Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Maio, Rosanna, Dorotheo, Stella Hidalgo, Daniel, Jaime Cuenco

Clei_Garcia
--
chs / week
--
NOT RATINGS
62.1k
Views
Synopsis
WARNING! Rated 18, MATURE CONTENT Tourist Beware Horrible Experiences awaits you from the Islands of the Philippines. 1. Barang - A gruesome story of how a babaylan brutally killed their enemies using an evil dark practice. 2. Nagkagutay gutay at Luray luray - A friend's invitation to their province which turned out to be a ghoulish nightmare. 3. Panganib sa Kagubatan ng Lihulan - A tale of finding way to escape the brutalities of the Japanese and hardships during the war. What is the easiest way to escape death? 4. Alindog ng Dalaga - Stella is trying to move on due to her parent's divorce and her mom found a way to forget the tragic incident in their family. She brought her a comfy antique bed. But later on the bed revealed to have a mysterious power that affects the life of Stella and her family. A slave of never ending lust and pleasures that would lead to lost of innocent lives. 5. Anting Anting ng Demonyo - A story of horny college men who found a strange Talisman which grants all of their sexual pleasures but in a certain amount of price. 6. Gayuma ng Aluhino - Demonic presence and Fiends would be encountered if a human being drank a wrong amount of the potion. But how can one resist to drink an extra serving of the concoction if it gives a pleasurable experience?
VIEW MORE

Chapter 1 - Barang (Waray-Waray) Date:1433, Setting: Carigara,Pre Hispanic Philippines

Barang (Waray-Waray) Date: 1433 Setting: Carigara, Pre Hispanic Philippines

Gabi na ng matapos kaming maligo ng aking mga kaibigan sa ilog. Kakatapos ding umani ng bigas at mais ang mga uripon (alipin) ng aming Datu kaya't ako ay nagmadali naring umuwi sa aking Uray (lola) upang makapag pahinga.

''Maio Bilisan mo ng mag bihis nang makakain na tayo. ''

''Nagluto ako ng iyong kinahihiligang Adobong Manok.'' Wika ng aking Uray Dawan. ''Mag lalabing apat nako bukas. Ano kaya ang balak ng aking Uray sa aking kaarawan?'' Tanong ko sa aking sarili habang isinusuot ang aking pambabang kasuotan. ''Kaarawan mo na pala bukas Maio. Kailan lang. ''

''Ang bilis mong gumulang.'' Wika ng aking Uray Dawan habang hinahaplos ang aking ulo. ''Binatang binata ka na kung ikaw ay aking tinitignan. Idinikit ng aking uray ang kanyang pisngi sa akin. Opo. ''Sinuklian ko naman ngiti ang aking pinaka mamahal na Uray.

Nahinto ang aming hapunan nang biglang humangin ng malakas at napatay ang apoy sa kandila. Biglang tumunog ang Gong ng aming Banwa (Kaharian). Ang hudyat na may nangyayaring pananalakay sa aming Banwa. Mga Mangangayaw! (Pirata) Gulat na sambit ni Uray Dawan. Apo, ''Diyan ka lamang at huwag kang lalabas kahit na ano pa ang mangyari.

''Uray Dawan, Uray Dwan!'' Wika ng isang humahangos na Timawa (mamamayang malaya)

''Ano iyon Ladaw?'' Alalang tanong ng aking Uray. ''Uray Dawan may mga mangangayaw na nagtangkang lumusob sa ating Banwa. Ang mabuti pa'y magtungo na kayo at iyong apo sa Torogan (Bahay Pinuno) ng Datu nang sa gayon ay mapangalagaan nila kayo.''

Kasabay nun ay lumisan din agad ang Timawa at sumaklolo sa mga iba pang bantay sa aming Banwa. Palibhasa nasa dulo at malapit kami sa kagubatan kaya't hindi gaanong napansin ng mga mangangayaw an gaming tirahan Tumango lamang ang aking Uray at nag wika,

''Huwag kang mag alala Maio, tinitiyak ko sayong walang mangyayaring masama sa ating dalawa rito kaya't hindi na natin pa kailangang magtungo sa bahay ng ating pinuno.'' Halika tulungan mo ako'' Utos ng aking Uray at inilabas niya ang tatlong Itim na alupihan sa loob ng isang sisidlan, Pagkatapos ay sinunod ko naman ang dalawang garapon na puno ng mga hantik at huling inilabas niya ang isang tuyong dahon ng Santol na nakatupi na parang isang tela at duon lumabas ang isang puting Paro Paro. ''Nais kong mag manman ka sa ating mga kalaban. Huwag mo silang pababayaan na makarating dito.''

Agad namang nag tungo ang Paro Paro upang pagmanmanan at lituin ang mga kalaban upang hindi sila makarating sa aming kinaroroonan. Nagtungo naman ako sa baul ng aking Uray at mabilis kong inabot ang mga talata na punong puno ng mga naka sulat na usal sa kanya. Lumakas pa ng lumakas ang hangin tanda ng isang sagupaang nagaganap sa ibang bahagi ng aming banwa. Magmadali kang magtago sapagkat hindi ka nila maaring makita.''

''Subalit Uray'' Alala kong wika.

''Sige na, Pabayaan mo ako sa gagawin ko. Mahalagang mapangalagaan kita. Hindi mo na ako kailangang pag isipin sapagkat alam ko ang ginagawa ko.''

Sa kung anong kadahilanan ay agad akong napahinto sa aking pag aatubili at tumingin sa aking Uray at tumango. Nagtungo ako sa kinaroroonan ng isang malaking Kaban at duon nagtago. Huminga ng malalim ang aking Uray at biglang nagdasal. Hindi ko maunawaan kung ano ang mga salitang kanyang sinasambit kaya't ako ay kinakabahan at balisa. Malamig ang aking pawis at bumilis ang tibok ng aking puso.

Hindi ko na alam ang susunod na mangyayari kaya't nag hintay nalamang ako ng ilan pang mga sandali habang nakasilip sa maliit ng butas ng Kaban. Hindi pa man siya nag tatagal ay bigla nalang bumukas ang pinto ng pagkalakas lakas at nagiba ito. Sinugod na pala kami ng mga mangangayaw. Malalaki ang katawan ng limang kawal na sumugod sa amin. Puno sila ng mga tattoo at matatangkad. Mahahaba ang kanilang mga buhok at may mga matatalim na pangil ang kanilang mga bibig. Nanlilisik ang kanilang mga pulang mata.

''Aswang!'' Gulat kong sabi subalit walang lumabas na boses sa aking lalamunan. Sabay sabay nilang sinugod ang aking uray ng kanilang hawak na palakol at humiyaw sa mga nakakatakot nitong ingay. Isang ingay na maihahambing sa isang halimaw. Subalit hindi nila ito napagtagumpayan dahil biglang sumakit ang kanilang likuran.

Nagmadali silang tignan kung ano ang dahilan nun kaya't laking gulat nila ng may natagpuan silang limang malalaking itim na gagamba sa kanilang likuran. Mabubuhok ang mga ito at may matatabang galamay. Huli na nang malaman nilang sila palay ay kinagat na ng mga gagamba at itinurok sa kanilang katawan ang kanilang kamandag.

Tila natuwa pa ang dalawang gagamba sapagkat unti unti nilang inuubos ang bahagi ng balat at laman ng kanilang kinagatan mula sa mga halimaw. Matagumpay namang naalis ng isang Aswang ang gagamba sa kanyang likuran at hinambalos ito. Sa di inaasahang pag kakataon ay tinaga niya ang aking Uray Dawan gamit ang kanyang palakol. Mabilis namang naka iwas ang aking Uray sa panunugod subalit nadaplisan siya sa kanyang braso at tumalsik ang sariwang dugo sa sahig. Ang isa ay nagawa pang makatakas mula sa gagamba at tinaga niya rin ito upang hindi na makalapit pa. Pinagtataga din nila ang tatlo pang gagamba sa likuran ng kanilang mga kasama at pinatay ang mga ito.

''Papaanong?'' Sindak na wika ng aking Uray.

Nanlaki ang kanyang mga mata sa pagkagulat ng hindi pa tumalab ang kanyang ginawang pag samo sa mga gagamba.

''Sa inaakala mo ba Mambabarang ay masisindak mo kami sa ganyang gawain lamang? Hindi kami tinatablan ng lason kaya't walang bisa sa amin ang kamandag ng gagamba!'' galit na bulyaw ng isang Aswang.

Ngumiti lang ang aking Uray. Naglaglagan ang mga puting alupihan galing sa itaas. Halos matumba sa sahig ang mga aswang dahil sa kanilang pagkagulat. Humiyaw ng pagkalakas lakas ang mga ito dahil sa matinding pagka sindak at pilit na inaalis ang mga alupihan sa kanilang katawan. Magkahalong takot at pagkagimbal ngayon ang kanilang naramdaman lalo na ng pumasok ang mga alupihan sa butas ng kanilang ilong, tenga at bibig. Nagdulot ng isang pambihirang sakit at hindi maipaliwanag na karanasan ang kanilang napala.

''AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH! GWARKKKHKHK! HAAAAAAAAAAA!'' Panay ang daing ng mga Aswang dahil sa sakit at kirot dulot ng mga alupihang nagpumilit pumasok sa kanilang tenga at nakarating sa labas looban ng mata ng Aswang. Ang isa pang alupihan naman ay tila naglalaro lamang matapos makapasok sa bibig ay lalabas naman sa taenga at pagkatapos babalik ulit bibig at lalabas naman sa ilong. Ang iba pang alupihan ay mabilis na lumikha ng butas sa kanilang balat at kanya kanyang pasok sila sa iba't ibang bahagi ng katawan ng kalaban. Humalakhak ng buong sigla ang aking Uray ng masilayan ang gumagalaw galaw na alupihan sa mga mata ng aming kalaban. Namula at nagdugo na ang kanilang mga pangingin dahil sa mga pangyayari.

Tuloy parin ang kanilang hiyawan lalo na nang bumuhos pa ang mas malakas na agos ng dugo mula sa kanilang mga mata. Sa balat at laman ng aming mga kalaban makikita ang mga alupihan na patuloy sa paglalakbay at pag ikot sa iba't ibang bahagi ng katawan ng kalaban. Kagimbal gimbal ang sinapit ng mga Aswang nung gabing iyon.

Marahil sabandang huli ay nagsisi sila sa kanilang pagsugod sa aming bahay. Subalit sa kabila ng mga pangyayari ay hindi parin sila sumuko at nag unahang sumugod ang mga Aswang sa aking Uray. Hindi nag patinag ang aking Uray nang bigla nitong ibinuka ang kanyang bibig nang pagka luwang luwang at duon naglabasan ang mga bubuyog at sinugod ang mga kalaban. Hindi na nagtangka pang lumaban ang mga Aswang nang mapalibutan sila ng mga bubuyog dahil nagbadya iyon ng agad nilang kamatayan. Kinagat sila sa iba't ibang bahagi ng katawan at hindi huminto ang mga bubuyog hanggang sa hindi bumabagsak sa sahig ang mga pangahas. May mga kumagat sa mata, ilong, bibig at labi. Tila dumapo na lahat ang mga bubuyog na lumabas sa bibig ng mga kalaban. Kulay itim nalamang ang aking nakikita. Sinakop na ng mga bubuyog ang buong katawan ng mga pangahas at tinuluyan sila. Matapos nun ay humayo rin ang mga bubuyog at unti unting lumabas ng aming bahay. Nangisay ang mga katawan nila sa labis na pinsala na kanilang natamo. Labis ang pagdurugo ng kanilang buong katawan. Namamaga ang kanilang buong katawan sa labis na kagat ng mga bubuyog. Kamuntik na akong masuka sa aking pinagtataguang Kaban nang naglabasan ang mga maliliit na gagamba at langaw sa kanilang bibig at butas ng ilong. Nagtungo ang mga ito palibot ng aming bagay. Naglilipad lipad ang mga langaw sa aming kusina at kumalat naman ang mga gagamba sa buong paligid. Subalit napansin kong hindi man lang nito ginagalaw ang aking Uray maging ang Kaban na kaing pinagtataguan. Hindi nagtagal ay unti unting lumisan ang mga insekto sa aming bahay at iniwan ang mga bangkay ng mga Aswang na pinatay ng aking Uray. Bigla akong tumayo at lumabas sa Kaban at nag tungo sa aking Uray. Napayakap ako ng mahigpit dahil sa takot. Ano bang hiwaga ang meron sa aming lahi at ngayon ko lamang ito nasaksihan. Tama ang hinala ko. Hindi lason ang itinurok ng mga gagamba kanina sa mga Aswang kung hindi mga itlog. Napabitiw nalamang ako sa kanya ng may biglang lumabas sa kanyang bulsa. Isang Salagubang. Uray''! Gulat kong sambit. Tumingin lang sa akin ang aking Uray. Tumutulo parin sa kanyang braso ang sariwang dugo. Magulo na ang ayos ng buhok niya at naliligo sa pawis.

Madaling araw na Maio'' malamig na wika ng aking Uray. ''Maligayang kaarawan sa iyo. Ngayon na ang tamang panahon upang isiyasat ko sayo ang kapangyarihan ng ating lahi.''

''Mahal kita aking apo kaya't gagawin ko ang lahat mapangalagaan ka lamang. ''Hindi tayo tulad ng mga ibang tao.'' Hindi nila alam kung ano tayo. Kahit kailan ay hinding hindi nila mauunawaan kung ano tayo. Dahil ganito tayo.'' Huminga ng malalim ang aking Uray Panay parin ang aking pagkalito at pagkabalisa sa mga nangyayari. Subalit Uray, Hindi ko maunawaan ang lahat? Bakas sa aking mukha ang pagkatakot. Mauunawaan mo rin apo ko. Hinaplos ng aking Uray ang aking mukha. Nagmadali akong lumabas upang tignan kung ano na ang nangyayari sa aking Banwa. Natanaw ko sa malayo na nag tagumpay ang aming Datu sa pagpigil ng mga mangangayaw na nais sumakop sa amin. Nang makabalik ulit ako sa aming bahay. Laking gulat kong nag hahabol hininga ang isa pang Aswang. Buhay pa pala siya. Nag iisa nalamang siyang buhay sa kanila. Nagmamaka awa at nakikiusap na pakawalan na siya sapagkat hindi nan iya nais pang lumaban. ''Ipag paumanhin niyo ang aming pag sugod. Hindi na ito mauulit pa.'' Habol hiningang wika ng Aswang. Halos hindi na siya makakilos pa sa sobrang sakit na nararamdaman sa buong katawan. Habang nag sasalita siya ay naglalabasan naman ang mga Ipis at gagamba sa kanyang bibig. Kasabay nun ang pag susuka niya ng sariwang dugo dahil sa mga pangyayari.

''Maawa kayo sa akin. Tanggalin mo na ang mga ito dahil.... AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH! Napahiyaw nalamang ang Aswang nang makaramdam ng sobrang sakit sa kanyang katawan dahil sa mga nag lalabasang Ipis at gagamba sa kanyang bibig. Tuloy tuloy lamang ang paghiyaw ng lalaki hanggang tinadyakan ng aking Uray ang kanyang sikmura at napatigil ito ng bahagya. Nagulat ako sa ginawa ng aking Uray nang maglabas siya ng isang malaking puting alupihan sa kanyang bulsa. Nang una ay nilaro laro pa lamang niya sa kanyang mga palad ang alupihan. Kinukuha ang loob ng mapaganib na insketo. Tila kinakausap ng aking Uray ang Insekto at silang dalawa ay nagkakaintindihan. Matapos nun ay agad naman niyang hinubaran ang lalaki at inutusan ang alupihang pumasok sa loob ng ari ng lalaki at duon mag pugad. Gumapang muna ang alupihan sa binti ng lalaki hanggang sa maka abot na ito sa bandang ari ng Aswang.

Naisin mang tumakas ng lalaki ay hindi niya ito magawa dala ng pagkakapinsala ng kanyang katawan mula sa mga kagat ng bubuyog, mga ipis, gagamba at langaw na namamahay sa loob ng katawa niya. Makikita pa sa balat at laman ng mga bangkay ang patuloy na pag kain at paglalaro ng mga insekto sa kaloon looban nila. Hindi! Huwag!!!!!!!!!!!! Malakas na hiyaw ng lalaki nang nag simula ng ipilit ng alupihan ang sarili niya sa maliit na butas ng kanyang ari hanggang sa ito ay tuluyan ng nakapasok. Ibinuhos pa ng aking Uray ang dalawang garapong hantik sa katawan niya at isang sisidlan ng tatlong itim na alupihan.