Chereads / Kuroneko(Black Cat) / Chapter 1 - PROLOGUE

Kuroneko(Black Cat)

🇵🇭ClaraMaria
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 2.5k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - PROLOGUE

Pabalyang hinagis ni Cosmo ang folders sa ibaba ng lamesa niya at masamang tingin ang ibinigay sa taong nasa harapan niya ngayon. Ang isa sa mga empleyado niya.

"Simple lang yang pinagawa ko! Tapos ano ito?! Talaga bang architecture ang natapos mo Mr. Reyes?!" bulyaw niya rito.

Umiinit lalo ang ulo niya dahil sa mga tatanga tanga niyang empleyado. Dumagdag pa ang gawa nito na parang minadali! Ngayon ang submission nito at binigyan nito ng 2 buwan para lang matapos ito at maganda ang kakalabasan sa blue print.

"P-Pasensiya na po kayo sir. Hindi ko po natapos iyan dahil nagkasakit ang asawa ko." Umiiyak na paliwanag nito sa kaniya.

"I don't fcking care! Trabaho mo yan dapat ginagawa mo! Binibigyan ko kayo ng mataas na sahod pero ganto ang ginagawa niyo?!" gusto niyang ibalibag ang lamesang nasa harapan pero pinigilan niya lang ang sarili.

"You're Fired Mr. Reyes." Matigas niyang sabi rito. Nagulat itong napatingin sa kaniya at lumuhod sa kaniyang harapan.

"S-sir. Wag naman po! Kailangan ko ng pera para sa pag papagamot ng asawa ko." pagmamakaawa nito pero tila isa siyang bingi at walang pakiramdam na umalis sa harapan nito.

Sa nagdaan na ilang buwan halos maubos na ang mga empleyado niya at ang mga tumagal lang ang natira. Bumababa na rin ang kita ng kompanya na lalong ikinaiinit ng ulo niya araw araw. Problemado siya at binubuhos sa mga empleyado ang galit.

Umiinom siya ng alak habang nakaupo sa couch sa opisina. Nakakunot ang noo ni Cosmo at wala siyang maisip na paraan. Biglang bumukas ang pintuan ng opisina niya at nanlaki ang mga mata ng makita ang kaniyang lola.

Bakit ito andito?" tanong sa sariling isipan.

Tumayos siya at lumapit sa lola para halikan ito sa pisngi pero isang sampal ang ginawa nito sa kaniya na talagang ikinagulat niya.

"How dare you Cosmo! Hindi kita pinalaki ng ganiyan! Ano bang nang yayari sayo?" nag aalalang sabi nito sa kaniya.

Walang emosyon lang siyang nakatingin dito. Maski siya hindi niya rin alam.

Wala siyang naisagot sa lola at tanging pag yuko lang ang ginawa niya.

" Alam mo bang muntikan ng bawiaan ng buhay ang asawa ni Mr. Reyes ng magpunta siya bahay at humingi ng tulong sa akin?! Sinisante mo pa ng sabihin niya sayo ang dahilan!" Galit na sigaw nito.

Muli siyang tumingin sa mukha ng kaniyang lola. Magkasalubong ang kilay niya.

"Is because he's fcking idiot! Simpleng drawing lang hindi niya ginawa ng maayos granny!?" Galit niya ring sigaw at kita niya kung paano magulat ito sa kaniyang pag sigaw at isang sampal, hindi lang isa kundi tatlong beses na sampal ang ginawa nito sa kaniyang pisngi.

"Ang lakas ng loob mong sigawan ako cosmo! Matapos kitang alagaan ay ganiyan ang gagawin mo sa akin ang sigawan ako?!" Naluluhang sigaw nito.

Kaagad na nawala ang galit na kumukubli sa kaniyang dibdib ng makitang umiiyak ang kaniyang lola sa kaniyang harapan.

"I'm s-sorry granny." Utal utal niyang sambit. Hindi niya sinasadyang sigawan ito. Lalapit sana siya ng humarang sa kaliwang kamay nito sa kaniyang harapan para pigilan siya paglapit pero may naramdaman siyang kakaiba matapos ibaba nito ang kamay.

Malamig siyang tinignan nito at isang salita ang binaggit nito na dahilan kung bakit nagdilim ang kaniyang paningin.

Binuhat ni Donya Esther ang apo na ngayon ay naging pusa na kulay itim. Nilagay niya ito sa karton at inutos sa sekretarya ng apo na itapon ito sa tabi ng basurahan na kaagad naman siyang sinusunod nito.

Nagising na lamang siya dahil sa hindi siya komportable sa hinihigaan. Matigas iyon at amoy karton.

Umunat siya at pagmulat ng kaniyang mata isang babae ang nakatingin sa kaniya na nakangiti.

Sino ang babaeng ito?!

"Hello mingming! Buti gising ka na. Halika papakainin kita." Nagulat siya ng bigla siyang kargahin nito.

At ano daw sabi? Mingming?! Hindi iyon ang pangalan niya! Iba ang pakiramdam niya ngayon parang may kakaiba.

Habang buhat siya nito ay huminto muna ito sa isang salamin at doon nanlaki ang mga mata niya!

Mula sa kulay itim at malahibong buhok, mahabang buntot, apat na paa, kulay berdeng mga mata at nakataas na dalawang tenga.Hindi siya makapaniwala sa nakikita. Isa siyang pusa?!

Paano nangyari ito?! Nagpupumiglas siya sa pagkakahawak ng babae sa kaniya at kaagad naman siyang nakawala.

Kailangan niyang tumakas. Pero paano niya maabot ang doorknob? Masyadong mataas iyon at hindi niya maabot.

"Hay nako! Bawal kang lumabas Max. Halika na dito kumain ka muna." Mukhang siya ang tinatawag ng babae at tinignan niya lang ito ng masama pero mukhang hindi tumalab.

"Halaa!! Ang kyut kyut mo naman Max!" Kinarga siya uli nito at pinaghahalikan ang kaniyang pisngi.

Nilagay niya ang isang paa niya sa bibig nito at tinutulak palayo. Naiilang siya sa babaeng ito at ito ang kauna unahang may hahalik sa kaniya maliban lang sa kaniyang lola.

"Kumain ka na at matulog pagkatapos." nilapag siya nito sa sahig sa tapat ng isang lalagyan. Isang bowl na puno ng isda na parang suka.

Nakakadiri!

Gusto niyang sumuka pero pakiramdam niya ay gusto niyanniyang kainin ito kaya wala siyang magawa.

Hindi niya alam kung bakit sarap na sarap siya habang kumakain.

Nang matapos siyang kumain ay umupo siya at nilibot ang buong paningin sa bahay. Nasa kusina siya pero nakikita ang sala mula sa kinauupuan niya may hagdanan din paakyat at doon siguro natutulog ang babaeng nag aalaga sa kaniya.

Naglakad palapit doon sa babae na nakaupo sa couch habang nanunuod ng tv. Tinalon niya ang sandalan para tignan ito pero nakita niyang nakanganga ito at tumutulo pa ang laway. Ang isang hita nito ay nakasayad sa sahig ang dalawang kamay naman ay nakayakap sa unan.

Dahil sa kapilyuhan may naisip siyang kalokohan. Dahan dahan siyang bumaba papunta sa mukha ng babae dahil saktong nakanganga ito ay doon siya naupo. Inupuan niya ang bunganga nito. Hanggang sa maramdaman niyang nagigising ang babae.

Nagulat siya ng maitulak siya nito kaya bumagsak siya sa sahig. Nag iba ng pwesto ang babae at masamang tinignan ito.

Humanda ka sa aking babae ka!

Iniisip niya kung paano siya babalik sa dating anyo o habang buhay nalang siyang ganito? Wag mong sabihin na namatay siya at ito ang second life niya?!

Hindi iyo maari dahil madami pa siyang pangarap sa buhay! Anong gagawin niya?!