Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Chosen For Entertainment (LGBT+) (Tagalog)

🇵🇭J_010600
--
chs / week
--
NOT RATINGS
3.9k
Views
Synopsis
Chosen For Entertainment (LGBT+) [Tagalog] Caspian Jade Balker, came from a well-known family. He has a luxurious life. Lahat ng gusto ay kanyang nakukuha. But that was before. After his father died because of stroke. Nagsilabasan ang mga taong pinagkakautangan nito dahil sa lulong niya sa cassino at ang company pala nila ay bankrupt na rin. Ang buhay niyang may gintong kutsara, ngayo'y isang kayod, isang tuka na lamang. In order to survive with his sick mother. Pumasok siya sa iba't ibang legal na trabaho; waiter sa isang bar at kargador sa palengke. May maiuwi lang siya sa kaniyang ina. But these are not enough for his mother's medication. Kaya kahit labag sa loob niya, he found himself in a room with the man who bought him for entertainment. Ang kasiyahan kayang ito ay mauuwi sa love o magbibigay lang ito ng pain kay Caspian?
VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter 1: Caspian

CASPIAN

"Mga suki, mga suki! Bili na po kayo rito! Sariwang-sarawi itong bangus na aking itinitinda!"

"Magkano po isang kilo?" I asked her. She looked at me and smiled.

"Caspian, ikaw pala iyan. Ano'ng bibilhin mo?" Ngumiti rin ako.

"Ito pong bangus, Aling Bebe. Magkano po?" tanong ko ulit.

Ipinalo niya sa hangin ang kamay at tumawa. "Naku! Ibibigay ko na lang ng libre sa 'yo, dahil mabait kang bata at palagi mo akong tinutulungan dito."

Napakamot ako sa batok at wala ng nagawa nang ibalot niya sa plastik na supot ang isang malaking bangus. Nilagyan din niya ito ng mga sangkap para sa sinigang na bangus bago iabot sa akin.

"Aling Beba, nakakahiya po ito. Palagi niyo na lang po akong binibigyan ng uulamin namin."

"Hayst! Ano ka ba? Hindi ka na naiiba sa akin. At saka, sa tuwing nandito ka sa tindahan ko kapag wala kang pasok sa car wash ay palaging mabenta itonh mga paninda ko. Kaya pasasalamat ko na rin iyan sa 'yo," mahaba niyang salaysay.

I just smiled at her. "Huwag po kayong mag-aalala, kapag ka may libre akong oras ay tutulong ako sa 'yo rito," masigla kong sagot.

"Oh siya sige. Aasahan ko iyang tulong mo." I nodded. Nagpaalam na rin ako sa kaniya na uuwi na ako.

Nakangiti ako habang tinatahak ang daan papauwi sa aming mumunting bahay. Bitbit ang ibinigay sa akin ni Aling Beba, ang tindera ng isda sa palengke at kung saan din ako minsan na nagtatrabaho upang makakuha ng konteng pera sa pang-araw-araw namin.

"Ma, I'm home!" I opened the door and entered in our house. Maliit lang itong bahay namin na gawa sa pinagtagpi-tagping mga kahoy at bubong.

Sakto para lamang sa aming dalawa ni Mama. I sighed. Kung hindi lang dahil sa aking Papa ay sana nasa maganda ang pamumuhay namin ngayon.

"J-Jade..." Mabilis ko siyang nilapitan dahil pinipilit nitong tumayo. Inalalayan ko siya upang makaupo sa isang kahoy na upuan.

"How are you?" tanong ko.

"I-I'm okay." Kahit nahihirapan ito ay pinilit niyang sumagot. Ngumiti na lang ako at hinaplos ng marahan ang kaniyang pisngi.

"I'll just cook for our dinner." Hindi ko na siya hinintay na makasagot at umalis na ako roon.

Pumunta ako sa kusina namin na may maliit na espasyo ngunit kompleto naman sa gamit pangluto. May isang kaldero, kalan, plato, kutsara at iba pang gamit namin upang makapagluto. Ang sala naman namin, kung saan ko iniwan si Mama, ay siya na ring kuwarto nitong aming barong-baro.

Magdadalawang taon na kaming nakatira dito. Hindi ko na nga maalala kung papaano kami napunta sa bahay na 'to. I just wanted to forget everything and moved on.

Noong una ay mahirap mag-adjust. We came from a well-known family but because of my father, sa pagkalulong nito sa cassino at hindi na namin namalayan na bumabagsak na pala ang company, kaya kami nandito ngayon.

But it's all in the past now. Hindi man madali noong una pero sa araw-araw na gumigising ako, pinapaalala sa aking wala na ako sa dati kong buhay. And, I need to stand up in my own feet.

Kinuha ko na kanin at ang ulam. Inihanda na iyon sa hapag na gawa sa kahoy at pinaglumaan na rin ng panahon. Lumabas ako sa kusina upang alalayan si Mama na makapasok doon.

She's sick, mayroon siyang sakit sa bato. Hindi pa naman malala noong una pero dahil sa kulang ang pera upang maipagamot ay minsan hindi na niya ito kinakaya.

"Bigay ito ni Aling Beba, 'Ma. Kaya dapat magpagaling ka para mapasalamatan mo rin siya," I said.

Nilagyan ko ng kanin at ulam ang kaniyang plato. Kaya naman ni Mama ang kumain mag-isa kaya wala akong problema roon.

"T-Thank you." She smiled. Halata sa kaniya ang panghihina but she's still fighting. And, I know she can.

Pagkatapos naming kumain. Nilinis ko na rin ang kusina. Tinulungan si Mama na makabalik sa matigas naming kama. Inalalayan ko ulit siyang makahiga roon at kinumutan. Nakainom na rin siya ng gamot at hindi ko alam kung saan pa ako kukuha ng ipambibili ko dahil iyon na lang ang natitira sa gamot niya.

Pagkatapos ko siyang kumutan ay hinalikan ko siya sa noo. Lumabas muna ako ng bahay at tumingin sa madilim na kalangitan.

"I know you're listening to me. Can you please help my mom to recover? She's my everything, I don't want to lose her." Pinunasan ko ang luhang pumatak sa aking mga mata.

Hindi ko yata kayang mabuhay na wala si Mama sa tabi ko. Alam kong lahat ay bumabalik sa kaniya but can't I just wish that my mom could live longer? Gusto kong maranasan niyang muli ang buhay namin noon.

"Pst! Poge!" Mabilis akong umayos ng tayo. Pasimple kong pinunasan ang luha ko bago ako tumingin dito.

"B-Bakit?" matigas kong tanong. Hindi ko naaaninag ang kaniyang mukha dahil natatakpan siya ng dilim.

Napansin kong naglakad ito papalapit sa akin at sa tulong ng ilaw sa poste, sa tabi mismo ng aming bahay. Nakita ko ang kaniyang mukha na puno ng kolorete. Nakasuot ng pangbabaeng damit kahit na isa siyang lalaki.

"Magkano ka?" tanong nito.

"What're you talking about?" nakakunot noo kong tanong.

"Ay! Englishero. What I mean is, how much is you?" Mas lalo akong naguluhan sa paraan ng pagkaka-english niya. May halong pag-iinarte kahit na ang katawan nito'y mukhang mas malaki pa sa akin.

"I'm sorry but I don't understand you," sabi ko sa kaniya. Tatalikod na sana ako ngunit mabilis niya akong hinawakan sa braso.

"Sandali lang! 'to naman, iniiwan agad ako." Tinignan ko siya ng masama. Binitiwan naman nito ang braso ko. "Narinig ko kasi ikaw na may sinasabi, mukhang problemado ka. Puwede akong makatulong."

"If you're paying me for sucking my dick. I'm sorry but I don't need your help," sabi ko sa kaniya.

Alam ko naman sa una pa lang na ito na ang kaniyang motibo. The way he looked at me ay para na niya akong hinuhubaran.

"Wooy! Grabe ka, ah! Nagbibiro lang naman ako at nagbabakasakali na rin." He laugh but I remained silence.

I calm myself because as much as possible, I don't want to hurt people. "Ano bang kailangan mo? Kailangan ko pang matulog dahil maaga pa ang trabaho ko bukas."

May kinuha siya sa maliit niyang bag. Nang ilabas na niya ito ay isang maliit na piraso ng papel at iniabot sa akin na kinuha ko naman upang tignan. May nakasulat na address doon at pangalan ng isang bar.

"May isang bar sa may city na naghahanap ng mga waiter. Baka makatulong sa 'yo. Roon din ako nagtatrabaho kaya kung balak mong magtrabaho roon ay hanapin mo lang ako," he said. "Nga pala, Ar-ar ang pangalan ko. Iyan ang sabihin mo, okay?"

I just nodded and he leave.

Dahil madilim na ang lugar ay bumalik na ako sa loob ng aming bahay. Inilagay ko sa bag ko ang card na binigay ni Ar-ar bago ako tumabi kay Mama, na mahimbing ng natutulog.