CHAPTER 50
Spring Revelations
Pareho kaming nakaupo ngayon ni Marcus sa ilalim ng makapal na puno. Naghahabol ng hininga dahil sa pagod na nararamdaman.
Napansin ko ang patuloy na pag-agaw ni Marcus ng hangin na parang nahihirapan siyang huminga.
"Ang hirap.." Saad ko. "Ang hirap ng buhay natin Marcus, bakit kailangan pa nating pagdaanan ang bagay na ito?" Tanong ko.
"Nauuhaw ako Verulia." Saad niya. Agad akong napalingon sa kanya, wala akong tubig.
"Tara, nakakarinig ako ng lagaslas ng tubig."
Tumayo ako at inalalayan si Marcus. Naghanap kami ng tubig dahil nauuhaw raw ang aking kaibigan.
Isang bukal ang natagpuan namin, malinis ang tubig na iyon. Kaya naman hindi pa kami tuluyang nakararating ay tinakbo iyon ni Marcus at ininom.
Pagkatapos niyang uminom ay kumuha rin ako ng tubig na panlinis sa aking mukha at katawan.
"Masyado nang maraming sugat ang natamo mo, bakit kailangan mo pang pagdaanan ang bagay na ito?" Tanong ni Marcus.
Nangunot ang noo ko dahil kanina ko pa napapansin ang kakaibang paraan ng kanyang paghinga, his golden tan skin doesn't look fine. Nag-iiba iyon, tila namumutla siya.
"Parehas tayong marami ang sugat Marcus."
"Hindi Verulia, kung tutuusin ay hindi mo dapat nararanasan ang mga bagay na ito. Dapat namumuhay ka ng maayos ngayon."
Napahinto ako sa aking ginagawa. Lumapit sa akin si Marcus at huminto sa harapan ko. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala ako sa harapan ng malinaw na tubig.
"Anong nakikita mo?" Tanong niya.
"Hindi pa tayo ligtas dito Marcus.." Sa halip ay sagot ko.
"Anong nakikita mo Verulia?" Pag-uulit nito.
Wala akong nagawa kundi ang sumagot.
"Isang babaeng puno ng sugat."
Lumingon sa akin si Marcus.
"Hindi Verulia, hindi iyon ang nakikita ko." Aniya at ngumiti. "Isang matapang na babae ang nakikita ko. Ang pinakamatapang na babae sa buhay ko." Saad niya.
Gusto kong matawa, noong nasa unang distrito kami kailanman ay hindi ako naiyak. Ngunit ngayon, paulit-ulit akong naiiyak.
"Marcus.."
"Ang pinakamatapang na babae sa aking buhay ang nakikita ko. Ang babaeng una kong minahal ng higit pa sa isang kaibigan."
Napahinto ako sa kung anong ginagawa ko at naituon ang pansin kay Marcus. Ano bang pinagsasabi niya?
"Marcus?" Nalilito kong saad.
"Hindi mo kailangang magsalita Verulia, hayaan mong i kwento ko saiyo ang lahat." Saad ni Marcus.
"Bata pa lamang ako noon ng makita kita kasama ang lola mo, maliban sa lola mo ay mayroon itong kasamang isa pang matandang babae. Ibinigay ka ng matandang babaeng iyon sa lola mo, ang ganda ganda mo noon. Ang linis linis mo, agad mong nakuha ang atensyon ko.
Hindi ko alam kung bakit simula ng makita kita gusto na kitang maging kaibigan. Hanggang sa naging kaibigan mo si Laura, kinailangan ko pang kaibiganin si Laura upang maging kaibigan ka." Natatawa niyang saad.
Napupuno ng pagkalito ang utak ko dahil sa sinabi niya.
Sinong matandang babae ang nagbigay sa akin sa lola ko? Ibig sabihin ba noon ay may iba pa akong pamilya maliban sa lolo at lola ko?
"Pagkatapos noon sabay sabay tayong lumaki, naiinggit nga kami sayo dahil napakagaling mo sa lahat ng bagay. Nagtatrabaho pa noon ang mga pamilya natin at naninilbihan sa palasyo. Mayroon pa tayong tahanan noon, masaya pa ang buhay natin.
Naglalaro tayo ng pana-pana. Sabi namin ni Laura tatalunin ka namin, dahil napagaling mo talaga at asintadong asintado ka.
Ngunit mahina kang tumakbo, at ako ang laging nananalo. Minsan kinakailangan pa kitang buhatin dahil mabilis kang mapagod, iyon naman ang kahinaan mo noon."
My tears fell while looking at the crying Marcus. Bakit siya umiiyak? Mas nasasaktan ako habang nakikita siyang umiiyak.
"Hanggang sa pinalayas tayo at pinatapon sa unang distrito. Doon nagsimula ang peligro sa buhay natin. Namatay ang lolo mo, nanghina ang lola mo, lumaki kang hindi normal na babae lamang. Lumaki tayong hindi normal ang mga gawain.
Mas lalo lang kitang minahal sa bawat galaw na ipinapakita mo sa amin. Napakagaling mo sa dilim, sa pakikinig, mabilis kang makaramdam sa paligid, matalino, kaya naman bawat raket natin ay matagumpay.
Sabi ko sa sarili ko, kailangan kong ayusin ang buhay ko upang maging karapatdapat ako sa'yo. Kasi hindi mo man lamang ako napapansinn noon, ano bang problema sa akin? Dahil mahirap lang din ako?"
"Marcus.."
"No, shh. Makinig ka Verulia. Lumaki na tayo ng tuluyan, umamin sa akin si Laura ngunit ikaw ang gusto ko. Nangako akong aayusin ko ang buhay ko para sa'yo. Dumating ang gabing iyon, kinailangan nating magnakaw sa ikalawang distrito.
Doon nagsimula ang lahat, isinakripisyo mo ang buhay mo para makauwi kami ng maayos ni Laura. Nagpahuli ka sa mga guwardiya ng palasyo, gusto kong pumatay ng oras na yaon. Ipinangako ko sa sarili kong kapag may mangyaring masama sa'yo'y hindi ko mapapatawad ang sarili ko kaya kailangan kitang mahanap.
Naalala kong sa gabi ring iyon ang paghahanap ng mga bato, alam kong gagawin mo ang lahat makaalis lang sa palasyo. Kung tatakas ka ay mapapatay ka sa palasyo kaya mag-iisip ka nang ibang paraan upang makatakas.
Naisip ko ang paghahanap ng mga batong hiyas. Paano kung sumama ka, hindi iyon basta-basta.
Iyak ng iyak si Laura sa likod ng sasakyan ko noon, hindi ko alam ang sasabihin ko ng iniuwi ko si Laura sa kanila. Ngunit nangako si Laura na aalagaan niya ang lola mo, nangako rin ako sa sarili kong hahanapin kita at iuuwi sa unang distrito.
Pinasok ko ang palasyo ng gabing iyon, huli na ang lahat dahil nalaman kong umalis ang grupo ng pinakabatang prinsipe kasama ka. Kasama ka roon, nabiyak ang puso ko. Paano kung hindi ka na makabalik? Kaya kailangan kitang mahanap." Sandaling napahinto si Marcus, nanghina ito at bumagsak ang mga kamay nito sa bukal.
"Marcus?" Pag-aalalay ko sa kanya.
Umupo kami sa lupa, hindi ko alam kung ano ang nangyayari kay Marcus. Ngunit niyakap ko siya dahil sa pag-aalala.
"Nakita ako ni Zandrus, nakaisip siya ng plano. Kumuha rin siya ng mga dukha sa unang distrito upang gawing pain sa nakababatang kapatid. Ngunit ang sadya ko lang talaga doon ay ang iuwi ka, wala nang iba." Ani Marcus at hinaplos ang buhok ko.
Napahikbi ako.
Do you feel me? Parang hindi ko kaya ang mga naririnig ko, iba sa tinig ko ang paraan ng pagsasalita niya.
Iniangat niya ang aking mukha gamit ang kanyang daliri.
"Matagal ko nang gustong gawin ito, gustong gusto kong gawin ito. Sabi ko noon sa sarili ko, darating ang panahon na g-ga-gagawin ko ito sa-saiyo araw-araw." Biglang namutla ang kanyang mga labi, tuluyan akong nalito sa nangyayari kay Marcus.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay hinalikan niya ako. Hindi ako nakagalaw, ang kanyang mga kamay ay nakahawak sa baywang ko at ang isa ay sa likod ng ulo ko.
Napaluha ako, Marcus kissed me.
Pinutol niya iyon at ngumiti.
"Pasensya na Verulia, hindi na iyon mauulit. N-nangako ako s-sa lola mong gagawin ko iyon s-saiyo araw-araw. Iingatan kita, hindi kita pababayaan. N-ngunit tila hindi ko na iyon matutupad, papanuorin nalang kita sa itaas habang masayang bumubuo ng pamilya." Aniya, bumakas sa kanyang mukha ang sakit.
I panicked.
"Damn, stop this Marcus! Huwag mo akong biruin ng ganito, anong ginagawa mo? STOP THIS! Please, please, stop this!" Pagmamakaawa ko, niyakap ko siya ng mahigpit at niyugyog.
"Parang awa mo na, huwag namang ganito." I begged.
"Mangako ka sa akin, mangako kang makakaalis ka rito ng buhay." Aniya at ipinantay ang mukha ko sa kanya. "Gusto ko iyong marinig, makakauwi ka. Makakaalis ka rito ng buhay." Naluluhang saad niya.
Tuluyang nabiyak ang puso ko, ang bigat bigat ng nararamdaman ko. Bakit ganito?
"Marcus.."
"Please, promise me."
Tumango ako, tumango tango ako at niyakap siya.
"Oo Marcus, uuwi tayo dito ng buhay. Uuwi tayo!" I cried.
Ang hirap nito! Sobra!
"Pa-pasensya na. Mukhang ikaw na lang Verulia, hindi m-mo na ako makakasama palabas sa gubat na ito."
"FUCK MARCUS! STOP IT!"
"Napag-alaman kong may lason ang dagger na naibato mo sa akin noon." Aniya. Mas lalong lumakas ang paghikbi ko, bakit ganito? Hindi pwedeng ganito.
"Ang sabi ng echelon ni Zandrus ay hindi na ako gagaling dahil sa lason niyon."
No, kasalanan ko. Kasalanan ko pala ang lahat.
"Hindi mo kasalanan ang lahat, tuluyan akong nilason ng echelon ni Zandrus. Nalaman nilang kasama ka namin, nalaman nilang isa kang dukha sa unang distrito. Hindi ko alam kung anong gagawin nila ngayon, kaya n-nakikiusap akong umalis ka na rito.
Hindi sila hihinto sa paghahanap. Alam na ni Zandrus na isa kang dukha at magnanakaw sa unang distrito.
Ginamit niya ako upang mahanap ka, ang s-sabi ng echelon niya ay b-bilang na lamang ang a-araw at oras ko. Mukhang totoo nga iyon, kaya sinikap kong mahanap ka upang kahit sa huli pang pagkakataon ay makasama." Ani Marcus, nayanig niyon ang mundo ko. Unti-unting pumapasok sa utak ko ang takot at pangangamba.
Anong mangyayari pagkatapos nito?
"That's why you need to fight, hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka Marcus. Parang awa mo na, please don't do this to me." I begged him, niyakap niya akong muli.
"P-patawad kung hindi na kita masusubaybayan palagi. H-hindi mo kasalanan ang lahat ng ito, tuluyan akong nilason ng echelon ni Zandrus. Akala ko'y ginamot nila ako, ngunit mas lalo nila akong nilason."
Umangat ang galit ko ng marinig iyon.
"Ginamit nila ang pagkakataong iyon upang mahanap ka dahil nalaman nila ang iyong kakayahan. At hindi nga sila nagkamali sa inakala nilang ikaw ang makakahanap ng batong hiyas, natagpuan mo iyon Verulia."
"Marcus? Why?"
"Mahal na mahal kita, kahit kaibigan lang ang turing mo sa akin hindi nabago ang katotohanang m-mahal na mahal kita."
Mas lalo akong naiyak. Bakit? Bakit hindi kami muling bigyan ng pagkakataong magsamang muli, kahit bilang magkaibigan lang ulit?
"Marcus, please. Aalis tayo dito." Bulong ko.
Then I realized, life is unexpected. When we were young, I never hugged Marcus like this. I never cried for him like this. Ni hindi ko nga siya pinapansin noon, at isa iyon sa mga pagkakamali ko.
I never gave Marcus a chance to know me well, he doesn't even know my real name.
I cupped his face, I wiped his tears. Hindi ko kayang panuorin si Marcus nang ganito habang ikinukuwento ang buhay namin.
"I-I'm sorry Verulia,.."
"Sshhh, sabay tayong aalis dito Marcus. Matatapos ang larong ito, matatapos ang paghahanap na to, sabay tayong babalik kay Laura.." Pumiyok na ako.
"I-I'm sorry for everything Marcus, samahan mo pa ako ng matagal." My voice broke.
Inilapit ni Marcus ang kanyang mukha sa akin, hindi ako kumibo.
"Ve-verulia, you never sing. H-hayaan mong awitan kita."
Shit, hindi ko na kaya.
Parang humihiwalay ang kaluluwa ko dahil sa sakit nito.
"Shhh, It's okay Marcus. Aalis tayo dito." I said and let Marcus rest on my chest.
Bakit ba nangyayari ito? Bakit sa amin? Bakit kay Marcus? Bakit si Marcus pa?
God save us, please.
"I'm going under and this time I fear there's no one to save me,
This all or nothing really got away and driving me crazy,"
Dati ay naiinis ako sa tuwing kinukulit ako ni Marcus. But hearing his melody now makes me feel sad and happy at the same time.
I hugged him tight, hindi ko kayang mawala siya. Hindi ko kayang mawalan ng kaibigan.
"I need somebody to heal,
somebody to know,
somebody to have,
somebody to hold,"
I bit my lips, hindi ko na ito kaya. Unti-unting nadudurog ang puso ko dahil sa kanyang awit.
If only I have the power to heal, I would heal him. I'm not a mender sorcerer, Nathalia's not here, I'm nowhere to be found in this woods. At nawawalan na ako ng pag-asa.
"Shh, Marcus,.." Iyak ko at hinawakan ang kamay ni Marcus. Nanginginig ito habang patuloy na bumabagal ang paghinga.
Fuck those echelons! They poisoned Marcus, pagbabayaran nila iyon.
"It's easy to say,
no it's never the same,
I guess I kinda like the way you numb all the pain,"
Napapikit ako ng mariin. Wala nang hihigpit pa sa yakap ko kay Marcus, nasasaktan ako ng sobra. I feel like a mother hugging his dying son, ngunit mas masakit, dahil ang kaisa-isang lalaking kasama ko noon sa buhay ko ay unti-unti nang nanghihina.
"Ka-kapag may sakit ako noon, m-makita lang kita magaling na ako Verulia.. You're praying na sana ay makaligtas tayo, ngunit mukhang ang dalangin ko ang kanyang diringgin.
Kahit ikaw lang ang makaligtas, masaya na ako."
Mas lalo kong hindi napigilan ang aking mga luha. I kissed his forehead, I want to stop his pain. Kung maaari ko lang kunin ang sakit na nararamdaman niya ay gagawin ko, ngunit papaano?
"Now the day bleeds,
into nightfall,
and you're not here,
to get me through it all
I let my guard down,
and then you pulled the rug,
I was getting kinda used to being someone you loved."
Tila dumudugo ang oras at wala nang sasakit pa sa isang babaeng iiwan ng lalaking nagmamahal sa kanya.
"I'm going under and this time I fear there's no one to turn to,
This all or nothing way of loving got me sleeping without you,"
Marcus is going to sleep. Not temporarily, but forever. I prayed na sana ay panaginip lamang ang nangyayaring ito, hindi ko na kaya.
"Marcus, please huwag mo akong iiwan."
"Now I need somebody to know,
somebody to heal,
somebody to have
just to know how it feels,
it's easy to say,
no it's never the same,
I guess I kinda like the way you helped me escaped"
Tuluyang bumagsak ang bigat at ulo ni Marcus sa aking dibdib.
His clear image while smiling flashed in my mind.
"Now the day bleeds,
into nightfall,
and you're not here,
to get me through it all,
I let my guard down,
and then you pulled the rug,
I was getting kinda used to being someone you loved."
"Fuck, Marcus please.."
Hinawakan niya ang kamay ko at may inilagay na kung ano dito, mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya ng humugot siya ng isang malalim na hininga.
"One more breathe please, God.." pagmamakaawa ni Marcus.
Doon ay tuluyan akong nawala sa sarili. Humagulgol ako ng iyak habang yakap yakap si Marcus, mas lalong humigpit ang hawak niya sa aking kamay.
"Keep this, and run away from here love." bulong sa akin ni Marcus at ikinuyom ang mga kamay.
"And I tend to close my eyes when it hurt sometimes
I fall into your arms,
I'll be safe in your sound 'till I come back around,"
His breathing became slow and heavy. Ramdam na ramdam ko iyon, ramdam na ramdam ko ang paghihirap ni Marcus. Unti-unting kumakalat ang lason sa kanyang katawan, at iniiba nito ang kanyang morenong kulay.
"For now the day bleeds,
i-into nightfall,
and yo-you're not here,
to get me through it all,
I let my guard down,
and then you pulled the rug,.."
Marcus stopped. Ang kanyang paghinga ay mas lalong bumagal.
"Marcus?" Tawag ko sa kanya.
My heart broke into pieces for the nth time because I saw his sweetest smile.
How could you do this to me Marcus?
Binuksan ko ang kamay ko at mas lalong naiyak ng makita ang bagay na inipit niya roon. Mas lalo ko siyang niyakap at isinubsob sa aking dibdib.
It's a stone! He found a precious stone! It's a sapphire! Marcus found a sapphire!
"Marcus? M-Marcus.."
"Just one more breathe.." Dinig kong bulong nito. Patuloy na humihingi ng hangin at hininga sa itaas.
"I just k-kinda used to being s-someone you loved.
Though you never loved me, the way I love you."
After he finished the song, his breathing stopped. Bumagsak ang kanyang kamay at katawan ng tuluyan.
Nababaliw ako sa sakit at mapasigaw. Marcus!
Niyugyog ko si Marcus at pilit na ginising. But I failed, so I hugged him very tight and kissed his forehead. Wala nang hinto ang pag-iyak ko, sobra sobra na ang sakit na ito.
"Marcus,.. My name is Beryl."
Hindi kami nabigyan ng pagkakataong magsama ng masaya.
Hindi ko man lang nabigyan ng pagkakataong malaman ni Marcus ang tunay kong pangalan.
Wala na.
Wala ang unang lalaking nagmahal sa akin ng buo.
Wala na ang unang lalaking humingi ng kaunting oras sa akin.
Wala na ang kaisa-isa kong lalaking kaibigan.
Marcus is sleeping, and will sleep forever.
Marcus Oliver is dead.
----
Soundtrack: Someone you loved by: Lewis Capaldi.
Medyo naiyak din ako dito :( Tell me your thoughts about this chapter! Thank you.