Anna POV
Ako nga pala si Anna Prisca Mendoza, 18 years old at isang ordinaryong mag-aaral sa Saint Claire's Academy. Loner at walang kaibigan I hate fake friends kaya ako loner. Tsaka pakialam niyo buhay ko to hindi sa inyo! No boyfriend since birth anong dahilan? Well ayaw kong magkanobyo dahil sakit lang sa ulo.
Hindi naman siguro nakakamatay ang walang nobyo diba?. Tss mga malalandi lang siguro mamatay! Di joke lang baka mamaya bibitayin ako ng mga malalandi diyan!.
Anyways highways katatapos ko lang magbihis dahil ready to go to school na ako. Ang bilis ng panahon 3rd year college na pala ako ngayon, I took up Business Administration pala gusto ko kasi soon ay magiging business woman ako at magkaroon ng sariling negosyo.
So ayan ang kwento ng talambuhay ko na wala namang ka kwenta kwenta.
Pagkababa ko nadatnan ko sila mama at papa sa hapagkainan.
"Ma, Pa papasok na po ako". Paalam ko sabay halik sa mga pisngi nila.
"Oh anak di ka ba kakain mo na?" ani mama
"Oo nga anak baka mamaya hihimatayin ka dahil sa gutom". ani papa
"Sa school nalang po ako kakain, baka ho kasi malate ako sa first subject ko".
"Oh siya mag iingat ka anak". Mama
"Wagka mo na mag boyfriend ha?". Biro ni papa sakin sus ni wala nga yan sa isip ko e.
"Ma, Pa wag kayong mag alala sakit lang sa ulo ang mga lalaking yan". Sabi ko sa kanila nakita ko si papa na ngumisi sa akin.
"Sige po aalis na po ako". Paalam ko ulit sa kanila.
~~~~~~~
Hays ang hirap ng buhay pag mahirap ka no?.Yes hindi kami mayaman si papa ay isang construction worker si mama naman ay nagtitinda ng mga gulay sa palengke. Pero sobrang proud ako sa kanila dahil napalaki nila ako ng maayos hindi katulad ng ibang mga magulang na kapag mahirap talaga ay walang ng pag asang umangat. Para sakin bobo lang ang nakapag isip nun kung mahirap ka e di magpursige ka na magkapera para naman kahit kunti e umangat ang buhay mo.
Tss sa panahon kasi ngayon parang wala ng pakialam ang mga tao sa buhay nila. Napakwento pa tuloy ako baka sabihin niyo na ang daldal ko no! Hindi pa kasi dumating si manong Isko siya kasi yung laging naghahatid sa akin sa Saint Claire's Academy.
At ikukwento ko na rin kung paano ako nakapasok sa Saint Claire's Academy isa akong scholar syempre matalino ako. Haha mahangin ba well totoo naman. Mga anak mayayaman lang kasi ang nakapasok dun kaya pagdating sa paaralan na yun para lang akong isang hangin yung hindi nag eexist ibigsabihin ordinaryong mag aaral lang ako don. At isa pa wala din naman ako pakialam sa mga buhay nila kaya quits lang kami.
"Oh iha sorry natagalan ako. Na plat kasi ang gulong ng trycicle ko kanina kaya pinaayos ko muna". Tatay Isko
"Nako okay lang ho yon tatay Isko". Sumakay na ako sa may bandang likuran niya ito kasi ang gusto kong spot e.
"Siya sige aalis na tayo baka mahuli kana sa klase mo". Tinanguan at ngitian ko siya bilang tugon. Isa siya sa mga mababait na trycicle driver na nakilala ko para ko narin kasi siyang pangalawang ama e kaya naging suki ko na siya.
"Dito na lang po tay Isko". Bumaba na ako at inilahad sa kanya ang bayad ko.
"Sige iha salamat. Ingat ka". Ngumiti siya bago umalis kinawayan ko siya bilang ganti.
~~~~~

Saint Claire's Academy
Nandito ako ngayon sa canteen namin, katatapos lang kasi ng 3rd subject ko. Alam niyo naman di ako kumain kanina yan tuloy e di gutom inabot ko ngayon minsan kasi matigas din ang ulo ko e. Ang canteen namin ay malaki syempre puro ba naman mga mayayaman ang nag aaral dito ako nga lang yata yung dukha na napadpad dito.
"Oh my! Girlssss..... Nandito na ang Elite Squad!". Girl 1
"Ehhh...kinikilig ako..." Girl 2
"Akin kana lang Jerome, baby" Girl 3
"Ang gwapo mo Oliver" Girl 4
"Ahhhhh....Buntisin mo na ako Liam" Girl 5
"Jefferson myloves pakasalan mo na ako" Girl 6
Ughhh nasusuka ako sa mga pinagsisigaw ng mga malalanding to. Hays kada kakain ako dito sa canteen walang araw na hindi basag ang eardrums ko sa kakatitili nila. Anong bang nagustuhan nila sa Elite Squad na yan puro mga mayayabang at higit sa lahat mga babaero ang mga gago. Hindi ko sila hate ha baka sabihin niyo na ang bitter ko. But I don't like them either puro kasi mahahangin, ofcourse kaya sila pinagtitilian ng mga malalandi ay este mga babae dahil nga sila ang pinakamayan at pinakasikat dito sa Saint Claire's Academy.
Hay makaalis nga dito wala naman akong mapapala dito it's waste of time lang kong mag e stay pa ako dito basag eardrums lang naman aabutin ko.
~~~~~
Introducing Elite Squad
Jerome Patrick Torres - ang leader ng elite squad, mayaman, gwapo, macho, at babaero. 18 years old, 3rd year college taking up Architect. Ang mama at papa niya ay parehong naglilingkod sa pulitiko.
Liam Lucas Monteverde - member of elite squad, mayaman, gwapo, at ang pinakaseryoso sa kanila yung may sense kausap. Her mother and father are both doctors. He's also 18 years old a 3rd year college student and taking up Architect.
Thomas Jefferson De Verra - a member of Elite squad, mayaman, gwapo at ang pinaka kwela sa kanila. 18 years old a 3rd year college student and taking up Architect. He's family owned a famous restaurant.
Benjamin Oliver Javier - a member of Elite squad, mayaman, gwapo at ang pinaka bibo sa kanilang apat. 18 years old a 3rd year college student and taking up Architect. He's Family owned a famous bar.
~~~~~
Jerome POV
Kasalukuyang nandito kami sa canteen ng mga tropa ko. Ang mga babae dito hindi magkanda mayaw sa katitili. Siguro naman alam niyo na kung bakit kami pinagtitilan ng mga babae dito naikukwento na ni Ms. Author kaya no need to introduce ourselves so let's move on.
"Grabi bro lakas makatili ng mga bebe girls natin a". Jefferson
"Tss di pa kayo nasanay palagi naman". Ako
"Hahaha oo nga naman fafa Jefferson di ka pa nasanay matagal na tayong gwapo". Oliver, nag wink pa ang gago.
"Sapakin kita jan nababakla kana ba ha". Haha mapang asar kasi tong si Oliver pikunin pa naman to si Jefferson.
"Mag si tigil nga kayo jan para kayong mga bata". Sita ko sa kanila. Maya't maya pa ay nagsalita si Oliver. Ito namang si Liam tahimik lang nakikinig samin. Wag niyo ng pansinin yan di talaga yan iimik himala nalang pag magsasalita yan ng dalawang beses sa isang araw.
"Bro ano di ka parin ba tinantanan ni Mary?". Oliver
Napatingin ako kay Oliv umiling ako sa sinabi niya yan nga pinoproblema ko ngayon kung pano ko iiwasan ang linta na babaeng yun. Pano ba naman 2 weeks ko lang siya naging girlfriend dahil yun lang ang pinagkasunduan namin tapos gusto niya totohanin. Ma swerte ka nga siya dahil naging two weeks kami yung iba nga tatlong araw lang.
"That's my big problem bro kahit san ako magpunta laging nakasunod sakin, kung di lang kasalan sumakal ng babae nako matagal ko ng nasakal yun". Nanlulumo kung sabi. Natawa naman sila sa sinabi ko.
"Eh anong gagawin mo?". Jefferson
"May naisip ako bro". Oliver
"Ano na naman yun? Siguraduhin mo na effective yan kundi lagot ka sakin". Minsan kasi palpak ang mga sinasuggest nito.
"Pakasalan mo na hahahahaha". Oliver, oh kita niyo di ba? Walang matino sa mga sinasuggest niya ewan ko nga kung bakit naging kaibigan ko to.
"Tarantado ka talaga". Binatukan ko ang gago lang hiya talaga to.
"Ehh sa wala akong maisip. Kayo guys suggest na kayo ako lang yata matalino dito wahaha". Oliver. Napakahangin talaga nito. Pareho kaming tatlo napailing sa sinabi niya.
"Bro malala kana. Pa mental kana kaya". Jefferson.
Hays ano bang gagawin ko para di na ako sundan ng malanding yun. Di tuloy ako makapag focus sa ibang bebe girls ko dahil sa Mary na yun. Ilang saglit pa ay nag salita din ang ating pinakakahintay na serious boy si Liam oh di ba himala nagsalita din sa wakas.
"Find a girl and make her your fake girlfriend for 3 months". Liam
Napatingin kaming lahat kay Liam na puro nakanganga ang bibig. Ano to himala? Siya kasi yung serious type sa aming apat.
"Wow grabi give him around of applause". Oliver.
"Grabi bro ikaw ba yan baka naman sinapian kana diyan ng masasamang espirito" Jefferson.
"Tss kung ayaw niyo di wag". Liam
Oh ayan guys nagsalita na si Master Liam hahaha. Isang himala na nga yata to. Pero mukhang effective tung suggestion niya matanong nga kung anong gagawin ko.
"Wait..wait.. Pano? Anong gagawin ko bro? ". Ako
"Tell to that Mary that you have a serious girlfriend in that case she will stop chasing you". Liam. Oo nga naman no ang talino talaga ni master Liam hahaha.
Ang problema sinong babae na naman ang gaganap. San naman ako maghahanap ng pwedeng makatulong sakin ung walang gusto sakin para mas mapabilis ang plano.
"Hoy mga ugok tulungan niyo nga ako makahanap ng babaeng maging fake girlfriend ko". Tss puro naka nganga pa ang mga ito di parin naka move on kay Master Liam.
"Ano gusto mo bro, sexy, maganda, malakas sex appeal". Jefferson.
"Gago mas lalong di maniniwala si Mary niyan baka sabihin lang na pinagseselos ko lang siya". Ako
"Eh di yung bulag nalang bro hahaha". Oliv.
"Tarantado ka talaga Oliv wala kang matinong sasabihin kahit ni isa". Ako
" Find an ordinary girl". Liam
Lahat kami ay napatingin na naman ulit kay Master. Iba talaga si Master mag isip hahaha. Tama si Master para hindi mag duda si Mary na fake girlfriend ko lang yun. Sa gwapo kong to sinong mag aakala na magjojowa ako ng isang ordinaryong babae isa nga yata yung himala. Sa wakas solve narin problema ko.
"Salamat bro kahit hindi ka palaimik nakakatulong karin pala". Tinapik ko balikat niya at tinanguan niya ko bilang ganti.
"Di katulad ng dalawa jan puro kagaguhan lang ang alam". Ako
"Grabi ka naman samin bro. Ang sakit nun a tagos sa puso". Oliv. Umaarte pa ito na parang nasasaktan.
"Huhuhu matalino naman kami minsan bro". Jefferson. Isa pa to hay nako.
And the only thing in my mind now is to find an ordinary girl.
~~~~~~
Anna POV
Kakarating ko lang sa bahay galing school. Pagkapasok ko ay sinalubong agad ako ni mama na parang naluluha. Wait anong nangayari?.
"Ma bakit po kayo naluluha"?. ako
"Anak si papa mo--". Mama
"Huhuhu mama bakit, bakit tayo iniwan ni papa, patay naba si papa". Umiiyak kong sabi. Pero natigil din ang pag iyak ko ng hinampas niya ako sa balikta. Masakit yun ah!
"Sira, patapusin mo kasi akong magsalita". Mama
"Hehe peace yow ma. Ano ba kasing nangyari kay papa?. Tsaka san po ba si papa bat wala pa siya ma?. Tanong ko kay mama mga ganitong oras din kasi ang uwi ni papa.
"Nandun sa kwarto anak ang papa mo. Anak wala ng trabaho ang papa mo nagbawas kasi ang amo niya ng mga trabahador kasi mukhang babagsak na ang kompanya nito". Seryosong sabi ni mama. Naawa naman ako kay papa siya nga lang yung bumuhay samin at nag papaaral sakin nawalan pa ng trabaho.
"Sige po ma kakausapin ko mo na si papa punta lang po ako sa kwarto". Niyakap ako ni mama at hilakan sa noo napaka swerte ko talaga sa mga magulang ko kahit mahirap lang kami mahal namin ang isa't isa.
~~~~
Pagkarating ko sa kwarto ay nakita ko si papa na nakaupo habang nakayuko yung ulo niya. Naawa talaga ako kay papa kaya naman niyakap ko siya sa likod para naman mabawasan yung sakit na naramdaman niya ngayon at di ko mapigilan yung luha ko na pumatak.
"Pa". Tanging naisambit ko.
"Anak bakit ka umiiyak?". Pinunasan niya ang luha ko sa mukha gamit ang hinlalaki niya.
"Papa alam ko na po na wala na kayong work e". Umiiyak kong sabi.
"Shhhh, tahan na anak hayaan mo makakahanap din si papa ng trabaho basta mag aral kalang ng mabuti sapat na yun sa amin ng mama mo. Ngumit siya pagkatapos niyang sabihin yun kaya naman mas lalong bumuhos ang luha ko dahil sa sinabi niya.
"Opo papa. Para ako na naman ang tutulong sa inyong dalawa ni mama". Ngumiti ako at hinalikan siya sa pisnge.
"Wag mo ng problemahim yun okay ba?". Papa
"Yes po papa. I love you po". Ako
"Aww ang sweet niyong dalawa pa sali nga ako". Mama. Nakatingin lang pala samin si mama mula sa labas ng pinto. Lumapit siya sa amin at niyakap ko silang dalawa ng mahigpit. I love my parents more than I love myself.
~~~~~
Katatapos ko lang mag half bath at ready na sana akong matulog kaya lang di ako dalawin ng antok iniisip ko parin yung kanina. Kung paano ko matutulungan sila papa at mama.
Mag sugar daddy nalang kaya ako? Ewww ang sagwa naman nun hahaha. Eh ano kaya kung mag trabaho sa bar? Ays di rin pwede maraming bastos dun baka mapatay pa ako ni papa kapag malaman niya. Hmmm ako kaya pwedeng gawing part time? Tulungan niyo ko guys pretty please, hirap pala pag walang kaibigan no hahaha wala kang makakwentuhan sa problema mo. Anong gagawin ko wala ng trabaho si papa si mama naman di sapat yung kinikita niya. Pano ko sila matutulungan? What should I do?, huhuhuhu.
~~~~~~

The Elite Squad
On the first left side is Thomas Jefferson De Verra the second is Jerome Patrick Torres ang ating bida hehe, the third one is Benjamin Oliver Javier and the last one ay ang ating serious man Liam Lucas Monteverde.

Anna Prisca Medoza
~~~~~
Yan po ang mukha ng ating mga bida. So I'm hoping that you'll support them until the end:))
Kabanata 2 is coming soon. Medyo busy lang ngayon kaya di mo na ako makakapag update:))
_misslittlesasa