Chereads / Her and Her / Chapter 19 - 19

Chapter 19 - 19

MATAPOS matiklop ang payong ay tumatawa silang sumandal sa malaking pinto ng bahay-ampunan. Wala na kasing maitutulong iyon dahil basang-basa na sila.

"May bagyo yata," komento ni Apollo.

"Sa palagay ko nga. Pero ito ang unang pagkakataong nabasa ako sa ulan na kasama ka."

"Ako rin."

Napatingin sila sa isa't isa. Napalunok-laway. Unti-unting naglalapit ang mga kamay at nang magtagumpay ay sabay silang napasinghap. Hindi dahil sa lamig niyon kundi dahil alam nila sa mga sariling tugma na.

Ngunit biglang nag-alangan si Apollo. Kailangan niyang bumitiw rito. Sakto naman ang pag-ihip ng hangin upang makumbinsi siyang hindi pa ito ang tamang panahon para maamin iyon.

"Pasok na tayo," yaya niya dahil naramdaman na niya ang lamig.

"Mabuti pa nga," pagsang-ayon ni Nazmiya.

Dumating ang first day of class. Nasa tapat na sila ng university. Nakatingala roon si Nazmiya. Siya naman ay sa dalaga lang nakamatiyag. Ni hindi pa niya naitatanong ang kinuha nitong kurso. Saglit niyang inabot ang kamay ni Nazmiya at pagkatapos dinampian iyon ng halik.

"See you around."

Hindi na niya hinintay makita ang reaksiyon nito. Nagmadali na siya paglalakad. Pero hindi pa man siya nakakalayo ay napapihit siya.

"Kayo na ni Apollo?" si Nato iyon. Niyugyog pa ang walang imik na dalaga.

"Hindi pa."

Nakita niya kung gaano kalawak ang pagkakangiti ni Nato. Pero napalis iyon nang muling magsalita si Nazmiya.

"But we have a deal..."

Na-curious siya. Parang lumaki ang tainga niya sa narinig. Gusto niyang lumapit sa dalawa pero kinalma niya ang sarili. Nakuntento na lang siya roon habang naghihintay ng mga susunod na mangyayari.

"Hihintayin ko siya hanggang maging handa siya."

Siya naman ngayon ang nakangiti pero ang kasiyahang iyon ay agad ipinagkait sa kanya nang marinig ang sinabi ni Nato.

"Pero paano kung sabihin ko sa 'yo na habang hinihintay mo siya, hinihintay naman kita?"

"Nato!"

"Seryoso ako, Miya. Hindi na lang bilang magkaibigan. I will never forget the promise. My promise that I will marry you."

"Pero Nato? Si Apollo na ang gusto ko?"

"Na? Ibig sabihin, ako dati?"

Napailing si Apollo nang mapagtanto niya ang ibig sabihin ni Nato. Ito ang dating gusto at siya? Bigla siyang nagduda. Tumakbo siya paalis doon. At sa kalagitnaan niyon hinarang siya ni Ely. Bago pa man sila maka-react pareho, nasubsob na siya rito. Ang sumunod na nangyari ay hindi na nakontrol. Ang labi niya sa labi nito. Hinahalikan siya ng kaibigan niya.

"I like you, Apollo."

Natauhan lang siya nang marinig iyon. Bumangon siya mula sa pagkakadagan dito. Nandidiri niyang pinunas ang mga labi. Gusto niyang magwala. Masama ang loob niya. Hindi ito ang gusto niya.

"Bakit? Hindi mo ba gusto 'yon? Wala ka bang nararamdamang kilig tuwing may ipinaparamdam ko sa 'yo kung gaano kita kagusto? Bakit, Apollo? Dahil pareho tayong lalaki?"

Saglit lang ang pagkagulat niya. Mas lalo siyang nagkaroon ng dahilan para ilihim ang totoong pagkatao niya. "Ely magkaibigan tayo at hanggang doon lang iyon dahil may iba akong gusto." Naamin na rin niya. Masarap pala sa pakiramdam.

"Alam ko. Sorry ha." Iyon lang at padabog itong nagmartsa palayo.

Siya dapat itong tumakbo ngayon. Siya dapat itong tumatakas. Napasabunot siya sa sarili. Paglingon niya ay lalong nadagdagan ang problema niya. Wala na sa dating kinatatayuan si Nazmiya. Nasa harap na niya ito. Seryoso.

"I saw.... I heard everything," anitong halata ang pagkrak sa boses. Alam niya. Ramdam niya kung anong nararamdaman nito dahil ganoon din siya. Si Nazmiya ang babae na kapag kaharap na niya hindi lang pagkatao ang gusto niyang ilihim sa lahat kundi pati ang katotohanang nagkakagusto siya sa kapwa niya babae.

Kinabig niya ito. Sa pagitan ng pagyakap niya rito ang pagbalong ng mga luha niya.

"Hindi ka na mahihirapan pa. Gusto ka ni Ely at ang tanging gagawin mo na lang ay ipagtapat na babae ka. Happy ending na."

Napakunot ang noo niyang bumitiw sa pagkakayakap. Hinawakan niya sa magkabila nitong balikat. "Sinasabi mo bang may posibilidad kayo ni Nato dahil nagtapat na rin siya sa 'yo?"

"Alam mo ang tungkol doon?"

"Narinig ko kayo at malinaw na malinaw na gusto mo siya bago ako." Wala nang paligoy-ligoy. Magkakaalaman din naman. Pero bakit wala itong naging reaksiyon?

A, lalong sumasama ang loob niya.

"Gusto mo ba talagang ipagtapat ko kay Ely? Magkakaroon siya ng dahilan para magpursige sa gusto niya. Hindi ka ba natatakot na magkagusto rin ako sa kanya?"

"Hindi."

Nanghina ang kamay niyang nakahawak sa balikat nito. Unti-unti siyang bumitiw. Yumuko. Para siyang nauupos na kandila sa kinatatayuan iyon.

"Dahil alam ko kung sino ang tinutukoy mo."

Napaangat siya ng tingin. Naguguluhan nang makitang nakangiti na si Nazmiya. Anong nangyayari?

"Ako 'yon, Apollo di ba? Gusto mo rin ako?"

Napatalikod siya. Nakangiti na. Parang kanina lang ramdam niya ang kawalan pag-asa tapos ngayon naibalik agad ng mga salitang iyon ang confidence niya.

"May aaminin ako sa 'yo..." Tumingala muna siya. Sa ganoon niya sinariwa ang lahat mula nang bumalik si Nazmiya. Ang paghawak niya sa kamay nito. Ang pagkindat nito dahil nagustuhan ang niluto niyang potato fries. Ang eksena sa washroom kung saan siya nito nabuko. Ang pagtatapat nito. Ang pagsama nito sa kanya sa mall para iparanas ang gusto niyang maranasan bilang isang babae. Ang unang beses na isama niya ito sa kanila. Ang ningning ng mga nito habang sinasabi ang dapat nilang lutuin ng araw na iyon.

"Ayoko ng amoy ng butter... pero kung para sa 'yo."

Humarap na siya. This time handa na siyang magpakatotoo. Malaman man ng kahit sino ang totoong pagkatao niya, hindi na siya matatakot pa.

"Oo! Handa akong maging tagapagluto mo. Handa kitang ipagbalat ng hipon at handa akong makipagkompetensiya sa kahit kaninong may gusto sa 'yo! Dahil gustung-gusto kita noon pa, Nazmiya Safar!"

Nakagat ni Nazmiya ang pang-ibabang labi. Pinipigil ang ngiti. Parang kailan lang siya ang nag-confess ng damdamin kay Apollo. Sa private nga lang iyon pero itong ginagawa nito. Sa lakas ng pagkakasabi ay hindi malayong naeskandalo nito ang ibang nagdaraang estudyante. Paglinga nga niya ay agad siyang napatakip ng mukha. May mangilan-ngilan kasi siyang namataang nakatutok ang selpon sa gawi nila.

"Apollo, alis tayo rito," ang mahina niyang sabi. Tama lang para marinig nito.

Ilang sandali pa tumatakbo na sila palayo roon. Hawak ni Apollo ang kamay at pareho silang tumatawa. Huminto rin naman sila dahil kailangan nilang magtanong kung saan ang magiging classroom nila.

"Accounting? Diretsuhin mo lang mula rito tapos kaliwa," sabi ng nakasalubong nilang naka-nursing uniform.

"Ikaw, Miya?" baling sa kanya ni Apollo.

"Hahanapin ko na lang iyong akin. See you later!" aniya. Nag-uumpisa na kasi ang klase nila.

"Okay, see you!"

Paliko na siya sa nasabing daan papunta sa classroon niya nang may humila sa kanya.

"Apollo?" shock niyang sabi pero sumenyas lang ito na huwag maingay saka sinakop ng dalawang kamay nito ang mukha niya.

"Male-late tayo!" pagsaway pa niya rito.

"Study hard, Miya," pagkasabi ay hinalikan pa siya sa noo at parang walang nangyaring humakbang na paalis.

"Good luck, Miya!" pahabol pa nito.

Naiiling na lang siyang hinatid ito ng tingin at nangingiting nagwika.

"Good luck, Apollo."

Wakas...