Pagbalik ni Scarlet sa Spain, trabaho muli ang bumungad sa kanya. Stress na stress na siya subalit pilit kinakaya upang maging lakas niya ito sa kanyang mga plano.
Unti-unti na ding nagbabago ang ugali ni Scarlet. Tila pinanindigan na niya ang kanyang pagkakaroon ng pusong bato at mapanlinlang na emosyon. Nabalitaan ni James ang pagbalik nito kung kaya dinalaw niya ito sa kanyang opisina.
"Hi.." ani ni James
"Si? Busy ako..." tugon ni Scarlet
"Namiss kita... labas tayo mamaya?" Ani ni James
"Busy nga ako James! Ang dami dami kong ginagawa!" Tugon ni Scarlet
"Teka lang! Kalma.. ano ba ang nangyayari sayo? Hindi ka naman ganyan dati" ani ni James
Nakakunot ang mga noo ni Scarlet at bakas ang pagiging mainitin ng ulo. Sinubukan pa din siyang pakalmahin ni James.
"Stress ka na siguro.. magpahinga ka din naman." Ani ni James
"Pagod lang ako siguro.. pasensya ka na kung napagtaasan kita ng boses." Tugon ni Scarlet
"Ayos lang.. Uhmmm may gagawin ka ba mamayang gabi?" Ani ni James
"Wala naman bakit?" Tugon ni Scarlet
"Gusto sana kita iinvite sa bago kong bahay.. gusto ko lang ipakita sayo. If you are free tonight?" Ani ni James
"Sure.. pupunta ako.." tugon ni Scarlet
"Nope.. susunduin kita dito tell me ano oras ka matatapos mamaya?" Ani ni James
"Hindi ko pa alam.. maybe 8 pm.." tugon ni Scarlet
"Ok I'll be here at 8pm ok?.." ani ni James
Nagpaalam na si James kay Scarlet upang matapos na niya ang mga trabaho nito. Nang makaalis sa kanyang opisina si James sumagi naman bigla sa kanyang isipan si Jasmine. Kaya tinawagan niya si River.
Rrrrrriiiinnnnnggggg....
"Scarlet??"
-River
"Just got back from Paris kumusta kayo?"
-Scarlet
"Ok naman kami ng anak ko. Kailan ka ba papasyal dito?"
"Siguro sa isang araw. Madami pa akong work.. may dapat din pala tayong pag-usapan."
"Sige sige.. mag-iingat ka dito na lang natin pag-usapan ang lahat pagdating mo."
"Ok River.. thank you.."
🖤 END CALL 🖤
Napansin ni Scarlet na ilang linggo na parang may sumusunod sa kanya. Kaya kinontact niya ang kanyang private investigator at pinapaalam kung sino ang sumusunod sa kanya.
Iniwan naman ni Scarlet sina Ana at Ace sa Paris upang mas masulit pa nila ang oras ng bawat isa. Masayang masaya naman si Scarlet dahil nakita niya ang mga ngiti sa mata ni Ana simula ng maging nobyo niya si Ace.
"Saan mo pa gustong pumunta?" Tanong ni Ace
"Hindi ko alam... ikaw ang maraming alam.. lagi ba kayo namamasyal ni SS?" Ani ni Ana
"Nako? Pasyal? Malabo.. puro iyon trabaho parang hindi na napapagod." Tugon ni Ace
"Uhmm. Ace.. can we talk?" Ani ni Ana
"Upo muna tayo or uwi na tayo sa hotel?" Tugon ni Ace
"Mas mabuti siguro if sa hotel na tayo.. mainit na din kasi.." ani ni Ana
Tinungo ng dalawa ang hotel. Makalipas ang dalawapung minuto ay nakarating na sila dito. Pagkapasok nila, kumuha kaagad si Ace ng maiinom nila. Iniaabot at saka umupo at nagtanong.
"Ano yung tanong mo?" Ani ni Ace
"Mapipigilan pa ba natin si SS sa mga palano niya?" Tugon ni Ana
"Sorry... hindi kita masasagot.. kahit ako iyan din ang tanong ko.." ani ni Ace
"Ayaw ko na kasing magkasakitan pang muli sina Natahlie at Scarlet." Tugon ni Ana
"Gustuhin man natin.. pero si SS ba gusto din?" Ani ni Ace
"Hindi ko na kilala ang kaibigan ko kapag nakatalikod siya sa akin. Oo ok siya pag kaharap niya ako.. pero kapag wala ako sa tabi niya iyon ang ipinapangamba ko." Tugon ni Ana
"SS Law.. wala talagang makakalusot.. kapag sinabi niya sinabi niya. Ang magagawa na lang natin is subukan natin siyang pigilan habang maaga pa." Ani ni Ace
"Ako na lang ang pipigil. Alam kong makikinig siya sa akin.. at kung magalit siya sa akin alam kong hindi siya magtatanim ng kahit anong galit sa akin." Tugon ni Ana
Bakas sa pagmumukha ni Ana ang hindi maitagong pag-aalala sa kanyang kaibigan.
"Sure ka na kaya mo?" Ani ni Ace
"Kaya ko.. but promise me sasabihin mo sa akin ang lahat ng plano niya." Tugon ni Ana
Hindi kaagad nakasagot si Ace sa tanong na ito sa kanya ni Ana. Kaya naman inulit muli ito ni Ana.
"Tutulungan mo ba ako??" Ani ni Ana
"I can't promise... maraming plano si SS na siya lang ang halos na nakakaalam." Tugon ni Ace
"Kung sabagay..." ani ni Ana
Nalungkot si Ana sa sagot ni Ace. Maski si Ace ay hindi alam kung paano niya matutulungan si Ana. Inakap na lamang niya ito upang maibsan ng kaunti ang pinagdadanan nito.
Wala pang alas otso ng gabi, dumating na si James dala ang isang bouquet ng white roses. Nagulat naman si Scarlet sa paandar na ito ni James.
"Ooh ang aga mo? At bakit may pabulaklak ka?" Ani ni Scarlet
"Naexcite lang ako.. ayaw ko lang na pag-intayin ka." Tugon ni James
"Sus.. drama mo.. hindi mo naman ako girlfriend." Ani ni Scarlet
Napakindat si James sabay ngiti at abot ng mga bulaklak kay Scarlet.
"Flowers for you.." ani ni James
Tinanggap naman ni Scarlet subalit hindi siya nagpakita ng kahit anong reaksyon.
"Mamaya maya pa ako matatapos." Ani ni Scarlet
"It's ok.. mag iintay ako dito." Tugon ni James
"Ok." Ani ni Scarlet
Umupo na sa kanyang pwesto si Scarlet at tuloy ang pagtatrabaho. Samantala umupo naman si James sa couched paharap kay Scarlet. Kumuha ito ng babasahin subalit nagnanakaw ito ng silip kay Scarlet.
Napapansin siya ni Scarlet kaya. Dahan-dahan siyang tumayo at lumapit sa may likuran ni James. Hindi ito namalayan ni James habang dahan dahan niyang ibinababa ang libro.
"Sinong sinisilip mo?" Ani ni Scarlet
"Ha! Ano.. wala.." tugon ni James
"Kanina pa kita napapansin.." ani ni Scarlet
"Sorry na... ang ganda mo kasi.." tugon ni James
"Hay nako James Mendoza ako ay tigilan mo. Tara na sa bahay mo at ng makita ko na habang mas maaga pa." Ani ni Scarlet
"Pero hindi ka pa tapos sa work mo." Ani ni James
"Hindi ako makakapagwork kapag may tingin ng tingin sa akin. Kaya tara na bago pa magbago ang isip ko." Tugon ni Scarlet
"Yes ma'am! Tara na po! " pabiro ni James
Umalis na sila sa kompanya at nagtungo sa bahay ni James. Kagaya ng dati may sumunod muli kay Scarlet. Hindi nila ito napansin hanggang sa makarating na sila sa bagong bahay ni James.