Chereads / Azraeth / Chapter 2 - CHAPTER 1: Sindria Arclight

Chapter 2 - CHAPTER 1: Sindria Arclight

CHAPTER 1: Sindria Arclight

Abril 16, taong CS997, taong kasalukuyan. Naglalakad si Igriv kasama ang kaniyang alagang si Little Thunder at Little Fire na naka-pet mode sa Wild Forest. Si Little Thunder ay isang Thunder Phoenix at si Little Fire naman ay isang Fire Dragon.

Ang Thunder Phoenix At Fire Dragon ay isang rare mythical creature. Bibihira lamang makita ng Dragon o Phoenix sa Jetian. Umunti ang bilang ng Dragon at Phoenix dahil noong may digmaan dahil sa agawan ng teritoryo at kung sino ang mamumuno sa Jetian ay kasali sa digmaan na 'yon. Marami ang nasawi sa angkan nila sa naganap na digmaan.

Si Igriv ay isang fire and thunder wizard. Isa siyang Draphoenixian. May dugo siya ng fire dragon at thunder phoenix. Pula na may halong dilaw ang kulay ng kaniyang buhok at hindi siya gaano katangkad.

Nasa Wild Forest sila Igriv dahil may misyon siya rito. Ang kinuha niyang misyon sa mission board ng guild nila ay pumatay ng sampung Wind Wolf beast at kuhanin ang pangil nito. Ang reward ng misyon na kinuha niya ay 1000 gold coins.

Ang Wind Wolf ay wind elemental wolf at kalimitan ng Wind Wolf ay Tier 2 Beast lamang. Matatalas ang pangil mga nito at matibay. Mabilis itong gumalaw kaysa sa normal na wolf. Ang nagpapabilis sa kanila ay ang wind element nila.

Ang isang gold coin ay nagkakahalaga ng isang daang silvel coin. Samantalang, nagkakahala naman ng isang daang copper coin ang isang gold coin.

"Igriv, kanina pa ako lumilipad dito. Pero wala pa rin tayong makita na Wind Wolf. Nagugutom na ako," sambit ni Little Fire habang nakakapit sa tiyan niya.

Tinignan ni Igriv si Little fire at kinapitan niya ang tiyan na biglang kumulo, "Gutom na rin ako, Little Fire."

"Igriv, ako rin. Gutom na," dagdag pa ni Little Thunder.

"Kyaaaah!"

Napalingon sila Igriv sa direksyon na pinanggalingan ng sigaw.

Tinignan niya si Little Fire at little Thunder, "Puntahan natin yung sumigaw."

Mabilis na tumakbo si Igriv papunta sa direksyon ng sumigaw at mabilis namang lumipad si Little Fire at Little Thunder para makasunod kay Igriv.

Nang makarating sila sa pinanggalingan ng sigaw ay nagningning ang mga mata nila Igriv.

"Wind Wolf!" Sigaw ni Little Thunder.

"At higit sampu sila!" Dagdag pa ni Little Fire.

"Hahahaha! Sa wakas! Matatapos ko na ang misyon ko!" Mabilis na tumalon si Igriv papunta sa grupo ng Wind Wolf, "Fire dragon fist! Damahin mo 'to!" Malakas na sinuntok ni Igriv ang grupo ng Wind Wolf na dahilan ng pagtalsikan ng mga ito.

"Kyaaah! Bakit kasama ako sa sinuntok mo!"

Tumigil si Igriv at tinignan niya ang nagsalita. May nakita siyang babaeng nakadapa, puro gasgas ang katawan nito. Nakuha niya ang gasgas na ito hindi dahil sa mga Wind Wolf, kundi sa pagsuntok ni Igriv sa mga Wind Wolf. Nadamay siya kaya tumalsik siya at nagpagulong-gulong sa lupa.

"Thunder Kick!"

Nagkaroon ng kuryente ang mga paa ni Igriv. Mabilis siyang pumunta sa babaeng nadamay sa pagsuntok niya kanina sa mga Wind Wolf. Mabilis niyang sinipa ang taas ng ulo ng babae. Muntik nang mahagip na naman ang babae, buti na lamang ay nakayuko siya agad.

Masamang tinitigan ng babae si Igriv, "Papatayin mo ba ako!"

"Bonak. Mamamatay ka na dapat kung 'di ko pinatay ang Wind Wolf sa likod mo."

Tumingin ang babae sa likod niya. May nakita siyang Wind Wolf na wasak ang ulo. May kuryente pang makikita sa ulo nito.

Namula ang pisngi ng babae dahil sa hiya nang malaman niyang hindi intensyon ni Igriv na sipain ang ulo niya.

"S-Sorry. Pero dapat sinabi mo naman na may Wind Wolf sa likod ko. Para handa ako sa mga nangyayari, hmp!"

"Igriv! Tapos na kaming patayin ang mga Wind Wolf!" Sigaw ni Little Fire.

Ngumiti si Igriv, "Ganoon ba? Tara, kunin na natin yung mga pangil nila para matapos na natin yung misyon natin. Little Fire, lutuin natin yung mga Wind Wolf. Nagugutom na talaga ako."

Inipon nila Igriv ang mga Wind Wolf at binalatan niya ito, gamit ang kutsilyo niya na kinuha niya sa space ring niya at kinuha niya ang mga pangil nito.

Ang Space ring ay may kakayahang mag-imbak ng mga walang buhay, katulad ng gamit at patay na beast creature.

Inilabas din ni Igriv ang mga pampalasang sangkap niya at maingat niya itong inilagay sa iniihaw niyang Wind Wolf.

"S-Salamat nga pala sa pagligtas mo sa akin kanina," nahihiyang sambit ng babae kay Igriv.

Nilingon siya ni Igriv ng saglit at bumalik na ulit siya sa pag-iihaw, "Okay."

"Okay lang talaga sasabihin mo? Wala ng iba? Hindi mo ba tatanungin ang pangalan ko? Kung paano ako napunta rito?"

Kumunot ang noo ni Igriv, "Little Thunder, kailangan ko pa ba siyang tanungin?"

Iniling ni Little Thunder ang ulo niya at ipinagaspas niya ang mga pakpak niya, "Hindi na. Pakialam mo ba sa kaniya. Di mo naman siya kilala."

"Oo nga Igriv. Wag mo na siya pansinin. Bilisan mo nalang yung pag-iihaw niyan. Nagugutom na talaga ako!" Sambit ni Little Fire kay Igriv habang hinihimas ang tiyan niyang mataba.

"Okay." Saad ni Igriv.

Masamang tinignan ng babae si Igriv pati ang mga alaga niya, "Mga buwisit kayo! Hmp!"

"Ako nga pala si Sindria Arclight. Isa akong Light Wizard. Isang Healer."

Siya si Sindria Arclight, siya ay isang Light Wizard na nagmula sa mayamang angkan ng mga light wizard. Maputi at makinis ang kaniyang balat, katamtaman lamang ang tangkad niya, kulay itim ang buhok niya at  siya ay isang power cup c. Malaki ang future niya.

"Sin nalang ang itawag mo sa'kin. Nandito ako sa Wild Forest kasi naligaw ako. Tatlong araw na ako rito sa Wild Forest at di pa rin ako kumakain. Puwede bang penge ako ng inihaw na Wind Wolf mo?"

"Ayaw," mabilis na sambit ni Igriv.

"Ang damot mo! Ang dami-dami niyan. Mauubos niyo ba 'yan?!"

Ngumiti si Little Fire, "Oo naman! Kulang pa nga 'yan."

"Babayaran ko kayo! Bigyan niyo lang ako!" Sigaw ni Sin.

"Ayaw," mabilis na pagtanggi ni Igriv.

Masamang tinitigan ni Sin si Igriv, "Bibigyan kita ng 100 gold, basta bigyan mo lang ako ng pagkain!"

Nagningning ang mga mata nila Igriv, "Deal!" Sabay-sabay nilang sambit.

Nang matapos si Igriv sa pag-iihaw sa lahat ng Wind Wolf ay agad nila itong kinain.

Noong una ay napipilitan lamang kumain si Sin dahil sa gutom pero noong natikman na niya ang inihaw na Wind Wolf ay para bang naging isang mandirigma na rin siya kumain gaya nila Igriv.

Tama nga si Little Fire, kulang pa sa kanila ang mga Wind Wolf na inihaw.

"Wala na ba?" Tanong ni Sin.

Sinamaan siya ng tingin ni Igriv, "Wala na! Nabitin tuloy ako dahil ang lakas mong kumain! Dapat hindi lang 100 gold ang ibayad mo sa'kin."

Inirapan siya ni Sin at inabutan ng isang supot ng gold coin, "Ayan. 500 gold coin 'yan. Hmp!"

Sinamaan ng tingin ni Sin si Igriv nang bilangin pa ito ni Igriv para makapaniguradong 500 gold coin nga 'yon.

"Anong akala mo sa'kin? Manloloko?"

"Medyo."

Mabilis na tumama ang kamay ni Sin sa braso ni Igriv, "Tigilan mo ako!"

Sinamaan ni Igriv ng tingin si Sin, "Bakit ang lakas mo manghampas at ang bigat ng kamay mo? Bakal ba 'yang kamay mo?"

"Che!"

"Igriv tara na. Pumunta na tayo sa guild. Para makuha na natin ang bayad satin sa misyon na kinuha mo," sambit ni Little Thunder habang ipinapagaspas niya ang pakpak niya.

"Puwede ba akong sumama sa inyo papalabas sa gubat? Mahina kasi ako sa direksyon. Baka maligaw na naman ako," sambit ni Sin.

"Okay. Basta huwag ka lang pabigat ha. Sumunod ka lang sa amin."

Ngumiti si Sin, "Salamat!"

"Igriv, alam mo ba kung nasaan yung Azraeth Guild?"

"Azraeth Guild? Oo, bakit mo natanong?"

"Gusto ko kasing sumali sa Azraeth Guild."

Kumunot ang noo ni Igriv, "Bakit sa Azraeth mo gustong sumali? Hindi naman sikat yung Guild na 'yan at puro kaguluhan lang ang dala ng mga miyembro nila."

"Ang cool kaya nila! Saka ang ganda ng samahan nila. Parang pamilya na ang turing nila sa isa't isa. May nabalita na may miyembro ng Azraeth Guild na muntik na mamatay dahil bigla na lamang siya pinagtulungan ng isang Dark Guild. Kinabukasan, patay na lahat yung mga nangbugbog sa miyembro ng Azraeth. Gusto ko rin ng ganoon, yung ituturing ako na pamilya, hindi isang bagay."

Tumigil sa paglalakad si Igriv kaya tumigil din si Sin. Hinubad ni Igriv ang suot niya na damit kaya nakita ni Sin ang abs niya. Biglang napaatras si Sin at namula ang pisngi niya.

"A-Anong ginagawa mo?"

Gagahasain niya ba ako? Pero 'di pa ako ready. Pero pogi naman siya, may abs at malakas pa, pero hindi talaga puwede! Puwede talaga. Hindi ito puwede!

"Sin?"

Bumalik sa reyalidad si Sin nang tawagin siya ni Igriv.

"B-Bakit?"

"Ako nga pala si Igriv Crayser ng Azraeth Guild," sambit ni Igriv habang tinuturo niya ang simbolo ng guild nila na isang phoenix at isang dragon na nagsama sa taas ng kanang dibdib niya.