Chereads / When a heart skips a beat / Chapter 32 - Chapter 31

Chapter 32 - Chapter 31

"Aaaahh" sigaw ni gwen habang hinahabol ni thea

Andito kami ngayon sa last destination namin. Sa park.

Sumama na din si thea dahil wala naman daw siyang gagawin at maaga pa para umuwi sa kanila.

Pinilit din siya ng mga kapatid ko na sumama lalo na si benjamin. Crush niya talaga si thea ah.

Kasalukuyan silang naglalaro kasama si thea habang ako naman nandito sa isang swing pinapanood sila.

"Ate!" Patakbong tawag sakin ni sam habang papalapit sa direksyon ko. Nakasunod naman si benjamin sa kanya habang hila hila naman ni gwen si thea "ate, ate let's buy some ice cream, please" hingal na sabi ni sam

Kinuha ko yung wallet ko then naglabas ng pera at inabot yun kay benjamin.

"Buy your sisters some ice cream" utos ko sa kanya

"How about you ate thea? Do you want some ice cream?" Tanong ni benjamin kay thea na siya namang ikinabigla ko ng slight

Grabe ha? Si thea pa talaga una niyang tinanong at di ako na ate niya. Tsk

Sasagot pa lang sana si thea ng magsalita ako "bilhan mo din kami" sabi ko

"Okay. What flavor?" He asked me

"Chocolate"

"Eh ikaw ate thea?" Napatingin ako kay thea "Same with your ate" sagot niya kay benjamin

"Okay" pagkasabi nun ay kumaripas na silang tatlo sa pagtakbo

"Be careful!" paalala ko pa. Baka madapa eh masugatan pa.

Habang tinatanaw sila ay umupo naman si thea sa kabilang swing

Napatingin ako sa kanya. Mukhang napagod ata siya sa paglalaro nila ah.

"Sabi ko naman sayo di ka na dapat nakipaglaro sa kanila" sabi ko "tuloy napagod ka pa" dagdag ko pa

"Ano ka ba okay lang" nakangiti niyang sagot "isa pa nag-enjoy naman ako eh"

Napatawa ako ng slight na siya naman ikinakunot ng noo niya "what?" she asked

I shook my head "wala..."

"Anong wala? Tumatawa ka. Why?" she asked again

Napatawa ulit ako "para ka kasing bata"

"Excuse me?" Parang nainsulto niyang sabi "di na ako bata no? Ayoko din naman tanggihan yung mga kapatid mo at isa pa, I don't have any siblings, remember?"

Oo nga pala only child tong batang to.

"Para ba akong bata sa paningin mo?" Seryoso siyang nakatingin sakin

"Pano pag sinabi kong oo?"

"Nakakainsulto" tipid niyang sagot

I chuckled "Ang cute mo"

Pano ba naman kasi nakapout yung bata. Sarap pangigilan yung nguso.

Kung kanina nakayuko siya na nakapout yung labi habang ginagalaw galaw yung swing, ngayon nakatingin na siya sakin

"Cute? Ako?" turo pa niya sa sarili. I just nod at her

Napansin ko naman ang unti-unti niyang pag-iwas ng tingin.

Teka...ngumingiti ba siya?

"Are you smiling?" Automatic na napalingon siya sa gawi ko saka mabilis na iniling ang kanyang ulo "hindi ah" pagtanggi niya

"Kunwari ka pa eh"

"Hindi nga sabi"

I just shook my head while smiling. Deny pa siya eh nakita ko nga yung pagsmile niya.

Nasa ganun kaming topic ng maalala ko yung sinabi niya kanina

"So...she" kumunot naman yung noo niya

"She?"

"She. Your crush" paglinaw ko

"Ah yeah" tanging sambit niya saka iniwas ulit ang tingin sakin

"Tell me about her. Do I know her?" Tanong ko sa kanya

"Uhmm...well...uhmm..." she looked at me again "y-yes" she stuttered

"Really?" Tumango lang siya ng kanyang ulo "how well do I know her?"

"Basta kilala mo"

"Can you give me a hint kung sino siya?" Curious talaga ako kung sino yung babaeng yun.

Di ko alam. Pero may something akong nafefeel sa bandang dibdib ko. Parang kinukurot.

"Well...uhmm...maganda siya" maganda pa sakin? "Mabait...matalino...mapagmahal...maunawain...maalaga..." napapangiti siya habang sinasabi yung mga salitang yun

Ganun din naman yung mga traits ko ah? Bakit dun pa siya nagkagusto sa crush niya na yun? Ano naman nakita niya at nahulog siya dun?

"How does she look like?" tanong ko pa

"She look like an angel" nakasmile pa rin siya

Bakit ganun? Bakit gusto ko ako yung dahilan ng pagsmile niya. Bakit gusto ko ako na lang yung crush niya. Bakit...gusto ko siya?

Oh my God! I did not just said that.

No.

No way.

Gusto ko siya? Gusto ko si thea? Sh*t! Sh*t! Wala na krystal gusto mo na talaga siya. Now stop denying.

Di na weird yung nararamdaman ko kasi ngayon alam ko na kung ano yun. Alam ko na kung ano yung emosyon na yun.

"Wala kang maipipintas sa kanya"

Stop. Ayoko sa nararamdaman ko ngayon. Eto ba yung sinasabi nila na selos? Kasi kung ganito nga yung feeling na nagseselos then ayoko sa nararamdaman ko ngayon.

Masakit. Gusto kong mainis sa kanya sa pinaparamdam niya sakin ngayon pero alam ko wala akong karapatan lalo na at di niya alam na nahuhulog na ako sa kanya, na gusto ko siya.

"She doesn't know, right?"

"Yeah"

"Why?"

She smile pero yung pilit "sabihin ko man sa kanya alam kong wala din mangyayari. I know na di niya masusuklian yung feelings ko"

"Why?" I asked again

"Kasi...she's straight" simpleng sagot niya

Pag-inamin ko ba sa kanya yung feelings ko may pag-asa ba? Is she gonna accept me? O baka naman ireject niya lang ako since iba naman yung gusto niya.

Then take the risk...

That's right! Just deal with the consequences later...

Naalala ko na naman yung sinabi ni jim at dian.

I don't know what to do...

'Ano ba sinasabi ng puso mo?' tanong ni oself

'Sabihin ko'

'Eh yung isip mo?'

'Natatakot ako'

'Alin mas matibang? Puso o isip?'

Pinakiramdaman ko yung isip tsaka puso ko

I sighed.

F*ck this cowardness.

I'll tell her. Aaminin ko na sa kanya. Yes! That's right. Di ako tutulad kay thea na di man lang masabi yung feelings niya dun sa crush niya.

Bahala na kung ano kahihinatnan nitong pag-amin ko.

Ally, nurse cassie, jim and dian? They are all right.

Di ko pwedeng itago na lang habang buhay yung nararamdaman ko. Ayokong magsisi sa huli. Ayokong matulad kay thea na duduwag duwag.

"For sure, she'll freak out pag-inamin ko sa kanya" she's still talking about her crush

I gulped.

Inhale. Exhale.

Kaya mo yan krystal.

I exhaled some air.

"Thea?" tawag ko sa kanya

"Hmm?"

"I...I..." nakatingin lang siya sakin habang hinihintay akong tapusin yung sasabihin ko

"I...t-think I..." nakakunot na yung noo niya "you think you what?" She impatiently asked

"IthinkI'mfallingforyou"

"Ha?" she looked at me with a puzzled face "Ano sabi mo?"

I sighed.

"Okay...thea, makinig kang mabuti kasi di ko na to uulitin pa" tinangoan niya ako

I sighed again.

"Thea...I think Iā€”ā€”"

"Here's the ice cream!" sigaw ni sam habang iniabot yung ice cream samin ni thea "chocolate and chocolate!"

Nakangiti ngayon si thea "thank you sammy"

"You're welcome ate"

Di maalis yung tingin ko kay thea.

Andun na eh. Sasabihin ko na eh. Panira naman tong si sammy.

Napabuntong na lang ako ng hininga. Kung di ko nasabi ngayon, masasabi ko rin sayo to. And I'll make sure na walang iisturbo sa pagconfess ko.

"Ate! Yung ice cream mo" dun lang natuon yung atensyon ko sa ice cream ng sumigaw si gwen sa harapan ko.

Natutunaw na pala yung ice cream ko.

Haysss