Chapter 2 - Chapter 2

School clinic....

Nagising ako sa sinag ng araw mula sa labas kaya bumangon ako ng dahan-dahan dahil masakit pa katawan ko.

May nakita akong sulat sa gilid ng table ko.

Kinuha ko yun at binasa.

Dear Duchess Elizabeth,

Duchess kailangan na ng prinsesa na bumalik dito at para na rin makontrol ang kanyang kapangyarihan laban sa mga darkuser at para matalo na sila. At kinakailangan na din niya malaman kung sino ang tunay niyang mga magulang.

Sh*t ano to! Ako may kapangyarihan? Hindi ako naniniwala na meron pala nun nababasa ko lng ang gantong eksena sa mga fantasies sa mga libro pero marami akong alam kung paano kontrolin ito dahil sa mga nababasa ko advantage para sa akin na nakapagbasa ako ng mga libro at magagamit ko pa ito sa gantong panahon.

Kung may power ako edi hindi ako nabibilang dito at sino naman ang mga tunay kong magulang buhay pa ba sila sana naman buhay pa.

*creak*

(Bukas po yan ng pinto)

"Oh! Iha gising kana pala almu...." habang may dalang pag kain si auntie hindi natuloy ang sasabihin niya dahil nakita niya yung hawak ko.

"Auntie, totoo po bang may kapangyarihan ako?" malamig kung tanong kay auntie.

"O-oo p-princess, di t-tayo dito na bibilang k-kundi sa magi world."nauutal na sabi ni auntie hindi ko na pansin na may tumulong likido na galing sa mga mata ko papuntang pisngi.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko sa mga nalaman ko di ko alam.

Nakaramdam ako ng parang itim na aura kaya tumingin ako kay auntie.

Nakita kong papuntang bintana si auntie para isarado pero bago isara ni auntie nakita ko yung nakaitim na cloak at bigla nawala.

"Auntie, naramdaman mo po?" Tanong ko.

"Oo, princess! Kapag gumaling ka na at nakarecover babalik tayo sa magi world para dun mo mahahasa ang kapangyarihan mo." Sabi ni auntie.

*creak*(bukas ng pinto)

"Ahm! Ma'am check lng namin ang kalagayan mo kung ok na para pwede ka na makalis."sabi ni doc sa akin.

"Sge doc!"sabi ni auntie.

"Auntie, tulog muna ako ha!" sabi ko tumango na lang siya para bigyan ako ng pahiwatig.

Naglakad na si auntie sa pintuan para lumabas at makapagpahinga ako habang may ginagawa ang doctor sa katawan ko.

Sa wakas nakaalis na din ako sa hospital na iyon napagusapan nmin kagabi ni lola na lilipat na daw ako ng school para hindi na daw ako naaaksidente para mapangalagaan daw ako, tsk kailangan pang lumipat para lang dun eh kaya ko naman ipagtangol yung sarili ko.

Hayst bweset talaga! Makakaganti din ako sa bruhang yun.

(M/A: Bat! Ang sungit mo?)

Wala ka pake author tsk -_-.

(Ewan ko nga sau babae ka suplada mo di mo ako gayahin mabait, di nagagalit.)

Weh? Pero pag naasar na pikon naman tsk -_- wag ako author!

(Oo na talo nman ako lagi eh!*pout*)

Gross! Mukha kang pato! Di bagay sayo author!

(Tse! Bahala ka sa buhay mo!)

Back to reality tayo. Bweset kasi nakikisali narrate na nga muna eh.

Hayst. Andito ako sa kwarto ko nga pala gabi na Dinner Time na kaya baba na ako para kumain.

Nakasalubong ko si auntie.

"Oh! Apo tara kain na nakahain na ang kakainin natin sa dinner, tara baba ka na! " nakangiting sabi ni auntie.

"Sge po pababa na din naman po ako eh!"nakangiting sabi ko kay auntie.

Nakita ko sa mukha ni auntie ang pagkagulat kaya ngumiti din ng pabalik si auntie sa akin.

Narating din namin ang kitchen ay nagsikainan na kami ng sama-sama.

Nang na tapos na kami sa kinain namin ay nagtoothbrush na ako at naghilamos. Umakyat na ako sa kwarto ko para matulog.

Habang nakahiga ako ay may naaninag ako sa labas ng bahay naka itim na cloak.

Naaninag ko sa liwanag ng ilaw ang pag ngiti nya. *evil smile* Nangilabot ako sa nakita ko para isarado ko ang buong kwarto ko at pati na rin ang mga kurtina at sa subrang takot ay nagpatugtog na lang ako para di na maalala kung ano o sino yung naka itim na cloak. Binagsak ko ang sarili ko sa kama at dahil na rin sa antok at pagod ay binalot na ako ng dilim.

...... Morning...........

*kring*kring*kring*

Inaantok pa ako 5 minutes muna.

*kring*kring*kring*kring*

Bogsssssshhh*

Bw*set ayan tuloy nasira yung alarm clock bweset inaantok pa ako. Ano pa nga ba magagawa ko eh nagising na ako.

Napag-usapan na namin ni auntie pagkatapos nangyari sa school lilipat na daw ako at gagawan niya ng paraan ang nangyari.

Bumaba na ako sa baba upang makasabay sila auntie kumain.

"Mahal na prinsesa kailangan niyo ng bumalik sa iyong pinanggalingan maaaring may mapahamak pa sa iyong pamilya kapag hindi ka pa nakabalik sa mundo kung saan ka nabibilang." Sabi sa akin ng isang himig pero wala ako makita kahit anino o tao

"Bakit niyo po ako tinawag na prinsesa hindi po ako prinsesa." Malumanay na sabi ko.

"Nagbibigay na ako ng babala sayo ito ang iisipin mo.

Isang rosas na pahahalagahan at iingatan isang delubyo na di maiiwasan...

Isang malapit sa kanya ay mapapahamak at magsasakripisyo...

Pagibig na hindi kayang tumbasan ay masisira at mapapalitan ng pagsisi...

Isang bagay na kanyang kahinaan ay magiging sandalan...

Iyan lamang mahal na prinsesa paalam sa susunod nating paguusap."

Sabi sa akin at hindi ko na siya marinig nahuhulog lang ako sa maitim na ulap....

Napabangon akong hinihingal tinignan ko kung nasaan ako nandito pala ako sa kwarto ko. Panaginip lang pala iyon pero parang totoo ang nangyari.

Tok...tok....Tok.....

" Sabi ko habang nakaupo pa sa higaan medyo sumasakit pa ang pakiramdam ko.

Hindi ko namalayan lumapit na pala si aunt.

"Ang lalim ata ng iniisip mo?" Tanong niya sa akin.

"Aunt may panaginip po kasi ako nagbigay siya ng babala kaya di ko alam pero sumasakit ng husto yung utak ko po."

"Anong sinabi sayo maaari mo bang sabihin sa akin apo?" may alinlangang tanong niya sa akin.

"Isang rosas na pahahalagahan at iingatan isang delubyo na di maiiwasan...

Isang malapit sa kanya ay mapapahamak at magsasakripisyo...

Pag-ibig na hindi kayang tumbasan ay masisira at mapapalitan ng pagsisi...

Isang bagay na kanyang kahinaan ay magiging sandalan...

Yan po ang sabi niya sa akin aunt pero sumasakit pa rin po itong ulo ko dahil dun at ang init init ng pakiramdam ko."sabi ko habang may tumatagaktak na pawis sa mukha ko

Napapansin ko na lumulutang ang mga gamit sa loob ng kwarto kaya gumawa na ako ng paraan para di masaktan si auntie

"Auntie kailangan ko na po ata lumipat ng ibang school at matitirahan dahil di na po ako safe dito pati kayo nadadamay sa kapangyarihan kong to." nanginginig na ang mga tuhod ko pati mga palad ko dahil sa nakikita ko.

Simula nung tumungtong ako sa edad na 18 nagbago lahat sa buhay ko dahil sa bweset na kapangyarihan kong to.

Marami ng gamit ang nasira sa loob ng bahay.

Naalerto kami ni auntie kung saan yun nanggaling pati yung magaling kung pinsan nagulantang sa narinig pero nakita akong malapit sa likod niyang itim na lalaki.

Shit! Nasa likod niya.

Nakita kong tumingin siya sa akin galit na galit ang tingin niya sa akin kulay itim na mga mata sila ang dahilan kung bakit namatay ang mga umampon sa akin. Nangilabot ako sa nakita.

Nakita kong nagpalabas ng kapangyarihan ang magaling kong pinsan.

Hindi ko alam pero di sila gumagalaw dahil siguro dun sa nakaitim na yun kaya tumakbo kami ni auntie pababa papuntang garahean.

Naging abo ang mga nakikita kung nakaitim muntikan na akong masaksak nung nasa gilid ko na nakaitim.

"Ayos lang po kayo auntie? Mukhang pati kayo gusto nila patayin." nanggagalaiti kung sabi sa kanila.

"Mukhang kailangan mo ng lumipat ng ibang school." sabi ni auntie sa akin.

"Saan naman siya lilipat ng school auntie?" nakangiwing sabi ng tukmol kung pinsan na si lance.

"Sa Royalty Academy para safe siya dun at para mabantayan mo siya dun." sabi ni auntie. Nagulat si lance dahil sa sinabi ni auntie.

"Ano! Lola naman, sa school ko pa baka mapaaway yan dun! Alam mo naman po lola yang babaeng yan noon palang lagi na lang napapaaway." sabi ni lance.

Tinignan ko siya ng malamig yung walang emotion para matakot siya.

Tama nga ang ginawa ko di na niya nagawang ibuka ang kanyang bibig itinikom na lang bibig niya kaya yun nabatukan siya ni lola.

"Aray ko lola masakit yun ha!" napangiwi na lang ako sa ginawa ni auntie.

"Pumapayag ako sa desisyon mo auntie para maganda ang first day ko dun di ako makikipagaway." sabi ko nakita kong napangiti si auntie dahil sa pumayag ako na dun sa school tinitigan ko ng masama ang tukmol kung pinsan.

"Sige bukas na tayo aalis dahil sa makalawa na ang pasukan niyo kaya magmadali kayong dalawa para sabay na kayo na makaalis dito." sabi ni auntie. Nagmadali kami na makasakay ng kotse dahil sa nangyari.

Kahit wala akong nadalang gamit atleast ligtas kami kinakabahan pa din ako sa nangyayari.

Ang haba pa ng byahe kaya hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.