Yesha's Pov
Dalawang linggo na ang nakalipas simula ng mangyare ang mga bagay bagay saamen ni Dy akala ko huli na yon pero sa naka lipas na dalawang linggo lagi siyang umuuwing lasing at ginagawa lahat ng gusto niyang gawin saaken.
Kaya hirap na hirap narin ako dahil hindi ko mailabas yong hinanakit na gusto kong ilabas. Wala akong magawa kundi hayaan siyang gawin saken lahat ng gusto niyang gawin dahil tama naman siya.
Asawa niya ako at pwedi niyang gawin ang lahat ng gusto niyang gawin saken pero minsan naiisip ko na sana sa sunod maisip nalang niya na patayin na ako dahil total wala naman na akong maramdamdaman na pag papahalaga sa sarili ko.
Pakiramdam ko sobrang dumi kong babae dahil sa paulit ulit niyang pambababoy saaken.
Wala akong magawa kundi ang mag tago at iiyak nalang yong sakit na nararamdaman ko.
Naka upo ako ngayon sa garden ng bahay namin at tulalang nag iisip. Iniisip ko lang naman kong paano ko kakausapin sila papa na pag hiwalayin na kami dahil sobrang sakit na ang dinudulot saken ng kasal na to.
Aanhin ko ang mayaman na asawa, gwapong asawa,kilalang asawa kong hindi rin naman ako kayang tratohin ng maayos at igalang bilang isang babae.
"Hija, Nasa labas sila Madam" napa lingon ako kay Manang lourdes ng marinig ko ang sinabe niya.
"Kasama po ba nila si Papa?" Tanong ko na umaasang sana kasama nga nila ang papa at mama ko.
Pero agad rin akong nalungkot ng umiling si manang bilang sagot.
Tumayo na ako at nag buntong hinga saka ako sumunod kay manang papasok ng bahay.
"Mom,dad" bati ko sa mga magulang ni Dy saka ako bumeso tulad ng nakasanayan ko umiwas si mom at tinignan ako ng masama.
"Hija, kumusta naman kayo dito?" Tanong saken ni Dad na inilibot pa ang paningin sa malaking bahay na to.
Umupo ako at pilit na nginitian si mom na naka taas ang kilay saaken.
"O-okay naman ho"Sagot ko.
"How about my son. Is he okay living here with you?" Sabat ni mom na ramdam ko sa boses niya ang pailalim na pang iinsulto saken.
"Y-yon po ang hindi ko alam"
"Oh as expected. Seems like you too are not doing fine. Tsh!" Mom
"Asan nga pala si Dylan ngayon?" Tanong saken ni dad.
"Lumabas po" sagot ko naman.
Hindi lingid sa kaalaman ko na ayaw talaga saken ng mommy ni Dy noon pa man. Pero okay lang naman saken yon dahil wala naman akong magagawa.
Nang matapos nilang mangamusta at mag bigay ng pera kay manang lourdes pang grocery ay agad rin naman silang umalis dahil marami daw silang aasikasuhin.
Umakyat narin ako sa kwarto ko at agad na kinuha ang phone ko para tawagan sila mama pero tulad ng dati walang sumasagot sakanila maski si kuya hindi sinasagot ang mga tawag ko.
Ibaba ko na sana ang phone ng bigla itong tumunog napa kunot pa ang noo ko ng makitang unknown number ang tumatawag.
Kahit nag tataka hindi ako nag alangan na sagutin ang tawag.
"You're superman is now here. Where are you?" Agad na sabi ng nasa kabilang linya
"Wrong call ka po yata kuya" sagot ko naman at narinig ko pa ang pag tawa ng kong sino sa kabilang linya.
"Baby, it's me Your super Ethan" sagot niya dahilan para manlaki ang mata ko at mapatingin sa screen ng phone ko.
"Woah!! Ethanyyyyy! Ikaw ba talaga yan?"
"The one and only baby, where are you?" Tanong niya saken.
"Sa bahay. Ikaw?kailan ka dumating"
"Kagabe lang. Kita tayo?" Tanong niya saken na sobrang nag pangiti saken.
Siya si Ethan ang boy best friend ko na galing korea umuwe siya doon para mag bakasyon at salamat naman dahil bumalik na siya.
"Shaa! Kita tayo sunduin kita dyan" sabi pa niya na ikina gulat ko.
"A-ah hindi na sa labas nalang tayo mag kita." Sagot ko dahil alam ko na ayaw ni Dy na may bumibisita saaken dito.
Natatakot ako na baka mapag buhatan nanaman niya ako ng kamay kapag sinuway ko siya. Yes tama ang narinig niyo tatlong beses niya akong napag buhatan ng kamay kapag hindi ko sinusunod o ginagawa ang gusto niya.
"Ah sige. Tawagan mo narin si Nicole para tatlo tayo"sagot ni Ethan sa kabilang linya.
"Sige. Mag bibihis na ako" sabi ko na agad naman niyang pinatay ang tawag.
Nang matawagan ko si Nicole ay agad rin akong naligo at nag bihis para maka punta sa meeting place namin.
Agad kong kinuha ang phone ko ng may marinig akong nag text.
Fr. Nicole
Message : Gaga, pasensya na ha? Hindi ako maka sama dahil may biglaan kaming pupuntahan kasama sila mom.
Napa buntong hinga nalang ako saka ako nag reply.
Me : Okay lang. Ingat kayo.
Tinago ko na ang phone ko sa bag ko saka ako lumabas ng kwarto.
Sasakay palang sana ako sa kotse ng biglang bumukas yonh gate at nakita ko ang kotse ni dy. Nakaramdam ako ng kaba at takot lalo na ng hindi pa niya na papark ang kotse niya ay bumaba siya at kunot noong naka tingin saken.
"Where the hell are you going?" Ma awtoridad na tanong niya saken saka siya lumapit sa driver at may binulong.
Yumuko ang driver saaken saka siya umalis.
"Where are you Going Yesha?" Tanong niya ulit saken.
"L-labas lang" kabadong sagot ko.
"With whom?"
"S-si Ethan"
"Did i give you a permission to meet anyone aside from my and your family?" Seryosong tanong niya saka ako hinawakan sa panga at napa ngiwi ako ng mas lalo pa niya itong diinan.
"You're my wife and how many times do i have to tell you that never try to disobey me?" Galit na sabi niya saka patapon na binitawan ang panga ko na sobrang sakit pakiramdam ko namanhid.
"H-hindi namam iba si eth-----"
"GO BACK TO YOUR ROOM" malakas na sigaw niya na nag pagulat saken kaya dali dali akong pumasok sa bahay.
Ganon talaga siya sobrang higpit saaken para akong naka bilanggo. Bawal akong gumala school at bahay lang kailangan pagka tapos ng klase diretso uwe hindi ko alam kong bakit bigla siya nag kaganon dahil nung unang taon ng kasal namin wala talagang pakialamanan saamen iwan ko lang bakit siya nag kaganito saken sobrang higpit.
Kinabukasan
Naka tungo akong papasok ng room ng biglang may humila saaken na ikina gulat ko kaya papalag na sana ako ng makita si Darren na senenyasan akong wag maingay.
Nang makarating kami sa rooftoo ng school ay nailang ako sa nag oobserbang tingin saken ni Darren.
"Napano ka? Bakit ang dami mong pasa?" Takang tanong niya saken na agad hinigit ang braso ko saka tinignan ang braso ko.
Hindi ko alam kong ano ang dapat kong sabihin dahil halos naka ubos na ako ng dalawang concelear para lang matakpan ang mga pasang binibigay saken ni Dy.
"G-ganyan talaga. Allergy yan napag kakamalang pasa" pag sisinungaling ko pero sa tingin ng mga mata niya ramdam kong hindi siya naniniwala.
Nagulat pa ako ng tignan niya ang leeg ko at pumunta sa likoran ko saka hinawi ang buhok tapos bumalik siya sa harapan na may dismayadong tingin.
"Nag pa check up kana ba? Baka hindi yan basta allergy" sabi niya na ramdam ko parin sa boses niyang hindi siya naniniwala na allergy ang mga pasa ko.
"Anyway dumating nga pala si ethan" sabi niya pero nanatili ang tingin niya sa pasa sa braso ko.
"A-ah oo tumawag siya saken eh. May usapan kaming mag kikita pero hindi ako naka punta" Sagot ko saka nag iwas ng tingin.
"Mm. Maybe darating rin yon nag enrolled na siya dito" sabi niya.
Hindi na ako nagulat dahil alam ko naman na dito talaga mag aaral yon.
"S-sige baba na ako baka hinahantay ako ni nicole eh" paalam ko ng mapansin ko na wala na siyang sasabihin.
Tumango lang siya bilang sagot kaya tinalikuran ko na siya.
Hindi pa man ako gaanong nakaka layo ng bigla siyang mag salita na ikinatigil ko.
"If someone is hurting you. I think you should think wisely. Don't let anyone hurt you physically and emotionally because no one is deserve to be hurt specially you."
Itutuloy....