Papasok na sa trabaho ngayon si Arianne. Naka assign siya sa Marketing department. Dali dali siyang nag ayos ng mga kakailangan sa pagpasok. Sakto namang may bumusina sa labas ng apartment na inuupahan niya
Pagkakita ay ang kaibigan pala niyang/balahurang si Nicole. Mabait si Nicole, masayahin at nag iisa narin sa buhay na tulad niya.
Magkasamang nasawi kasi ang mga magulang ng lumubog ang barkong sinasakyan ng mga ito ng minsang magbakasyon sa lugar ng kanyang mama. Nasa ikaapat na taon na siya sa kolehiyo noon. Sobra ang pighating nadarama niya ng mga oras na iyon.
Pero ipinagpatuloy niya ang pag aaral sa tulong naring ng ibang kamag anak niya. At ng makagraduate ay naghanap agad siya ng mapapasukan at swerte naman na natanggap na siya dito mismo sa kompanyang pinagtatrabahuan niya. Tatlong taon narin siyang nagtatrabaho dito sa marketing department.
Si Nicole naman ay ulila na..namatay ang mama niya sa cancer...tapos isang buwan bago katapos mamatay ng mama niya ay sunod na pumanaw naman ang papa niya sa sakit na kidney.
Peri dahil sa maykaya si Nicole ay hindi mahirap para sa kanya ang buhay. May mga naiwan na negosyo ang magulang nito na ngayon ay siya ang nagmamanage. Nagkakilala sila ni Nicole sa college na mismo dahil pareho sila transferees sa school na yon. Hanggang sa magkapalagayan na sila ng loob at naging magbestfriend pa.
Agad siyang nagsara ng pinto ng kanyang apartment at lumabas na ng bahay. Nakita niyang naka park na doon ang sasakyan ng kaibigan.
"Ba't ang tagal mong lumabas?" Reklamo ng kaibigan na si Nicole.
"Eh may inaasikaso pa kasi ako sa loob!". Sagot niya sa kaibigan.
Inistart na ni Nicole ang sasakyan at ihahatid muna siya nito sa kompanyang pinagtatrabahuan niya bago ito dederetso sa sariling kompanya.
Hindi narin iisang beses na inalok siya ng kaibigan na magtrabaho sa kompanya niya pero ang lagi niyang dahilan eh ayaw niyang bigyan siya ng pabor dahil kaibigan siya. Ayaw niyang isipin na magtatrabaho siya doon dahil malakas ang kapit niya. Kaya ilang beses din niyang tinanggohan ang alok ng kaibigan. Wala naman itong magawa at initindi na lamang ang rason niya.
Pagkababa sa kompanyang pinagtatrabahuan si Arianne, ay nagba bye muna si Nicole sa kanya bago pinaharurot nito ang sasakyan. Hindi man lang natatakot ang babaeng yon na maaksidente.
Napapailing nalang siya na pumasok na sa building na iyon. Pagkapasok pa lamang niya ay agad na narinig niya ang mga bulungan.
"Ngayon na daw darating ang bagong big boss ng kompanya?". Rinig niyang tanong ng isang may edad na babae na nagtatrabaho doon.
"Balita ko ay bata pa daw yon at gwapo!" Singit naman ng isa.
"Pero may pagka suplado daw yun at pagka alam ko pa na engage na daw yun sa isang model ata na pinagkasundo sa magulang". Sabi pa nong isa.
"Ay sayang!" Nanlulumo namang turan ng isa.
Marami pa siyang naririnig about doon sa sinasabing bagong big boss daw pero pinagkibit balikat nalang niya.
Pagkaupo sa kanyang pwesto ay agad niyang hinarap ang kanyang computer at inumpisahang gawing ang mga kailangan niyang gawin ngayong araw na ito.
******
Nagulat si Arianne sa ingay na naririnig niya sa labas ng opisina nila. apat silang nandon sa opisinang iyon. Maya maya ay biglang bumukas ang pintuan ng kanilang opisina at iniluwa noon si Andrea na naka assign sa Accounting department. Naging ka close narin kasi niya ito, kahit may pagka pasaway kung minsan. lahat naman ng mga kasama niya din sa opisinang iyon ay mga kaibigan niya.
"Rian! Dumating na raw ang bagong big boss ng kompanya!". Pagbabalita nito sa kanya.
Hindi man lang niya ito tinapunan ng tingin.
"Ah ganon ba?" Yun lang ang tanging naisagot niya ng hindi tumitingin sa kaharap.
"Oo!" Sagot ni Andrea at bigla na rin umalis agad para pumunta sa sariling opisina.
Balita niya ay mamaya ay ipapatawag silang lahat na nagtatrabaho sa RX building para formal na makilala ng lahat ang bagong big boss ng kompanya.
Muling inabala ni Arianne ang kanyang ginagawa. Hindi niya namalayan na maglulunch break na pala. Tatayo na sana siya at aalis para maglunch ng bigla niyang narinig sa buong kompanya ang isang boses sa speaker na pagpapapunta sa lahat ng mga empleyado sa corridor para makilala ang big boss.
Nagmamadali siyang lumabas at nagpunta sa corridor. Medyo nahingal pa siya sa medyo mabilis na paglakad na halos takbuhin niya. Doon siya pumwesto sa may malapit sa dulo at medyo sa likod. Kahit papaano ay makikita naman niya kung sino man ang darating. At least doon kampanti siya kapag nasa likod siya.
Hindi nagtagal at dumating na ang mga head ng iba't ibang department. Kasabay ng mga ito ang isang matangkad, matipuno ang pangangatawan at gwapo na nilalang na kampanteng naglalakad sa gitna ng foyer area. daig pa nito ang isang Greek God kung maglakad sa kakisigan. katawang makalaglag panty ika nga sabi ng iba.
Lahat ng mga babae nagsitilian ng pasimple at napanganga sa kanilang nakita. Ang iba napapatulala nalang sa kagwapuhan na nasa kanilang harapan.
At dahil nasa likod si Arianne, at natabunan na siya ng mga matatangkad ay hindi na niya masyado nakita ang unahan ng nagsipag siksikan na sila papunta sa harapan. Tanging siya lang ang hindi kumikilos sa kinatatayuan.
Nang mapatapat ang mga ito malapit sa kaniya ay biglang napatingin ang lalaki sa gawi kanya. Matagal din nagtama ang kanilang mga mata bago ibinaling ang mga mata sa iba at humarap sa lahat.
"Good day everyone! Starting today I am now your new boss. I am Rexon Xander Madrigal.! I hope that all of us here will work as one! Understand!? Maawtorisadong pahayag nito.
"Yes Sir!" Nanginginig pang turan ng iba. Daramihan sa mga empleyado ay nenerbyos pero andoon parin ang paghanga sa batang big boss.
Pagka alis ng lalaki ay napasinghap ang lahat. Akala nila eh mahihimatay sila sa klase ng tingin ng bagong boss. Tinanaw nalang nila ang papalayong amo na kung maglakad ay parang modelo sa kakasigan. Ang sarap siguro makulong sa mga bisig nito. Anang isip ng dalaga. Pati siya ay medyo nahahawa narin sa kabaliwan ng mga kasamahan niya.
********
pagkatapos mananghalian ay muling inabala nalang ni Arianne ang sarili sa ginagawa. Hindi niya namalayan na malapit na pala ang uwian. Dali dali niyang pinatay ang kanyang computer at agad na kinuha ang kanyang handbag ay mabilis na inilock ang pinto ng opisina niya. siya nalang pala ang tanging naiwan sa opisinang iyon. kanina pa pala ngsi uwian ang kanyang mga kasamahan.
Pagkarating sa entrance ng building ay agad na pumara siya ng taxi. Papasok na sana siya sa loob ng taxi ng biglang mapadako ang mga tingin niya sa entrance din ng building at agad nakita ang bagong boss.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagtama na naman muli ang kanilang mga mata. Maya maya pa ay may dumating na magarang sasakyan at pumasok doon ang amo.
Tuluyan ng isinara ni Arianne ang pintuan ng taxi ng makaalis na ang binata.
________________________________________