Chereads / MoyMoy / Chapter 1 - MOYMOY

MoyMoy

🇵🇭Daoistn1PZp7
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 4.4k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - MOYMOY

Ako si MoyMoy,

Hilig ko ang mag sulat ng mga istorya, ang pagsusulat na yata ang naging buhay ko ngunit hindi ko lubos maisip na darating ako sa punto na isusulat ko ang istorya ng buhay ko. "Ang istorya na bumuo at sumira ng buhay ko"

Pinalaki ako ng nanay ko na mabait,

sinabi din niya sakin na "Ang pagtulong kailanman ay hindi naghihintay ng anumang kapalit. "

Tinuruan niya akong maging isang mabuting bata,

mahirap lamang kami pero lumaki akong may takot sa Diyos.

Nagsimula ang lahat noong nasa 2nd year college ako, noong nakilala ko ang mga kaibigan ko. O marapat na sabihing "Pinag-ugatan ng pagkasira ng buhay ko" itatago ko nalang sila sa pangalang Gerry, Andrew, at Carlo. May mga kaya sila sa buhay, noong mga oras na iyon ay wala silang assignment at kapwa pa may tama ng alak buhat sa nag daang gabi. Babayaran nila ako kapalit ng pagpapakopya ko sa aking assignment. Noong mga oras na yon ay nanariwa sa akin ang sinabi ng aking mama

"Ang pagtulong sa iba ay hindi kailanman nag hihintay ng anumang kapalit"

Ngunit dala ng kahirapan ay napilitan akong tanggapin ang nasabing salapi. Doon na nagsimula ang pag-ba-barkada-han namin.

Ako ang gagawa ng mga takdang aralin nila na kapalit noon ang pera na barya lamang para sa kanila,

ngunit ginto para sa akin...

Ang Halaga.

Hanggang mas lumalim pa ang samahan namin at natuto na ako sa mga bisyo na ginagawa nila, at yon din ang unang beses na nag sinungaling ako sa aking mama.

"Ang dating tubig lang na iniinom ko pag nauhaw ako, ngayon Alak na"

"Ang dating Library na libangan ko, ngayon ay Bar na"

"Ang dating paracetamol na ginagamit ko, ngayon bawal na gamot na"

"Ang dating Ako na Matino, ngayon ay Wala na at Wasak na."

"Wala akong maramdaman noon kundi 'Sarap at Saya"

"Dahil sa Droga naramdaman ko ang katagang 'GINHAWA"

"Limutin ang Sakit, at namnamin ang Langit"

Naturuan narin ako ng mga kasama ko noon ang magkaroon ng pera sa mas madaling paraan.

Magnanakaw at Manloloko ng Tao para lang may maipantustos sa napaka sarap na bisyo.

Ang dating pag-uwi ko sa bahay ng 'Maaga'

ngayon ay umuuwi ako ng 'Umaga na'

Isang umaga noon at umuwi ako nadatnan si mama na natutulog pa. Nakita ko din sa tabi niya ang pitaka, dagli ko iyon kinuha at umalis.

Pag-uwi ko ng bahay ay nakita ko si mama na naka upo sa sala at naka tingin ng deretso sa akin at hinahanap ang kanyang pitaka.

Ngunit sinagot ko siya ng

"Anong malay ko sa Pitaka mo?"

Napakurap si mama noon at nabigla sa inasta ko.

Kaunting sandali pa at umiyak na siya.

Nakiki usap siya na itigil ko na ang bisyo ko at mag bago na.

Muli hinanap niya ang kanyang nawawalang pitaka na naglalaman daw ng pera na panggastos namin sa isang linggo.

Nainis ako sa pag-iyak niya at sinigawan ko siya.

"Bakit mo sakin hinahanap ang pera mo? Kasalanan koba kung tatanga-tanga ka at kung saan-saan mo nilalagay ang pitaka mo?"

Mas lalong lumakas ang pag-iyak niya at sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita ko siyang lumuhod sa harapan ko.

Nakiusap muli siya na sana ay ibalik kona ang nasabing pitaka na ninakaw ko.

Ngunit dala ng pagkalulong sa droga ay tinulak ko siya't sinipa at sinabing

"Wala na ang pera, pinambili kona at wala na akong perang pampalit doon"

Tumayo siya ng tuwid at nag wika.

"Hindi na mahalaga ang pera, hindi na bale kung hindi mo na ito maibabalik sa akin.."

Ngunit nakikiusap ako sa iyo anak.

Bumalik kana kay mama,

Ibalik mo na ang dating ikaw.

Hinahanap ko yung anak kong mabait,

Hinahanap ko yung anak kong handang tumulong sa kapwa niya ng kahit walang anumang kapalit,

At higit sa lahat Hinahanap ko yung anak kong kailanman ay hindi niya magagawang magnakaw.

Dahil ang anak kong iyon ay lumaking may takot sa Diyos.

Napahagulgol na siya,

maya-maya ay lumapit siya sa akin at hinawakan ang dalawa kong pisngi.

Kung nakita mo man yung anak kong yon.

Paki sabi nakiki usap ako na bumalik na siya

Dahil miss…

na miss…

na miss…

na miss.. na siya ni mama.

Paki sabi na handa akong tanggapin ulit siya at patawarin siya

Kasi hindi kaya ni mama ang mag-isa,

hindi kayang mabuhay ni mama na nakikita niyang ang kanyang anak na unti-unting nawawasak.

Natauhan ako sa mga sinabi niya diko namalayan ang mga mumunting butil ng tubig na dumaloy sa pisngi ko na kanina lamang ay hawak ni mama.

Niyakap ko si Mama. At humingi ng kapatawaran sa mga bagay na nagawa ko.

Sa kabila ng pag-iyak ni mama ay nakita ko ang isang ngiti.

Isang totoo at napaka tamis na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi.

Tinulungan ako ni mama na magbagong buhay,

Dinala niya ako sa isang rehabilitation center na kung saan binibigyan ng pangalawang pagkakataon ang mga katulad ko,

Sa isang rehabilitation center na kung saan binibigyan ng panibagong pag-asa ang mga tulad kong naligaw ng landas.

Halos araw-araw ay dinadalaw ako ni mama.

At unti-unti nga'y naka ahon ako sa putik na aking kinasasadlakan,

Unti-unti ay naka labas ako mula sa madilim kong kina lalagyan.

Lumipas ang isang taon at nalagpasan ko ang dagok sa aking buhay.

Ngayon ay pauwi na ako sa aming bahay dahil matagal-tagal nang hindi nakaka dalaw sa akin si mama.

Gusto ko siyang sorpresahin.

Pumasok ako sa bahay namin, at hinanap agad si mama pero hindi ko siya nakita.

Pumunta ako sa mga kapitbahay namin upang mag tanong

Gusto ko nang makita si mama upang ipakita sa kanya ang bagong ako.

Ngunit ang sorpresa na sana ay gagawin ko para sakanya ay ginawa niya sa akin.

Nabigla ako sa mga balitang natanggap ko.

Si mama...

Wala na si mama...

Napahagulgol ako,

Nanlambot din at tila hinigop ang buong lakas ko.

Ang taong nagbigay sa akin ng buhay ay ngayon iniwan na ako.

Wala na ang taong tumanggap sa mga kapintasan ko.

Wala na ang nagturo sa akin kung paano maging isang mabuting tao.

At higit sa lahat, wala na ang taong naging inspirasyon ko upang mag bago.

Hindi ko manlang nasulit ang mga bagay na kasama ko siya,

Hindi ko manlang naibigay ang mga bagay na pinangarap niya.

Gusto kong umiyak...

Gusto kong magwala...

Gusto ko siyang halikan,

Gusto kong sabihin sakanya

Na Miss..,

na miss..,

na miss..,

na miss.., ko na din siya.

Ang unfair ni mama...

Ang unfair ng mundo...

Ang panginoon na pinaniwalaan ko bakit di man lamang niligtas ang mama ko?

May inabot saakin na cellphone ang kapitbahay namin na si nanay Aning.

Isang downloaded video na mula sa isang sikat na mamamahayag ng balita.

"Bahay na nilooban sa isang bayan sa Tarlac City ng tatlong binatilyo na nakilala bilang Gerry Tomas, Andrew Carreon, at Carlo Pablo ayon sa pagsisiyasat ng mga pulis ay nanlaban ang biktima kaya pinagsasaksak ito. Kasalukuyang nang tinutugis ang mga nasabing suspect"

Lalo akong nanlambot sa balitang napanood ko.

Hindi paba sapat na nasira na nila ang buhay ko?

Bakit kailangang idamay pa ang buhay ng mama ko?

"Wala akong maramdaman noon kundi Sakit at Galit."

Sa dinami-daming tao bakit mama ko pa?

Sa dinami-daming tao na gagawa ng bagay na iyon bakit mga kaibigan ko pa?

Hindi naging malinaw sa akin ang lahat. Pinilit kong isipin na panaginip lamang ang mga nagaganap.

Pinikit ko ang aking mga mata.

Nagbabaka sakaling pag bukas ng mga ito ay makita ko si mama.

Nagbabaka sakaling pag bukas ng mga ito ay makitang nakatayo lamang si mama sa harap ko,

Nagbabaka sakaling baka niloloko lamang ako ng mga mata ko,

Nagbabaka sakaling baka nililinlang lamang ako ng mapaglarong mundo,

Ngunit sinong niloko ko?

Alam kong ang lahat ng mga bagay na ito ay totoo,

Alam kong maaaring magaganap ang bangungot kahit gising ang isang tao.

Habang nakapikit ako ay sinariwa ko ang mga Ala-alang naka tatak na sa isip at puso ko.

Naalala ko ang mga bagay na tinuro niya sa akin,

Naalala ko ang mga bagay na pinagbilin niya sa akin,

Naalala ko ang mga halakhak namin na tila isang musika sa pandinig.

Wala na akong kasabay na kumain,

Wala nang mang gigising sa akin,

Wala na ang isang dahilan kung bakit kinakaya ko ang mga pagsubok sa buhay ko.

Sa aking pagbabalik tanaw ay may nakita akong isang batang nag tatalumpati sa isang magarbong entablado.

Hindi nag sasalita ang bata at parang nahihiya.

Ngunit biglang lumakas ang loob nito nang marinig ang sigaw ng kanyang mama.

"Kaya mo yan Anak!"

Kasabay ng dalawang kamay nitong Pumapalakpak.

Tinuloy nga ng bata ang pag tatalumpati at nag uwi ng maraming medalya.

"Ang galing-galing talaga ng anak ko, kaya proud na proud ako sayo anak eh!"

Yan ang huling kataga na sinambitla ng aking mama bago ko imulat ang mga mata ko.

Tumayo ako ng tuwid at nag punas ng luha.

Maaaring mag-isa na lamang ako, pero hindi dapat dito matapos ang yugto ng buhay ko.

"Maaaring maaga kaming pinag layo ng kapalaran, ngunit hindi dapat ako magpatalo sa laro ni kamatayan."

"Ma.. Kung proud ka sakin dahil ako ang naging anak mo,

mas proud ako dahil ikaw ang naging mama ko

Pinapangako ko sa susunod nating buhay magkikita tayong muli,

At sa pag dating ng panahon na iyon pinapangako ko na ikaw at ikaw parin ang magiging mama ko."

"Sana masaya kana ngayon Ma.."

-THE END-