Chereads / Azraeth / Chapter 5 - CHAPTER 4: Team

Chapter 5 - CHAPTER 4: Team

CHAPTER 4: Team

Ang bayan ng Alfegrio.

Ang bayan ng Alfegrio ay isa sa mga bayan sa Fersolia. Maliit lamang ang bayan na ito ngunit ito ang sentro ng Bansang Fersolia kaya napakaraming tao ang narito at maraming nagaganap kalakalan dito na dahilan kung bakit naging pinakamasiglang bayan ang Alfegrio.

Bawat bayan ay may namumunong Wizard Guild. Kapag walang namunong Wizard Guild sa isang bayan ay maaaring itong magkagulo at bumaba ang ekonimiya nito sa pagkat walang sumusuportang Wizard Guild dito. Ang Wizard Guild ang nagpapanatiling payapa ang isang bayan at ang mga miyembro ng Wizard Guild ang gumagawa ng mga binibigay na misyon ng mga taong nakatira sa bayan.

Ang namumunong Wizard Guild sa bayan ng Alfegrio ay ang Azraeth Guild. Maraming mga salamangkero na ang sumubok na sakupin ang Alfegrio dahil napakamasagana ng bayang ito. Ngunit, wala sa kanilang nagtagumpay. Napagtagumpayan ng Azraeth Guild na depensahan ang Alfegrio sa mga salamangkero na gusto itong sakupin.

"Sin, bakit ka sumusunod pa rin samin?" Tanong ni Igriv.

"Kaya nga Sin," dagdag pa ni Little Fire.

Nahihiyang ngumiti si Sin, "Wala na kasi akong pera. P-Puwede bang sa bahay mo muna ako makitira? Pangako! Kapag nagkaroon na ako ng pera ay babayaran ko ang mga araw na nakitira ako sa bahay mo!"

Naubos ang pera ni Sin sa pagkat binigay niya ito kay Igriv, kapalit ng inihaw na Wind Wolf.

"Sige, maluwag naman yung bahay ko. Kasiya pa ang isang tao," sagot ni Igriv.

"Yes! Salamat!" Masayang sambit ni Sin.

Ngumiti si Igriv, "Para makabayad ka agad. Bukas ay kukuha tayo ng misyon."

"Misyon?" Pagtatakang tanong ni Sin.

Hindi alam si Sin na kumukuha ng misyon ang mga miyembro ng Wizard Guild. Ang alam niya lang ay puro salamangkero lamang ang puwedeng sumali sa Wizard Guild. Kaya niya ito hindi alam sa pagkat lumaki siya sa mayamang pamilya na hindi pinoproblema ang pera.

"Oo, misyon. Kapag nagawa natin yung misyon na kinuha natin ay makakatanggap tayo ng pera. Depende sa hirap ng misyon ang laki ng pera na matatanggap natin,"Pagpapaliwanag ni Igriv.

Napansin ni Igriv sa mukha ni Sin na parang hindi niya lubusang naintindihan ang sinabi niya, kaya pinagpatuloy niya ang pagpapaliwanag.

"Diba nakita mo ako sa Wild Forest kanina? Kaya ako nandoon ay para sa misyon na kinuha ko. Ang misyon na kinuha ko ay pumatay ng sampung Wind Wolf at kunin ang mga pangil nila. Dahil Tier 2 beast lamang ang Wind Wolf at madaling patayin, 1000 gold coins lamang ang nakuha kong pera sa misyon na 'yon."

Tumango si Sin, "Ganoon pala 'yon."

"Igriv may tanong ako sa'yo," saad ni Sin.

"Ano 'yon?"

"Puwede bang may kasama kapag kumuha ka ng misyon? Parang hindi ko kasi kayang kumuha ng misyon mag-isa, sa pagkat isa lamang akong healer," sambit ni Sin.

"Puwede. Sa totoo lang ay maraming may team sa mga guild. Dahil yung ibang misyon ay mahirap gawin mag-isa, gumagawa sila ng team para mapadali ang pagtapos nila sa misyon nila."

"May ka team ka na, Igriv?" Tanong pa ulit ni Sin.

Ngumiti si Igriv, "Wala. Hindi ko na kailangan pa ng kasama sa misyon sa pagkat sapat na sa'kin sila Little Fire at Little Thunder. Mas malakas pa nga sila sa normal na Wizard," sambit ni Igriv.

"Tama ka, Igriv! Ang lakas ko kaya," sambit ni Little Fire habang pinapakita niya ang muscle niya na puro taba.

Hindi nakapagpigil si Sin sa kaniyang nasaksihan. Mabilis niyang niyakap si Little Fire.

Nang makita ni Little Thunder ang ginawa ni Sin kay Little Fire ay mabilis itong nagtago sa likod ni Igriv dahil sa takot.

"Ang cute mo sobra!"

"I-Igriv.. T-Tulungan mo a-ako... H-Hindi ako m-makahinga..."

Hindi makahinga si Little Fire dahil nakabaon ang ulo niya sa gitna ng dalawang malaking bundok ni Sin.

"S-Sin, tama na 'yan. Mamamatay na si Little Fire," nag-aalalang sambit ni Igriv.

Nang mapansin ni Sin na malapit na magkulay lila ang mukha ni Little Fire ay madali niyang tinigil ang pagyakap dito na dahilan kung bakit nakawala si Little Fire at nagmadaling lumipad patungo kay Igriv.

"Igriv! Ipaghiganti mo ako sa ginawa niya!" Umiiyak na sabi ni Little Fire.

"Sorry, Little Fire. Natuwa lang talaga ako sa'yo kasi ang cute mo sobra, payakap nga ako ulit," pagbibiro ni Sin kay Little Fire.

"Igriv! Itago mo ako! Thunder, tulungan mo ako!"

Mas lalong nagtago si Little Thunder sa likod ng Igriv nang manghingi ng tulong sa kaniya si Little Fire.

"Sin, huwag mo na takutin si Little Fire. Tignan mo si Little Thunder, natatakot na rin sa'yo," sambit ni Igriv na medyo natatakot na rin kay Sin.

Biglang natakot din si Igriv kay Sin nang makita nito ang ginawa niya kay Little Fire. Naisip niya na kung siya ang nasa kalagayan ni Little Fire ay mamamatay na siya agad sa pagkat hindi siya makakahinga ng matagal kasi napakalaki ng hinaharap ni Sin.

Mahinang tumawa si Sin, "Okay. Nagbibiro lang ako, Little Fire."

Nakahinga ng maluwag si Little Fire at gayon din si Igriv at Little Thunder sa sinabi ni sinabi ni Sin.

"Igriv puwede ba akong sumama sa inyo nila Little Thunder at Little Fire sa paggawa ng misyon? Puwede ba tayo maging team?" Tanong ni Sin.

Lumayo ng unti sila Igriv at ang mga alaga niya kay Sin. Bumilog sila at nagsimulang mag-usap.

"Igriv, isasama ba natin siya sa atin?" Tanong ni Little Thunder?

"Igriv, huwag kang pumayag. Paano kapag kayo naman ni Thunder ang niyakap niya? Paniguradong mamamatay ka, Igriv. Hindi ka katulad namin ni Thunder na mythical creature. Kaya naming hindi huminga ng matagal sa pagkat malakas ang baga namin," sambit ni Little Fire.

Namutla ang mukha nila Igriv at Little Thunder nang marinig nila ang sinabi ni Little Fire.

"May point si Fire, Igriv. Huwag nalang natin siya isama. Kita mo naman na ang laki ng hinaharap niya. Wala pa sa 20% ang survival rate mo kapag niyakap ka niya ng katulad kay Fire," pangkukumbinsi ni Little Thunder kay Igriv na huwag ng isama si Sin sa grupo nila.

"Tama si Thunder, Igriv. Sa tingin ko nga, kahit malakas ang baga namin ay wala pa sa 50% ang survival rate namin pag niyakap kami ni Sin. Yung yakap na ginawa niya sa'kin kanina. Igriv, muntik na ako mamatay kanina!"

Lalong namutla ang mukha ni Igriv dahil sa pinagsasabi nila Little Thunder at Little Fire.

Namula naman ang pisngi ni Sin dahil sa galit nang marinig niya ang paninira ni Little Thunder at Little Fire sa kaniya.

Masamang tinignan ni Sin sila Igriv, "Naririnig ko kayo!"

Biglang tumayo ang mga balahibo nila Igriv nang marinig nila ang sigaw ni Sin. Nang tignan nila si Sin ay napaatras sila, masama itong nakatingin sa kanila at para bang may masamang aura ang bumabalot sa kaniya.

"S-Sin, huwag mo akong y-yakapin. G-Gusto ko pang matupad ang pangarap ko na maging pinakamalakas na wizard sa buong Jetian," utal na sambit ni Igriv.

"A-Ako rin S-Sin. H-Huwag mo akong yakapin. Gusto ko pang matikman ang lahat ng masasarap na pagkain sa Jetian," utal na sambit ni Little Fire.

"A-Ako rin. H-Huwag mo akong yakapin. Gusto ko pang mabuhay. Virgin pa ako. Gusto ko pang magkaroon ng anak," utal din na sambit ni Little Thunder.

Mas lalong sumama ang tingin ni Sin kanila Igriv. Mas lalo rin na lumaki ang itim na aura na bumabalot kay Sin.

"Igriv, diba Light Wizard si Sin? Bakit parang Dark Wizard siya? Ang laki ng dark aura sa paligid niya," sambit ni Little Fire.

"Tama ka, Fire. Nagsinungaling siya sa atin Igriv. Sabi niya Light Wizard siya. Ang totoo pala ay Dark Wizard siya. Huwag na natin siyang isali sa grupo natin," sambit pa ni Little Thunder.

Tumango-tango naman si Igriv bilang pagsang-ayon sa sinambit nila Little Thunder.

Hindi na napigilan ni Sin ang kaniyang sarili, mabilis niyang sinugod sila Igriv at malakas niya itong pinagbabatukan na dahilan nang pagkakaroon ng bukol ng tatlo.

"Igriv, bagay nga talaga si Sin sa Azraeth. Basagulera siya," sambit ni Little Fire.

"Hindi ako Dark Wizard! Hindi ko rin kayo papatayin sa yakap! Hindi ko naman kasalanan na binigyan ako ng Diyos ng malaking boobs," pagalit na sambit ni Sin.

"We? Hindi ka Dark Wizard? Pakita mo nga samin ang kapangyarihan mo," panghahamon ni Little Thunder kay Sin.

Tinapat ni Sin ang kaniyang kamay kay Little Thunder, umilaw ang kamay niya pagkabigkas niya ng spell.

"Light Bulb!" Sigaw ni Sin

Nagkaroon ng kulay puting light bulb sa taas ng ulo nila Igriv.

Kumunot ang noo ni Igriv, "Ehh? Anong silbi niyan? Iilawan mo ang kalaban mo?"

Lumabas ang ugat sa gilid ng noo ni Sin dahil sa tanong ni Igriv, "Ano ba yung kapangyarihan ko?"

"Light sabi mo. Pero sabi nila Little Fire, Dark daw."

"Naniwala ka naman! Ano naman itong spell na ginawa ko?"

"Light Bulb."

"Ano yung Light Bulb?"

"Light."

"Ngayon naniniwala ka ng Light Wizard ako?"

Tumango si Igriv, "Pero wala namang kuwenta ang kapangyarihan mo. Hindi mo matatalo ang kalaban mo kapag inilawan mo lang sila."

Ngumisi si Sin. Itinaas niya ang kanang kamay niya at ibinaba niya ito. Kasabay nang pagbaba niya ng kanang kamay niya ay ang pagbagsak ng light bulb sa ulo nila Igriv na dahilan kung bakit nadagdagan ng isa ang bukol sa kanilang ulo.

"Aray!" Sigaw nila Igriv.

"Ano? Walang kuwenta?" Tanong ni Sin.

"Hindi sa pang atake ako magaling. Limited lang ang alam kong attack spell. Sa pagpapagaling malakas ang kapangyarihan ko. Isa akong healer," pagpapaliwanag ni Sin.

"Ayan ang dahilan kung bakit gusto kitang maging ka-team. Magaling kayo sa pag-atake ng mga alaga mo pero wala sa inyo ang may kakayahan na magpagaling. Samantalang ako naman ay magaling sa pagpapagaling pero hindi ako magaling sa pag-atake," dagdag pa ni Sin.

"May point siya, Igriv," sambit ni Little Thunder habang hinihimas ang dalawang bukol niya.

"Tama siya, Igriv. Kapag sugatan na tayo ay hindi na natin natatapos yung misyon natin kasi kailangan pa natin umuwi sa Guild Hall para magpagaling," dagdag pa ni Little Fire.

Ngumiti si Igriv, "Nakapagdesisyon na ako. Simula ngayon ay ka-team na kita, Sin."