Years ago...
Third-Person Point of View
//June 29, 2005//
"Iyong mga kurtina Lucy, maayos na ba?"tanong ng ginang na si Manang Kuring—ang mayordoma ng mansyon ng mga Goulter.
"Maayos na po, Manang Kuring. Pati po iyong nasa taas ay naayos ko na rin po." - magalang na sagot ng dalaga—isa sa mga kasambahay sa mansyon.
"Mabuti naman kung gano'n. Nasaan nga pala si Nicka at Else?" Pagpapagpag niya sa mga hawak na tela at maingat na isinasalansan ng mabuti sa estante.
"Ay Manang Kuring, inaayos po nila iyong mga halaman ni Ma'am sa labas. Sinigurado po nilang maayos tingnan para 'di mapuna ni Ma'am." nakangiting saad ni Lucy habang inaayos ang maliliit na paso na nakalagay malapit sa bintana.
"Magaling. Talagang hindi 'yon palalagpasin ni Ma'am." natatawang sagot ng mayordomang si Kuring at tila nasisiyahang makita ang mga kasamahan niyang todo linis ng mansyon.
Ngayong araw na ito, darating ang pamilyang Goulter galing Spain kasama ang pamilyang Villamill. Magkakaroon sila ng salo-salo sa muling pagbabalik ng mga ito sa Pilipinas.
"Manang Kuring, alam niyo po kinakabahan ako." biglang nagsalita naman ang magiliw na kasambahay ng mansyon na si Lucy.
"Oh bakit hija? May nangyari bang hindi maganda?" napalingon naman ang nag-aalalang matanda.
"Wala po Manang Kuring. Kasi ano po, natatakot ako sa pamilyang Villamill. Matagal-tagal na po silang hindi nakakabisita rito, 'di ba po?" napapahiyang tugon ni Lucy at napatingin sa bulwagan.
"Eh sa pamilyang Goulter ba, natatakot ka rin?" nakangiting tanong naman ng matanda.
"Ay nako hindi po, Manang Kuring! Ang bait-bait nga po nina Sir at Ma'am e. Tapos po 'yong mga anak nila mababait din tsaka hindi salbahe. Tapos ang gaganda't gwapo pa, Manang Kuring! Jusko. Gusto ko 'pag nagka-anak ako, kasing puti't kinis nila." Nasisiyahang kwento ng dalaga at talagang inaaksyon niya ang bawat binibigkas niya.
"Jusko kang bata ka oh! Kung ano-ano na naman iniisip mo." Natatawang tumugon si Manang Kuring sa kadaldalan ni Lucy.
"Pero 'yon nga po Manang Kuring sana 'di lumabas pagiging attitude nina Senyorita Cass at Senyorita Bea 'no? O di kaya sana nagbago na pag-uugali nila." iiling-iling na saad ni Lucy habang hawak ang spray na ginagamit niya sa mga halaman.
"Mag dilang-anghel ka sana, Lucy! Iyon din ang kadalasan kong hinihiling." napabuntong-hininga na lamang si Manang Kuring at napa-isip sa pagdating ng dalawang pamilya.
"Pero Manang Kuring ba't nga ba sila uuwi rito ngayon?" nakakunot-noong tanong ni Lucy.
"Ah kasi magkakaroon ng engrandeng selebrasyon ang pamilya nila. Kaarawan ng bunsong anak nina Ma'am sa makalawa." malinaw na pagpapaliwanag ni Manang Kuring sa namamanghang kasama.
"Hala! Manang Kuring nakaka-excite naman po! Sana ganyan nalang din kami kayaman sakanila para naranasan ko rin magkaparty, gano'n!" malungkot na bulong ng dalagang si Lucy na halatang narinig ng mayordomang si Kuring.
"Nako hija 'wag ka na malungkot. Hindi lahat ng tao sa mundong 'to nabiyayaan ng kayamanan at mga salapi, 'tsaka dapat maging masaya ka nalang din sa buhay na meron ka. Malay mo, balang araw tatawagin na rin pala kitang Ma'am, oh diba? Wag ka lang sumukong mangarap. May magbubukas din ng pinto sa 'yo." Makahulugang pagpapaliwanag ni Kuring sa dalaga, ngumiti na lamang din ito.
"Salamat po talaga Manang Kuring ah? Ikaw talaga naging nanay ko rito e..." Nakayuko at nahihiyang sumagot si lucy sa mayordoma.
"Basta kung may kailangan ka o malungkot ka 'wag ka mahihiyang lumapit saakin. Anak na rin naman ang turing ko sa 'yo, Lucy..." nakangiting saad ni Manang Kuring at ginulo ang buhok ni Lucy. "Sige hija doon na tayo sa kusina kasi maggagabi na. Ilang oras nalang ay andito na sila."
"Si Mang Roger po ba Manang Kuring ang sumundo sakanila sa Airport?"
"Ah oo hija pero kasama niya si Carlos para kung may mga bagahe eh may katulong siya magbuhat," napatingin naman bigla si Kuring kay Lucy. "Oh bakit namumula ka diyan? Dahil ba binanggit ko pangalan no'ng bagong tauhan na lagi mong tinititigan sa malayo?"
"Manang Kuring naman, e." Nahihiyang napalingon si Lucy sa paligid at tila isang kamatis sa naging itsura nito.
"Oh bakit? Hindi ba totoo?" natatawa namang nanunukso ang mayordoma at tila nasisiyahan sa naging reaksyon ng dalaga.
"Wala 'yon Manang Kuring. Kasi a-ano hmm ah basta ano..." Mautal-utal itong sumagot at nagpalinga-linga sa paligid, naniniguro kung may nakarinig ba sa naging usapan nila.
"Anong-ano, Lucy? Nako ikaw na bata ka," Matawa-tawang pang-aasar ni Kuring sa babaeng humahanga sa bagong kasamahan sa mansyon.
"Si Manang Kuring naman eh. Ang p-pogi niya kasi eh," nahihiyang tumugon si Lucy.
"Alam ko 'yang mga ganyan, Lucy. Dumaan na ako riyan."
"Ayiiee kanino po? Kay Mang Roger po ba?" panunukso naman ni Lucy sa natatawang si Manang Kuring.
"Ewan ko sa 'yong bata ka." tuluyan na ngang natawa ang mayordoma sa nanunuksong tingin ni lucy na tila ba kapwa niya rin dalaga ang kausap.
"Paano nga po kasi kayong nagkatuluyan ni Mang Roger?" pangungulit ni Lucy na tila gustong-gusto niyang malaman ang love story ng mayordoma ng mansyon at ang drayber ng pamilyang Goulter na si Mang Roger.
Sasagutin na sana niya ang namumuong kuryosidad sa utak ng dalaga nang marinig niya ang silbato ng isang sasakyan sa labas.
"Nako! Andiyan na sila. Magsihanda na kayo sa pagdating nila. Lucy, sabihan mo lahat ng mga kasama mo na tumungo na rito sa sala." nagmamadaling tumungo si Manang Kuring sa labas upang salubungin ang pamilyang Villamill at Goulter.
Nadatnan naman niyang binubuksan na ng mga security guard ang gate papasok.
Nang makarating na mismo ang sasakyan sa harap ng bahay ay isa-isa nang nagsibabaan ang mga nakasakay roon.
Naunang bumaba ang pamilyang Goulter kasunod ng mag-iinang Villamill.
"Buenas tardes, señora y señor. Dar una buena acogida..." magalang na pagbati ni Manang Kuring sa mag-asawa gaya ng nakasanayang pagbati gamit ang salita ng mga Villamill.
[Magandang Gabi, Ma'am and Sir. Welcome back po.]
"Gracias, Kuring!" nakangiting tugon ni Alexandra—ang panganay na anak ng mga Villamill.
Sunod naman na bumaba sa isang sasakyan sina Madam Elizabeth at ang kanyang dalawa pang anak na sina Cassandra at Beatrice.
"¡Buena noches! Bienvenido de nuevo a las Filipinas." nakayukong pagbati ni Kuring sa mag-iinang Villamill at tila isang mababasaging bagay ang nasa harapan niya kung kaya't ganoon na lamang siya kaingat sa bawat salitang binibigkas niya.
[Magandang Gabi po!
Maligayang pagbabalik po sa Pilipinas.]
"Gracias. Muy divertido aquí! Eres un gran mayordomo, lo soy. Me sorprendiste." Namamanghang tugon ni Madam Elizabeth habang pinalilibot ang paningin sa paligid ng buong mansyon.
[Salamat. Napaka-aliwalas naman dito! Isa kang magaling na mayordoma, Manang Kuring. Napamangha mo ako.]
Ngumiti lamang ang mayordoma sa tatlo ngunit ang dalawang señorita ay tinapunan lang siya ng tingin. Sa kabila no'n ay ngumiti lang din si Kuring sakanila at hindi inalintana ang mga tinginang iyon sapagkat masaya siyang nabati siyang muli ng doña.
"¡Buena noches! Bienvenido de nuevo!"
[Good Evening! Welcome back]
Sabay-sabay na silang pumasok sa mansyon at sinalubong sila ng masiglang pagbati galing sa lahat ng tauhan at kasambahay nila.
Tinugunan naman ng mga ito ng isang matamis na ngiti.
"Gracias!" nakangiting tugon ni Madam Elizabeth.
"Salamat sa inyong lahat." nasisiyahang saad ni Joaquin Goulter—ang asawa ni Xandra Villamill.
"May hinanda po kaming pwedeng pagsaluhan. Kumain po muna kayo. Matagal-tagal din ang binyahe ninyo papunta rito." magalang namang nagsalita si Manang Kuring habang ang dalawang kamay ay nasa harapan.
"Salamat, Manang Kuring sa lahat ng ito." nakangiting tugon ni Xandra.
Pumunta na nga sila sa hapag-kainan at sabay-sabay na pinag-saluhan ang inihanda ng mga kasambahay.
Tahimik silang kumakain na tila ba sineseryoso nila lahat ng hahawakan nila. Wala pang isang nagsasalita simula ng mag-umpisa sila kumain.
Nasa isang tabi lang din ang mga kasambahay at naghihintay kung may iuutos o wala.
Habang kumakain sila, inopen-up naman ni Madam Elizabeth ang tungkol sa pagdiriwang ng kaarawan ng kanyang paboritong apo.
"Xandra?" tawag ni Madam Elizabeth sa kanyang panganay na anak.
"Bakit Mamá?"
"Nakahanda na naman siguro ang birthday ni Amethyst, 'di ba? Esperemos que no pase nada ese día." paninigurado naman ng Madam sapagkat ayaw niya sa simpleng handaan lamang, apo niya ang may kaarawan kaya hanggang maaari ay gusto niya lahat ng ito ay planado.
[Sana walang palpak na mangyari sa araw na iyon.]
Simula ng ipinanganak si Amethyst, palagi na itong inaasikaso ni Elizabeth. Lahat ng gusto ng bata ay ibinibigay niya. Minsan sina Xandra at Joaquin nalang ang nababahala.
Pati ang pag-iisip ng pangalan ay napakialaman ni Elizabeth. Siya ang nagdesisyon na Amethyst ang ipangalan sa second born baby.
Sinabi niya rin na huwag na huwag aalisin o ihihiwalay sa pangalan ng bata ang apelyidong VILLAMILL. Kung kaya't gano'n niya kamahal ang apo.
Kaya sa tuwing tinatanong siya ng kanyang mga amiga's kung ano ang pangalan ng bata ay mismong sinasabi niya ang buong pangalan nito—Amethyst Villamill Goulter.
Ang kanyang asawa naman na si Don Alejandro Villamill ay gustong-gusto ang first born sa pamilya–si Russell Neil Villamill Goulter, panganay na anak nina Xandra at Joaquin.
Si Doña Elizabeth ay isang filipina na nakapangasawa ng isang español–si Don Alejandro Villamill. Ilang taon din silang nanirahan sa Spain hanggang sa magkaanak si Doña Eliza–Alexandra, Cassandra, at Beatrice. Minsan ay umuuwing Pilipinas para asikasuhin ang kanilang Hacienda Casabuena.
Katulong niya rito si Xandra sa pag-aasikaso ng hacienda. Sapagkat yung dalawa niya pang anak ay ayaw umako ng responsibilidad. Kung kaya't si kay Xandra niya ipinagkakatiwala ang lahat.
Hindi malapit ang loob ng dalawang magkapatid kay Xandra. Lagi silang hindi magkasundong tatlo kung kaya't tumatahimik nalang si Xandra.
Hangga't sa nagkaroon ng pamilya si Xandra ay hindi pa rin sila nagkakasundo. Malaki ang galit na meron ang dalawa kay Xandra kaya't pala-isipan ito sakanya kung ano nga ba ang nagawa niyang mali sa dalawa.
"Mamá mauuna na siguro kami sa taas. Tulog na itong si Amethyst..." tumayo na sila at kinarga naman ni Joaquin ang anak na natutulog. "Buenas noches madre y hermanas" at lumapit si Xandra kay Elizabeth at hinalikan ito sa pisngi, pinasadahan niya rin ng tingin ang dalawang kapatid ngunit busy na ito sa kanilang mga cellphone.
"Buena noche también" tugon naman ni Elizabeth.
Nagsipuntahan na sila sa kani-kanilang kwarto at doon nagpahinga. Natapos ang gabing iyon na parang ang bigat ng paligid.
//June 30, 2005//
Kinaumagahan, pagkatapos ng lahat mag-almusal ay sinimulan na nila ang pagdesenyo sa mansyon. Busy ang lahat dahil bukas na ang pagdiriwang ng kaarawan ni Amethyst.
Napaka-enggrande! Kalahati na ang natatapos ngunit masasabi mong iba ang magaganap na celebration.
Baby colors ang makikita mo sa paligid. Malinaw at maganda sa paningin. Babaeng-babae ang kulay. Prinsesang-prinsesa. Mamahalin ang mga ginamit na materyal. Halos napapalibutan ng mababasaging bagay na tila hindi mahawak-hawakan.
"Hi Russell." Nakangiting Lucy ang sumalubong kay Russell sa kusina. "May kukunin ka ba?"
"Meron po..." Magalang na tugon ng 8 years old na bata.
"Hala ano? Sabihin mo lang kay ate."
"Chuckie" nakayukong ani ng batang Russell
"Yung iniinom na tsokolate ang kulay?" Naguguluhang tanong ni Lucy. Sinisigurado na hindi siya magkakamali.
"Yellow cover" ani Russell.
"Ay hala yun nga. Sige wait titingnan ko. Halika." ani Lucy.
Nakuha niya nga ang pinapakuha ng bata at binigyan niya ito ng dalawa.
"Gracias!" mahinhin na saad ni Russell.
"Ah hmm ano ibig sabihin no'n Russell? Hihi." nahihiyang tugon ni Lucy at napahawak nalang sa batok.
"Thank you, salamat ate ganda." Ani Russell.
"Nako bolero din 'tong batang 'to. Saan ka nagmana? Sa daddy mo ba? Kay sir Joaquin no? Hihi. Salamat. Ang cute mo din, Russell." pinisil-pisil ni Lucy ang pisngi ni Russell.
"No. Maganda po talaga kayo. May boypren po kayo?" inosenteng tanong ni Russell sa dalagang si Lucy.
"Nakoo bata ka. Kung siguro binata ka, magiging crush kita eh. Hahaha! Pero hindi na bet ko sayo yung kapatid ko. Mas pretty yun sa 'kin hihi."
"Binata na po ako ate ganda eh." nakangusong ani Russell. "How old are you, ate Lucy?"
"15 na si Ate Lucy" nakangiting tugon naman ni Lucy.
"Bata ka rin naman po eh." Ani Russell.
"Hahaha! Oo pero matanda ako sayo Russell." tatawa-tawang ani Lucy.
"Sige po ate Lucy. Baka hinahanap na ako nina Mommy. Adiós y cuídate!"
Tumakbo na si Russell palayo. Naiwan naman si Lucy na tatawa-tawa dahil sa mga sinagot ng bata.
"Lucy!" tawag sakanya ni Xandra na nagpagulat sakanya.
"Hala, Ma'am. Ginulat niyo po ako." nakangusong sabi ni Lucy habang nakahawak sa kanyang dibdib.
"Nako pasensya na Lucy." natatawang ani Xandra. "Nga pala, nakita mo sina Manang Kuring at Mang Roger?"
"Hala Ma'am Xandra. Nagka-emergency po sila sa kanilang probinsya. Isinugod daw po iyong nanay niya sa ospital. Nagpanic na po si Manang Kuring kaya ',di na kayo nasabihan. Pero po naka-usap po nila si Sir Joaquin at pinayagan pong mag-leave muna kasi nga emergency na..." Ani Lucy. "Pero po ma'am noong nakatanggap siya ng tawag galing probinsya nila ay ikaw po agad ang hinanap kaya lang 'di ka po niya makita kaya kay sir nalang sila nakapag-paalam."
"Nako gano'n ba. Ah sige okay lang naman saakin. Nakapag-paalam na rin naman kay Sir mo Joaquin. Pero sana lang walang masamang mangyari sa nanay niya. Ipagdasal nalang natin na maging maayos agad ang kalagayan niya," nag-aalalang saad ni Xandra.
"Oo nga po Ma'am eh. Napakabait niyo po talaga. Swerte po namin sainyo." mahinhing saad nito sa napakabait na panganay ng mga Villamill.
"Nako wala 'yon Lucy. Tsaka matagal na kayo rito kaya napamahal na kayo saakin. Lalo na iyon si Manang Kuring," Ani Xandra "Sige Lucy maiwan muna kita dito ah? May tatapusin pa akong gawin eh."
"Sige po Ma'am Xandra." Ani Lucy na kumaway pa nga't malawak ang nga ngiti.
//July 1, 2005//
Kinagabihan, ang daming nagsipagdatingang mga tao. Iyong iba ay mga negosyante na katrabaho ni Joaquin, mga kapwa model ni Xandra, mga kamag-anak nila sa spain, kamag-anak ni Joaquin at marami pang iba.
Nagsisikinangan ang mga suot na damit, magagandang kolorete sa mukha at kumikinang na mga alahas. Halos mayayaman ang mga imbitado sa pagdiriwang na ito.
"Beauties and gents, good evening! Today, we will celebrate our baby's 3rd birthday, our princess Amethyst Villamill Goulter. All I want to say is thank you for accepting our invitation, ikinagagalak po namin ang inyong presensya sa gabing ito. Espero que todos disfruten esta noche. ¡Buena noches!"
Matapos magsalita ni Xandra ay nagsipalakpakan naman ang naroon. Ipinalakad din si Amethyst sa harap kasama ng kanyang kuya upang maipakilala sa lahat ang celebrant. Konting-oras lang ang ibinigay para sa exposure ni Amethyst kasi masyadong delikado ito para sa bata.
Masyadong kilala ang pamilya nila sa buong mundo. International Model ang kanyang ina, sikat na businessman naman ang kanyang ama. Ang pamilyang Villamill naman ay sikat na businessman sa Spain at sa karatig nitong bansa. Maraming pagmamay-aring properties ang pamilyang Goulter at Villamill.
"Doña Eliza!" Tawag ng isang babaeng napaka-elegante ng soot at may maaamong mukha.
"Oh Carmilla De Vera!" ani Doña Eliza at nakipagbeso sa kakarating na babae.
"Mabuti at pinaunlakan mo ang aming imbitasyon." ani Doña Eliza.
"Nako Doña Elizabeth wala po iyon! Nagagalak akong inimbita niyo ang aming pamilya sa kaarawan ng apo ninyo. Nga pala, nasaan ang batang iyon? Gusto ko na rin makita si Xandra." ani Carmilla.
"Oh halika sasamahan na kita sa loob." Ani Doña Eliza. "Por favor disculpe. Los dejo por un momento, amigos." paalam niya sa kanyang mga kausap na sasamahan niya lang muna si Carmilla kay Xandra. Tumango't ngumiti nalang din ang mga ito.
Habang nag-lalakad sila patungo sa loob ay kinukumusta naman ng Doña ang lagay ng pamilya nila–pamilya De Vera. Lalo na ang nag-iisa nilang anak na si Nyxon.
Ang pamilya De Vera ay isa ding sikat na negosyante sa Pilipinas. Marami ding silang mga hacienda sa iba't-ibang lugar dito sa Pilipinas. Mayroon sa Bicol, Cavite, Laguna, Quezon Province at sa iba't-iba pang probinsiya.
"Xandra!" agad na tinawag naman ni Carmilla ang kanyang kaibigan nang sila'y makapasok sa loob.
"Carmilla! Long time no see." ani Xandra.
"Kumusta na? Oy, Romenick, kumusta? Ito na ba 'yong anak niyo? Ano nga ulit pangalan niya?" sunod-sunod na tanong ni Xandra.
"Ano ka ba? Hindi ka naman excited, ano?" tatawa-tawang saad ni Carmilla. "Nyxon. Nyxon De Vera pangalan ng anak ko."
"Tagal na tayong di nakakapag-usap eh." natatawang tugon din ni Xandra. "Nga pala Carmi, ito anak ko, si Amethyst. Amethyst, say hi to tita and Nyxon."
"Hello po, Tita and Nyxon." nakangiting nagwawave si Amethyst. Nginitian din siya pabalik ni Nyxon at ni Carmilla.
"Nako, ang cute mo naman, ame! Pakurot nga!" Ani Carmilla at pinisil pisil nito ang pisngi ng bata.
"Hihihihi ang ganda niyo din po tita." mahinhing sabi ni Amethyst.
"Oh Nyxon, greet Amethyst. It's her birthday today." Ani Carmilla.
"Hi A-a-methyst and Happy B-birthday." mautal-utal na ani Nyxon.
"Nako pasensya na Xandra mahiyain kasi 'tong anak ko. Hindi siya sanay makipag-usap sa ibang tao nasanay siya na nasa bahay lang." malungkot na saad ni Carmilla
"Eh kung gano'n Carmi pagpalabasin mo minsan. Dalhin mo siya dito tutal mag-stay naman kami dito sa Pilipinas. Pwede namin siya dito at alam mo namang welcome kayo dito always. Para na rin may kalaro 'tong si Ame." Ani Xandra. "Tsaka iyong panganay ko lagi ding nasa bahay ayaw lumabas kasi ayaw iwan si Ame." natatawang sabi ni Xandra
"Hala mabuti kung gano'n para di narin siya maging mailap sa ibang bata. Nyxon, do you like that? Wanna play with Amethyst?" Nakangiting sabi ni Carmilla.
Tumango lang naman si Nyxon bilang sagot. Nakangiti naman si Amethyst habang tinitingnan ang batang kaharap na nahihiya at hindi nagsasalita.
Habang nag-uusap naman iyong dalawa ay naiwan nilang nag-uusap ang mga anak. Si amethyst lang ang daldal ng daldal habang si Nyxon naman kung hindi sasagot ng oo't hindi, tango lang ang naisasagot niya.
Sa paglipas ng oras, buhay na buhay ang mga taong nakikipag-usap sa kani-kanilang kakilala. Pero biglang naputol ang kaingayan ng bawat-isa ng may bigla silang narinig na malakas na kalabog. Binalot ng kadiliman ang buong venue at nagkagulo ang mga tao.
"AMETHYST! ANAK! NASAAN KA!?"
"NYXON! NYXON!"
Magkasabay na sigaw nina Carmilla at Xandra.
"MOMMY! MOMMY! H-HELP!"-sigaw ng batang babae na umiiyak.
"Baby, anak! Amethyst, nasa'n ka? Baby, naririnig mo ba ako? Wag kang aalis diyan sa kinatatayuan mo, ah? Diyan ka lang pupunta si mommy diyan!" -umiiyak na rin at di mapakalma si Xandra habang sinisigaw ang pangalan ng anak niya.
Sigaw siya ng sigaw sa pangalan ng anak niya. Natataranta na rin siya kasi hindi na niya muling narinig ang anak niya. Wala na siyang naririnig na sumisigaw ng "mommy!" Wala na siyang naririnig na umiiyak na batang babae at hinahanap siya.
Naghiwalay sina Carmilla at Xandra sa paghahanap sa kanilang mga anak. Ilang minuto na ang lumipas, 'di parin niya nakikita't nahahanap si Amethyst.
Isang ringtone ng cellphone ang pumukaw sa diwa niya. Tawag iyon ng kanyang asawa.
"Hon! Hon! S-s-si Am-amethyst. Hon! Si Amethyst, n-n-n-nawawala." umiiyak na bungad niya sa cellphone. "Hon, d-di k-ko s-siya makita! A-anong g-g-gagawin natin, hon!?" natatarantang sabi ni Xandra habang umiiyak.
"Hon, kumalma ka. Inaalam na nila ang nangyayari. Hahanapin natin si Amethyst. Pumunta ka dito sa living room, nandito sina mamá." Ani Joaquin sa kabilang linya.
Agad-agad ng pinatay ni Xandra ang tawag at nagmamadaling nagtungo sa sala. Sa kanyang paglalakad papunta sa loob, saka rin bumalik ang liwanag.
"Anak!" tinig ni Doña Elizabeth.
"Mamá." umiiyak na lumapit si Xandra sa nanay at niyakap ito ng mahigpit. "Mama, anong gagawin ko? S-si A-amethyst h-hindi k-ko n-na mahanap!" -isang hagulgol ang pinakawalan ni Xandra sa balikat ni Doña Elizabeth.
"Kumalma ka, Xandra. Mahahanap natin si Amethyst! Ipapahanap natin siya! Gagawin ko ang lahat, mahanap ko lang siya." - ani Doña Elizabeth.
"Hon, pinapahanap ko na rin sa mga tauhan natin. Baka hindi pa siya nakakalayo. Mahahanao natin ang anak natin." - pagkukumbinsi ni Joaquin sa humahagulgol na si Xandra.
"Gawin niyo ang lahat, please! Kahit magpakawala kayo ng milyon-milyon, mahanap lang ang amethyst ko. Gawin niyo ang lahat please, Mamá, Joaquin! Di ko 'to kakayanin. Kanina lang naririnig ko boses niya humihingi ng tulong saakin! Takot si amethyst sa dilim. Iniisip ko pa lang na nag-iisa siya, mawawalan na ako ng lakas o kung may kumuha sakanya hindi ako magdadalawang-isip na gumawa jg hindi maganda." - umiiyak ngunit galit na galit siyang nagbibitiw ng mga salita.
"Nasaan na nga ba sina Cassandra at Beatrice? Sa tuwing may nangyayari, sila nalang palagi 'yong nawawala!" galit na sigaw ni Doña Elizabeth. "¡Aquellos que no pueden evitarlo, esos dos todavía están sufriendo!"
[Mga wala na ngang maitulong, sakit pa sa ulo ang dalawang iyon]
"Ma'am! Sir!" tinig ng isang lalaki ang pumukaw sa kanilang lahat.
"Oh Jasper, anong balita?" Ani Joaquin.
"Wala po sa buong subdivision ang anak ninyo. Hanggang ngayon po naghahanap na po ang mga tao ko sa labas ng subdivision na ito. Pero nasisiguro ko po sainyo na wala na pong batang babae dito sa loob. Ikinalulumgkot ko pong sabihin." nakayukong nagpapaliwanag ang taong inatasan ni Joaquin na maghanap kay Amethyst. "Pero ma'am hindi po kami titigil. Babalitaan po namin kayo kaagad sa nangyaring paghahanap nila sa labas ng subdivision na ito. Makikipagtulungan din po kami sa mga otoridad."
Pagkaalis na pagkaalis ni Jasper ay biglang nanghina ang mga tuhod ni Xandra.
"My baby, Amethyst."
Huling mga salitang binitawan niya bago siya nawalan ng malay.
_________________________________//\\