"Habulin mo ako kuya Justine!"
"Mga Bata kayo wag kayong takbo ng takbo jusko!"
"Hoy ikaw na taya habulin moko!"
"Ten,twenty,.."
"Taya!taya!taya!"
"Ma?.. okay kalang ba?" Tanong ng anak kong si celine.
"Okay lang nak namimiss ko lang kabataan mo non, dati lang ikaw yung naglalaro dyan haha ang bilis talaga ng panahon" sagot ko sakanya.
"Ma kalabaw lang tumatanda haha wag kang mag-alala ma andito ako hanggang sa huli di kita iiwan" yakap niya sakin.
Salamat anak "then I smiled..." Oh?! Apo san ka ba galeng basang basa na ng pawis likod mo.
"Oy! Andrea halika ka ngang bata ka pawis na pawis na likod mo oh! san kaba naglaro."
"Lola oh si mommy pinapagalitan na naman ako." ngusong sambit ni andrea habang pinupunasan ng Ina.
"Nako ganyan na ganyan din mommy mo dati nung maliit pa HAHA gusto mo ba malaman kabataan ng mommy mo?" mahina kong tawa sakanilang dalawa.
"Ma naman nakailang kwento ka na niyan kay andrea 2075 na ngayon oh"
ngusong sagot niya.
"Lola? Ayoko na ng kwento ni mommy puro sakanya nalang kasi palagi e-eh" maktol na sagot ni andrea
" Oy andrea kahit paulit ulit kwento ng kabataan ko mas maganda parin ako sayo! " pagmamayabang ni celine sa anak.
"San paba mag mamana? Edi sa Lola din hahaha" biro ni celine sa ina.
"Lola gusto ko naman marinig kwento mo nung kabataan nyo" ngiting ani ni andrea.
I was stunned by what my granddaughter said.
"Ma.. Are you okay? Justine!kuhaan mo nga si mommy ng tubig sa kusina"
Utos neto sa panganay niyang anak.
"Okay lang ako celine may naalala lang ako" sagot ko.
"Ito na po Lola"
"Salamat Apo" hipo ko sa ulo niya.
Ang swerte ko kasi meron akong pamilyang ganito may apo at anak ako na sobrang maalaga saken.
"Ma? Anyways?? ano gusto mo sa birthday mo?" She asked me. pwede ba? ako nalang bahala sa lahat ayoko mapagod ka ng sobra."
"Sige anak ikaw nalang bahala salamat masyado nang matanda ang mama mo para diyan haha" biro kong muli sakanya.
"Lola...lola!! gusto ko na po marinig yung story nyo please pleaseeee.." takbo sakin ng apo ko.
"Kumalma ka andrea ikwekwento na
ni lola" saad ni Justine
16 years old ako non grd 10 student siguro 52 years ago I've met someone na mamahalin ko ng sobra pero hindi kami yung para talaga sa isa't isa.
"Tapos Lola anong nangyare!" Iritableng tanong ni Andrea.
"Makinig ka nalang andrea jusko" saway ni celine sa anak.
....
-Past
"Alexia!!!! ysabell!!! Santos bumaba kana diyan! malalate kayo sa unang araw nyo sa school."
"Ate halika na! malalate na tayo" katok ng kapatid kong si bea.
Siya si Bea Maria Santos dalawa lang kaming magkapatid yung pinaka panganay kasi namin e. maagang nawala at sumabay din ng iwan kami ng aming ama kaya mag-isa si nanay na nag tataguyod samin.
Lahat ng trabaho pinapasok niya pero proud parin ako sakanya. kasi kahit ganon natutustusan niya parin ang pangangailangan namin ng kapatid ko.
"Kumalma kayo aba! pababa na ang susunod na magiging miss universe ng mundo." Tingala ko sabay hawak sa bewang at kaway sa kaliw't kanan.
Kapal naman ng kalyo mo sa mukha ate! Tutol ni bea.
"Kumain na kayo dyan nakahanda na almusal nyo umuwi kaagad kayo pagtapos ng klase ayoko nang malapit kayo sa lalake alexia at bea nakikinig ba kayo?" Mabilis na salita ni mama.
-Present-
Hindi ganon ang lola mama niyo dati simula kasi ng iwan kami ni ama namin iba na tingin niya sa lahat ng lalaki sobrang nasaktan si lola mama niyo non sa biglang pag alis ng papa ko.
"Grabe naman yan lola ang strict ni mama mo dati." nguso ni andrea sakin
"Manahimik ka nga Andrea!" galit nang sagot ni Justine
"Nye nye nye!" Irap ni andrea sa kapatid.
"Hays! kayo talaga! Keep quiet pwede?" saway ulit ng ina sakanila.
"I'm the type of student na palakaibigan tapos gala dito gala don pero hindi ako pinapagalitan ni mama dancer ako ng campus namin dati kaya di maiiwasang may magkagusto saken."
Talaga lola? ang ganda mo kasi Lola eh Haha sayo kami nagmana ni mommy diba mom...??" lingon niya sa Ina.
....
-Past-
"Ma? Papasok na po kami" paalam ko
"Sige nak, ingat kayo pasara nalang ng gate pag labas nyo" sagot niya
"Okay po ma iloveyou"
School
"Bea papasok nako antayin mo nalang ako mamaya sa waiting shed. Okay?wag kang aalis hangga't wala ako ah gets mo?"
"Okay po, dito nako ate bye" sagot niya
"Hoy!! alexia!!" sigaw ng babaeng palapit sakin.
a-Ashley??....Ashley!! Whaaa!! Hoy tangina ka HAHAHA kamusta ka?
Para kaming mga bata na akala mo ilang taong hindi nagkita
"Ta*gna ka tol HAHAHA namiss kita!!" sagot niya bago ako yakapin.
Ashley Soterio bestfriend ko na siya since grade 9 she is the most important thing to me. siya yung tipo nang babae kahit sobrang taba eh maganda parin at sobrang bait.
"Anyways nakita mo na kung ano section mo?" tanong niya
"Tanga ka? di kasi umattend ng assembly" batok ko sakanya.
"Ayoko tol tangina nakakatamad" ngusong sagot niya.
"Put* ka mura ka ng mura at tyaka kailan kaba sinipag uh?alam mo bang we're classmates again tanga HAHA" sampal ko naman sakanya.
"Aray naman alexia.. ayaw talaga tayo paghiwalayain tol HAHA tara na nga turo mo na room natin ayoko malate."
Aya niya saken bago ako hatakin.
-Present-
Sunod non lola?... uhm ano napong nangyare? Tanong ni andrea
Sa dulo kami umupo non haha kasi ayaw namin unang magpakilala eh kaso ginawa ng adviser namin sa likod inuna kaya wala din kaming ligtas.
"My hobbies is playing basketball"
sagot ng gwapo naming kaklase na si lagare.
"Okay thankyou next.."
I'm Lance Perez but you can call me Mrs. Lagare, sabay tingin niya kay lagare with matching beautiful eyes
Tanging tawanan ang nanakop sa apat na sulok ng aming silid aralan.
"Tol HAHA! ang lakas ng tama sayo niyan may pang corndog kana sa canteen" biro ng isa pa naming kaklase na si Jeff.
"Ayoko tol,yoko sa bakla" kunot noo niyang sagot.
"Okay next"
"Pst! Ashley ikaw na..." Senyas ko sakanya.
"ako na ba?? A-ah oke oke" lutang niyang sagot.
"Stand up Ms." tawag ulit sakanya ng guro namin.
"I'm Ashley Soterio I'm 16 yrs. old my hobbies is watching k-drama then dancing and.."
"Eating!HAHAHA Opss sorry.." putol ng bida bida naming kaklase na si Iso dela verga
"Nakakatawa yon aso?"sungit na sagot ng kaklase namin na si Fenelophie
"It's Iso not aso duh stupid" irap sakanya neto.
"Whatever."putol niya
Magiging kaibigan namin siya ni Ashley buong taon. siya yung tipong babae na sobrang hot parin kahit payat at sobrang galing sumayaw.
"Last warning ms. Iso" banta sakanya ng adviser namin.
Okay next!
"Go alexia!" cheer saken ni Ashley
A-Ako si Alexia Ysabell Santos
a-ah 16 years old mahilig ako sumayaw at kumain,matulog at palakaibigan akong tao nice to meet you all.
kabado kong pakilala sa lahat.
Bakit ganyan sila makatingin saken Hindi ba si natutuwa na naging kaklase nila ako? Alam kong pangit ako wag nyo nako tignan jusko.
"Okay thankyou..have a sit Ms.santos next."
I'm Shaira May truita 15 years old my hobbies is Dancing and..

nahinto siya sa pagsasalita dahil sumingit na naman si iso.
"Go to my office now Ms. Dela verga!"
"But why Mrs. Javier??"
"Get out now!"
"Okay Next"
Hi Everyone I'm Eugene D. Lanuza

pagpapakilala neto dahilan para mapatingin buong klase sakanya.
Ay alexia ito look tignan mo yung trending sa Facebook ngayon may student daw na gwapo na nag aaral dito sa UNOFCS alexia..alexiaa?! anyare?... Isara mo nga yang bibig mo papasukan ng langaw HAHAHA pang-aasar ni ashley.
"Ikaw ah kita ko yon" Asar ni Fenelophie
"Hindi a-ah na ano lang na ang cute ay h-hindi makinig na nga lang kayo papagalitan pa tayo e" kabado kong sagot.
"Oh talaga? HAHAHA" hirit pa ni fenelophie.
Hindi ko alam yung araw na yon na pagpapakilala namin eh marami na kaagad akong magiging kaibigan.
-Present-
"Lola..? si Eugene po ba yung first love mo dati?" mahinang tanong ni andrea.
"Lola? Ano na pong sunod na nangyare??" Singit na tanong ni justine.
Lola naging kayo ba ni Eugene? tanong ni justine.
"Malalaman nyo rin" ngiti kong sambit sakanila.
-Past-
"I'm Eugene D. Lanuza my hobbies is Dancing eating and sleeping at palakaibigan din ako katulad ni Ms. Alexia"sagot niya.
dahilan para magtinginan saken lahat.
Sigawan at tilian ang bumungad samin non ni Eugene
"Wtf? Srly?.. no way!" Inis kong sagot sakanya.
"Wews?" sungit na sambit ni fene.
"Tol may tama yata sayo si Mr.Lanuza" sabat pa ni ashley.
"Kayo tatamaan saken dyan pag Hindi pa kayo tumigil" banta ko sa mga lalake sa dulo.
"Sungit naman neto HAHAH"
Eugene suddenly smiled at me
"Okay take your sit"
"So from now on kayo na ang magkakasama hanggang end of school year. Sana pakisamahan nyo ng maayos ang isa't isa ako ang inyong adviser Mrs. Hazel ann Javier at siya si Mr.Balingcong.
-Present-
"Dun magsisimula lahat ng saya at lungkot sa buhay estudyante ko.."
"Lola?? may gusto ba siya sayo?? siya po ba ang daddy ni mommy?" Pilit na tanong ni andrea.
"Hindi apo" malungkot kong sagot.
"Baki...?" Pagtatakang tanong ni andrea.
"ah? kailangan na siguro nating mag hapunan haha ituloy nalang natin mamaya after kumain. sige na ma ako na bahala stay kalang muna dyan" sambit ni celine.
"Sige anak, halika nga apo tulungan mo si lola tumayo."
"Dahan dahan lang po lola"sagot ni Justine.
.HADES.