Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at pumasok ng walang ingay sa loob. Nakita niya ang mahimbing na pagkakatulog ng babae sa kama, hindi mahahalata ang edad nito dahil na rin sa angkin nitong ganda at kinis ng balat
ngunit hinding-hindi siya malilinlang ng ganda nito. Alam niyang kailangan na
niyang isakatuparan ang kanyang plano bago pa nito maisipang umalis at isakatuparan din ang sarili nitong plano. Ito ang pinakaperpektong pagkakataon
dahil wala si Mina, ang apat na taong gulang niyang kapatid na si Mina na
walang kaalam-alam sa kasamaan ng babae sa kanyang harapan. Hindi ito dapat
bigyan kahit na konting awa dahil sa ginawa nito at kulang pa ang buhay nitong
kabayaran para humupa ang galit at pagkamuhi sa kanyang dibdib.
Naramdaman niya ang pagpasok ng isang tao sa loob ng bahay kaya't
may pagmamadali ngunit maingat siyang nagtago sa kabilang bahagi ng kwarto kung
saan nakapwesto ang cabinet nito ng mga damit. Nagtago siya doon at hinintay na
lumabas ng muli ang kung sino mang pumasok sa loob ng kwarto ng babae.
Nagmanman siya, nagmasid mula sa maliit na siwang ng cabinet nito.
Ngunit maya-maya lamang ay hindi ang yabag ng papaalis na tao ang
kanyang naulinigan kung hindi mga ungol at anas kaya naman dahan-dahan siyang
sumilip at nanlaki ang kanyang mata sa kaniyang nasaksihan. Ang pagkagulat ay
nahalinhan ng pagkamuhi pero nagtimpi siya. Gusto niyang maging perpekto ang
lahat at ayaw niyang pangibabawan siya ng galit niya.
"Wla pa ba sila?"tanong ng bagong dating sa pagitan ng
mga anas nito.
"Wala p-pa. Natitiyak ko-kong mama—yang gabi pa ang dating
nila ni M-mina", pautal-utal nitong sagot dahil na rin sa pagnanasang
lumulukob dito.
Narinig at nasaksihan niya ang kahayupan ng mga ito at sa edad
niyang disi-sais ay may lumukob na kakaibang damdamin sa kanya sa mga
nasaksihan; alam din niya na malapit ng marating ng dalawa ang kasukdulan kaya
naman inihanda niya ang kanyang sarili.
Mabilis ang kilos na tinungo niya ang kinaroroonan ng dalawa at
bago paman marating ng mga ito ang kasukdulan ay pinagsasaksak niya ang likod
ng lalakeng nakakubabaw sa magandang babae. Nakita niya ang pagmulagat ng
magaganda nitong mga mata ng makita siya at ang kanyang ginawa. Nakita niya sa
mga mata nito ang pinaghalong sensasyon ng pagdating nito sa kasukdulan at
gulat na maya-maya ay nahalinhan ng takot. Everything was according to his plan-his damn perfect plan.
Hinila niya paalis sa pagkakakubabaw ang katawan ng lalake sa
babaeng naliligo sa dugo ng una. Her beautiful brown eyes were filled with
horror and it gave him shivers down his spine. He felt a sting of satisfaction
and gratification building inside of him. The woman slowly stood up, parang may
gustong sabihin ngunit walang tinig na lumabas sa bibig nito. He touched her
face with his right hand na may suot ng gloves at nakukulapulan ng dugo.
"W-why? Why d-did yo-you do th-this?", sa wakas ay natagpuan nito
ang sariling tinig.
He grinned and hold her jaw with his left hand and put berries
inside her opened mouth. She was shocked and startled and wasn't able to move a
bit so he took advantage of her being stunned. As 16-year old, he doesn't look
the part. With his tall height and broad shoulders, he forced her to close her
mouth and chew the berries in it. Maya-maya ay naramdaman niya ang mahigpit na
paghawak nito sa kanyang balikat at ng tingnan niya ito ay nakita niyang
nagsisimula na itong mahirapang huminga, umeepekto na ang lason na ibinigay
niya dito. He saw how her brown eyes widened as her lips tighten; she was
trying to breath in air to her lungs but the poison already blocked it from
functioning well. Isang kakaibang sensasyon at saya naman ang nararamdaman niya
sa pagkakakita sa paghihirap nito at pagmamakaawa sa mga mata nitong isalba
siya mula kay kamatayan.
"You need to die in order for me and Mina to live. Ang mga babaeng
katulad mo ay hindi na dapat pang pinapatagal sa mundo para hindi na dumami. I
have waited for how many years para maisakatuparan ang planong ito at kahit
kailan ay hinding-hindi ko ito pagsisisihan", at tinalikuran na ito.
Tama lang ang ginawa niya dito, she just reap what she sowed.
"Give Caesar what is due to him".