Kinabukasan flight naman ni Scarlet patungo sa Paris para sa kanyang planong pagbili ng isang naluluging kompanya ng alak. Unti-unti ng nakikilala si Scarlet sa buong Europe bilang isa sa pinakamayaman.
Naaayon naman ang lahat sa kanyang plano. Hindi pa siya nakakapunta sa DelaFuente Chocolatier tanging si Ana lamang ang kanyang mata dito. Tumatawag lang siya kay Ana upang makibalita.
Rrriiiinnnngggg....
"Yes SS kumusta ka?"
-Ana
"Ok naman ako.. kayo kumusta jan? Kumusta ang kompanya?"
-Scarlet
"Ok naman lahat dito.. kailan ka ba babalik? Hinahanap ka na ng mga empleyado. Yung bagong pasok natin dito daig pa ang boss kung umasta."
"Malapit na Ana, konting tiis na lang magkikita na kami."
"Ok sige... basta mag iingat ka jan.. see you soon"
🖤 END CALL🖤
Sa hindi inaasahang pagkakataon, Pag dating niya sa Paris airport, nakasabay pala niya si Tom sa eroplano. Nagtagpo ang landas nila habang kumukuha ng luggage. Kaagad naman siyang binati ni Tom, subalit tila hindi siya kilala nito.
"Scarlet..." ani ni Tom
"Yes? How may i help you?" Tugon ni Scarlet
"Still mad of me?" Ani ni Tom
"Sorry i have to go.. i have a very important meeting today." Tugon ni Scarlet
Kaagad na umalis si Scarlet upang maiwasan si Tom. Galit pa din siya kay Tom sa kabila ng ginawa nito sa kanya. Kung tutuusin malaki ang utang na loob ni Scarlet kay Tom subalit walang kasiguraduhan ang kapatawaran niya sa kabila ng panggamit sa kanya ni Tom.
Sa tuwing naalala ni Scarlet ang wangis na meron siya tanging sakit lamang ang kanyang napapala. Araw-araw niyang makikita sa sarili niya ang babaeng hindi naman siya. Hindi ito naging madali sa kanya, subalit ginamit na lamang niya ito upang maging lakas sa pagharap sa mga hamon ng buhay.
Nakarating na siya sa hotel, nagbaba lamang siya ng gamit at nagpalit ng damit upang magtungo na sa kanyang ka meet up.
Pagdating niya sa building, naghihintay na sa labas ang lawyer ng owner ng building. Kaagad naman silang pumasok sa loob patungo sa conference room.
"Welcome Ms. Dela Fuente"ani ng lawyer
"Thank you Mr. Viger" tugon ni Scarlet
"So my boss.. told me that he wanted to see you and he would be here in a few minutes." Ani ni Mr. Viger
" Ok no problem. I can wait" tugon ni Scarlet
Umupo si Scarlet at nagbasa ng documents tungkol sa company profile. Habang binabasa niya ito, napansin niya na walang nakalagay kung sino ang CEO tanging alias name lang na " TL" ang nakasulat dito.
Lumakas ang tibok ng puso ni Scarlet, tila may kutob siya sa kung sino ang may ari ng wine company na ito. At may ilang saglit pa narinig niya mula kay Mr. Viger ang pagbati nito sa kanyang boss.
"Bonjour Mr. Lastimosa" ani ni Mr. Viger
"Bonjour! Mr. Viger, everything is ok? Thus Ms. Dela Fuente is there?" Tugon ni Tom
"Yes, she's there and she's waiting inside" ani ni Mr. Viger
Pagbukas ng pinto, nagulat ang dalawa ng makita nilang muli ang bawat isa. Subalit umaktong normal lamang si Scarlet.
"Ikaw?" Ani ni Tom
"Ako nga.. bakit parang nagulat ka?" Tugon ni Scarlet
Kahit si Mr. Viger ay nagtaka din, kahit hindi niya naiintindihan ang kanilang usapan.
"Do you know each other??" Giit ni Mr. Viger
"Oh no! It's not possible! Mr. Viger I thought you checked every profile of the buyer" ani ni Tom
"Yes i did that. But I didn't expected this." Ani ni Mr. Viger
"Ok.. Can you leave us a moment?" Tugon ni Tom
Napapangiti na lamang si Scarlet, habang nakikinig sa dalawa, may ilang sandali pa ay lumabas na si Mr. Viger at nag-usap na ang dalawa.
"What's your plan Scarlet?" Ani ni Tom
"Plan?? I have no plan Tom.. why??" Tugon ni Scarlet
"Bakit hindi mo ginamit ang apelyido mo as a Guerero.? Can you explain that?" Ani ni Tom
"Excuse me Tom! I'm not Ms. Guerero. I am Ms. Dela Fuente! Baka nakakalimutan mo kung sino ba talaga ako!" Tugon ni Scarlet
"Stopped whatever your plans! I will not let you buyed my company!" Ani ni Tom
Nagagalit si Tom sa ginawang ito ni Scarlet. Hindi niya lubos na maisip kung bakit kailangan si Scarlet pa ang bumili ng kompanya.
"Again i have no other plans.. well ok hindi ko bibilhin ang company mo. So bahala na ang mga empleyado mo." Ani ni Scarlet
Natigilan si Tom at napaisip, wala na siyang ibang malalapitan pa bukod kay Scarlet. Nagkaroon sila ng shortage sa kompanya at sa hotel kung kaya't kailangan na niya itong ipagbili. Gusto man niya itong suportahan gamit ang pera ng TL chocolatier subalit hindi siya payagan ng mga board members na tustusan ito.
Kung kaya tinawag na niya si Mr. Viger, at ipinahanda ang mga papeles.
"Ok fine.. you won!" Ani ni Tom
"Good! Mabilis akong kausap, so we have a deal?" Ani ni Scarlet
Ibinigay na ni Mr. Viger ang mga papeles na pipirmahan ni Scarlet at ni Tom. Makalaipas ang ilang minuto, natapos na ang pirmahan.
"Congratulations Ms. Dela Fuente. You're the new owner of this company" ani ni Mr. Viger
"My pleasure Mr. Viger.." tugon ni Scarlet
Samantala nakaupo lang si Tom habang tahimik na nakatingin kay Scarlet. Pinagmasdan niya ito, at hindi na ito ang Scarlet na nkilala niya. Paglabas ni Mr. Viger kaagad niyang kinausap si Tom.
"Are you ok Tom?" Ani ni Scarlet
"Yeah why?" Tugon ni Tom
"By the way. I Forgot to tell you i will change the name of this company." Ani ni Scarlet
"Its up to you! Whatever you wanted its your decision im not the owner of this company anymore. But please take care of my employees." Tugon ni Tom
"Good! Gusto ko lang malaman mo ang una kong gagawin. And for your employees don't worry i will treated them very well." Ani ni Scarlet
Napailing na lamang si Tom, gustuhin man niyang pigilan si Scarlet subalit tila hindi na niya makapa kung paano niya ito kakausapin kagaya ng dati.
Lumabas sila ni Tom sa conference room, at nag tour so loob ng building. Ipinakilala na din siya ni Tom sa kanyang buong empleyado. Bakas sa mukha ni Tom ang lungkot, dahil sa mahal niya ang kompanyang ito subalit wala siyang magawa kung hindi ang bitawan ito.