CHAPTER 2: Azraeth Guild
"Ako nga pala si Igriv Crayser ng Azraeth Guild," sambit ni Igriv habang tinuturo niya ang simbolo ng guild nila na isang phoenix at isang dragon na nagsama sa taas ng kanang dibdib niya.
"M-Miyembro ka ng Azraeth Guild?"
Biglang natauhan at na-disappoint si Sin ng malaman niya ang dahilan kung bakit naghubad ng damit si Igriv.
"Sayang. Akala ko pa naman may mangyayari na," sambit ni Sin sa kaniyang isipan.
"Oo. Diba gusto mong pumunta sa guild hall namin para sumali sa Azraeth?" Tanong ni Igriv.
"Oo."
Nginitian siya ni Igriv, "Sabay na tayong pumunta sa Azraeth Hall," pang-aanyaya ni Igriv kay Sin.
"Sige!" Mabilis na pagpayag ni Sin.
Sinuot ulit ni Igriv ang damit niya at nagsimula na ulit silang maglakad. Habang sila'y naglalakad ay walang sawa na nagsasalita si Sin.
"Igriv ang cute naman ng mga ibon mo. Anong pangalan niya?"
Kumunot ang noo ni Igriv, "Ibon? Sinong ibon? Si Little Thunder ba?" Tanong Igriv habang tinuturo si Little Thunder.
"Ehh? Hindi ba sila ibong dalawa? Hindi ba ibon yung matabang lumilipad na 'yan?" Pagtatanong Sin habang tinuturo si Little Fire.
Lumipad papunta kay Igriv si Little Fire at niyakap niya ito, "Igriv! Ang sama ng babaeng 'yan! Hindi naman ako mataba at ibon!"
"Igriv hindi naman ako basta ibon lang! Isa akong Thunder Phoenix!" Galit na sambit ni Little Thunder habang nagsisimula na itong mag battle mode.
Nang lumaki na si Little Thunder ay nanlaki ang mga mata ni Sin at napaatras siya.
"P-Phoenix..."
Napakamot si Igriv sa batok niya at pilit siyang ngumiti, "Hindi lang basta ibon si Little Thunder. Isa siyang Thunder Phoenix," tinignan ni Igriv si Little Thunder, "Little Thunder, bumalik ka sa pet mode!"
Tumango si Little Thunder at sinunod niya ang sinabi ni Igriv. Kapag naka-pet mode si Little Thunder ay hindi mahahalatang isa siyang phoenix, para lamang siyang normal na napakagandang dilaw na ibon.
"Si Little Fire ay hindi ibon. Isa siyang Fire Dragon."
Tinuro ni Sin si Little Fire na nakayakap kay Igriv, "Dragon yung cute na mataba na 'yan? Masiyado siyang cute para maging dragon. Seryoso ka ba, Igriv? Hindi ka ba nagbibiro?"
"Dragon ako babae!" Sigaw ni Little Fire.
"Dragon talaga siya. Naka-pet mode lang siya kaya hindi siya mukhang dragon na nakakatakot."
Napatango na lamang si Sin sa sinabi ni Igriv. Nagtaka si Sin kung bakit may dragon at phoenix si Igriv, napaka-rare ng dragon sa Jetian, lalo na sa bansang Fersolia.
"Saan mo sila nakuha, Igriv?"
Ngumitis si Igriv, "Bata pa lamang ako ay kasama ko na sila. Kasabay ko na silang lumaki. Bigay sila sa akin ni Lolo Age."
"Sana may Lolo Age rin ako. Para magkaroon ako ng alagang dragon at phoenix," sambit ni Sin, habang tinititigan niya si Little Fire at Little Thunder.
Biglang namutla ang pisngi ni Igriv nang maalala niya ang malagim na nangyari sa kaniya sa kamay ng Lolo Age niya.
"H-Huwag mo na panalangin na magkaroon ka ng Lolo Age," utal na saad ni Igriv.
"Tama si Igriv, Sin. Huwag mo na panalangin 'yan," dagdag pa ni Little Thunder.
Tumango naman si Little Fire bilang pagsangayon kay Igriv at Little Thunder.
"Bakit?"
"Basta! Huwag mo na alamin. Tara na, magsimula na ulit tayong maglakad. Malapit na tayo makalabas sa Wild Forest."
Kinapitan ni Igriv ang kamay ni Sin at mabilis siyang tumakbo. Mabilis naman na lumipad sila Little Fire para makasunod sila kay Igriv.
Nang makita ni Sin ang bukana ng gubat ay para bang bumalik ang lakas na ng nanghihina niyang katawan dahil sa pagod kakatakbo.
Mabilis siyang tumakbo sa bukana ng gubat. Nang makalabas na siya sa gubat ay nagtatalon siya dahil sa saya.
"Nakalabas na rin ako sa gubat! Makakaligo na rin ako!"
Dahil sa ginawa ni Sin ay pinagtinginan siya ng mga tao. Yung mga tingin pa ng mga ito ay para bang hinuhusgahan siya.
"Ang ganda nga. May sakit naman sa pag-iisip."
"Baliw ba siya?"
"Sayang yung ganda niya."
Sabi ng mga nakakita kay Sin. Lumayo ng kunti si Igriv kay Sin.
"Hindi ko siya kilala," sambit ni Igriv sa mga taong tumitingin sa kaniya.
Sinamaan ng tingin ni Sin si Igriv at mabilis na dumapo ang malabakal niyang kamay dahil sa tigas sa braso ni Igriv.
"Napakasama mo talaga! Hmp! Pumunta na nga lang tayo sa guild hall niyo."
"Okay. Sabi mo, e."
"Little Fire, buhatin mo si Sin. Lumipad tayo papunta sa Guild Hall. Ikaw naman Little Thunder, ako ang buhatin mo."
Tumango ang dalawa at mabilis silang pumunta sa likod nila Igriv at Sin. Nang makapitan nila sila Igriv ng maayos ay nagsimula na silang lumipad.
"Igriv dapat kanina pa natin ito ginawa."
Tumingin si Igriv kay Sin, "Yung alin?"
"Yung lumipad. Magpabuhat sa kanila."
Nginitian ni Igriv si Sin, "Bonak ka talaga. Maraming Flying Beast sa Wild Forest at kalimitan sa kanila ay libo-libo sa isang grupo. Ayaw ko magsayang ng lakas sa kanila."
"Ang bigat mo naman, Sin. Siguro 'yang dalawang malaki sa dibdib mo ang nagpapabigat sa'yo," sambit ni Little Fire.
"Tumahimik ka Little Fire. Magaan lang ako. Hindi ko kasalan kung binigyan ako ng diyos ng malaking dede. Gifted lang talaga ako," proud na sambit ni Sin habang nakatingin sa dalawa niyang malaking bundok.
Tinitigan ni Igriv ang dede ni Sin kaya namula ang pisngi nito, "Hmm. Malaki nga ang dede mo. Mukhang cup C ka, Pero mas malaki pa rin yung dede ni Tiara kaysa sa'yo, malapit na siyang mag cup D."
"Tiara? As in Tiara Coleman? Yung Half Angel and Half Devil ng Azraeth?" Tanong ni Sin.
"Oo."
"Cup C lang din siya dati ha! Bakit ang mabilis lumaki ng dede niya? Kailangan ko malaman ang sikreto niya!" Sambit ni Sin sa kaniyang isipan.
"Nandito na tayo."
Bumalik sa reyalidad si Sin nang marinig niya ang sinabi ni Igriv.
"Wow."
Namangha si Sin nang makita niya ang Azraeth Guild Hall at ang paligid nito. Gawa lamang sa kahoy ang guild hall at ang pinto nito ay sira kaya may nag-aayos dito.
Ang paligid ng Azraeth Guild Hall ay ang nagpamangha kay Sin. Sa tapat ng Azraeth Guild Hall ay may lawa na konektado sa dagat. Ang kalahati ng lawa ay nagyeyelo at may mga niyebe ito, ang kalahati naman ay hindi nagyeyelo. Sa gilid ng Azraeth Guild at may matataas na puno na may maliit na bahay malapit sa tuktok ng puno.
Ibinaba nila Little Thunder sila Igriv sa lupa, "Halika na Sin. Sumunod ka sa'kin. Ipapakilala kita kay Master."
Naglakad si Igriv papasok sa Azraeth Guild Hall at sumunod naman sa kaniya si Sin. Nang makarating sila sa malaking pinto ng Guild Hall na sira ang kaliwang bahagi ay biglang sumigaw si Igriv.
"Sino ang sumira na naman sa pinto ng Guild Hall, Khian?!"
Kasalukuyang inaayos ni Khian at pati ng dalawa niya pang kasama ang pinto ng Guild Hall.
"Nag-away na naman sila, Seven, Elioth at Gavin. Igriv. Nang suntukin ni Seven si Elioth ay tumalsik siya sa pintuan, kaya nasira ito," sagot ni Khian.
Siya si Khian Arcdeath. Siya ay isang Necromancer, may kakayahan siyang mag-summon ng mga patay. Siya ay miyembro ng Azraeth Guild. Tahimik lamang siya pero ang totoo ay maharot siya. Matangkad siya, maputi ang balat niya at itim ang kulay ng buhok niya at gwapo siya. Hindi gaano kalaki ang katawan niya pero hindi mo masasabing siya ay mapayat.
"Ang mga hayok sa away talaga na mga 'yon! Bakit hindi nila ako hinintay para makasali ako sa away nila!" Sambit ni Igriv.
"Nasaan sila, Khian?"
"Nasa loob. Umiinom ng alak."
Hindi na pinansin ni Igriv si Khian, pumasok na siya sa Guild Hall, para hanapin sila Seven. Sumunod naman sa kaniya si Sin.
Nang makita ni Igriv sila Seven ay agad niya itong sinugod, "Damahin mo 'to! Hahaha!"
Malakas na sinuntok ni Igriv si Seven ngunit mabalis na bumawi si Seven. Sinapak niya si Igriv na dahilan nang pagtalsik niya kay Elioth.
"Mali ang kinalaban mo, Igriv hahaha!" Malakas na tawa ni Seven.
Siya si Seven Azraeth. Siya ay anak ng kasulukuyang Guild Master ng Azraeth. Isa siyang phoenixian. May dugo siya ng Dark Phoenix. Isa siyang maharot na nilalang. Matangkad siya, itim ang kulay ng buhok niya, maputi siya at tama lamang ang laki ng katawan niya. Maraming nahuhulog ang loob sa kaniya dahil sa kaharutan niya at sa itsura niya. Galit siya sa mga corny na jokes. Galit siya kay Elioth.
Napatigil si Seven sa pagtawa nang sapakin siya ni Gavin, "Hahaha! Sali ako sa inyo," masayang sambit ni Gavin.
Siya si Gavin Wolfmoon. Isa siyang Wolfian. May dugo siya ng Moon Destroyer Wolf. Hindi siya nagpapahuli sa away. Matangkad siya, gray ang kulay ng buhok niya at medyo maputi ang kaniyang balat. Pogi siya at magaling kumanta kaya madami rin na nahuhulog ang loob na babae sa kaniya. Isa rin siyang maharot na nilalang.
Sinuntok ni Elioth si Igriv ngunit mabalis na kumilos si Igriv kaya siya nakaiwas.
"Kailangan mo pang mag practice Elioth! Hahaha!"
Napatigil din sa pagtawa si Igriv nang may sumipa sa likod niya.
"Kailingan mo rin pa magpractice, Igriv! Hahaha!" Sambit ni Meraki habang naposisyon na tila ba'y makikipaglaban.
Siya si Meraki Takashi. Siya ay isang Monster Transformation Wizard. Kaya niyang mag-trasnform into a monster. Ayon sa kaniya, kapag nasa monster form siya ay napakaganda pa rin niya. Katamtaman lamang ang tangkad niya, maputi't makinis ang balat niya. Singkit ang kaniyang mga mata, sky blue ang kulay ng buhok niya at isa rin siyang maharot na nilalang.
Ngumisi si Elioth sa kanila at palihim itong nag-cast ng wind spell.
"Wind Blast!"
Siya sibElioth Windchaser. Siya ay isang Draconian. May dugo siya ng Wind Dragon at siya rin ay isang mais na Draconian. Matangkad siya, hindi siya gaano kaputi, puti ang kulay ng buhok niya at pogi siya. Maraming galit sa kaniya dahil sa corny na joke niya.
Nagtalsikan sila Igriv dahil sa Wind Blast ni Elioth. Nadamay din ang mga member ng Azraeth na hindi naman kasama sa away.
"Putangina ka talaga! Elioth! Bakit pati ako dinamay mo?!" Malakas na sigaw ni Audria
Siya si Audria Cayne. Siya ay isang Nature Wizard, mainitin ang kaniyang ulo at katamtaman lamang ang tangkad niya. Hindi siya biniyaan ng diyos ng malaking hinaharap. Cup A lamang siya.
Nag-cast si Audria ng nature spell at tinutok niya ito kay Elioth.
"Leaves Blade!"
Sumali na rin sa away ang iba pang miyembro ng Azraeth Guild kaya lalong gumulo sa loob ng Guild Hall ng Azraeth.