Chereads / The Billionaire's Switch / Chapter 28 - Chapter 12.2

Chapter 28 - Chapter 12.2

...

It was the day Hade Alexandrius awaited. It was already 6pm in the evening and anything he wants to bring to the province ay binitbit na niya. Siyempre it was all Anton Kiel's belongings at mga credit cards niya na sa iba nakapangalan. Nag-iingat siya noh and he's not that stupid to think the possibility of getting caught. All this plan has no loopholes or anything suspecious, right?!

"Jusko naman Hade este Anton Kiel, andami mong dala. Pambuong barangay na itong dinala mo!" Nakangiwing wika ni Anton Kiel kay Hade Alexandrius. Hindi niya aakalaing well prepared and engrande ang pagbabalik niya sa probinsya este ni Hade Alexandrius pala. Daig pa kasi nito ang nagpa-abroad na mga OFW sa dami ng binili nito.

"Wag kang mag-alala Hade Alexandrius, pera ko to and magagawa ko ang gusto ko pero siyempre andun tayo sa aking hinandang palusot." Nakangiting turan ni Hade Alexandrius ngunit mabilis na ginawan nito ng palihis ang sinabi nito ng sinamaan siya ng tingin ni Anton Kiel na mukhang na-highblood sa ginawa niyang pag-uwi sa probinsya.

"Siguraduhin mo lang Anton Kiel, nanggigigil na ko sa'yo. Pag ito pumalpak, may lalagapak talaga dito, sinasabi ko sa'yo!"

"Ako pa ba? I am way better than you Hade!"

"Nagawa mo pang mang-asar na kupal ka. Naku, lumayas ka na dito sa condo unit ko hampaslupa baka mag-init pa ang ulo ko sa'yo!"

"Bwiset ka talaga Anton Kiel Dela Torre. Di ako matapobre uyyy!"

"At di din ako hambog at ganyan magsalita Hade Alexandrius Romualdez!"

"Okay fine. Enough with this. Di ka talaga papatalo katulad ko!"

"Naman, because I am Hade Alexandrius, you know what I mean!"

Sinamaan lamang ng tingin ni Hade Alexandrius si Anton Kiel. His acting skills really amaze him. Medyo kinabahan siya sa acting skills niya baka pumalya-palya. Sa kanilang dalawa ay mukhang siya ata ang mag-ingat.

Ngunit di niya inaasahan ang pagyakap ni Anton Kiel sa kaniya.

"Ayusin mo Mr. Hade Alexandrius ang acting skills mo ha. I know naman na mas magaling ako sa'yo, wala nga lang pera but mag-iingat ka doon. Goodluck!" Paalala naman ni Anton Kiel at mukhang dinala niya pa sa biro ito.

"Thanks bro for this big warning. Ingat ka din dito, wag ko lang mababalitaan na may ginagawa kang kalokohan dito nakuu!" Seryosong sambit ni Hade Alexandrius upang ipaalala din ang mahalagang bagay na ito at wag gagawa ng anumang eskandalo.

He was wearing Anton Kiel's cloth pero bumili siya ng murang jacket to cover himself from cold.  He cover himself with brown scarf, facemask and black colored sunglasses. He even wear an ordinary cap to hide his identity.

...

Pagkasampa ni Hade Alexandrius sa pampublikong barko ay masasabi niyang naninibago siya at halatang bago sa kaniya ang lahat. Ang maruruming comfort rooms, mga natural na baho ng mga taong umaalingasaw sa paligid, malalansang amoy ng tila isda at iba pa.

It was so different on how he lives in. Talagang hindi niya aakalaing ganito kababa ang pamumuhay ng isang Anton Kiel na kailangang magsiksikan sa mga tao dito sa malaking barko.

There were no signal in this publish ship. Halos mabagal din ang kanilang paglalayag sa gitna ng karagatan.

Kahit sa cabin niya ay talagang maliit nga pero kasya naman siya at may mahihigaan pa naman. It was nice kahit na hindi niya gusto ang ganitong klaseng kapaligiran.

Mukhang magagamit niya ang mga trainings niya sa pagiging militar noong nag-aaral pa siya. It was all worth it lalo pa't kahit mayaman sila ay kailangan pa rin nilang matutunan kung paano makakaligtas sa anumang uri ng kapaligiran o sakuna.

Sabi nga ng lolo niya, walang silbi ang Kayamanan nila kung mamamatay sila ng maaga. It was all for their own future. Kailangang magdoble ingat sila.

Nakatulog na lamang siya sa sobrang antok. Ngayon ay tila ramdam niya ang paghihirap ng isang mahirap na katulad ni Anton Kiel.

...

Ilang araw din siyang bumiyahe at ilang barko din ang nilipatan niya. It was to avoid suspension. Di masyadong mahigpit sa barko at iniiwasan niya rin na sumakay sa eroplano, makakatunog ang sinuman lalo na kung mamukhaan siya doon.

They are also known for partnering Aviation kaya di na bago ito.

Kailangan niyang maging maayos ang pagpunta niya rito. It was tiring pero masasabi niyang magandang experience din ito lalo na sa katulad niyang napakayaman.

Thump! Thump!

Talagang tumunog pa ang paa niya lalo na noong tuluyan na siyang tumapak sa probinsya na kung tawagin ay Guimaras.

Talagang isang paraiso ang may kalakihang islang ito.

Siyempre nagresearch din siya patungkol sa lugar na ito. Talaga nga namang maayos ang pamamalakad sa lugar na ito.

Nagsimula na siyang maghanap ng masasakyan. Napili niyang sumakay na lamang ng isang pampasaherong jeep.

Hindi nagtagal ay napuno na rin ang nasabing jeep at tumakbo na ito. Dumampi ang napakasariwang hangin sa mukha niya at tila nakakahalinang lugar ito kung iyong mapapansin lalo pa't kulay berde ang buong kapaligiran dahil sa naglalakihan at nagtataasang iba't-ibang mga puno.

Madami silang madadaanan kagaya ng Smallest plaza at iba pa.

Nagtransfer na din siya ng sasakyan niya ayon na rin sa naalala niyang sabi ni Anton Kiel. Medyo kinakabahan pa siya lalo pa't baka maligaw siya. Naku, iyon pa naman ang iniiwasan niya.

Nagpatuloy ang biyahe at ilang mga minuto ang nagdaan ay talagang namangha siya ng makita ang nagtataasan at naglalakihang mga wind turbine.

Akala nga niya ay wind mill ang mga ito but upon researching ay mukhang tama siya na wind turbine talaga ito. Mostly kasi talagang wind mill tawag ng mga tao na naririto peri di naman talaga.

Parang yung isang lugar na gusto niyang puntahan sa parte ng luzon pero mukhang matutuwa naman siya sa pamamalagi niya rito.

Gusto niya ang preskong hangin dito na parang kaylinis at amoy mo talaga na nasa probinsya ka. Di kagaya sa lungsod na maaamoy mo man ang hangin ngunit may dala namang polusyon sa hangin. Siguro ay dahil sa malalaking mga factories kaya di na nababawasan ang iba't-ibang humahalo na pollutants doon.

Madami na din siyang nadaraanang mga puno ng mga mangga na hitik na hitik sa bunga. Talagang nakakatakam siguro ito. Minsan na din kasi siyang nakabili ng mangga dito galing sa Guimaras pero talaga nga namang masarap nga na hindi mapapantayan ng anumang lugar.

Gusto niya ding maexperience ang Manggahan Festival dito noh. Isang sikat na festival iyon na ibinibida ang mga produktong mangga at mga mango delicacies na maaaring magawa sa prutas na ito.

Mukhang natakam siya dahil tila naglaway ang bibig niya.

Grrrkkk!

Gutom na talaga siya. Biscuits at tubig lamang ang nainom niya nitong ilang araw niyang biyahe. Di siya sanay sa ganito ka-hassle na biyaheng pandagat kaga natural lamang na manibago siya. Pinili niyang light meal lamang siya dahil baka masuka pa siya.