"Promise....",
"Again?, Another promise. Then what's next? Sorry?", Inis na ani ko
"Babe listen this is one big project for the company, I really need to be there for the company. I'm sure mabilis lang ang meeting na iyon, promise", pag mamakaawa niya saakin.
"This is the last time Daven, this is really the last kapag di ka parin sumipot ewan ko nalang, hindi lang ikaw ang napapagod dito daven, I am the only one who fix all the preparation for our wedding. Parang ako lang ata ang ikakasal sa ating dalawa", mahabang litanya ko sa kaniya. Palagi nalang, tuwing nangangako si dave laging napapako 2 years nang kami at malapit nang ikasal subalit parang lumalayo na ang loob niya sakin. Nag bago siya noon palaging ako ang nauuna, noon tinutulungan niya ako. Pero bakit ganun parang may mali?
"I promise, this will be the last". Aniya
"Fine, fine. See you at 9pm same place parin", ani ko nang may pilit na ngiti.
"I love you babe, bibilisan kong matapos yung meeting, para makapagdate na tayo at matulungan na kita sa prepatations" aniyang may malapad na ngiti sa mga labi. Sabay halik sa aking pisngi at karipas ng takbo papaalis.
Tumingin ako sa pambisig na orasan. 6 pm na makakarating pa kaya siya? Makakahabol kaya siya?
'sana makaabot siya', anang isip ko at napabuntong hininga nalamang. Inayos ang aking gamit at umalis upang makapag ayos pa para mamaya.
"the papers?",tanong ko sa aking sekretarya.
"it's already prepared sir, kayo nalang po ang inaantay sa meeting room",aniya
"bakit ba kasi sila nag pa urgent meeting ng ganitonng oras?", pabulong ko na narinig naman ng aking sekretarya na ikinakibit balikat nalang niya dahil alam kong kahit siya ay hindi rin alam kung bakit biglaaan.
tinignan ko ang pambisig na orasan. malapit na palang mag alas otso ng gabi.
'kailangan kong makaalis ng maaga dahil kung hindi ay paniguradong magagalit nanaman saakin si kaden'
huminto kami sa tapat ng two door na parte ng opisina ng isang sikat na brand clothing company.
'so this is it. isa ito sa mga pangarap ko na malapit nang matupad'
pangarap ko ito para sa mga idol trainees ko ang makapag endorse sila ng kahit anong clothing brand. Matutupad na nga ito at sobra pa dahil di ko inaasahan na sikat ang ag eendorsan ng aking kumpaniya.
kinuha ko muna ang telepono ko at pinatay ito bago ko sinenyasan na kumatok muna ang aking sekretarya bago kami tumuloy sa loob.
"good evening sir Franco",bati niya, nang mapalingon ako sa dalawang tao na nasaloob ng kwarto ay pareho silang nakatalikod sa gawi namin. nang lingunin nila kami ay nagulat ako.
isang taong hindi ko inaasahan na makikita ko pa sa ganitong on sitwasyon.
"Daven how are you?",aniya
hindi agad ako nakasagot subalit nag lakad na lamang ako papalapit sa kanila ng kasama niya. kinukumpirma kung siya nga ba talaga ang taong iyon. ang taong matagal ko nang hindi nakikita ilan taon na nga ba? lima? anim? hindi ko na matandaan sa sobrang tagal.
tinignan ko siya mula ulo hanggan paa na paraan ng pag titig ay nanlalakiang mga mata.
"what the hell? James franco?",ani ko sa kaniya
"yeah? tanda mo pa ako?", aniya na may malaking ngiti sa mga labi.
"oo naman, I'm just surprised to see you. at sa ganitong paraan pa",ani ko
"hahaha kamusta ka na?",aniya
"I'm good J,ikaw?. kamusta ka na? matagal kang nawala, wala kaming balita sayo sa mga nakalipas na taon", ani ko
"I'm fine, umalis ako nang bansa pakatapos ng graduation natin noon. hindi ko na nagawang mag paalam dahil pinapamadali na akong makaalis ng bansa". paliwanag niya
nang mag kayayaan nang umupo ay nag kwentuhan muna kami tungkol sa mga nakalipas na taon na hindi kami magkasama hindi na namin namalayan ang oras at mukhang napatagal ang pag uusap namin.
"kailangan namin ng limang pwedeng isabak sa pictorial para sa bagong disenyo ng damit na ilolaunch ng company...",paliwanag ni James nang mag simula na silang mag discuss tungkol sa kanilang dahilan kung bakit sila nag pa meeting ng ganitong oras.
"as i was saying the photoshoot will be held at fort bonifacio global city park, at kailangan na itong maisagawa in just one week", aniyang sekretarya ni James.
"why so early?", ani ko naman
"dahil ito sa kalabang kumpaniya namin, next week na ang launching ng kanilang bagong damit kaya dapat ay mas maaga pa kami kesa kanila",paliwanag ni James. napatango tango nalang ako dahil tama naman siya. dahil sa larangan ng ganitong trabaho ay paunahan, pagandahan, at pasikatan ang pinaka prayoridad ng isang brand clothing company.
"okay we can fix that, but expect that my employees was not that much propessionals we are still adjusting with the enviroment of our career's choice and as a CEO of a entertaiment company na baguhan lang din. gagawin namin ang lahat upang maging successful itong project na ito", paliwanag ko. ikinangiti naman ni James ang sinabi ko at tumango tango siya bilang pag sangayon saakin.
"okay now mag pirmahan na tayo ng kontrata",aniya
mas lumapad ang ngiti ko nang sabihin niya iyon at dali dali ko namang ipinakuha ang kontrata. nang matapos mag pirmahan ay nag aya si James na maginuman sa isang malapit na bar dito sa kompaniya nila.
"sure, marami kapang ikukwento saakin matagal kang nawala", ani ko at sabay kaming lumabas ng meeting room..
"nang matapos kong maligo ay namili namn ako nang pwedeng isuot na damit para mamaya nang mapasulyap ako sa orasan
'alas otso na patapos na kaya siya?'ani ko sa isip. ewan ko ba pero hindi ako mapakali ngayon tingin ako nang tingin sa orasan.
nang makapili ako ng damit ay isinuot ko na ito agad at tumapat sa salamin. nakasuot ako ngayon ng above the knee off shoulder dress na kulay abo na bumabagay sa kulay ng aking balat, nang makuntento na ako sa suot ko ay nag lagay naman ng light make up at nag suot ng 3 inch wedge sandals na kulay dark gray.itinali ang buhok ng ponytail style at nang matapos nang mag ayos ay bumaba na ako sa unang palapag papuntang kusina napatingin nanaman ako sa orasan na malapit nang mag alas nuwebe ng gabi kaya uminom na lamang ako ng tubig at umalis na ng bahay.
nang makarating ako sa paborito naming kainan ay dumiretso na sa loob
"good evening madam, any reservation?" aniya ng waiter
tumango naman ako bilang tugon at sinabi ang pangalan ng inireserve na pangalan. nang makaupo ako sa pwesto namin ay wala parin si Daven. inilabas ko ang aking telepono at idenial ang kaniyang numero.
[your calling is unattended or out of coverage area please try again later]
'Eh? nasa meeting padin? anong oras na'
tinawagan ko pa ulit ng ilang beses at nang hindi parin sumasagot at itinext ko nalang siya.
'asan ka na?'
'diba ma usapan tayo?'
'aantyin kita hanggag 10'
'where are you?'
'still busy?'
ilang beses pa akong nag text sa kaniya hanggang umabot na ng alas diyes ng gabi wala parin siya.
'oi last na talaga 11 aantayin pa kita'
eto nanaman ako nag papakadesperada para sa oras niya hindi na ako natuto ilang beses na niya itong nagawa pero ganun parin lagi ako parin ang nag aantay sa huli. habang nag aantay ako sa kaniya ay naka isang bote na ako ng wine at itinigil ko na ang pag inom dahil mag mamaneho pa ako papauwi.
nang umabot na ng 11 ay napag disisyunan ko na umuwi na lamang. habang nasa byahe ay walang tigil ang pag agos ng aking mga luha, paulit ulit nang nangyayare. mabuti na lamang at nakauwi pa ako ng maayos. nang makapasok ako sa loob ay dali dali naman akong pumanhik sa kwarto upang ilabas ang tatlo kong maleta, inimpake ko na ang lahat at walang itinirang mga damit mula sa aking cabinet. habang hilam ang aking mata mula sa pagiyak ay ipinangako ko sa aking sarili na magiging maayos na ako pag katapos ng lahat ng ito, masakit man ngunit kailangan ko paring gawin dahil hindi ako uunlad kapag hindi ko ito gagawin, uulit at uulit lahat ng sakit kapag pinag patuloy ko pa. nang maayos ko na ang lahat ng gamit ko ay lumabas na ako ng unit at bumaba na sa parking lot ng building. hindi ko na tinawagan si Daven bago ako umalis nag iwan na lamang ako ng isang maikling pamamaalam..
ala una na ng madaling araw pero nasa bar parin kami ni James a nag kukwentuhan tungkol sa mga nangyare sa kaniya.
"I'm not in the mood to have a girlfriend yet, masyado pa akong busy. ikaw do you have a girlfriend?".aniya na ikinagulat ko.
'FUDGE! SI KADEN', I cursed myself I forgot that I have a date with her at 9 pm. I look at my wrist watch it's now 1 am holy fudge.
i quickly grab my phone and bid goodbye to James, james was calling for me but I did'nt. bother to look because i was in a hurry. kailangan kong makita si kaden at mag sorry sa kaniya, I just broke my promise again and again.
nang makarating ako sa parking lot ay tinawagan ko siya pero nakapatay ang linya ng telepono niya. I try clling her best friend but she did'nt know either were she was. kapag pumunta pa ako sa restaurant ay paniguradong mag sasayang lang ako ng oras dahil sarado na ito ngayon. kaya napagdesisyunan ko na umuwi dahil baka nandun na siya.
nang makauwi ako ay tinawag ko ang pangalan niya ngunit walang sumasagot dumiretso ako sa kwarto ngunit wala parin.
'no, she shouldnt' ani ko sa isip ko at karipas ng takbo papunta kung saan nakapwesto ang cabinet niya nang buksan ko ito sa halos takasan ako ng lakas ng makitang wala nang lamang ang kabinet niya. lutang akong nag lakad papaupo sa kama ng mapansin ko ang isang papel na nakapatong sa bed side table.
'Daven I'm breaking up with you, you are still busy with your career so I guess you don't need me. I LOVE YOU till we meet again'.