Chereads / DEMON'S WORLD / Chapter 12 - chapter 10

Chapter 12 - chapter 10

Chapter Ten:Pulang Hikaw

Valenttina's Point of View

Nag lalakad kami ni Xyrille dahil mag kaklase naman kami sa next class.Hindi na namin nabisita ang mag asawa dahil malalate na rin kami kanina kaya mamaya na lang.

"Val dito tayo"sabi ni Xyrille at itinuro ang dalawang upuan sa likod katabi ng bintana.Pumunta na kami doon saka naupo.Ilang minuto rin ay dumating na ang Prof.

Ang dilim nang awra niya kaya natakot naman kami.Puro Black ang suot niya pati make up.nagsimula na siyang magturo hanggang matapos ang klase.

"Buti nalang walang assignment na pinagawa sa atin"sabi ni xyrille.

"Balita ko bihira lang mag pa assignment yan si miss kasi pag nagpapa assignment daw yan puro mahihirap"

"Ay ganun ba"tumango lang ako.

Natapos ang Morning Classes namin ay nag lunch kaming magkakaibigan at naabutan na namin sa canteen sila jhairo kasama si President at Rayvah.

"Oh sis nandito na pala kayo,kamusta kana po President?"tanong namin kay president.

"Okay na naman ako,salamat sa concearn..maupo na kayo"

Umorder na si Jhairo ng mga pagkain namin saka kumain na.nagkwentuhan rin kami dahil isang oras ang lunch namin dito saka nag punta na sa kaniya kaniya naming Afternoon Class.

Natapos lahat ng subject ko ngayong hapon ay parang nararamdaman ko na may sumusunod sa akin.Tumingin ako sa likod at may nakita akong pulang hikaw?

Dali dali akong tumakbo papunta sa room namin.

"Oh Val bakit naman hingal na hingal ka dyan?"tanong sa akin ni Rayvah saka inabutan ako nang tubig ni Xyrille.

"Salamat"sabi ko saka lumagok ng tubig.

"Oh bakit nga parang hingal at takot na takot ka diyan?"nagaalalang tanong na nila.

"Kanina habang nag lalakad ako ay naramdaman ko na may sumusunod sa akin tapos may nakita akong pulang hikaw"

"Pulang hikaw..."napapaisip na sambit ni rayvah.

"Alam mo ba kung kanino yun?"

"Sa ERG yun,simula ngayon magiingat na tayo."shet!natatakot na ako!ano bang nangyayari!

"A-anong ERG?"nauutal ko na sabi dahil takot na takot na talaga ako!"

Rayvah's Point of View

Nangangabib ang buhay nila.Nagsisimula nang mag higanti ang ERG.

"Yung Erg ang pinaka malaking kaaway ng dbg"sabi ko sa kanila at ramdam ko na ang takot nang mga toh.

"Anong meaning ng erg?"sabay na tanong ni Val at Xy.

"Ang meaning ng erg ay EVIL RED GANG,ang pulang hikaw ay sumisimbolo sa Erg at ang Black Rose ay sumisimbolo sa dbg"paliwanag ko sa kanila.

"Anong pakay nila sa atin?"tanong ni Xyrille.

DISCLAIMER:

This is a work of fiction and any resemblance to any person, living or dead, any place, events, or occurrences, is purely coincidental. The characters and story lines are created from the author's imagination or are used factiously. All publicly recognizable characters, settings, etc. are the property of their respective owners.

To be continue..