Chereads / Dark Enchanter / Chapter 2 - Chapter 1 Matang may dalang panganib

Chapter 2 - Chapter 1 Matang may dalang panganib

•~○~•

Pareha nang kulay na dumadaloy sa aking bawat ugat

Ang kulay na palagi kong dala

Na kahit sino ay matutulala, mapapatitig at mangangamba

Kung ang dala ay at kaligtasan o panganib ba

•~○~•

"Arajinn sigurado ka ba talagang hindi ka nagwawapuhan kay Vincent?" Paulit-ulit na tanong ni Marie ang kaboardmate ko.

"Oo nga, wag ka na ngang tanung nang tanung. Alam mo naman sira ang mata ko ehh." Aking turan sa kanyang tanong habang nagsusulat ng takdang aralin.

"Oo nga pala. Di na ako magtataka kasi di kagwapuhan ang mga naging crush mo dati."

May pahawak pa ito sa batok gamit ang kanang kamay na tila ngayon lang naalala.

Napairap nalang ako sa kanyang sinabi. 'Ano naman kung di sila kagwapuhan, puso nila ang pinili ko hindi ang mukha' napailing nalang ako sa naisip.

"Ay! Arajinn naalala ko meron pala akong naging bagong kaibigan dyan sa kabilang kwarto. Ang gwapo nila promise!!" Sabay hampas sa balikat ko.

Napairap nalang ako sa sinabi ni Marie 'Lalaki na naman. Pag ako talaga nakabawi nang hampas sa babaeng to. Hayyy nako. Ang sakit pa namang manghampas'

Natigil lang ang panghahampas ni Marie sa balikat ko ng biglang may kumatok sa kwarto namin.

Dali-daling tumayo si Marie at dinaig pa ang nakipagkarera sa pagtakbo para mabuksan ang pinto.

Tatlong lalaki ang sumilay sa pintuan, isa na roon si Vincent Cruz na tinaguriang campus crush at Wind Mayer yata yung pangalan nung lalaking katabi nito na half american at kausap si Marie na bigla nalang umaktong nagpapacute ang bruha. At isa pang lalaki na natatabunan ang mukha dahil kay Marie.

'Marahil itong mga lalaking ito ang sinasabi ni Marie na mga nakilala nya sa kabilang kwarto'.

Pinagpatuloy ko nalang ang pagsusulat nang madinig kong tinawag ni Marie ang aking  pangalan.

Sa narinig ko ay tumunghay ako sa kanilang gawi at napatigil sa pagsusulat nang makita ko ang dalawang pares nang pulang mga mata.

Tila biglang parang hinigop ng dalawang pares na mga matang ito ang aking buong atensyon. Wala sa isip akong napatayo habang nakatitig lamang sa dalawang pares ng mata. Hindi alintana ang mga gamit sa lamesang nagkalat sa aking biglaang pagtayo. Tanging ang dalawang pares ng mga pulang mata lamang ang aking binigyang pansin.

Nauulit na naman. Nababasa ko na naman kung ano ang pinakailalim na katauhan ng isang tao. Pinakadominenteng emosyon at kinabukasang kanilang dala-dala.

Hindi maari, isa siya sa mga taong dapat kong layuan.

Kasabay nang pagbagsak nang aking panulat ang pagsiklab nang isang emosyon ngayon ko lang ulit nakita.

'Panganib'

___

Thank you for reading.