Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

W & M

🇵🇭Maize_Ravensly
--
chs / week
--
NOT RATINGS
2.2k
Views
Synopsis
Si Xion Lourd White, ay kilala bilang isang pinakamahusay na nilalang sa buong Celestial University. Kagandahang itsura, talino, yaman ay nasa kanya na, maliban sa baling ugali nito na mahilig mambuyo ng nakakababa sa pwesto niya, in short "bully". Siya'y suplado, masungit, at medyo mayabang. Nagkaroon siya ng nobyang tumagal hanggang dalawang (2) taon ngunit sa kamalasa'y niloko lamang siya nito at iniwang luhaan. Sa pagdating ng Col-Freshmen (College sa mundo ng mga tao), may isang babaeng transferee ang magdadala ng gulo sa kanilang buhay. Kaguluhan nga ba? Ano ang pakay ng babae sa kanila? Baka ang babaeng ito ang magiging dahilan upang makita ng dalawang mata niya ang mga bagay na hindi dapat gawin bilang isang tao? Sa kanyang mga hindi kaaya-ayang gawain ng isang nilalang? O ang di inaasahang mahuhulog siya dito? Ano kaya ang magiging kapalaran ni Xion sa babaeng ito? Halina't ating pasukin ang isang unibersidad kung saan makikita ang mga kakaibang nilalang.

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - PROLOGUE

"Let's stop this Xion." Mahinahong ani ng isang dalaga habang nakaupo sa isang nakatumbang puno. Makikita sa mga mata nito ang pag kawala ng interes sa binatang kausap. Mga matang wala ng kislap.

Sa isang oras ng pagsasalita, at walang nakukuhang tuggon, ngayon ay nagsalita na ang dalaga. Tila nabingi ang binata, dahil sa sinambit ng dalaga.

"Anong sabi mo?" Nauutal na tugon ng binata. Kahit malinaw niya itong narinig, gusto niyang kumpirmahun. Kung tunay bang nakikipaghiwalay ang dalaga sa kanya.

"I said let's break up." Mahinahon ang dalaga ng sabihin ito habang nakikipagtitigan sa binata.

"Ano bang pinag sasabi mo? Hindi maari! Ayoko." Nagsisimula ng mag hysterical ang binata, napaatras ang dalaga. "Naririnig mo ba ang sarili mo? Break up? Bakit? Ayoko."

Tahimik lang ang dalaga. Pinapanatiling kalmado ang sarili. Nagiisip ng isasagot sa tanong ng binata, kay Xion. Gustuhin niya mang makasama ang binata, ngunit dahil na lamang ito sa awa. Marami ng nagbago sa relasyon nila.

"Bakit Irei!? Meron na bang bagong nagpapatibok sa puso mo? O hindi mo na ako—"

"HINDI NA KITA MAHAL! Tama ka! Hindi na kita mahal!" usal ng dalaga sa inis. Napalitan ng galit ang kaninang kalmadong aura ng dalaga. Makikita sa mata ang nagbabagang galit. Naistatwa ang binata. Hindi makapaniwala sa nalaman.

"H-hindi mo na ako m-mahal?" pangungumpirma ng binata. Tumango na lamang ang dalaga. Walang pagaalinlangan. Hindi nagbibiro ang dalaga, totoo ang bawat salitang binitiwan niya.

"Pinaglalaruan mo lang ako. Sabihin mong nagbibiro ka lang." Hinawakan niya ng marahan ang dalaga sa magkabila nitong braso, nagmamakaawa, "Pakiusap, sabihin mo.."

"Nagsasabi ako ng totoo Xion. Wala itong halong paglalaro o biro. Ayoko na, Xion. Sa'yo! Marami ng nagbago, sa relasyon natin. Napapadalas na ang pagtatalo natin. Nakakapagod! Ni simpleng bagay pinagseselosan mo. Sinamahan lang naman ako ni Tauv dahil may training kami ng Trizel Alliance. Pinagselosan mo ang pagmamagandang loob ni Tauv. Wala ka bang tiwala sa'kin?" Natawa na lamang ang dalaga sa naitanong niya. "Wala kang tiwala sa'kin. Iyon ang punto ko." Marahan niyang tinatanggal ang pagkakahawak ng binata sa braso niya. Hindi nagpumiglas ang binata.

"May tiwala naman ako sayo, Irei. Ang ayoko lang ang maagaw ka sa akin. Ayoko ng merong umaaligid sa'yo. Sa kanila ako walang tiwala. Huwag mo naman pagdudahan ang pagtitiwala ko sa'yo, Irei."

Hindi makapaniwala ang dalaga sa narinig mula sa binata. Napatawa ang dalaga sa sarkastikong paraan, "Talaga ba, Xion? Kasi ang pinaparating mo sa akin Wala kang tiwala sa akin, ako ang pinagdududahan mo ang pagmamahal ko sa'yo, at para mo akong kinukulong. Xion, mahal kita, minahal kita, sa'yo lang ako pero hindi ibig sabihin pwede mo na akong angkinin ng buo. Nasasakal na ako at hindi na ako masaya. Yan ang totoo." Hindi na nakapagsalita ang binata sa nasambit ng dalaga. "Tapos na tayo Xion. Gusto ko ng maging malaya." Maglalakad na sana ang dalaga ng hawakan siya ng binata sa braso, mahigpit.

"Huling tanong, nagsasawa ka na ba?" tanong ng binata. Tila ayaw tanggapin ng utak ng binata ang bawat salitang sinasabi ng dalaga. Gustuhin niya mang magalit, ngunit naunahan siya ng lungkot, mangiyak-ngiyak ang binata.

"OO! OO! OO! SAWANG-SAWA NA AKO SA RELASYON NATIN! KAILANGAN KO PA BANG IHAMPAS SA PAGMUMUKHA MO NA HINDI NA TALAGA KITA MAHAL?" walang pagaatubiling saad ng dalaga at malakas na nagpumiglas. Nagsimula ng maglakad ang dalaga, ng yakapin siya ng binata mula sa likod. Nagmamakaawa.

"Irei, huwag mo akong iwan. Pakiusap." Pagmamakaawa ng binata. "Magsimula uli tayo sa umpisa." Napangisi ang dalaga. Umiiyak ang binata habang nakapatong ang ulo nito sa balikat ng dalaga. "Hayaan mo akong matuto sa pagkakamali ko at magawa mo uli akong tanggapin at mahalin."

Napasinghal ang dalaga at nagsalita, "Tama na Xion. Hindi mo na ako madadala sa mga salita mo." Buong lakas na inalis ng dalaga ang pagkakayakap ng binata. Kahabag-habag ang itsura ng binata. "Tapos na tayo. Wala ng tayo. Tanggapin mo na lang iyon." Mahinahong sambit ng dalaga at naglakad papalayo. Ngunit nilapitan muli siya ng binata na akmang yayakapin siya ngunit nagpakawala ang dalaga ng malakas na puwersang naging dahilan upang tumilapon papalayo ang binata sa isang malaking puno.

Hindi ininda ang sakit at pagkabigla sa ginawa ng dalaga, pilit pa rin lumalapit ang binata. Nagpakawala ng dalawang malaking cactus ang dalaga upang pigilan ang binata. Binantaan ang binata na kapag lumapit pa ito, hindi lamang ito ang aabutin ng binata. Nagpatuloy sa paglalakad ang dalaga.

Tila walang nadarama ang binata dala ng mga sugat, at pilit pa rin naglalakad papalapit sa dalaga.

"Bumalik ka na sa akin, Irei. Pakiusap, itigil mo na ito." pagmamakaawa ang binata. Ngunit ni katiting na awa ay pawang wala ang dalaga. "Irei, please, I'm begging y--" hindi na natapos ang nais sabihin ng binata ng hampasin ang mukha nito ng sanga ng puno mula sa kapangyarihan ng dalaga. Itinali ng dalaga ang binata sa puno gamit ang kapangyarihan niya. Tumigil ito sa paglalakad at hinarap ang binata.

"Enough is enough, Xion! Or else you'll die in this instance." pagbabanta ng dalaga. "Gaano ba kahirap tanggapin na wala ng tayo, Xion? I don't love you at all. End of conversation." Nagpatuloy sa paglalakad ang dalaga.

"Irei, please, bumalik ka na sa'kin." Humihikbing sambit ng binata. Dala ng sugat na natamo ng binata, at kasabay ng pagbuhos ng luha ay ang pag agos ng malapot na dugo mula sa mga sugat nito. Pilit parin itong nagmamakaawa sa dalaga. Naisin niya mang kumawala gamit ang kapangyarihan, ay mas pinili niyang huwag lumaban sa taong mahal niya. Kay Irei.

Tumigil sa paglalakad ang dalaga, at lumapit ng kaunti sa binata. Pinagmasdan, tinitigan. Makikita sa mata nito ang determinasyon, paghihirap at paninibugho. Matiim na tinitigan ng binata ang dalaga.

"Hurt me if that's what you want. Bumalik ka lang sa akin, Irei. Magbabago ako.." umiwas ng tingin ang dalaga, "Mahal kita."

Hindi nadala sa salita ang dalaga at mas nanaig ang pagkamuhi sa binata. "XION! NAKAKARINDI KA NA, ALAM MO BA? AYOKO NA, SAYO! Tanggapin mo nalang na wala ng tayo, at hindi na mababalik yung dati na meron pang tayo." at sa isang kisap mata ay tumilapon ang binata sa isang gubat na mayroong ilog. "Paalam." Sambit ng dalag at tuluyan ng naglakad papalayo.

Tanaw ng binata sa hindi kalayuan ang dalaga. "IREI! HUWAG!" pilit bumabangon ang binata sa pagkakahulog, ngunit hindi na kinaya ng katawan niyang nauubusan ng dugo. Pilit na tumayo ang binata ng may hindi umanong itim na kapangyarihan na tumama sa kanya mula sa malayo. Hindi kalauna'y nararamdaman ng binata ang bigat ng ulo, at pawang mamawalan na siya ng malay. Bago pa man siya tuluyang makatulog ay naaninag ng binata ang isang nilalang na natutulog tatlong dipa ang kalayuan sa lugar niya.

Nakangising sinulyapan ng dalaga ang lalaking nakatalukbong ng telang itim na nagpatulog sa binata. Nilingon nila ang binata sa huling saglit na pawang namamahinga lamang.

"I'm not the right person for you Xion Lourd White. Change for yourself, and not for me. Love yourself so that you can truly love others back. Someday, you'll find the right one.  That's deserving for your love." Walang emosyong sambit ng dalaga. "So this is our goodbye, light bearer." Huling salitang binitiwan ng dalaga bago talikuran ang binata.

Gamit ang kapangyarihan, gumawa ng malaking dahon ang dalaga, ginawang transportasyon upang makaalis sa lugar kung saan iniwan nila ang binata.

~°~

Hindi kalaunan ay may dumating na misteryosong nilalang. Nilapitan ang sugatang katawan ng binata. Halata sa nilalang na ito na mula ito sa pagkakatulog. Nakatalukbong ng itim na tela ang nilalang na ito, na maihahalintulad sa kasama ng dalaga. Ni Irei.

Sinusuri nito ang binatang nakahandusay ng makita nito ang marka sa leeg ng binata. Nanlaki ang mata ng misteryosong nilalang ng malaman ang ibig sabihin ng markang ito. 'A light bearer' sa isip-isip nito.

Namangha na lamang siya sa kung gaano kaganda ang lalaking nasa harap niya. Lumuhod siya't hinaplos ang mukha nito. "Ito ba ay isang panaginip? Itong nilalang na nasa harap ko, walang kapintas-pintas sa buong kaanyuan nito. Malaporselas na kutis sa kinis. Makapal ang kilay, mahabang pilik-mata at brusko ang katawan. Napaka swerte ng dalagang mapapaibig ng binatang ito." Pinagmasdan niya lamang ang adonis sa harapan niya ng nakangiti.

"There is someone that could deal a fate with you."

Bumalik siya sa sariling katinuan ng mapansin na papalubog na ang araw. Tinantiya kung kaakayanin niya bang buhatin ang binatang nasa harapan niya. Napangisi na lamang siya ng maalalang may kapangyarihan siya at sapat na lakas para buhatin ang binata. Dahan-dahan siyang kumilos at pinagmasdan ang paligid kung may nakakakita ba sa ginagawa niya. Agad siya pumosisyon ng maramdaman na wala.

Tumalon siya ng mataas papunta sa kakahuyan at lumisan.