"Paano mo ba malalaman na totoong saya ang nararamdaman mo?" I asked him as I took a sip of my iced coffee.
"When your heart doesn't feel heavy anymore and you think that you are at peace. That's happiness for me."
Pinasadahan niya ng tingin ang wristwatch niya. Maybe he's hurrying up. Kasalanan ko bang na-stuck kaming dalawa rito sa DD?
WELL YES, INES. Kasalanan mo kung bakit pati ang busy na tao gaya ni Maverick ay naaabala mo ngayon.
Maraming tao ang nakisilong din sa loob ng Dunkin' Donuts dahil sa lakas ng ulan sa labas. Samahan mo pa ng kulog at kidlat.
"Uhmm, pwede ka nang mauna. Mukha kasing may pupuntahan ka pa, eh. Sorry kung pati ikaw naabala ko ha?" Nahihiya kong sabi sa kanya.
Umiling lang siya at sinabing, "No, it's okay. Ibinilin ka ni Miki sa'kin kaya hindi kaya ng konsensya ko kung mapahamak ka dahil iiwanan kita rito."
"Pero safe naman β" he cut me off.
"Just let me do my job here, Nes. I don't want my cousin to blame me if something happens to you."
Yeah, right. Si Miki kasi dapat ang kasama ko ngayon pero ang bobita, iniwan ako sa ere! Na-shock nga ako na si Maverick ang pumunta sa'kin.
Mukha talagang may importante siyang lakad at hindi siya mapakali. Pabalik-balik siya ng tingin sa relo niya.
"Ahh, Maverick? Pwede naman siguro na umalis na lang tay β"
"No. Mababasa tayo. We don't have umbrella and I didn't bring my car. I just sprinted here for the last minute and I didn't expect it would fucking rain." Kalmado niyang sabi kahit alam kong naiinis na siya sa kakulitan ko.
Napatingin na lang ako sa labas at nagkaroon ng ngiti sa aking labi. Nawawala na ang kulog at humihina na ang ulan.
Just like that day. The day when he cared. But it was too much. Too much that it suffocated us until we slowly broke down.
Funny how I get to meet him again after two years, in the same spot. Kung saan una ko siyang nakausap pero hindi ko inisip na mayroon pa lang huli. At siguro, sana naman ito na ang huli kasi nakakapagod ng magpanggap na ayos lang ako sa harap niya. Kahit ang totoo, konti na lang ay bibigay na ako.
"He's here." Napatigil ako sa aking iniisip nang magsalita si Maverick. Nakatingin siya sa lalaking palapit sa amin. Pati ako, napatingin na rin. Teka, bakit nandito ang boyfriend ni Miki? Bakit nandito si Yves?
"Sorry bro, natagalan ako. Tara na Ines, ako na maghahatid sa'yo pauwi."
Shock plastered on my face.
"H-ha? Akala ko magkasama kayo ni Miki kaya hindi niya ako sinipot? Bakit ikaw ang maghahatid sa'kin pauwi?"
Yves scratched the back of his head.
"Actually, kagagaling ko lang sa bahay nila. She's not feeling well today at para raw makabawi, I'll drive you home safely, of course. I'm not a wreckless driver like the other guy here." Pabiro niyang sabi kahit na alam kong may meaning talaga 'yon.
"Knock it off, dude." Sagot ni Maverick na hindi maitatago ang guilt sa kanyang mukha.
"Sure kang hindi ka sasabay? Pwede naman kitang i-drop sa inyo."
Maverick just shrugged and declined Yves' offer.
"It's okay. Just go now, it's getting late. Baka hanapin na si Ines sa kanila."
And with that, I stood up and walk through the exit kasunod ni Yves. I bid my goodbye and he just responded "Bye."
Naunang pumasok si Yves sa kotse niya habang ako'y nakadungaw pa rin sa glass door ng DD. Nandoon pa siya sa loob, umiinom ng kanyang frappe.
I guess that's it. After two years, he already got rid of the feelings. Paano niya kaya 'yon nagawa?
"Ines, let's go?" Tawag sa'kin ni Yves. Agad naman akong pumunta sa kotse niya at sumakay sa backseat. Nabasa ako ng kaunti dahil umaambon pa nang mahina.
Nang pinaandar na niya ang kotse, sumilip ako sa likuran at nakita ko si Maverick, tumatakbo sa kabilang direksyon.
He didn't mind if he'll get soaked in the rain if it's the only way he could get away from me.
And I hated it.
***
END OF PROLOGUE