Krystal has been sleeping for almost 48 hours now.
Andami niyang sugat at galos sa mukha. Meron din siyang benda sa ulo. Despite of all the bruises and wounds she got from the accident, she's still look pretty amazing.
I held her hand as I caressed it gently all the way up to her arms and down, back and forth.
"Siguro ganito din naramdaman mo nung nasa ospital ako noon...takot, di mapakali, nalulungkot. Alam mo bang pinagpray kita kay Papa Jesus na sana pagalingin ka niya. Sabi ko, parang di ko ata kakayanin pag nawala siya sakin Lord kaya please lang po pagalingin niyo siya kasi kailangan ko po siya" kwento ko sa walang malay na si krystal "Kailangan kita love kaya sana lumaban ka, hmm"
Nung mga oras na yun ay naramdaman ko ang bahagyang paggalaw ng mga daliri ni krystal sa palad ko.
Napalaki naman ako ng aking mga mata saka binaling yung atensyon ko sa kamay niya. Di naman ako nabigo at gumalaw ito ulit. Nilipat ko ang mga paningin ko sa kanya at dun ko nakita ang dahan dahan na pagmulat niya ng kanyang mga mata.
Napangiti ako bigla sa aking nakita "love!" Halos mapatalon ako sa tuwa. Sa wakas gising na si krystal. Gising na ang mahal ko.
Nanginginig ang mga kamay ko habang hinahaplos ang kanyang pisngi. I don't know what I'm feeling right now. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon.
"He heard my prayers" sabi ko sa kanya habang naluluha
"He answered my prayers, love"
——
I called tito and tita right away.
Nandito na sila ngayon sa ospital. Kasalukuyan silang kinakausap ng doktor na siya namang tinawag ko after magising ni krystal kanina.
"Gaya nga ng sinabi ko dati ay bibihira lang yung mga pasyenteng nakakarecover sa ganitong klaseng sitwasyon kaya natutuwa akong makita na nagising na yung pasyente. However..."
Ayan na naman tayo sa mga ganyan eh. Kung hindi but, however. Hayss
"...let's not forget that there's still a possibility na pwede siyang malagay sa alanganin"
"What do you mean doc? Gising na yung anak ko. Anong sinasabi niyo?" si tito
"Yes, nagising nga siya but that doesn't mean ay okay na siya like totally. She's still have to recover from her injuries and there are some possible things that might happen to her along the process. Sinasabi ko lang to sa inyo for you to be ready just in case. But don't worry we will monitor her condition closely"
Di ko maproseso sa utak ko yung mga sinabi ng doktor. Possible things? Like what?
"Is she gonna die?" Wala sa sarili kong tanong sa doktor na siya namang ikinatingin nila sa direksyon ko.
Agad akong nilapitan ni tita "oh no, sweetie. Don't think about it that way. What the doctor said, it's only possible things. That's not guaranteed" she's right! It's not guaranteed pero kahit na. The possibility itself kills me.
I don't want anything bad happen to her.
——
The next day.
"Love oh! Nakuha ko to sa apartment mo. Sorry ha? Nagtrespass ako dun. Although, di naman siya trespass talaga since may susi naman ako ng apartment mo hehe" isinuot ko sa kanyang ring finger yung papel na singsing na bigay ko sa kanya nung nasa beach kami.
She just smiled at me "gusto mo ba kantahan kita love?"
"Naku ganda. Wag na." Sabat naman ni ally. Andito silang tatlo kasama ko sa ospital.
"Tinatanong ba kita diyan ally?" mataray kong tanong sa kanya
"Oo nga. Ikaw ba si love?" Asar pa ni george sa kanya. Tumawa naman si lea na sinabayan ko rin.
"Eh bat ka sumasabat diyan? Krys oh. Pinagtutulungan nila ako" sumbong niya kay krystal na nakangiti lang sa kanya "oh smile smile ka diyan. Gusto mo rin ata akong asarin, hmp!" nagcross arms siya saka nagpout.
"Aww si allyparot nakasimangot" si lea na patuloy pa rin sa pang-aasar kay ally.
Si ally naman todo irap sa dalawa.
"Nagugutom na ako. Tara kain tayo" yaya ni lea sa amin. Nagpaiwan na lang ako since di pa naman ako gutom "sure ka? Kung gusto mo dalhan ka na lang namin ng food kainin mo mamaya"
Tumango lang ako sa kanya. Nagpaalam na sila sakin pati kay krystal at babalik na lang daw sila mamaya.
"T-thea..." I looked at her
"Is there something you need love?" Umiling lang siya
She try to reach for my hand kaya kinuha ko yun "sing for me please" She said in a low voice.
"you want me to sing?" I giggled "okay my dear fan what song do you want me to sing for you, hmm?"
"Anything you want" she answered still in a low and weak voice
I sing her a song.
Ilang weeks na din ang nakakalipas at unti unti nang nagiging okay si krystal. Kahit na medyo nahihirapan pa rin, kahit papano nakakasabay na siya samin. Nakakakain na rin siya ng mga food na gusto niyang kainin. Natutuwa ako dahil gumagaling na siya. Pinakinggan ng Diyos ang dalangin ko sa kanya. Sana magtuloy-tuloy na ang pagrecover ni krystal.
Sa ilang weeks din na pagbabantay ko sa kanya sa ospital ay nakagawa ako ng mga origami na ngayon ay nakasabit sa ibabaw ng kisame. Wala akong magawa eh kaya ayun pinuno ko ng iba't ibang klase ng origami yung room niya.
Papunta ako ngayon sa last class ko. Sa wakas last period na makikita ko na ulit si krystal.
Nasa hallway na ako ng school ng magring yung phone ko. Agad akong napangiti ng malaman kung sino yung tumatawag.
"Hi love! Napatawag ka? Namimiss mo na ako no? Ayiieee...ikaw ha?" I giggled na parang kinikiliti.
I heard her laugh. I could listen to that all day. Di ako magsasawang pakinggan ang boses niya "I just called to say—"
"I love you?" natawa naman siya.
"Sinisira mo moment ko baby eh" pagmamaktol niya
"Ayy sorry. Sige ulit ka. Take 2. Take 2" pabiro kong sabi sa kanya
"I love you mahal kong baby" kinikilig ako sa kanya. Ang sweet naman ng love love ko hehe "Always remember that, okay"
"Okay, love. Copy that"
"I can't wait to see you"
"Aww...Don't worry love last subject ko na ngayon. You'll see me later, hmm" Sabi ko
She heaved a sigh sa kabilang linya. Napakunot naman ang aking noo "love, are you okay?"
"Of course. Marinig ko lang boses mo that's more than enough for me" dahan dahan niyang sabi sa kabilang linya. Nahihimigan ko naman na parang nahihirapan siyang magsalita
"Love, are you really okay?" Tanong ko ulit sa kanya. Gusto kong siguraduhin na okay lang siya "may kasama ka ba diyan ngayon?"
"Yes. Mom is here" she answered
I feel relief kasi nandun yung mom niya na nagbabantay sa kanya. Akala ko pa naman wala siyang kasama dun ngayon
"Do you want me to go there now?"
"No, please. Wag kang umabsent. Last subject na lang aabsent ka pa" Napangiti ako dun. Namiss ko kasi yung pinapagalitan niya ko. Palaging nagagalit sakin yan eh kapag di ko sinusunod yung mga bilin or sinasabi niya sakin.
"Pagalitan mo pa ako please" utos ko sa kanya sa pabebeng boses haha
"Hmm? What do you mean?"
"Namiss ko lang kasi yung angry voice mo hehe"
"Loko ka talaga" bahagya siyang natawa sa kabilang linya lalo namang lumapad ang ngiti ko. Ewan ko ba marinig ko lang siyang tumawa o di kaya makita ko lang siyang masaya at nakangiti masaya na din ako.
"Sige na. Baba mo na yung phone" utos niya
"Ayaw" I playfully teases her
"I'll wait for you babylove" she weakly said
Napatigil naman ako malapit sa pintoan ng aming classroom. Nakarating na kasi ako and I really have to end this call since mag-sstart na yung class namin.
"Love, andito na ako sa room. Text na lang kita mamaya if papunta na ako, okay?"
"Hmm! Take care of yourself. Palagi kang mag-iingat"
"Love naman, wag ka ngang ganyan. Don't worry aalagan ko sarili ko, hmm"
"I love you...so much"
"I love you til we're 70" I smiled as I said that. Naalala ko tuloy yung araw na andun kami sa beach.
"I'll wait for you"
Those are the last words she said that day.