Chereads / Rendezvous By Fate / Chapter 2 - Prologue

Chapter 2 - Prologue

'It's not good to be back' sabi ko sa isip ko habang hinihintay makadaong ang barkong sinasakyan namin.

Mapakla akong napangiti habang tinatanaw ang pantalan at mas lalo akong naiinis ng ilang minuto nalang ay dadaong na ang barkong ito.

Anim taon na rin pala ang nakalipas magmula ng huli akong makabalik dito. Sa katanuyan ay ayaw ko na muling magbakasyon dito sa probinsya dahil talagang nakakabagot at hindi ko manlang kinakikitaan ng espesyal.

Marami ngang magagandang tanawin pero napakahina naman ng internet connection, malalayo rin ang tindahan at maging ang court dito. Wala akong masyadong kaibigan dito kung hindi ang mga pinsan ko lang.

Pagkakababa ng barko ay sumakay na kami sa van na siyang maghahatid sa amin papunta kila lola.

Halos limang oras pa ang itinagal ng biyahe namin bago kami makarating sa bahay nila lola.

'Bakit kase nasa liblib na lugar pa ang bahay nila lola'

Nagtaka naman ako ng biglang huminto ang sasakyan namin kaya naman napadungaw ako sa bintana sa pag-aakalang andito na kami sa bahay nina lola ngunit hindi naman pala.

Inis kong isinalampak muli ang sarili ko sa upuan at ikinabit ang earphone ko.

"Wait for a minute here may bibilhin lang ako" rinig kong sabi ni Mama pero hindi ko iyon tinugon.

Ilang minuto na ang nakalipas ay hindi pa rin nakakabalik si Mama kaya naman muli akong dumungaw sa bintana ng may matanaw akong naggagandahang binibini at hindi ko maalis ang paningin ko sa isa sa kanila.

Nanatili akong nakatingin sa isang hindi katangakarang babae,angat ng konti mula sa kanyang balikat ang buhok at medyo nakakulot ito, hindi ganoon kaputian pero mas maputi siya kumpara sa mga kasama niya, simpleng printed white tshirt, denim na shorts at tsinelas lang ang suot niya pero talagang angkat ang ganda niya.

"Hey son do you want to buy something" napabaling ako kay mama ng sabihin niya iyon at nakita ko siyang nakangiti habang nakatingin sa gawi ng limang mga dalaga.

"Kaya naman pala hindi mo ako naririnig, nasa iba pala ang atensyon mo" nanunuksong sabi ni mama kaya naman napatitig ako sa kaniya.

"Ano nga po ulit ang sinsabi niyo?" napapahiyang tanong ko na lang.

"Ang sabi ko po kung may gusto ka bang bilhin kase kung wala na ay aalis na tayo" natatawang sagot naman ni mama.

"Wala na. Let's go" masungit na sagot ko at pumasok na siya sa loob at sinenyasan ang driver na umalis na.

Lumingon ako muli sa likuran ngunit wala na sila roon kaya naman ibinalik ki na lamg ang atensyon ko sa cellphone ko.

"Anak you want some?" biglang tanong ni mama habang inaabot ang biscuit na hawak niya.

"No, thanks Ma" masungit na sagot ko kay mama atsaka bumaling muli sa nilalaro ko.

"Hanggang ngayon ba naiinis ka pa rin?" kapagkuwa'y tanong ni Mama.

"Kinda, bakit kase kailangan pa nating pumunta dito?" balik na tanong ko ng hindi pa rin lumilingon sa kaniya.

"Like I told may family reunion tayo and besides I want you to experience one of their tradition here"

"Tradition? What is that?" nagtatakang tanong ko.

"Their traditional sayawan na ginaganap the night before the fiesta"

"Sayawan?"

"Yah. It's actually like prom pero the difference is the guy don't need to invite a woman just be their date instead they would go their to find and dance to the women they would like to. And besides some women are came from other barangay same as other men."

"I am not interested with that" walang ganang saad ko.

"But it's fun and exciting. Why don't you try it with your cousin and malay mo makasayaw mo ang babaeng tinitingnan mo kani-kanina lang"

Napukaw ang atensiyon ko sa huling sinabi ni mama.

"Is it really possible?" interesadong tanong ko.

"There's a big possibility if that you woman is also live the same in our barangay" nakangiting sagot niya at hindi ko na ito inimikan dahil baka kung ano pa ang masabi ko at asarin lang ako.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa sobrang daldal ni mama na hindi naman ako interesadong makinig sa mga kwento niya.

"Leander apo" nakangiting salubong sa akin ni lola atsaka niyakap ako. "Binatang binata ka na" dagdag niya pa atsaka marahang bumitaw sa pagkakayakap sa akin.

"Ahh hehehe si Lola talaga" nahihiyang sabi ko nalang atsaka pumasok na sa loob.

"Hey bro" nakangiting saad naman ni kuya Ijiraq.

"Hey" tipid na ngiting tugon ko.

"Gusto mo bang sumama sa amin ngayon sa may plaza, maglalaro kase kami ng basketball" yaya pa nito sa akin.

"Hindi na muna, may jetlag pa ako, I wanna take some rest" sabi ko nalang at umalis namin ito.

Agad naman akong pumasok sa kwarto na tutuluyan namin atsaka sinubukang matulog ngunit ng ipikit ko ang mga mata ko ay muli kong nakita ang imahe nung babae kanina, maging ang itsura niya habang nakangiti ay tanda ko pa.

Ilang beses kong sinubukan alisin siya sa aking isipan ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ito umubra kaya hinayaan ko nalang ito.

"Anak gising na kakain na" panggigising sa akin ni Mama kaya naman dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko atsaka naginat ng braso.

"Anong oras na po ba?" tanong ko sa kaniya ng makaupo ako.

"Its already 8 AM in the morning, hindi na kita ginising pa kagabi kase masyado ng malalim ang tulog mo. Bumaba ka na dyan at hinihintay ka ng mga pinsan mo doon sa baba." mahabang sabi niya pa at hindi ko na ito tinugon.

Mabilis na akong bumangon at nag-ayos ng sarili bago bumaba at magtumgo sa kusina.

"Good morning bro" bati ni kuya Triton.

"Morning" tipid na sagot ko atsaka naupo katabi ni Arquin.

"Bro gusto mo bang sumama sa sayawan mamaya?" kapagkuwan biglang tanong ni Kuya Orcus.

"Maybe not" bored na sagot.

"Sumama ka na I bet na magugustuhan mo rin doon" sabat naman ni Kuya Ijiraq.

"Oo nga naman bro, para masaksihan mo rin ang kagandahan ng mga kababaihan dito na madalang mo lang makita saMaynila" singit din ni Kuya Triton.

"Let me see later" tugon ko atsaka muling pinagpatuloy ang pagkain.

"Nako apo mas maganda kung subukan mong pumunta roon" rinig kong sabi ni Lolo.

"Bakit naman po Lolo?" nagtatakang tanong ko rito.

"Magandang karanasan kase ito para sa binatang kagaya mo" makahulugang sabi niya atsaka lumabas na ng kusina kaya naman buong pagtataka akong napatingin sa mga pinsan ko at naghahanap ng kasagutan sa kung ano man ang ibig sabihin ni Lolo doon.

Matapos kumain ay isinama ako nila Kuya Arquin sa may plaza para naman daw hindi ako mabagot sa bahay.

Habang naglalakad ay tahimik lang akong nagmamasid sa paligid. Hindi gaya sa syudad masyadong tahimik dito, malayo ang pagitan ng mga kabahayan at halos luntian ang makikita mo dahil sa dami ng puno at damo.

"Woi pinsan" pukaw naman sa akin ni Arquin.

"Oh bakit?" walang emosyong tanong ko habang naglalakad parin kami.

"Malapit na tayo sa court" sabat naman ni Kuya Ijiraq.

Nang makalapit na kami sa court ay nakita namin na abala ang mga opisyal ng barangay sa pagdedecorate ng court.

"Anong meron bakit nagdedecorate sila?" takang tanong ko sa kanila.

"May sayawan kase mamayang gabi" tanging sagot ni Kuya Ijiraq at naupo sa isang dampa na naroon.

"So ano ng gagawin natin dito?" bored na tanong ko pa.

"Tatambay magbibilang ng dadaang chicks" nakangiting sabat naman ni Kuya Orcus.

"Seriously?" masungit na angil ko.

"Hahaha syempre hindi, makikipagkita lang kase iyang si Kuya Ijiraq sa katipan niya" sagot ni Kuya Triton

"Kung ganoon bat niyo pa ako sinama?" masungit na tugon atsaka nilibang nalang ang sarili sa cellphone ko.

"Kanina pa ba kayo?" rinig kong tanong ng isang babae ngunit hindi ko ito tiningnan.

"Ahh hindi naman halos kakararing lang" sagot naman ni kuya Ijiraq.

"Ah, sino siya parang ngayon ko lang kase siya nakita?" tanong pa nito.

"Pinsan din namin, siya si Leander, sa katunayan ay ngayon lang ito nagbakasyon ulit dito, ehh sino naman iyang bagong kasama niyo"

"Pinsan din namin sila nga Tisha at Haui"

Maya maya pa ay pasimple akong lumingon sa kanila at halos mabigla pa ako na sila iyong nakita ko kahapon sa may palengke. Halos mapakong muli ang paningin ko sa kaniya ng may biglang tumapik sa akin kaya naman napalingon ako doon.

Lihim akong sumusulyap sa kaniya habang patuloy lang sila sa pag-uusap hanggang sa magpaalam na ang mga ito.

"Aasahan namin kayo mamaya sa sayawan" nakangiting sabi ni kuya Ijiraq.

"Sige" tipid na sagot ng girlfriend niya atsaka umalis na rin kaagad.

"Tara na" sabi ni kuya nang bumaling ito sa amin at mabilis naman kaming sumunod sa kaniya.

"So Leander sasama ka na ba mamaya?" nanunuksong ani ni Kuya Orcus.

"Siguro" tipid na sabi ko, kahit na ang totoo ay nabigyan na ako ng dahilan upang pumunta.

Mabilis ang naging paglalakad namin pauwi na tila nagmamadali. Agad kaming naupo sa may sala nang makarating kami sa bahay. Nagkwentuhan muna kami sandali atsaka sila nagmadaling mag-ayos ng mapansing paggabi na.

Nang matapos kaming maggayak ay agad na rin kaming nagpunta sa plaza.

Hahang naglalakad patungo sa plaza ay pinaguusapan at pinagtitinginan na kami na ilang mga kababaihan ngunit ni isa sa mga iyon ay wala kaming pinansin. Inilibot ko agad ang aking paningin sa kabuuan ng plaza upang hanapin ang natatanging binibini sa aking paningin ngunit wala pa ito.

Naiinip kong tinatanaw mula sa kinauupuan ko ang bawat babaeng papasok sa loob ng plaza ngunit halos kalahating oras na ay hindi ko pa rin siya nakikita. Mga nakasuot ng bistida ang halos lahat ng kababaihan at kita sa ayos nila na talagang pinaghandaan nila ang gabing ito.

'Ano kayang suot niya? Nakabistida rin kaya siya?' tanong ko sa isip ko na agad namang nasagot ng makita kong pumasok ang magpipinsan.

Hindi man sila nakabistida ay tinalo naman nila ang porma ng iba. Nakasuot sila ng blackfitted jeans, ankle boots at magkakaiba lang ang nasa pang-itaas nila at walang kahit anong kolorete sa mukha. Simple lang ngunit ang lakas ng dating.

Maya maya pa ay nagsimula na rin ang sayawan at iilan palang ang mga lalaking tumayo upang makipagsayaw para sa unang sonata. Sa ikalawang sonata naman ay sabay sabay kaming tumayo at nagpunta sa babaeng nais naming makasayaw. Papalapit na kami sa kanila na pansin naming nakayuko at tila abala sila sa pagcecellphone ngunit inilahad ko pa rin ang kamay ko sa harap niya.

Nang mag-angat siya ng tingin ay napangiti akong bigla. "Maari ba kitang maisayaw ngayong gabi, bibibini?" nakangiting tanong ko sa kaniya ngunit hindi ito sumagot at iniabot ang kamay niya sa akin na hudyat na tinatanggap niya ang alok ko.

Marahan kaming humakbang papunta sa may gitna at sumabay sa saliw ng sonata.

"Mabuti naman at hindi mo ako tinanggihan" nakangiting pambabasag ko sa katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Balak ko nga sana eh kaso ayaw ko namang mapahiya ka rito" mahinang sabi niya habang sumasayaw kami.

"Maari ko na bang malaman ang iyong pangalan?" nakikiusap na ani ko.

"Pangalan mo muna bago ang sa akin" seryosong sabi niya nang nakatingin diretso sa mga mata ko.

"Hi I am Leander Del Gracia and you are?" nakangiting pagpapakilala ko sa kaniya.

"I'm Haui " nakangiti ring sagot niya.

Napakaganda at kakaibang pangalan.

Hindi na siya muling nagsalita hanggang sa matapos ang sonata ay marahan ko na siyang inihatid sa kinaupuan niya at saka nagpasalamat ngunit tanging ngiti nalang ang isinagot niya sa akin.

Makalipas ang ilan pang sonata ay balak ko na siyang isayaw muli ngunit hindi ko na siya nakita pa kaya naman ng nakahanap ako ng pagkakataon ay tinanong ko ang mga pinsan niya ngunit maging ang mga ito ay hindi alam kung saan ito pumunta. Kaya naman nawalan na ako ng ganang sumayaw.

'Haui sana'y maisasayaw kitang muli' bulong ko sa kawalan habang pinagmamasdan ang mga nagsasayawan sa pagtatapos ng programa.