Aisle's POV
Kami ay ang mga batang lumaki na walang magulang, walang nag mamahal, walang nag aalaga.
Maswerte ang ilan dahil may magulang sila ni hindi nila naranasan maging tulad nmin isang batang budol budol, mandurukot, at holdaper.
"Ate Aisle, mauna na po ko"- Tumango ako sa pinakabata saamin 13 years old na si Jessica.
"Ingat!" Yan lang ang nasabi ko dahil kaylangan mag trabaho, at dito mamatay ka kapag di ka marunong ng kahit anong klase ng trabaho, kahit pa ala una na ng madaling araw.
Ang ilan ay marahil, mahimbing na ang pagtulog, pero kami gising na gising. Minsan ko nang pinangarap ang mabuhay na parang isang normal na bata. Na sa edad na disiotso anyos ay tamang walwal lang. Mga batang spoiled na akala mo mamatay kapag hindi nakapagcellphone. Ang hirap mangarap, kasi kahit naman sabihin mong gusto mo malabo yun mangyari. At isa pa may consecquences din yon. Sabagay hindi ko naman alam ang kwento ng buhay ng mga spoiled, siguro nga may rason kung bakit sila ganon tulad namin.
Ang alam ko lang ay ahat naman kasi tayo nahihirapan. Sa kahit anong sitwasyon, lahat ng tao ay nahihirapan. At ang alam ko lang kapag naranasan mo matikman ang realidad nang buhay, kaylangan matuto ka sa buhay... Matuto ka ng mag-isa kasi walang tutulong at aakay sayo kapag naiwan ka.
Umiling at ako at saka napaling sa dereksyon ni Casper ang mukha ko. Naglalapot ito sa pawis. "Aisle, may problema! nakuha si Caloy!" humahangos na saad nito habang hinihingal. Pero miski ako ay nagulat at agad siyang hinila at saka tarantang tumakbo.
" Anak ng! Caloy naman!!!" hirit ni Fix habang natakbo, saka ko lang napansin na anim kami na natakbo ngayon.
Bumaba kami sa bahay para hanapin ang lalaking tumatayong leader namin o parang kuya, ang iba kase samin nasa trabaho hindi lang kami basta mga teenagers na gala lang ng gala nag time management din kami at nahahati sa dalawang grupo ang the eighteen na kung saan may morning shift at night shift. Pero sa pag kakataon nato mukhang lahat kami ay mawawala sa trabaho dahil sa may komplilasyon na nangyayari.
"S-Sa train station!" - hinihingal nasabi ni Casper..
kinabahan ako bigla...
"C-Casper! si Jessica! kaka alis lang bilisan mo!" - halos madapa na kami Fix, Shanall, Loki, Farewell at Casper..
"Anak ng tokwa! hindi gumana ang CCTV Ko!" - hiyaw ni Farewell akala mo na man sya bumili ehh ni dekwat lang naman nya un..
Haysss..
"Sa susunod sampu dedekwatin ko na CCTV tas puro Highquality palibhasa dyan ko lang kinuha yun ehh! Sa susunod sa mall na ko mamimili! " - gusto ko matawa kaso kelangan namin mag madali pumunta kami sa basement ng Tree house kung saan nakita nmin si Sydney Gray, Cortana, Satana at may kausap sila dahan dahan kaming huminto at dahil sa gulat bakit may...
"PULIS" kinakabahan na tumingin ako kila Cortana...
Jessica's POV
Nandito ako sa Train station, nag aabang ng biktima, noon umiiyak ako sinimulan ko kase maging madurukot nung 7 years old ako..
Ang sabi ni kuya Lowie noon..
Flashback 7 years ago~
"Kapag naging mabait ka, lagi ka nilang kakawawain! Tandaan mo walang maniniwala saatin sa pananamit at itsura palang natin alam na agad nila na masama tayo!" Kuya Lowie, habang hawak ang kamay ko at may nangungusap na mata.
Masama? Masama ba ako?..
"Hindi tayo masama iniisip lang nila na kapag mandurukot ay masama, pero tandaan mo mababait tayo, wala tayong pinapatay nangdudukot lang tayo.." tinignan ko si ate Aisle, at alam ko naman ang sinasabi ni ate...
Dahil hindi naman ako nakapag aral, hindi ko alam ang ginagawa sa eskwela. Oo hindi ako naturuan ng mga tama at masama ng gawain, dahil wala akong karanasan na makapasok manlang sa paaralan at isa pa hanggang tanaw lang ako doon pa lagi...
" Kapag inisip mo ang kabaitan mo matatalo ka Jessica! Isipin mo na lang na lahat ng pandurukot mo ay para saating lahat!" tinignan ko si kuya Casper, habang inaabutan ako ng tubig.
Sabi nila ate wala daw tatanggap saamin, dahil ayaw ng mga tao sa mga bobo... Sabi pa nila ang mga edukado na tao ang sagot sa kahirapan pero bakit iba ang nakikita ko? Kalimutan ay ang mga edukado pa ang nag mamaliit saamin.
Gusto ko lang naman ng kaybigan, balita ko kase sa eskwela daw may magiging kaybigan ka. At kusa sila lalapit sayo hindi tulad namin na halos layuan ng lahat. Dahil ang tingin nila saamin basura....
Simula noon, sinabi ko na nagnanakaw lang ako para sa dalawang bagay, una mabuhay sa mapait na tadhanang meron ako at pangalawa para makapag-aral.
End of flashback***
Nag lakad lakad pa ko sa loob ng Tren Station nang biglang...
"Maglakad lakad pa tayo!" nakita ko ang isang lalaki na yapos ang isang babae ang corny naman nito wala sigurong pera kaya nag date sa tren hayy... Sabagay ung isang araw may nag hahalikan pa nga ehh..
Oh sinong mas baboy ngayun? magnanakaw o babaeng nag papahalik sa tren? cheep..
Sanay naman na ko, kaya lang minsan naawa ako sa nanay nila kung ako nanay nila naku...
"Nakakapagod!" nakikita ko ang shoulder bag nung babae at bagpack nung lalaki sure ako na may pera un at wallet, siguro nman may pamasahe iyong lalaki hindi naman nawawalan ng pera ang lalaki, sigi sila nalang ang nanakawan ko. Inilabas ko ang kutsilyo ko props lang naman baka di ma daan sa santong usapan ehh dadaanin natin sa dahas. Matalim rin ang kutsilyo ko kaya nman makasugat pero mild lang..
Dahan dahan ako lumapit sa kanila ni hindi nila napansin ang presenya ko. At kitang kita ko ang gulat sa mata nila. Hindi nako nag sayang ng oras at mabilis na hinablot ang babae mula sa nobyo nito, tinutok ko ang kutsilyo sa bandang leeg ng babae at gamit ng isang braso sinubukan kong sakalin ang babae para matakot ang nobyo nito.
"WAG KA MAINGAY! Ibigay mo sakin ang bag mo! BILIS! KUNG HINDI mag paalam ka na sa leeg ng nobya mo! "ang kaninang mga maamo kong mukha ay bigla na lamang nag bago, ngayon ay kasing lamig ng yelo ang boses ko at kasing bangko ng mukha ko ang dilim sa labas.
Sa totoo lang para kaming artista dahil, umaarte kami sat'wing nang holdap kami. PERO ni minsan hindi pako nakaranas pumatay para lang mag nakaw. Tulad ng sabi ni ate tamang holdap lang kami pero hindi kami kukuha ng buhay kapalit ng pera.
Sinubukan ng dalaga na mang laban pero binigatan ko ang pwersa sa pag kaka hawak sa kanya kaya hindi na sya makagalaw pa. At mahihimigan ren ang pag bagal ng hininga nya.
Maliit lang naman kasi ang babaeng ito mas matangkad panga ako ehh. Salamat sa height nya at patpatin nyang katawan ay madali ko syang nahawakan.
Nagpupumiglas pa ren sya kahit halatang hirap na hirap na sya, at pilit nyang inaabot ang ulo ko para sabunutan. Kaya kinaladkad ko sya pero konti lang dahil, bumabagal na lalo ang hininga nya at ang nobyo naman nito nakanila ay na shock pa ay nag tatangka pa na baligtarin ang sitwasyon..
"Lumapit ka pa.. At tatapusen ko ang pag hihirap nitong babaeng mahal mo" inikot ko ang mata ko ng makita na parang lalaban ang nobyo ng babaeng ito.
Nag aral kami ng kaunting martial arts kaya naman ready ang katawan ko sa kahit anong uri ng pag atake.
Akmang, susuntuken nya ko kaya naman mabilis kong hinarang ang babaeng mahal nya sa harap ko. Sa kabutihang palad hindi ako nasaktan hehe pero. Nagulat ang lalaki sa nangyari miski ang girlfriend nya na halos mag ka black eye..
"Dude! Yare ka sa nanay ng jowa mo sinapak mo sya.." - sabi ko ng matawa tawa pa haha..
Halos hindi maiintidihan ang mukha ng lalaki. At pilit nag sasalita..
"M-Mahal s-sorry!.. A-Ayos ka lang ba!. M-MAHAL!" sabi ng nobyo nito
"Putcha! C-Conan! Ba't ako a-ang sinapak m-mo!?!" - hiyaw ng girlpren nito niluwagan ko kasi ng konti ang pagkakahawak sa leeg nito mamaya matuluyan eh.
Masama ang tingin ng jowa nya saakin sabay nag salita
"Kasalanan ng babaeng yan m-mahal! HOY! HINDI AKO NAKIKIPAG BIRUAN! IBIGAY MO ANG GF KO SAKIN!!" - hiyaw ng hilaw na boyfriend nya..
Sweet noh? Till death do us part ba ituu?....Oh well?..
Maya maya pa ay sumugod ulit ang nobyo nito na si Conan daw..
Aba! ayaw paawat nakailang suntok sya saakin pero walang natama, miski isa. Nang makita ko na inamba nya nag paa nya para tadyakan ako wala kong choice dahil masakit ren ang bandang hita ko hindi ko ito masasalag pa. Nag abang ako ng tyempo saka ko binitawan at tinulak ang girlpren nya sa kanya..
At un ay ang tyempo na kung saan matatamaan ako ng sipa nya at jowa nya ulit ang tinamaan..
Nakakaawa ung jowa nya, grabi ang dinanas sa kanya.. Kakaiba..
"P-P-Punye-t-ta! P-papata-yin mo ba ko! C-CONAN!" medjo hindi na makagalaw pa nag babae dahil sa tinamong sugat nito..
Pero nakikita ko na gusto nya na manapak hehe..
Ng makita ko na nag aaway na sila at nag didiskusyon ay saka ko pinulot ang bag ng babae at ng jowa nya naka hambalang nalang ito sa lapag kasi.
Tinignan ko sila at binantaan..
"Wag kayo susunod kundi papatayin ko kayo" - umatras ako at nag lakad patalikod hayyss..sumakit siguro ang likod ng babae nayuun hehe.. Halos ung nobyo nya hindi maipinta ang mukha ewan ko nga kung naintindihan nila ang sinabi ko o nadinig ba nila ako..
Grabi ang tagal ko sa kanila ha! Ang arte kasi nila. Tumakbo na lang ako at nag hanap ng Cr. kaylangan i check ang laman neto mukang mayaman ung babae ehh..
Inuna ko ang backpack excited kasi ako makakuha ng aklat..
"Notebook? ballpen!? ayy! ayos matututo ako sumulat!" binuklat ko ang pahina ng notebook, napakunot ang noo ko di ko mabasa.
Sana nakakabasa ako..
Pero nakakapag taka..
Parang pang doctor ang sulat, hindi kaya doctor ung na holdap ko? imposible nman ata..
Ayy naku..
Sabi ni Aisle maganda sya sumulat sa kanya na lang ako mag papa turo kaysa titigan mo ang sulat doctor natoh...
Teka nag aaral ba talaga un? bakit walang libro?..
Hays....
Sinunod ko ang shoulder bag, aba naman! Worth it ang action sceen dahil spoiled ata ang babaeng un! kung anong liit ng bag ay syang dami ng laman!. Puro make up pero mas kuminang ang mata ko dahil sa cellphone na dalawa at wallet na puro blue at gold bills, saka may kwintas pa..
Jackpot! nilagay ko lahat sa string bag ang nakuha ko..
Malaki naman ang string bag ko, nag palit din ako ng damit at nag lugay ng buhok mahirap na baka may pulis.
Pag labas ko ng restroom ay nag lakad lakad nako..
Casper's POV
"Jess?!" - sigaw ni Aisle sa restroom..
Kanina pa kame paikot ikot dito sa tren station alasingko na..
Hayy ito talagang bugwit na tohh..
Buti na lang ay nakita ko sya na nag lalakad sa gilid at naestatwa sa pulis na sasakyan
"Jess!" - sjgaw ni Aisle tumakbo sya samin.
"Kanina kapa nmin hinahanap! ikaw talaga!" hay buti nakita agad nmin sya..
Nag lakad kami papalapit sa nakaparadang sasakyan ng pulis.
"A-Ate Pulis" turo nya sa sasakyan ng pulis.
"Jessica, pag nakita mo ung ulap na parang light blue na sya at medjo maliwanag na ibig sabihin ay alasingko na ibig sabihin uuwe ka na agad okey? buti natandaan mo ang ilaw at kulay ng sasakyan ng pulis magaling" - puri ni Aisle
**Flashback**
"Pulis"
Humarap saamin sila Cortana, Satana, Nike at ung pulis laking gulat namin na si Lowie pala un...
"Lowie?!" - gulat na sigaw naming lahat kami ehh kabadong kabado.. tapos sya lang pala un.
"kaylan ka nag pa tahi?" - Aisle
"Last week oadating na din ung inyo for safety"-Lowie
Pero ang astig talaga ng uniporme nya..
Pulis na pulis ang dating...
Bagay na bagay rin sa kanya...
"Wala na tayong oras, Shanall, Cortana dito lang kayo Casper , Loki, Aisle sumama kayo sakin!" - pumunta kami sa parking ng tree house sakto at may na kuha akong motor kaya dalawa ang nakaparada na motor..
Umangkas si Aisle kay Loki at ako naman kay Lowie nauna na ung dalawa..
At kami naman naaninag ko sa rearview mirror nag kulay asul at pula na ilaw,
Ngumite si Lowie sabay sabing
"Kumapit ka Casper kukuhaen naten ang sasakyan ko!" kasabay nun ay ang pag bilis ng andar nmin..
**End of Flashback**
Nag lakad kami papalapit sa pulis at si Jess naman ay namutla akala siguro nya pulis talaga..
"Bilisan nyo na ngangalay nako hawakan toh.." - sabay nguso ni Loki sa pulis na tulog. Yun ung kinarate ko para maka tulog.
"Kuya Loki at LOWIE!!" tuwang tuwang sabi ni Jessica..
Loki's POV
"Anong meron?" - tanong ni Jessica,
"Nahuli kasi si Caloy kanina pero asa bahay na sya" - sagot ni Casper.
Kinuwento ni Jessica ang nanakawan nya halos mag wala si Casper sa tawa at dahil na rin sa sulat manok nung may ari ng notebook, hinayupak talaga..
"Pre! mas maganda pa sumulat ang paa ko dito! pft!" sino ba may sabi na walang puso ang holdaper? ang mandurukot? ang budol budol?...
Hayyyy...
Ang hirap talaga kase mahirap ayusen ang image mo sa ibang tao lalo na, kapag alam nilang walang dalang magandang dulot ang 'tulad mo,'
'tulad namin...'
Huminto kami sa convinient store dun naka park ang motor namin bumili ng alak si Casper. Ung dalawang babae may sinusulat sa karton..
Si Lowie ayun nilagyan ng posas ung pulis ayos lang naman kase, dahil nasa pulis naman ang suse.
Ang balita sa lugar namin, itong pulis raw kase natoh. Ay salbahe nangungurakot at ginagamit raw nito ang kapangyarihan para abusuhen ang mahihirap...
At dun kame galit, sa mga abusado, sa mga taong mapag samantala ng kabutihan at mga feeling makapangyarihan...
Binukasan ni Casper ang bote at binuhos sa kotse kasunod nun ay
Pinaliguaan nya ng alak ang pulis.
Halos, hindi manlang ito nagising kahit malamig ang alak 'wow' akala nya ata ay asa beach sya ganun?..
Ung mga babae naman gumawa ng play card..
"Wala akong mahuli na lasing, kaya nag lasing ako! pft! hahaha!" - pag basa ni Aisle sa play. Card loko loko talaga haha, at kinuhaan naman ito ng litrato ni Jessica. Sabi nya ay ipapakita nya daw ito samga inabuso ng pulis. Tiyak matutuwa ang ilan na kapitbahay namin pag nakita nila yon.
Hayy..
Pero ilang tao lang kasi ang naniniwala saamin ehh, dahil ang akala talaga nila masama kami. Ang hindi nila alam tinutungan lang namin sila, kaming mga batang hamog, oo mga wala kaming magulang..
Mga peste sa lipunan pero masakit yun dahil 'una sa lahat...'
Hindi kami ang may kasalan kung bakit madungis ang pilipinas, unang una ay malinis kami..
Nag nanakaw lang kami pero sa mga pili na tao...
Hindi kami basta basta nangbibiktima...
Inaalam muna namin lahat, dahil alam namin ang pakiramdam na ituring na iba sa lahat, at danas namin lagi ang husgahan.
Alam namin ung pakiramdam na paulit-ulit sayong tinutusok, na isa ka lang basura.
At ang nararapat lang saamin ay itapon ng basta at pati baliwalaen..
Pero, gusto lang namin liwanagin ang madilim na pag iisip ng tao, masyado kasi silang kakaiba na mag describe kung sino o ano ba kami...
Kami ang The EIGHTEEN ang mag sisilbing ilaw, para malinawan ang pagiisip ng mga taong nag bubulag-bulagan.
Alam nyo ba kung bakit ito ang tawag saamin?..
'The Eighteen?..' isa lang gusto namin iparating at yun ay ang mga 'rason' kung bakit kami ganito..
EIGHTEEN REASONS...
Makinig manlang sana kayo at huwag mag bingi-bingihan...
Kasi tenga ang kelangan nmin hindi ang maingay at mapang husga nyong dila...
Kahit nagnakaw kami tatandaan nyo gamit lang ang nawala sanyo..
Kaya nyo naman ipundar lahat ulet yan hindi katulad namin...
Sana nga makinig kayo....
Na minsan ang biktima ay ang inosente at ang totoong may sala ay ang nag mamalinis..
=*=*=*=*=*=*=*=*
End of 1 Eighteen
Ang istorya ay kathang isip lamang lati ang mga karacter, ang ilang mga scenario ay base sa aking panaginip char! Syempre ang iba ay sa isip ko kinuha hehe....
Masama ang manlaet, lalo kung kalaet laet kayo...
I publish this, kasi gusto ko makita nyo ang reality...
Ung meron tayo....
Hindi ung tamang lait ka dyan kada may wrong spelling..
Hindi perpekto ang gumawa nito nag aaaral pa po ako kaya asahan naten minsan magulo..
Pero ayus lang lahat, dahil alam ko na mas higit na mas makakatulong ka kung mag babasa ka hindi ung satsat ka ng satsat...
Trust me..
At syempre it takes time to grow naman kase, unti unti ay maayos rin ang lahat ...
THANKS FOR READING(^^)
×××Try to look with more positive way also learn the difference of a poor and heartless people.. ×××
Ms_Crestfallen
××Vote××Comment ××Follow××