Genre: Lovestory, Romance
Author: Mirathea Sy Chua
"Kung ako sa 'yo Jane, iiwanan ko na ang lalaking yan, dahil kahit humingi pa siya ng tawad, uulitin at uulitin parin niya yan. Hayaan mong tulungan kitang makapagmove on, simulan natin sa paglagay ng ngiti sa 'yong mga labi."
Yan ang mga linyang nagbukas sa saradong isipan ng babaeng si Jane. Si Jane ay ang babaeng naging martir sa loob ng limang taon, binilog, niloko at sinaktan. Hindi ito marunong makinig kahit na anong sabihin ng kanyang mga kaibigan. May sarili itong prinsipyo pagdating sa pag-ibig. Not until one day na nahuli nito mismo sa akto ang ginagawang panloloko sa kanya ng boyfriend niya.
-----
Halos tuwing gabi ay nababagot si Jane sa kadahilanang wala itong makausap pagkatapos ng kanyang trabaho. Hindi rin ito makatulog kaagad dahil sa dami ng problemang pumapasok sa kanyang isipan. Kaya mas minabuti nitong mag-iskrol sa fb. Pa scroll scroll lang hanggang sa dalawin siya ng antok. Gan 'on na nga ang palaging ginagawa ni Jane kapag siya ay nabobored. Hanggang sa dumaan ang isang group sa kanyang newsfeed at ito ay umagaw ng kanyang atensyon at nag join siya sa group na ito.
Halos lahat ng istorya sa naturang group ay kanyang binabasa at nilalike minsan napapa comment din siya at ito na ang ginawa niyang libangan after work niya. Doon din nakakilala si Jane ng mga bagong kaibigan. Doon narin nagkaroon ng interest si Jane para magshare din ng kanyang mga totoong karanasan. Ngunit hindi mabubuo ang isang grupo kung wala itong basher. Lahat ng kanyang mga binahaging istorya ay hinahabol ng kanyang nag-iisang basher. Nagtataka ito kung bakit niya talaga gustong i bash si Jane. Baka nagpapansin lang ito dahil type niya ang babae.
Mabilis na lumipas ang mga araw, namalayan nalang ni Jane na hinahunting na pala siya ng isa sa kanyang tagapagbasa. Hinahunting para lang isali sa kanilang GC (Group Chat). Inabot ng ilang linggo ang panliligaw nito sa babae para lang sumali sa kanilang GC bago niya ito napapayag. Sa una ay puro seen mode lang sa gc si Jane, sa kadahilanang hindi ito makasabay sa trip at topic ng iba. Sa paunti unti ay nagiging komportable na ito dahil kapag nakikita siyang naka seen sa GC agad siyang mini mention ng mga kasama niya dito. Hanggang sa mapansin ito ng isa sa mga miyembro. Panay mention, pangungulit at pagpapansin ang ginagawa nito sa babae. Binalewala naman niya ito dahil busy siya sa trabaho.
"Uy Jane, mag-iisang buwan na ang friend request ko sa 'yo hindi mo parin inaaccept." unang bungad sa kanya ng isang account na kasali sa kanilang GC.
"Ay sorry, hindi kasi ako nag-aaccept basta dummy account." tanging sagot lang ni Jane sa kanya.
"Oh siya sige, magpapalit ako ng profile picture para makilala mo ako at maaccept mo." sagot naman nito at agad namang pinalitan ang profile pic niya sa fb.
Agad namang inaccept ni Jane ang request ng lalaki at agad naman itong nagpakilala sa pangalang Brix. Doon din nalaman ni Jane na ito pala ang kaniyang dakilang basher pero hinayaan niya na lang ito dahil matagal na rin naman iyon.
Lingid sa kaalaman ni Jane, lagi siyang iniistalk ni Brix at sa pagstalk nito lagi sa babae ay unti-unti na pala siyang naiinlove sa mga pictures ni Jane. Sa katunayan kumuha pa nga siya ng ilang pictures ng babae para gawing wallpaper sa kanyang cellphone. Sa kakastalk niya, doon niya nalaman ang totoong pangalan ni Jane. Agad naman niya itong chinat sa inbox nito para lang tawagin sa totoong pangalan nito ang babae. Laking gulat ni Jane kung paano nito nalaman ang totoo nitong pangalan dahil kanya itong tinatago. Tumagal ang kanilang pag-uusap, puro tawanan at biruan ang naging pag uusap nila. Napagkasunduan nilang "Brad" nalang ang kanilang magiging tawagan.
Mula noon palagi na silang nagchachat para lang makipag tsismisan sa isat isa. Doon na rin nagsimula na magkuwento ang isa't isa ng kani-kanilang nga problema sa buhay. Minsan inaabot pa sila ng madaling araw kakatsismis ng mga walang kuwentang bagay.
Isang araw, habang pauwi si Brix ay tumawag si Jane sa kanya. Nagtaka ito kung bakit ito umiiyak. Naisipan kasi ni Jane na ivideo call ang kanyang boyfriend. Sa kasamaang palad, ang babae nito ang sumagot ng telepono at nasa loob sila ng hotel. Tulog pa ang lalaki at wala pang damit ang babae. Parang sinakloban siya ng langit at lupa sa nakita. Hindi na niya ipinagpatuloy pa ang pagtawag, sa halip ay umiyak nalang ito at naghanap ng mapaglalabasan ng sama ng loob. Nataon naman na papauwi si Brix galing trabaho at nabigyan siya nito ng oras.
"Brad, kailangan ko ng makakausap,ang sakit na talaga,nahuli ko sa akto ang panloloko sa akin ng bf ko." humihikbing sambit ni Jane.
"Bakit brad? Ano ba ang nangyari? Bakit ka umiiyak? Tumigil ka nga sa kakaiyak at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo." puro pagtataka na tugon ni Brix.
Kumuha ng bwelo si Jane para maikwento niya ito ky Brix. Pinakinggan naman siya nito ng maayos.
"Kung ako sa 'yo Jane, iiwan ko na ang lalaking yan, kahit humingi pa siya ng tawad ay uulitin at uulitin parin niya yan. Hayaan mong tulungan kitang makapag move on. Simulan natin sa paglagay ng ngiti sa 'yong mga labi." mahabang pagpapaliwanag ni Brix.
"Pero paano Brad? Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Parang ayaw ko nang magpatuloy sa mundo." mayroon paring paghikbi sa kanyang mga sagot.
"Ako'ng bahala brad, magtiwala ka lang sa akin. Tutulungan kita." may pagmamayabang na tugon ni Brix.
Ang dating haka haka na dati ay ayaw pakinggan ni Jane, ngayon ay nakita niya mismo ng dalawang mata niya. Doon na nga bumukas ang isipan ni Jane na masyado na siyang nabilog at matagal nang niloloko.
Tinupad naman ni Brix ang sinabi nito kay Jane. Halos oras oras ay kinakamusta niya ito. Ni minsan ay hindi pinaalala sa kanya ang mga karanasan nito. May mga gabi pa na bago sila matulog ay nagtatawagan sila. Lumilipas ang mga araw ay naiinlove na ng husto si Brix ky Jane pero sinarili niya lamang ito at pilit wag ipahalata dahil sa takot nitong mabalewala ang kanyang nararamdaman at para hindi na rin maalala ni Jane ang nakaraan.
Minsan isang umaga, nagkabiruan silang dalawa.
" Morning Brad, bumangon kana diyan at tanghali na,"unang bungad ni Brix nang makitang online si Jane.
"Morning din Brad, tinatamad pa akong bumangon, buhusan mo ako ng tubig para bumangon ako. Hehe" pabirong sagot naman ni Jane.
"Ay sorry Brad, nagkakape ako ngayon, kape tayo" magalang naman ang naging sagot nito sa babae.
"Kape nalang ang ibuhos mo saken brad, at ako 'y babangon. Hehehe" biro nito kay Brix.
"Ubos na kape ko Brad, tasa nalang ang ibabato ko sayo. Hehehe" sinabayan naman nito ang pagbibiro ni Jane.
"Walang hiya ka! Ang sakit mong magbiro! Ikaw kaya batuhin ko ng tasa kung hindi ka masasaktan, niloloko lang naman kita! Napakaharmful mo pala!" galit na sagot nito kay Brix.
Agad namang humingi ng sorry si Brix sa babae dahil sa nasabi nito dahil hindi naman nito iniexpect na ma offend si Jane. Hindi naman ito pinapansin ni Jane, sa halip ay lalo pa itong nagalit kaya nagdesisyon na si Jane na iblock sa messenger si Brix. Nasaktan si Jane sa naging biruan nila kaya ito ay napaiyak. Hinayaan na muna ni Brix si Jane na lumamig ang ulo.
Lumipas ang isang oras ay nagmessage si Jane ng stickers na umiiyak, hindi na muna ito pinansin ni Brix at binigyan pa nito ng oras si Jane para magpalamig. After 20 minutes kinausap na nito si Jane.
"Mag-almusal kana jan." message ni Brix sa kanya.
"Tapos na!" mala malditang sagot ni Jane.
"Ah! gano'n ba? Sige mag-ingat ka dyan. Mwaaaaahh." tila nag-aalangang sagot ni Brix.
"Hmmmm! Kiss lang? Wala bang ano?" tila nang-aakit na sagot nito.
"Nang ano?? Ng I Love You??" pagbibiro ngunit may laman na sagot ni Brix.
Tanging emoji nalang ang sinagot ni Jane sa biro ng lalaki.
Pakiramdam naman ni Jane ay parang kulang ang kanyang araw ng hindi nito nakausap si Brix kaya nung nagkausap silang muli ay mas minabuti nitong hulihin ang lalaki dahil ramdam niyang may tinatago itong pagtingin sa kanya. Napupuna na rin niya kasi na palagi siyang inaupdate ni Brix sa lahat ng nangyayari at ginagawa nito. Na kahit na lalabas lang ng bahay o may gagawin ay magpapaalam talaga ito sa kanya.
"Brad, naniniwala ka ba sa sinasabi nila na habang nasayo pa ang isang bagay ay dapat mo itong pahalagahan at huwag hayaang mawala sayo dahil baka sa bandang huli magsisi ka kung bakit hindi mo ito nabigyan ng halaga, tulad sa pag-ibig kung meron kang gusto sa taong gusto mo, sabihin muna ang nararamdaman mo sa kanya bago pa ito mawala sayo at makitang masaya na siya sa iba?" mahaba ngunit may pag-aalangang tanong ni Jane.
"Aba'y oo naman Brad, bakit mo naman natanong?" sagot naman ni Brix.
"Ako din brad, kaya kung may gusto kang sabihin ay sabihin mo na." tila namimilit na sagot ng babae.
Kanino ko sasabihin Brad? Wala naman akong kailangan aminin sa 'yo e." pagsisinungaling naman nito.
"Maiksi lang ang buhay natin brad, huwag nating aksayahin kaya sabihin mo na kasi" patuloy parin na pangungulit ni Jane.
"Ay hala, promise Brad wala talaga, wala naman akong nararamdaman sa 'yo e, kung meron man, bilang kaibigan lang." pilit pa ring nagsisinungaling si Brix pero para na itong sasabog para lang masabi ang nararamdaman nito.
"Sigurado ka bang wala kang nararamdaman sa akin?" maiksing sagot ng Babae.
"Kung meron ba, kaya mo ba akong saluhin? Sa totoo lang kasi Brad, simula nang iniistalk kita ay unti unti na akong naiinlove sa 'yo, hindi ko lang pinapahalata kasi ayaw kong magalit ka sa akin at ngayon kahit hindi pa tayo nagkikita ay mahal na kita at gusto kitang mahalin." ani ni Brix na parang nabunutan ng tinik matapos nitong umamin.
Gusto mo subukan natin? malay mo magwork naman, kung hindi, wala tayong magagawa, atleast sinubukan natin. Di bale nang masaktan, pareho naman tayong bumangon mula sa sakit. Wala naman sigurong mawawala." makahulugang litanya ni Jane na nakangiti habang nakaharap sa cellphone.
"Ikaw brad, kung gusto mo, kasi ako gusto ko. Kaya kong sumugal kasi mahal kita Brad." muling pag-amin ni Brix.
"Sige, subukan natin. Malay natin may forever pala." pagsang-ayon naman ni Jane.
Sa gabi ding yun, naging maggf/bf na sila, at dahil malapit na ring umuwi si Jane mula abroad ay pinagplanuhan na agad nila ang kanilang pagkikita. Tuwing gabi walang patid ang tawagan nila, updated sila sa bawat isa, nakagawian na rin kasi nila na magpaalam sa isat isa kahit noong hindi pa sila mag-on. Inantay palagi ni Brix na matapos ang trabaho ni Jane para sila ay makapag-usap sa telepono.
Lumipas ang isang linggo at araw ng pagdating ni jane ay excited na ito na makita si Brix at ganun di si Brix sa kanya. Dumeretso muna si Jane sa bahay nila para makapiling ang kanyang pamilya at para na rin makapagpahinga.
Sumunod na araw sila nga ay nakita. Sinundo ni Jane si Brix sa pier at nang magkita sila ay medyo namula at nahiya pa si Brix pero agad siyang biniro ni Jane.
"Oh brad mukhang mas matangkad pa yata ako sa 'yo ah. Hehehe" pero ngiti lamang ang iginanti ni Brix dahil hindi siya makapaniwala na nasa harapan na niya ngayon ang babaeng mahal.
Pagkatapos noon ay nagpasya silang gumala at kumain sa labas. Hanggang malapit nang dumilim. Nagcheck in sila sa isang hotel para doon magpahinga. Habang nakaupo ay panay kindat ni Brix sa kanya, kinikilig naman si Jane sa ginagawa ng lalaki. Nilapitan at tinabihan siya ni Brix para makausap. Habang sila ay nag-uusap ay hindi maiiwasan na sila ay magkulitan at magtawanan. Hanggang sa uminit ang kanilang mga paligid. Ang tawanan ay napalitan ng maiinit na mga halik. Hinayaan nilang umagos ang nag-uumapaw na damdamin nila sa isa't isa. Napuno ng pag-ibig ang buong paligid hanggang sa ang mga katawan nila ay naging isa. Nilasap nila ang init na kanilang nadarama hanggang sa sila ay mapagod ng husto at makatulog.
Isang halik sa noo ang nagpagising kay Jane. Hindi paman naimumulat ng husto ang mga mata ay isang matamis na "I Love You Brad" ang binigkas sa kanya ni Brix. Tanging ngiti at yakap ang naging sagot niya rito. Pero sa loob nito ay hindi maipaliwanag na kasiyahan.
Napagdesisyunan nilang umalis na at dumeretso sa bahay ni Jane para ipakilala si Brix sa kanyang pamilya.
Habang papalapit sila sa bahay ni Jane ay sabik na sabik na si Brix. Bahagya namang kinakabahan si Jane dahil hindi alam ang magiging reaksyon ng magulang at kapatid nito.
Naging magalang naman si Brix at naging maganda din ang pakikitungo nya sa pamilya ni Jane. Gano'n din ito sa kanya. Napangiti nalang si Jane dahil parang ang close nito sa Nanay niya. Sa katunayan nagpaalam pa ito na kung pweding siya ang magluto ng tanghalian nila.(Nagpapalakas sa magiging Biyanan.) Habang kumakain ay iniinterview ito ng mga magulang ni Jane, at napakaconfident naman nitong sumagot. Hindi naman maitago ni Jane ang sayang nadarama dahil sa parang nagugustuhan na rin ito ng kanyang pamilya. Doon na nga namalagi si Brix hanggang sa muling bumalik ng abroad si Jane. Bawat araw ay puno ng saya sa pagsasama nilang dalawa. Wala silang araw na sinayang sa isa't isa. Pinadama at inalagaan nito si Jane sa lahat ng araw na sila ay magkasama dahil alam nitong hindi magtatagal ay babalik na si Jane sa trabaho.
Araw na ng pag-alis ni Jane ay napuno ng kalungkutan sa kanilang bahay. Kahit masakit ay pinipilit parin ni Jane na ngumiti. Hindi naman makitaan ng lungkot sa mukha ni Brix. Ayaw nitong ipakita kay Jane na malungkot ito dahil nais niyang bumiyahe si Jane na masaya. Ngunit ng nakapasok na si Jane ng eroplano ay hindi na napigilan ni Brix na umagos ang kanyang mga luha.
Sa kaunting panahon ay naipakita at naipadama nila ang pagmamahal at sensiridad sa isa't isa. Bumuo sila ng mga alaalang kanilang babalikan kapag namimiss nila ang isa't isa at alam nilang madadagdagan pa ito. Ngayon kahit na malayo sila sa isa't isa ay iisa lang ang kanilang pinanghahawakan, ang "KASAL" ito ang pinangako nila sa isa't isa bago bumalik si Jane ng abroad. Ito ang kanilang naging inspirasyon upang maging matatag. Naging maayos naman ang kanilang relasyon, pero hindi rin maiwasan ang mga tampuhan at mga pagtatalo, pero palaging nangingibabaw ang pag-ibig at tiwala nila sa isa't isa.
Todo kayod sila ngayon upang makapag-ipon dahil sa muling pag-uwi ni Jane sa Pilipinas ay isang masayang kasalan ang magaganap sa dalawang taong nagmamahalan.
"Tunay nga na mahiwaga ang pag-ibig, kahit ilang beses tayong masaktan sa nakaraan ay may isang taong sasalo at magpapasaya sa atin. Hindi natin kailangan hanapin ang pag-ibig, kusa itong dadating sa atin sa tamang tao, lugar at pagkakataon. Hindi natin mamamalayan na isang araw ay nagmamahal na pala tayo."
End...