Chereads / Almost Paradise / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

" Maming wala bang kahulugan tong nangyayari sa akin? Walang mamamatay? Ma d-disgrasya?" hopefull kong tanong kay Maming, ang sikat na manghuhula dito sa amin sa Barangay Mataub.

Nanaginip kasi ako ng kabaong at sementeryo kagabi eh. .. at kapag ganon raw ay may mamamatay, kaya pinapunta ako dito ng maldita kong tiyahin para ipa-putol ang sumpa ng panaginip.

Pero syempre! Kong may masamang kahulugan man ang panaginip ko, hinding hindi ko ipapaputol kay Maming noh! Sure naman ako na hindi ako ang matsi-tsige kundi ang mga taong nagpapahirap sa akin. Ang mga taong walang pakundangang kumuha sa pera at kayamanang dapat sana ay akin!

Pero charot lang!

Dahil wala naman talaga akong limpak-limpak na salapi, dahil isa lang akong dakilang dukha na inaalila ng mga mahaderang anak ng tiyahin kong maldita. Bente pesos nga lang ang laman ng aking mahiwagang pitaka na tanging pamana sa akin ng namayapa kong mga magulang..na hindi ko alam kung sumalangit ba O sumaEmpyerno dahil sa kabusilakan ng kanilang mga utak at bibig na wala ng ginawa kundi magkalat ng masasamang chismis tungkol sa mga kapitbahay naming mga banal kuno..na halos araw-arawin ang pagsisimba pero kung makapag-mura aakalain mong tubig sa inidoro ang iniinom sa dumi ba naman ng salitang lumalabas sa mga bunganga. Shus! Talagang nai-stress ang beauty kong ala cinderella dito sa barangay namin na puno ng chismosa. Buti pa itong si Maming, chill-chill lang. Paupo-upo lang dito sa maliit niyang kubo and then viola! May pera na siya! From the very beautiful Artissa Elodia!

Di tulad ko na kailangan pang kumayod buong linggo para lang mapalamon ang mga tabatsyoy kong pinsan na feeling Miss Universe kung maka asta. May pa suot-suot pa ng pikpik shorts, kahit sing-itim ng pwet ng kaldero ang singit, yaykss! Yun ngang si Letlet nag suot pa ng tube dress. Sus ko! Ki itim ng kili-kili at leeg, 'dina nahiya ang bruhildang isda! Gosh! Okay lang sana kung sila ang naghirap sa mga damit nilang kinulang sa tela.. Pero hindi eh! Ako mga beybs! Sahod ko ang pinambili nila! Ako ang nagpakahirap sa pagkuskos sa napakabahong damit ni Aleng Nina! Diyos ko! May dagta pa nga ng kalandian ang panting pinalabhan niya sa akin beybs! Pero tiis-tiis lang ang ganda ko. Para sa bayan! Para sa kalikasan! Para mabawasan naman ang mababahong nilalang ang earth, sa halagang 250 pesos lang! fifty clothes, kasama na ang panty at briefs!

Napabungisngis ako sa mga naisip na kalukuhan tungkol sa mga ganap ko sa buhay. Saka Ibinalik nalang ang tingin kay pretty Maming na binubutingting ang kanyang totoot cards.

Busyng busy si Maming, ni hindi man lang tinapunan ng kaunting atensyon ang aking super, duper pretty face. Seryoso siya sa ginagawa kaya nagseryoso narin ako sa kinauupuan ko..baka magalit at kulamin ako, mahirap na. Oh well, sanay na nga pala ako sa hirap. Pero kahit ganito lang ako…simpleng tao,, maganda parin ako.. haha Gloc 9 ang peg mga beybs! Favorite ko ang song na 'yan, wag ka.

" May darating na swerte sa buhay mo Elodia." Nabura ang ngising naka plaster sa mukha ko sa sinabi ni Maming. Oh My God! Tinawag na naman niya ako ng Elodia! Sabing ayoko non eh! Artissa dapat para pretty! Sinamaan ko ng tingin si Maming na blangko lang ang tingin sa akin. Akala niya siguro masisindak ako sa makapal niyang eye liner at itim na lipstick. News flash mga beybs! Maraming ganyang mukha sa bahay namin!

" Huwag mo akong tingnan ng ganyan Elodia. Baka nakakalimutan mo, may utang ka pa sa akin na isang libo."

" Ah, hehehe babayaran naman kita sa susunod Beyming. Hintay-hintay lang hanggang makaraos." Malambing ko siyang nginitian na mas lalong ikinakunot ng malapad niyang noo. May utang pa nga pala ako sa kanya, dahil 'yun sa katutulog ko, kaya ayon nangungutang ako kay Maming para ma solve ang meaning ng dreams ko. Trenta pesos lang naman sana ang utang ko eh, pero tumubo ng tumubo dahil gabi-gabi akong nanaginip kaya umabot ng 1000.. Pero keri lungs! Hindi naman 'yan magagalit si beybs Maming, dahil sanay na siya sa kakulitang taglay ng isang diwatang tulad ko.

" Ang sabi ko. May darating na swerte sa buhay mo na magdudulot sa'yo ng labis na kaligayahan."

" Really?! Totoo? Di nga?" gulat kong tanong sa kanya. Nahampas ko pa ang maliit niyang lamesa kaya nagulo ang mga baraha niya

" Wag kang sumigaw. Hindi ako bingi. At pwede ba? Kung mai-excite ka, wag mong hampasin ang lamesa ko baka masira." Nabahag ang buntot ko sa estrikta niyang boses. .. Na dinagdagan pa sa mukha niyang bigla nalang bumagsik.. Scary! Pero.. Wait a minute maitim na singit! May swerte raw na darating? Oh my gosh! This is it pusit! Makakaraos narin ang maganda kong fes. . Excited ako dahil swerte ang pinaguusapan beybs. Swerte means pahinga! No more kayod, no more laba!

Malawak ang ngiting nag-angat ako ng tingin kay Maming na bugnot parin. " Anong klaseng swerte ba Maming? Mananalo ba ako sa lotto? " tinaasan niya lang ako ng kilay at hindi sumagot kaya kinamot ko ang ulo ko. Ang bobo ko! Shit! Paano nga naman ako mananalo sa lotto kung hindi naman ako tumataya? Boplaks mo Artissa!

Ah, alam ko na!

Nagningning ang aking magagandang mata nang may naisip na bagong ideya. Tiningnan ko ulit si Maming na ngayon ay nakanguso na ang itim at tuyo niyang mga labi. Grrr.. dirty look beybs!

" May mapo-fall ba sa beauty ko at pakakasalan ako? Ayy, bet ko 'yan! Pero sana 'yung gurang na noh.. para lalasunin ko nalang pagkatapos ng kasal… at instant yayamanin na ako! What a very brilliant idea, diba Beyming?" nakangisi pa ako pagbaling ko sa kanya na agad ring nabura pagka-kita ko sa mukha niya na hindi na maitsura. Hindi ko alam kung tao pa ba siya O nag transform na siyang Majinbo. Naniningkit kasi ang mga mata niya at nag-isang linya ang pina-tattong kilay, tapos nakatiim pa ang mga labi kaya mas lalong lomobo ang dati pang bilog na mukha. Ewww! The dirtiest look, ever!

Humugot siya ng malalim na hininga at tumayo saka niya niligpit ang nagkalat na baraha sa lamesa. Natatarantang kinuha ko ang bente pesos sa pitaka ko at agad na inilapag sa lamesa. Aalis na siya hindi pa nga niya ako sinasagot! Ano 'yun? No pay, no answer? Bagong style ni Maming, ganern? Buti nalang may pera pa ako kung hindi, wala akong mapapala sa swerteng taglay ng aking beauty!

" Maming may bayad na ako oh. So.. anong klase ng swerte ba?" napanguso ako ng hindi parin niya ako tinignan at tuloy lang siya sa pag-mimis sa lamesa niya. Baka gusto niya ng buong bayad ngayon. Eh bente lang ang pera ko at wala na akong sampung piso. Paano na ito?

Tinitigan ko si Maming at pinapungay ang mga mata. Magpapa-cute nalang ako, total wala naman akong pera, saka hindi na siya lugi sa feslak ko noh! Ang ganda ko kaya. To the highest level!

" Maming sagutin mo na ako. Phuless? Idagdag mo nalang sa utang ko ang Diez, para 1010 na ang babayaran ko pag dumating na ang swerte ko. Daragdagan ko pa nga yun eh, syempre kung Malaki ang biyaya! Pero kung kunti lang, wa'g ka nang makihati." siniringan niya lang ako bago muling umupo. Sus daming arte nitong si Beyming!

" Darating ang swerte na magbibigay sa'yo ng labis na kaligayahan at sakit. Hindi ko alam kung anong klaseng biyaya, basta ang tandaan mo Elodia. Huwag mong kalilimutan ang kasalukuyan. Huwag mong kalimutan kung nasaan ka, kahit na mas matimbang para sa'yo ang kabilang dimension." Seryosong saad niya na nagpa-nganga sa akin. Hano daw? Akala ko ba swerte? Bakit may kasamang sakit? Saka dimension? Hano yun?!

Palaisipan parin sa akin ang sinabi ni Maming kahit na nakauwi na ako sa bahay at kahit rinig ko na naman ang matitinis na boses ng mga pinsan ko ay hindi parin mawaglit sa isip ko kung ano ang ibig sabihin ng sinabi sa akin ni Beyming.

Darating ang swerte na magbibigay sa'yo ng labis na kaligayahan at sakit. Hindi ko alam kung anong klaseng biyaya, basta ang tandaan mo Elodia. Huwag mong kalilimutan ang kasalukuyan. Huwag mong kalimutan kung nasaan ka, kahit na mas matimbang para sa'yo ang kabilang dimension.

Kaligayahan at sakit? Pwede pala yun? Paano ka naman masasakatan kung masaya ka naman? Aysst! Ang hirap naman nito! Paano ko naman malalaman ang sagot kung buong buhay ko hindi pa ako nakaranas ng ligaya dahil puro nalang pahirap ang hatid sa akin ng mga tong tinuring kong pamilya. Si Maming talaga! May galit yata siya sa akin eh, dahil pinapahirapan niya ako sa pag-iisip sa mga sinabi niya. May pa dimension pa si Beyming. Eh ano bang alam ko sa dimension dimension na yan? Buti sana kung natapos ko ang grade six para kahit papano malaman ko kung ano ang meaning ng dimension. Pero waley eh!. Ang magaling ko kasing Tiya, pinahinto ako at pinagtrabaho para makapag-aral ang mga anak niyang bobo. Kaya heto ako kahit magna-19 na hindi parin alam ang pinagkaiba ng Pronoun at noun. Tssk! Kung hindi lang talaga laging simot ang sahod ko, talagang bibili ako ng English dictionary para matuto naman kahit papano ang beauty ko..

Pero haisst! Ano ba talaga ang meaning nang Dimension?

Nalaman ko rin ang meaning ng ' Dimension' kinabukasan dahil nanghiram ako ng dictionary sa kapitbahay naming Teacher- si ma'am Ester. Iyon nga lang noong na basa ko na ang ibig sabihin ng letseng dimension na iyan, mas lalo lang dumugo ang ilong ko. Mahirap na ngang basahin dahil sa sobrang liit ng mga letra. Sumakit pa ang ulo ko sap ag-iintindi. Hainan ba naman ako ng mga sagot na puro Ingles. Ang haba pa!

" Magnitude measured in a particular direction, or along a diameter or principal axis. An aspect; Disappearance." Basa ko ng malakas sa mga letrang nakapaloob sa makapal na libro. Sing kapal ng mukha ni Letlet. Binalibag ko ang dictionary saka ginulo ang aking straight and shiny hair.

Walang kwenta! Naghanap nga ako ng dictionary para maintindihan ang isang word lang. isa lang dapat e!

" Haist! Mas lalo lang akong nagulohan!" kung hindi lang talaga ako binagabag ng mga sinabi ni Maming sa akin, Ku! Nuncang magpakahirap ako ngayon. Imbes isang word lang ang lulutasin ko, ginawa pang sentence. Bahala na nga! Hinihintayin ko na lang ang swerte. Kung meron man.

" Artissa! Lumabas ka diyan sa lungga mo! " Napa balikwas ako ng bangon mula sa pagkahihiga dahil sa matinis na sigaw ni Tiya. Nahilo pa ako ng kaunti dahil sa agarang pagbangon. Agad akong bumaba sa payak kong kama