!" sigaw ko habang tumatakbo. Nagtinginan naman ang mga lalaking feelingero.

"Kuya! Teka lang---Ah!"

Natigilan ako dahil isang kotse ang biglang sumulpot sa harapan ko. Dahil sa sobrang gulat... Na-out of balance ako at natumba sa sahig.

"Aray ko..." 'Yung pwet ko!

Agad na lumapit saakin ang mga estudyanteng nakakita sa nangyari. Tinulungan nila akong tumayo at tinanong kung okay lang ako. Tumango ako bilang sagot.

Masama kong tiningnan ang kotse at sinipa ito. Loko! Anong karapatan nyang gawin 'yon!?

"Hoy! Lumabas ka jan, tarantado! Hindi ka lalabas o sisipain ko 'tong kotse mo hanggang sa masira!?" sigaw ko habang hinihintay ko syang lumabas. Nakakainis! Gumagawa ako ng eksena kaya eto, pinagtitinginan ako ng ibang tao. Pero wala akong pakealam! Nakakainis ang lalaking 'to!

Ilang beses syang bumusina ngunit hindi ako tumigil. Mga sigaw at mura lang ang lumalabas saakin.

"Miss... Tumigil ka na. Mapapahamak ka kapag tinuloy mo pa 'yan." kamadong bulong ng lalaking tumulong saakin. "Hindi mo kilala ang may-ari ng kotse na 'yan."

Kumunot ang noo ko. Bakit? Sino ba ang may-ari ng kotseng 'to? Akala nya ba palalagpasin ko 'to!? Muntik na kaya ako mamatay! Akala nya ba natatakot ako sa kanya, ha!?

"E, bakit? Sino ba sya? Kung sino man sya, hindi ako natatakot sa kanya!" sigaw ko at muking sinipa ang kotse.

"Labas! Hindi ako natatakot---"

Natigilan ako sa pagsasalita noong bumukas ang pinto ng kotse... Lumabas doon ang lalaki at masama akong tiningnan.

"What the fvck are you doing!?" sigaw nya saakin. Pero nanatiling nakaawang ang labi ko habang nakatulala sa kanya.

Lumapit naman saakin ang isa pang babaeng tumulong saakin kanina. "Ate girl... Hindi ko alam kung ano ang demonyong pumasok sa utak mo pero you better run na." bulong nya.

Lumapit rin sa'kin 'yung isa pang lalaking tumulong saakin at pinipigilan ako kanina.

"Miss, sya 'yung tinutukoy ko. Sya si Gabriel Mandrigal. Ang kinakatakutan ng lahat."