Chereads / Longing For Your Love / Chapter 3 - Chapter 1 First Love♥️

Chapter 3 - Chapter 1 First Love♥️

"Alyssa! ...Alyssa!"

Narinig niyang tawag sa kanya ng best friend niya sa katabing bahay nila. Mabilis siyang tumakbo palabas sa terrace ng bahay nila lalo na ng makarinig siya ng tunog ng motorsiklo.. Sumikdo ang batang puso niya ng makita ang nagdadrive nito, si Cedric.. her first ever love..

Nagtago siya sa poste at inabangan ang pagdaan nito sa bahay nila..

Natulala siyang hinabol pa ng tingin nang makalampas na ito..

"Haist..ang gwapo niya talaga.." halos pabulong na sambit niya sa sarili..

"Ano? Ok ka na?" Sigaw ni Trisha na nagpabalikwas sa kanya.. Ngingiti ngiti ito at tila nakakaloko pang pumungay ang mga mata.. "buo na araw mo niyan.. nakita mu na si crush.."

Inirapan niya ito at nangalumbaba sa pasimano ng terrace nila.. Magkatabi ang bahay nila at parehong may terrace na nkakatulong sa kanila upang mas mabilis silang makatawid sa bahay ng isa't isa.. Bata palang ay best friend n niya ito, ito at si Clarice na sa kabilang kanto ng subdivision nila ang bahay.. kalaro at kasama sa kalokohan..

"..haist..kelan niya kaya ako mapapansin bes.., ang tagal ko nang nakapila eh.." himotok niya dito..

"Hay naku.. bakit kasi nagtitiyaga kang pumila, dun ka sa ikaw ang pinipilahan bes.. si Blake, waiting sayo.. ang daming waiting sayo bes.."

"..pero siya ang gusto ko, at willing ako maghintay, malay mo ako pala yung nasa huling pila, so he'll end up on me.." masigla niyang sabi at kinuha ang notes na hinihiram nito..

"Ok..sabi mo eh.. i'll just support you no matter what..". Tumawid ito sa terrace at inumpisahan nang gumawa ng sa research nila..

MAAGA siyang pumasok kinabukasan, she open her notes at nag review.. may long quiz sila today sa first subject nila.. Almost of her classmates are preparing for the quiz..

Ngarag na mgreview dahil on the spot naman talaga kung magreview ang mga ito..Nakakatuwang pag masdan, kanya kanyang toka kung alin ang irereview ng isa, at mag she share nalang ng answer..

Nasa kalaghatian siya ng pagmememorize, nang pumasok sa room nila ang binatilyong ngpapabago ng tibok ng puso niya..

Cedric is really handsome.. tall and fair complexion.. lalo na pag ngumingiti ng pilyo, he always makes her heart swoon.. Sobrang neat din nitong tingnan sa uniform na suot, habang ang bag nito ay nakasukbit sa left shoulder nito..

Tumingin ito sa kanya, walang expression ang mukha.. Hindi inaalis ang tingin hanggang makarating sa upuan nito..

Napatulala siya..

(..omg, what's the meaning of that Cedric..) she thoughts to herself.. habang kumakabog ang dibdib..

Siniko siya ni Trisha.. sabay nginuso yung notes niya.. meaning magreview na daw siya..

Napangiti siya.. nawala na naman siya sa sarili.. tiningnan niya pa uli si Cedric habang inaayos na nito ang gamit sa desk nito..

"Hindi kita papakopyahin pg di mo alam ang sagot makita mo.." sabi ni Trisha na iiling iling sakanya..

"Excuse me, kelan naman kaya ako nangopya sayo..hahaha".. biro niya dto..

"Baka ngayon palang kasi puro Cedric lang ang iaanswer mo sa mga test questions.." pang aasar pa nito..

"Hahaha.. di mo ako matitiis.., share tayo ng answer.." Nagtawanan pa sila..

Tiningnan uli niya si Cedric bago itinutok niya ang isip sa pg rereview.. He's her inspiration, kaya pinag iigihan niya ang pag-aaral niya.. So, she can be one of those girls na pinapatulan nito.. atleast may maipagmamalaki din siya.. Di naman niya papatalo ang sarili.. She's smart, with honor siya palagi.. She's also pretty, maputi at may pa ka kulot ang buhok.. but she's not those kind of girls ni Cedric na mga dalagita palang matured na magdamit at mag ayos.. She's so simple, tamang pulbos at lipgloss lang ay ok na sakanya..

Natapos ang long quiz nila na kopyahan ang nangyari.. Yung tipong ang papel ng nasa dulong upuan nakarating sa unahan.

One for all, all for one sila dahil last year na nila na magkaklase.. Sa ibang University at ibang lugar na papasok ang iba with their own dreams na aabutin nila..

Masasabi niyang highschool life is the best.. She experience a lot.. Tawanan, Iyakan, awayan, tampuhan at lalo na sa kalokohan.. and most of all to fall in love for the first time..

"ALYSSA, attend ka ba? May party tayo mamaya.." untag sa kanya ni Clarise habang naglalakad sila pauwi..

"Oo naman, alam mo namang waiting pa rin ako na isayaw ni Cedric.. I want him to be my first sweet dance.." kumikislap ang mata na sabi niya habang nkatingin sa langit..

"Nag iimagine ka na naman.., sige na, magpaganda ka.. dapat sexy para mapansin kana niya.."

"Eh wala naman akong damit na ganun.. dress lang na formal or pants.." kamot pa nya sa ulo..

"Tska mapapagalitan ako ng daddy at mommy ko..." Problematic na sabi niya pero alam niya sa sarili na hindi naman talaga niya kayang magsuot nang mga ganung klase ng damit..

"Eh panu yan, ganun ang type ni Cedric.." panggagatong pa nito..

"He will love me as me,.." May pag-asang banggit niya..

ACQUAINTANCE Party ng school nila..

Lahat umattend.. Si Trisha at Clarice ang kasama niya.. Nakihalo sila sa grupo ng mga classmates nila.

Simple lang ang suot niya, formal pink dress na hanggang tuhod ang haba.. nka flat shoes din siya dahil hindi siya sanay magtakong. Hindi naman na niya kailangan dahil 5'2 na ang height niya. Nakalugay lang din ang medyo kulot niya na buhok..

Inayusan lng siya ng konti ng dalawang kaibigan niya..light make up..

Malikot ang mata nya, hinahanap niya si Cedric, alam niya na dito sa grupo niya ito makikisama..

Siniko siya ni Mabel, nginuso ang kabilang table, nakita niya si Cedric na nakaupo habang matiim na nakatingin sa kanya..

He's wearing dark blue na polo na nakatupi ang manggas nito..

( Why is he staring at me..) kumabog ang dibdib niya.. yumuko siya at namula ang mukha.. pag angat niya upang tingnan ito me kausap na ito. 3rd year na halos pahampas hampas pa sa balikat nito habang tumatawa..

Nakaramdam siya ng inis..

Nag umpisa na ang sayawan.. sumayaw silang nasa grupo.. Nang mapagod umupo na sila at kumain nalang.. Enjoy na tinitingnan ang mga naiwan na sumasayaw..

"When the visions around you

Bring tears to your eyes..

And all that surrounds you are

secrets and lies"

Nag umpisa ang sweet dance.. Hinanap niya ito, nahagip ng mata niya sa dance floor, kasayaw yung kausap nito kanina.

Yumuko siya,

'maybe later he'll approach me..' nasabi na lang niya sa sarili..

Nag umpisa uli ang rock music.. sumayaw uli ang mga kasama niya sa table.. naiwan siya mag isa, nawala ang sigla niya..

Sinulyapan niya ito, sa mga classmates na boys na namin nakiumpok.. Nagtatawanan at nagbibiruan ang grupo nila..

She can't help but to stare at him, she even cross her fingers while hoping na isayaw siya nito.. for him to be her first sweet dance..

Biglang lumingon ito sa gawi niya at huling huli siya na nkatingin dito.. tinantiya nito ang tingin niya, nahiya siya at yumuko..

(Nakakahiya.. ano ka ba naman Alyssa..) pangsisita niya sa sarili..

Lumalim pa ang gabi, hindi na ito nakikipagsayaw.. Nakikipag kwentuhan nalang at nakikipagtawanan.. Hanggang nag umpisa uling tumugtog ang sweet na music..

Narinig niya na nagkakantyawan na ang mga kasama nito, napatingin siya sa gawi nito, tinutulak ito ng mga kasama.. Nakatingin ito sa kanya..

Kinabahan siya..

Tumayo ito at naglakad palapit habang nakatingin parin sakanya..

Hindi siya mapakali, hindi niya alam kung ano magiging reaction niya..Ang lakas ng kabog ng dibdib niya.. Huminto ito sa may harapan niya.

"Krishia, may i have this dance.." he even lend his hand sa katabi niya..

Nag aatubili na inabot nito ang kamay ni Cedric.. Habang siya mangiyak ngiyak na yumuko..

They dance hanggang matapos ang sweet music.. parang sila lang ang tao sa dance floor..

Inaya na siya ng dalawa niyang kaibigan.. Inakay palabas ng gymnasium.. Wala siyang imik at maging ang mga ito.. They hug her habang nglalakad papunta sa sasakyan na sundo nila..

Hanggang makauwi na sila ay wala parin gustong magsalita.. They just said bye at bumaba na sa sasakyan..

She doesn't know how to react.. how to feel.. nasasaktan siya.. hindi na niya namalayan na umiiyak n pala siya.. Nakatulog siya na may luha pa rin sa mga mata.