Chereads / Azraeth / Chapter 4 - CHAPTER 3: Phoenix Azraeth

Chapter 4 - CHAPTER 3: Phoenix Azraeth

CHAPTER 3: Phoenix Azraeth

Sumali na rin sa away ang iba pang miyembro ng Azraeth Guild kaya lalong gumulo sa loob ng Guild Hall ng Azeaeth.

Napatulala na lamang si Sin sa kaniyang nasaksihan. Napakagulo sa loob ng Azraeth Guild Hall. May nag-aaway, may nag-iinuman ng alak, may gumagamit ng mahika at may nagpipinta sa nangyayari sa loob ng Guild Hall.

"Little Fire, okay lang ba sila?" Tanong ni Sin.

Ngumiti si Little Fire, "Normal lang sa kanila ito, Sin."

"Ang hindi normal ay ang hindi magkagulo sa loob ng Guild Hall," sabat naman ni Little Thunder.

"Sa wakas nakita ko rin kayo! Maglaban din tayo!" Sigaw ng isang wind dragon na naka-pet mode.

"Kanina pa rin kita hinahanap, Windchester!" Sigaw ni Little Fire.

Si Windchester ay isang Wind Dragon ay siya'y alaga ni Elioth.

"Wind Roar!"

Sigaw ni Windchester. Binugahan niya ng malakas na hangin sila Little Fire kaya tumalsik ang mga ito. Tatalsik din dapat si Sin ngunit mabilis siyang nakapag cast ng barrier para protektahan ang kaniyang sarili.

Nakahinga ng maluwag si Sin, "Muntik na ako roon. Buti nalang mabilis akong nakapag-cast ng barrier."

"Hi! Ako nga pala si Kaia. Bago ka bang member ng Azraeth?"

Siya si Kaia Blood. Isa siyang Vampire at siya'y Blood Wizard. Dahil siya'y bampira, mas malakas siya pag gabi at may kakayahan siyang gawing paniki ang sarili niya. 5'6 ang height niya, cup C siya, itim ang kulay ng buhok niya, napakaputi niya at ang labi niya ay tila ba walang buhay ang kulay. Isa rin siyang maharot na nilalang. Di lang halata dahil sa itsura niyang inosente.

Napatingin si Sin sa gilid niya nang may marinig siyang nagsalita rito. Bigla siyang natigilan nang makita niya yung nagsalita. Nakasuot si Kaia ng itim na bistida na lalong nagpatingkad sa malaniyebe niyang balat.

"Ang puti mo naman sobra. Anong gamit mong sabon?" Tanong ni Sin.

Napatawa na lamang si Kaia sa tanong ni Sin, "Vampire ako, kaya ganito ang kulay ng balat ko."

"Bagong miyembro ka ba ng Azraeth?"

Umiling si Sin at ngumiti, "Hindi pa. Hindi pa ako nakakasali sa Azraeth Guild. Hinihintay ko pang dumating Ang master ng Azraeth."

"Malapit na siyang dumating. Malapit na rin tumigil ang gulo rit–" napatigil sa pagsasalita si Kaia ng tamaan siya ng bote ng alak sa ulo na dahilan ng pagtumba niya sa lapag.

Nang tignan ni Sin si Kaia ay nakita niyang may bukol ito sa ulo at para bang ito'y nahihilo.

Agad na tinulungan ni Sin si Kaia, "Ayos ka lang ba?"

"Ayos lang ako. Sanay na ako."

Ngumiti si Kaia, "Teka lang ha. Pupuntahan ko lang yung nangbato sa'kin."

Tumayo si Kaia at mabilis niyang sinugod ang babaeng umiinom ng alak.

"Kung saan-saan mo hinahagis ang bote ng alak mo, Erinn! Natamaan mo na naman ako!"

Malakas na sinuntok ni Kaia si Erinn kaya nabitawan nito ang hawak nitong bote ng alak.

"Ako na naman ang sinisi mo, Kaia!" Sigaw ni Erinn.

Siya si Erinn Ezquilla. Isa siyang Demon Summoner. Mahilig siyang uminom ng alak kaya tropa niya ang lahat ng lasinggero sa guild ng Azraeth. 5'6 ang height niya, itim ang kulay ng buhok niya at medyo maputi siya. Maharot din siyang nilalang.

Sinuntok din ni Erinn si Kaia at gumanti rin agad si Kaia sa kaniya.

Napangiti si Khian ng matapos na nilang maayos ang pintong nasira kanina.

"Sa wakas. Natapos din," sambit ni Khian habang pinupunasan ang pawis niya sa noo.

Biglang lumaki ang ugat sa noo ni Khian kaya ito'y kitang kita na, nang makita niyang nasira na naman ang pintong kaninang inayos nila.

Tumalsik sa pinto si Elioth sa pinto kaya ito'y nasira na naman.

Masamang tinignan ni Khian si Elioth, "Hindi ako ang may kasalanan, Khian! Si Red! Siya ang may kasalanan! Sinipa niya ako papunta rito!" Sambit ni Elioth habang tinuturo si Red na masamang nakatingin sa kaniya.

"Dapat lang sa'yo 'yan. Nananahimik ako, pero dinamay mo ako," sambit ni Red.

Siya si Red Blood. Siya ay kapatid ni Kaia. Isa siyang swordswoman, ang espada niya ay isa sa Top 10 Divine Magical Weapon of Jetian. Ang pangalan ng espada niya ay Blood Sword. Bampira lamang ang puwedeng gumamit nito, may kakayahan itong mag-absorb ng dugo ng kalaban. Puwede ito mag-evolve kapag maraming dugo na ang na-absorb nito. Matangkad siya at kulay orange ang buhok niya. Palagi siyang nakasuot ng kimono at sa kasamaang palad, hindi biniyayaan ng diyos ng malaking hinaharap, cup A lamang siya.

Dahil sa inis ni Khian ay pumunta siya mga nag-aaway at sumali rito. Dito niya binuntong ang kaniyang galit.

Ngumisi si Axel kay Ysa, "Ysa? Kaya pa?"

Siya si Axel Blaze. Siya ay isang Fire Wizard. Tahimik lamang siya't malimit magsalita at siya ay palaging nakahubad, ang dahilan niya ay mainit daw. Matangkad siya at kulay pula ang buhok niya. Mahilig lang siyang mang-asar. Hindi lang halata sa pagkat, tahimik siya.

Ngumiti si Ysa, "Kayang-kaya pa!"

Mabilis na sinuntok ni Ysa sa tiyan si Axel kaya ito'y napaatras.

Siya si Ysaiah Frost. Siya ay isang Ice Wizard at mahilig siyang magsuot ng jacket at balabal. Katamtaman lamang ang height niya, maputi ang balat niya't makinis at kulay asul ang kaniyang buhok. Gaya ni Axel, tahimik lamang siya.

"Serena, ibalot mo tayong dalawa ng water barrier mo, para hindi tayo madamay sa away nila," sambit ni Clifford habang yakap niya ang alaga niyang pusa na si Katkat.

Siya si Clifford Malvoid. Siya ay isang Beast Summoner. Siya ang pinakabata na miyembro ng Azraeth Guild. Maliit lamang siya at kulay dilaw ang kaniyang buhok. Masiyahin siya at palakaibigan. May alaga siyang ordinaryong pusa na kulay itim, ang ngalan nito'y Katkat.

"Sige, Cliff," sambit ni Serena at  nag-cast siya ng water barrier.

Siya si Serena Oceana. Siya ay isang kalahating serena at kalahating tao. May kakayahan siyang manghipnotismo, gamit ang kaniyang boses. Siya ay Water Wizard. Kasingtangkad niya lamang si Clifford at kulay asul ang kaniyang buhok. Siya ang pangalawa sa pinakabatang miyembro ng Azraeth. May alaga siyang ordinaryong isda, ang ngalan nito ay Fishy. Palagi niya itong dala, dahil ito'y regalo sa kaniya ng kaniyang taong ina. Nakalagay ito sa aquarium na may tali't gulong.

Biglang nagulat si Sin nang may biglang kumapit sa kaniyang dalawang malaking bundok.

"Hmm, malaki siya. Pero mas malaki pa rin sa'kin," sambit ni Tiara habang pinipisilpisil ang ang dalawang malaking bundok ni Sin.

"T-Tiara? Tiara Coleman?" Gulat na sambit ni Sin nang makilala niya ang pumipisil sa dalawa niyang bundok.

"Paano mo ako nakilala?" Tanong ni Tiara.

Siya si Tiara Coleman. May dugo siya ng Demon at Angel. Ang mga magulang niya ay Half Demon, Half Human at Half Angel, Half Human. Siya ang pinakamaganda sa Azraeth Guild, sabi niya. Matangkad siya at itim ang buhok niya. Ang balat niya ay maputi at makinis. Sa likod ng mala-anghel niyang mukha ay ang mala-demonyo niyang ugali, lalo na't pag siya'y nagalit.

"Kalat na kalat kaya sa bayan ng Alfegrio na ikaw ang pinakamaganda sa Azraeth Guild at gayon na rin sa buong bayan ng Alfegrio," sambit ni Sin.

Inirap ni Tiara ang kaniyang mga mata, "Maganda nga ako, wala naman akong kasintahan. Hindi tulad ng dalawang babaeng 'yan," sambit ni Tiara habang tinuturo si Zephyr at Beatrice.

Kasalukuyang nakikipagharutan si Zephyr at Beatrice sa kanilang kasintahan. Hindi nila alintana ang nangyayaring kaguluha sa paligid nila.

Siya si Zephyr Morgan. Siya ay isang Mechanical Wizard. Matalino siya at hilig niyang mag-imbento ng makabagong gamit. Katamtaman lamang ang tangkad niya at kulay pink ang kulay ng buhok niya. May kasintahan siya at ngalan nito ay Hawks.

Siya naman si Beatrice Gleanard. Siya ay isang Elf. Archer at Wind Wizard siya. Gamit ang kapangyarihan niyang hangin, mas napapabilis niya ang kaniyang palaso. Katamtaman lamang din ang tangkad niya at kulay berde ang kaniyang buhok. Mayroon siyang dalawang tenga na mahaba na mas nagpa-attractive sa kaniya. Gifted din siya, Cup C siya. May kasintahan siya, ang ngalan nito ay Lorenz.

"Nakakainggit sila," sambit pa ni Tiara.

"Tapusin na natin ito, Seven!" Sigaw ni Igriv at pinosisyon niya ang kaniyang kamay para umatake. Nagkaroon ng kuryente ang kaliwang kamay niya at ang kanan naman ay nagkaroon ng pulang apoy.

"Akala mo hindi kita lalabanan? Dark Flame!" Sigaw ni Seven. Nagkaroon din ng apoy ang kaniyang kamay, ngunit kulay itim ang kaniya.

"Wind Claw!" Sigaw ni Elioth.

"Bloody Punch!" Sigaw ni Kaia.

"Sa ngalan ng Diyos ng mga patay, tinatawag ko kayo para lumaban para sa'kin, Battle Zombies!" Sigaw ni Khian. Biglang nagkaroon ng mga Battle Zombie sa paligid ni Khian.

Pati ang iba pang miyembro ng Azraeth ay hinanda na nila ang kanilang kapangyarihan.

"Titigil kayo o titigil kayo?!"

Napatigil ang lahat ng miyembro ng Azraeth at napatingin sila sa sirang pinto ng Guild Hall nila.

"Sino siya, Tiara?" Tanong ni Sin.

Ngumiti si Tiara, "Siya si Phoenix Azraeth. Ang Guild Master ng Azraeth."

Siya si Phoenix Azraeth. Siya ang kasalukuyan at pang pitong Guild Master ng Azraeth. May dugo siya ng Dark Phoenix at Giant. Kaya niyang palakihin ang ano mang parte ng katawan niya. Napakatangkad niya at itim ang buhok niya. Hindi na maitatanggi na gwapo si Phoenix.

"Ang pogi naman niya. Anong kapangyarihan niya?" Tanong ni Sin.

"Dark Flame, katulad ng kay Seven. Kaya niya rin pahabain ang ano mang parte ng katawan niya."

Biglang namula ang pisngi ni Sin dahil sa kaniyanh naisip.

"Tiara pati yung ano niya, kaya niyang pahabain?"

Kumunot ang noo ni Tiara, "Anong ano?"

Mas lalong pumula ang pisngi ni Sin, "Basta alam mo ba 'yon. Y-Yung ano niya..."

"Ano ngang ano?!"

Lumapit si Sin kay Tiara at binulong niya rito ang kaniyang hindi masabi na ano ni Pboenix.

Biglang namula ang pisngi ni Tiara at napatawa ito ng mahina, "Alam mo ba? Matagal ko na rin 'yang iniisip, e. Pero sa tingin ko naman, kaya niya 'yon."

"Kaya naman kaya ng babae yung ano niya, pag pinahaba niya ito?" Tanong ni Sin.

"Hindi ko alam, e. Wala akong alam sa mga ganiyan. Virgin pa ako," sambit ni Tiara.

"Same here, Tiara."

Hindi alam ni Tiara at Sin na nakatingin si Phoenix na namunula ang pisngi sa direksyon nila. Likas na sa mga Phoenixian tulad ni Phoenix ang pagkakaroon ng malakas na pandinig. Dinig na dinig niya ang pinag-uusapan nila Sin.

"Ehem!" Pag-aagaw pansin ni Phoenix sa lahat.

"Ilang beses ko ba sa inyong sasabihin na huwag kayo mag-away. Huwag kayong mag-away sa loob ng Guild Hall! Doon kayo sa labas mag-away! Huwag dito!" Sigaw ni Phoenix.

"Tara, Seven. Doon natin sa labas ituloy ang away natin," saad ni Igriv.

"Sige," pagsangayon ni Seven.

Lalabas na dapat sila ngunit napatigil sila dahil muntik na silang tamaan na binatong Dark Flame ni Phoenix. Tumama ang Dark Flame niya sa Pader ng Guild Hall na gawa sa kahoy kaya nabutas ito.

"Huwag muna kayo umalis. May sasabihin ako," sambit ni Phoenix.

Pumunta si Phoenix sa direksyon nila Sin, "Balita ko ay may bagong sasali sa Azraeth?"

"A-Ako po 'yong bagong sasali," utal na sagot ni Sin.

"Okay, tanggap ka na. Pumunta ka nalang kay Hae, para malagyan ka nt seal," sambit ni Phoenix. Pumunta siya sa gitna ng Guild.

"Yon na 'yon? Wala man lang interview? Kasali na ako agad?" Tanong ni Sin sa kaniyang isipan.

"Sa susunod na mag-away pa kayo sa loob ng Guild Hall ay may multa na kayo! Babayaran niyo ang lahat ng masisira niyong gamit sa loob ng Guild Hall! Maliwanag ba?!"

"Oo!" Sagot ng mga miyembro ng Azraeth.

"Ikaw ba ang sasali sa Azraeth?"

Napatingin si Sin sa gilid niya. May nakita siyang babaeng nakangiti sa kaniya, kulay asul ang buhok nito.

"A-Ako nga 'yon."

"Ako nga pala si Hae. Saan mo gustong ilagay ko ang seal mo?" Tanong ni Hae.

Siya si Hae Ethedral. Siya ay isang Water Wizard. Palakaibigan siya, kaibigan niya ang lahat ng miyembro ng Azraeth Guild. Katamtaman lamang ang tangkad niya, ngunit ang kaniyang dalawang bundok ay hindi katamtaman at siya ay power Cup D. Mahaba ang kaniyang buhok, abot ito hanggang sa bewang niya.

"Gusto ko rito," sambit ni Sin habang tinuturo niya ang taas ng kanang dibdib niya.

"Anong kulay ng seal ang gusto mo?"

"Dilaw."

Nang malagay ni Hae ang seal kay Sin ay labis na natuwa si Sin.

"Sa wakas. Miyembro na rin ako ng Azraeth Guild."