Ang kalangitan ay nakakamangha kung pagmasdan kasabay ng pagdating ng dilim; ang araw na papalubog at ang gabing paparating.
Ibinaba niya ang Purrific gun niya habang ramdam ang tensyon sa paligid, minamasahe ang kanyang kamay na nangangalay na dahil sa walang tigil na paggamit sa arams niya. Tinanggal niya ang target glasses niya upang makakita siya ng maayos upang sa gayon ay makita nito ang nangyayari sa harap nito mula sa kinatatayuan nitong tuktok ng isang burol.
Kita niya ang lugar niya, ang Purrifia--pagkawasak nito't pagkawala, pagkatupok ng lahat dahil sa pagkahumaling nga mga taong masasama maging ang mga nilalang ng dilim sa enerhiyang gamit ng Purrifia-- ang Purrific energy.
Siya lang ang natirang buhay. Nawalan siya ng tirahan, magulang, kaibigan at mga kasangga.
Kinuha nito ang enerhiyang Purrific, ang enerhiyang tumapos sa lahi niya at nilagay niya ito sa armas niya gaya ng sabi ng ama niya. Gamit ang enerhiyang iyon nangako siyang pupuksahin niya lahat ng mga masasama na patuloy na namamayagpag sa mundo dahil iyon lang ang magagawa niya upang mabigyan niya ng katarungan ang kanyang lahi't lugar.
Ang nag-iisa't walang kasama kundi ang Purrific gun niya.
Kayla Artilla, the Lone gunner.
Mag-isang tutungo sa Altaria at sisimulan na niyang maghanap muna ng matutuluyan sa gabing iyon dahil hindi na ligtas ang bumalik pa sa Purrifia knowing that lots of demons are there at gabi na kaya't alam niyang aktibo ang mga demon lalo na't nasa kagubatan siya ng demons lair.
Sa kabilang dako, sa isang masukal na parte ng kagubatan malapit sa Purrifia. May isang lalaki.
"Slaying magic; blade dancer!!"
Winasiwas niya ang kanyang espada ng sobrang bilis, nang walang pag-aalinlangan na pumaslang. Ang asul niyang kasuotan ay hindi maikakailang bagay sakanya. Ang espada niyang malapad at mahaba ay siyang gamit sa pagkitil at kita mo na parang iisa lang sila ng kanyang armas na parang sumasayaw habang nakikipaglaban.
Ang mga demonyo ay mas dumami at hindi siya makahanap ng magandang lugar na pwede niyang gamitin sa pagtakas niya.
"Slaying Magic; Death striker!!"
Patuloy na dumarami ang mga demonyo galing sa mga iba't-ibang parte ng kagubatan dahil ang kagubatan na ito ay ang sikat na Demons Lair Forest na kung saan kilala dahil ito ang breeding ground ng mga Bogus; ang uri ng mga demonyong kulay luntian na kahawig ng tao ngunit may mga sungay ang ito. Ang katawan niya'y puno na ng dugong kulay asul.
Kahit pagsamahin pa ang galing at effort niya sa pakikipaglaban, hindi parin matutumbasan ang dami ng mga bogus.
Ang mga kamay niya'y namamanhid na sa tuwing umaatake siya at ang katawan niya'y naghihina na.
Si Trazor, na kinakatakutang demon hunter ay mukhang magagapi ng mga demonyo sa unang pagkakataon.
Hinang-hina na si Trazor ngunit kailangan niyang lumaban dahil kahihiyan ang dulot nito sa pangalan niya kapag magapi siya.
"S-Slaying Magic; Strike Impact!!"
Ngunit kahit anong galing niya bilang swordsman o di kaya demon hunter, na samahan mo pa ng ilang taong pagsasanay, may mga pagkakataon parin tulad ngayon na maaari siyang magapi.
Umabante si Trazor at sinaksak ng malakas ang isang demonyo, tsaka nito tinutulak ng malakas para mas madaliin siya.
Pagod na siya at parang nawawalan siya ng hininga nang biglang may malakas na pagsigaw. "Marksmanship Magic; Rapid fire!!" At kasabay nito ang mga pagsabog sa paligid.
"Ako ng bahala, demon hunter. Magpahinga ka na muna." Maawtoridad na utos ng isang tinig kaya't napalingon siya sa direksyon kung saan ito nanggaling at marahang inaninag ito sa dilim para makita niya kung sino iyon habang may mga tumatama sa mga demoyo na kulay asul mula sa inaaninag niya.
Hanggang sa makita niya ang isang babaeng may mahabang buhok na nakaponytail sa kanang gilid at nakasuot ng polong sleeve less at shorts. Nagulat siya dahil bihira lang siya makatagpo ng babaeng matapang na nakikipagsapalaran sa gabi lalo na't nagkalat ang mga demonyo.
"Ano?? Tunganga ka nalang dyan?? Tumabi ka para matamaan ko sila!" Biglang sabi ng bagong dating pagkatapos niyang tamaan ang akmang aatake sana kay Trazor.
"Marksmanship Magic; Direct Shooter!!"
Namangha naman si Trazot dahil sobrang bihasa ito sa paggamit ng armas na iyon. Sa mga oras na iyon alam na niyang isa iyong gunner, isang marksman at mukhang normal lang siyang tao na walang halo mula sa ibang mga nilalang. Tumabi na si Trazor at hinayaan nalang niya ang babae para makapagpahinga muna siya.
"ugh!! Gross!!" That what the girl thinks ng biglang matalsikan ito ng kulay asul na dugo.
A demon is about to crush her with it's long nails but she immediately dodged it then killed it using her deadly shots. Paulit-ulit na ginawa niya iyon sa mga halimaw lalo na't hindi na makalapit ang mga demonyo dahil sa patuloy niyang pagpapaulan ng atake.
Trazor was impressed of her agility by how she dodged every attacks of demons and how she slayed them. Hindi niya akalaing ganito kabilis ang galaw ng babae the fact that she's just a girl at she reminds him of someone he knew.
"Come on!! Bring it on demons!! Marksmanship Magic; Flash Fire!!" Sigaw ng babae at mas bumilis sa pagtira sa mga demonyo.
Somehow she feels excited kaya't patuloy lang siya sa pag-atake hanggang sa di niya namalayan na naubos na pala ang mga demonyo.
"Aww.. ubos na??" Biglang tanong ng babae ng mapagtanto niyang wala ng mga demonyo kaya't lilingon na sana.
Trazor smirked. Kinuha niya ang kanyang espada at tinutok ito sa babae nang lilingon na sana ito sakanya.
"Who are you??" Direktang sabi ni Trazor habang nakatutok ang espada niya sa likod ng babae.
"Aisshh!! I'm Kayla from Purrifia, wala akong balak na masama sa'yo kaya't pwede bang ibaba mo na iyan." Sabi ni Kayla na may halong pagkairita.
"The name is Trazor and we don't have time to chit chat." Pakilala ni Trazor pagkatapos niyang alisin ang espada niya na nakatutok sa likod ni Kayla at agarang hinila si Kayla dahil kailangan na nilang makaalis bago pa makaamoy ang mga ibang bogus.
"Ay jusmiyo!! Ba't mo ba ako kinakaladkad?!!" Reklamo ni Kayla habang hila-hila siya ni Trazor.
"Huwag ka ngang maingay!" Sabi ni Trazor at biglang binuhat si Kayla na parang sako.
"Aaaaaaaaahhh!!! Manyak!! Tulong!!" Sigaw ni Kayla at pinalo palo si Trazor gamit ang armas niya.
"Aray!! Sabing huwag kang maingay!!" Sabi ni Trazor at sinasangga ang mga palo ni Kayla nang may isang nakakapanindig balahibong ungol kaya't napalingon sila sa bandang burol. Kita nila ang isang grupo ng mga demon wolf na nanlilisik ang mga mata.
"Uh oh... patay tayo neto." Mahinang sambit ni Kayla at pasimpleng tumingin kay Trazor na ngayon ay nakatingin rin sakanya.
"Pagbilang ko ng tatlo,sabay tayong tatakbo." Bulong ni Trazor kay Kayla at tumango naman ito.
"Isa"
"Dalawa"
"Ta--" "Takbo!!!" Sigaw ni Kayla at hinila si Trazor na ngayon gustong batukan si Kayla.
Tumakbo sila ng tumakbo ngunit sadyang mabilis ang mga lobo lalo na't hindi ordinaryong lobo ang mga yon.
"Mauna ka na muna, susubukan kong pigilan sila. Susunod ako." Biglang sabi ni Trazor nang mahinto sila para huminga muna.
"Ok, basta susunod ka. Bye!" Sabi ni Kayla at tumakbo na leaving Trazor behind.
"Tsk.. siraulong babae. Wala manlang konsensya!" Inis na usal niya sakanyang sarili at agarang pinosisyon ang sarili dahil ramdam niyang padating na sila.
At hindi nga siya nagkakamali dahil sampung demon wolf ang nasa harapan niya ngayon at naglalaway na.
"Chill lang mga doggie, Excited to taste the sharpness of my blade?? Then the pleasures are all yours." Pagkabigkas niya sa kanyang huling salita ay agaran siyang gumamit ng kanyang mahika.
"Equipment enhacer magic; Lost Blade!!"
A force began to envoloped around his sword making it ready for him to give an attack ngunit mabilis ang mga demon wolf kaya't hindi niya napansin na may isang demon wolf na kanina pa sa taas ng puno at ngayon kagat-kagat ang kanyang kamay buti nala may suot itong refined iron gaunlet kaya't nahulog ang kanyang espada.
"Ahh.. shit!" Daing ni Trazor ng medyo nanikip yung braso nita dahil sa pilit na pagbaon ng mga ngipin ng demon wolf. Pilit niyang inaabot ang kanyang espada nang may kumagat sa isa pa niyang kamay.
"Ahhhhhh!!"
Lingid sa kaalaman naman ni Kayla mayroon palang Grobbers na nakasunod sakanya. Mga demonyong mukhang hayop na may pakpak na tulad ng paniki at katawang katulad ng isang tao ngunit nababalutan ng balahibo.
"Huuu!! Time first muna." Hingal na sabi ni Kayla habang humihinga ng mabilis. Nagpalinga-linga siya ngunit wala siyang nakitang demon wolf nang may narinig siyang sigaw.
"Hmmm.. baka pinagpipiyestahan na yung demon hunter. Tatanawin kong utang na loob ang sakripisyo niya." Sabi niya na may papout pang nalalaman.
"Ayyy putang hunter!!" Sigaw ni Kayla nang may biglang bumulusok sa kinaroroonan niya at nagulat siya dahil isang grobber iyon.
"Sabing time first eh!! Waaahh!!" Sabi ni Kayla at pinutukan yong grobber kaya't napaslang iyon ngunit pagtingin niya sa taas ay may sampung grobber.
"I think this is the end of Kayla the great, takbooooo!!!" Sigaw niya at nagsimula na namang tumakbo kahit na natitisod siya.
Takbo lang ng takbo si Kayla at di niya namalayan na papunta na pala siya sa isang talon at dead end na.
Pagkarating ni Kayla sa talon. Doon niya napansin na wala na siyang pwedeng daanan.
"Uh oh, katapusan ko na nga." Usal niya sakanyang sarili. Pinosisyon niya ang kanyang sarili upang sa gayon mahirapan ang kalaban sakanya kahit alam niyang wala siyang laban lalo na't mabilis at lumilipad ang mga kalaban.
Desidido na si Kayla na gamitin ang kanyang pinakamalakas na mahika lalo na't mas lumakas iyon dahil sa karadagan pwersa na binibigay ng purrific energy.
"Lost art of marksmanship; Giga Blaster!!"
A bright maroon light was being restored inside her gun na nagbibigay sakanya ng hudyat upang magbilang na para sakanyang atake.
"Five" Pagsisimula niyang magbilang.
"Four" Maingat niyang inoobserba ang mga kalaban.
"Three" Marahan niyang hinawakan ang gantilyo upang sa anumang oras ay maaari na niyang kalabitin.
"Two" Nagsimula na siyang manginig as she aim at the sky, iniisip na sana huwag magmintis.
"One! Taste my Giga Blaster!!" Sigaw niya at agarang kinalabit ang gantilyo. Releasing a strong energy beam directly to them.
Nakita ni Kayla na wala ng mga Boggers kaya't nasiyahan ito.
"Masamang damo ka talaga Kayla!!" Masayang sabi niya habang habol ang kanyang hininga.
Maglalakad na sana si Kayla nang may matalas na kuko ang bumao sa balikat niya at mukhang nililipad siya.
Tumingin siya sa itaas niya at kita niya ang isang grobber at sa itaas din ng grobber naroon ang iba pa.
"Aray!! Papatayin kitang demonyo ka pagnakawala ako!!"
[TO BE CONTINUED!!]