Chereads / Blazing desire (El deseo #1) / Chapter 1 - Chapter 01

Blazing desire (El deseo #1)

🇵🇭Mermaid_Closet_ph
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 4.2k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 01

Pinagmamasdan ko ang tanawin sa labas ng bus na sinasakyan. Maaliwalas ang langit, hindi mainit hindi rin naman makulimlim. Wala akong nakikitang malalaking building dito na katulad ng nasa syudad, ngayon ramdam ko ng nasa probinsya na nga ako at malayo na sa nakagisnang syudad na madaming tao at masaya.

Madaming naglalakihang puno sa paligid, dagat na malawak at bukirin. Hindi ko alam kong sasaya ba ako sa lugar na ito, but I'm not welcome in my mother's new family.

Wala na akong babalikan doon, wala na akong pamilya dahil pati mama ko ay inabanduna na ako na parang tuta sa daan.

Ganon yata ang buhay ng tao, minsan malas ka sa pamilya mo, minsan swerte. The world is not fair, ang mga anak ng bagong asawa ni mama ay nagkaroon ng bagong ina, samantalang ako nawalan.

Huminto na ang bus sa isang waiting shed, madaming bumaba kaya minabuti kong kunin na ang luggage ko at iba pang gamit bago bumaba.

"Apo!" maligayang bati ng aking Lola trinidad.

Ngumiti ako sa aking Lola at sa babaeng nasa tabi niya na sa tingin ko ay kaedad ko lang. Nakasout siya ng isang simpleng t-shirt at saya.

"Ito nga pala ang pinsan mong si Anna, Anna si Trinity."

"Hi." nginitian ko siya.

Gumanti lang siya ng mahiyaing ngiti bago kinuha ang luggage ko.

"Napagod ka ba sa byahe, halika at ng makakain ka." kinuha ni Lola ang iba kong gamit.

The place isn't bad, hindi dikit-dikit ang kabayahan pero hindi rin naman sobrang magkalayo. Pumasok kami sa isang bakal na gate at bumungad sakin ang bahay ni Lola na gawa sa kahoy.

Para iyong bahay sa sinaunang panahon, malaki at malawak ang bakuran na pinapaligiran ng kung ano-anong tanim at mga bulaklak. Natanaw ko din sa may gilid ng bahay ang isang malaking puno ng mangga na may bakal na swing sa ibaba.

"Pasok ka, apo." inalalayan ako ni Lola papasok.

"Salamat po." umupo ako sa bangko na kawayan na nandoon.

"Maghahanda ako ng meryenda. Anna, dalhin mo si Trinity sa magiging kwarto niya." pumasok si Lola sa isang pinto.

"Ihahatid kita sa kwarto mo, Trinity."

Tumango ako sabay kuha ng iba kong gamit at inakyat ang hagdanan kasunod ni Anna na siyang may dala ng bahage ko. Gawa din sa kahoy ang itaas, makintab na klase ng kahoy na sa tingin ko ay araw-araw nililinis.

May maliit na veranda na tanaw ang likurang bahagi ng bahay, dalawang kwarto ang nandon na magkatapat. Pumasok si Anna sa kaliwang kwarto kaya sa tingin ko doon ang kwarto ko.

"Bukas ka na mag ayos ng gamit, magpahinga ka muna." bahagyang ngumiti si Anna bago ako iniwan.

I checked my phone at isa-isang tiningnan ang mga mensahe, halos lahat yun ay galing sa mga kaibigan ko sa syudad. Walang galing sa mama ko, ni hindi niya ako makamusta kong ligtas ba akong dumating dito.

Pagkababa ko ay ay saktong nilapag ni Lola ang isang malaking plato ng banana cue sa mesa. Umupo ako sa tabi ni Anna.

"Ito, tikman mo. Kumakain kaba nito?" nilagyan ni Lola ng tatlong peraso ang plato na nasa harap ko.

"Opo." sagot ko at nagsimula ng lantakan ang saging.

Naupo na din si Lola at nagsimula ng kumain pati si Anna.

"Ilang tao ka pa lang ng huli kitang nakita, pero ngayon ang gandang-ganda mo na, lutang na lutang na ang pagiging half Spanish mo apo." nakangiting pinagmasdan ako ni Lola.

Ngumiti ako sa kanya, my father is a Spanish national at isang negosyante sa spain. Katulad ni mama ay may sarili ma din itong pamilya doon pero hindi parin naman nakakalimutan ang obligasyon niya sakin, every month ay malaking pera ang pinapadala niya sakin at once a week ay tinatawagan niya ako para kamustahin.

I got most of my features from my father. Natural na kulot ang kulay bronze kong buhok, mapula-pula ang maputi kong balat, matangos ang ilong at natural na pouty ang aking pulang labi.

"Hindi ko talaga mapigilang mainis diyan sa nanay mo, porke't may bago na siyang pamilya ay itatapon ka nalang niya." mahihimigan ng hinagpis sa boses ng kanyang Lola.

Mapait na ngumiti ako bago sumimsim ng tubig, ayoko sa topic na yun. Bumabagsak ang luha ko at ayaw kong makitaan ng kahinaan kahit sino.

"Lola, pwede ba ako ipasyal ni Anna sa dagat ngayon?"

Umaliwalas ang mukha ni Lola, "Oo naman apo, Anna pumasyal kayo ng pinsan mo at babalik muna ako sa tindahan sa bayan at magbubukas na ako."

"Opo, Lola."

Nagpalit ako ng baby blue na two-piece at sinapawan yun ng isang maluwang na silk dress. Dinala ko ang laptop ko na nasa lalagyan at ang DSLR ko, bumaba ako at naabutan si Anna na naka t-shirt parin at maluwang na shorts.

Namangha siya ng makita ang sout ko at bahagyang namula bago nag-iwas ng tingin. I guess she's not use to seeing revealing dresses like what I'm wearing.

"Tara na?" yaya ko sa kanya at naunang lumabas.

Naglakad kami sa isang maliit na daan, madaming punong niyog at iba pang halaman sa paligid. White sand na din yung nilalakaran namin at tanaw ko ang asul na dagat.

"Hindi ba to private property?" tanong ko kay Anna na nasa gilid ko.

"Ito, hindi. May mga resort din naman dito pero nasa malayo pa iyon." mahinhin nitong sagot.

Kinuha ko ang camera at nagsimula ng kumuha ng litrato, magagamit ko ang mga iyon kapag nagsusulat ako.

Dumating kami sa dalampasigan at binuklat ko ang dalang sarong malapit sa may maliit na puno ng niyog na walang bunga. Hindi mo aakalaing hindi to private beach dahil sa napakagandang buhangin at malinaw na dagat.

It's like a beach resort outside the country.

Sumandal ako sa puno at kumuha ng litrato, si Anna naman ay nagbabasa sa tabi ko.

Kinagat ko ang ibabang labi ng maingganyo akong lumapit sa dagat, binaba ko ang camera at tumayo.

"Anna, maliligo ka ba?" hinubad ko ang dress at maingat na nilapag sa sarong.

"Mamaya na, mag ingat ka." tinuloy nito ang pagbabasa.

Tumakbo ako patungo sa tubig at naglakad hanggang sa umabot na sa may dibdib ko ang tubig.

Nilibot ko ang paningin at nakitang wala ni isang tao doon at kung may paparating man hindi ako masyadong tanaw sa kinatatayuan ko.

An idea came into my mind, hinubad ko ang bra na sout at lumangoy habang hawak hawak yun. Mas gusto kong maligo ng nakahubad dahil damang-dama ko ang malamig na tubig.

It makes my mind calm for a moment at nakakalimutan ko ang problema habang lumalangoy. Umahon ako ng may ngiti sa labi, the blazing sun is warming up my cold body.

Habang nag muni-muni biglang may gumalaw sa tubig kaya bahagya akong napaatras, I was stunned ng may umahon mula doon. A topless man came into my view, hanggang dibdib ko ang tubig pero dahil matangkad ang lalaki kitang-kita ko ang mga muscles niya sa katawan.

He ran his fingers through his wet hair and he saw me, I can see he was shock for a second ng makita ako bago dumako ang paningin niya sa walang saplot kong dibdib.

"Shit." I muttered a curse at mabilis na tinakpan ang dibdib.

Tumalikod ako sa kanya at sinout ang hawak na bra, hindi ko na ginandahan ang pag buhol sa string dahil sa pagmamadali. I bet my face is super red right now dahil sa hiya.

"Gen! Where have you been!" a girl wearing a bikini was running towards us.

Nakasunod dito ang tatlo pang babae at apat na lalaki na parehong topless. I heard the guy with silver colored hair whistle while checking me out.

"Gosh, bakit ka ba pumunta dito." maarteng sabi ng naunang babae bago ako pinasadahan ng tingin.

My brow shot up at her rude gesture kaya minabuti ko nalang iwanan sila doon. They're not my business anyway.

Habang naglalakad pabalik kay Anna ay may pumigil sa braso ko kaya nilingon ko yun at nakitang ito yung may silver hair na lalaki.

"Hi, I'm Travis." nilahad niya ang kamay sakin.

Tinaggap ko yun, "Trinity Castro."

Travis is a playboy kind of guy, I can sense it.

"Mauna na ako." binawi ko ang kamay at tumalikod paalis.

"See you soon, Trinity." masigla nitong sigaw.

Sinout ko ang dress at kinuha ang gamit, napansin kong napatingin din si Anna sa mga ito. Tinulungan niya akong kunin ang sarong saka kami naglakad paalis doon.

Mabilis dumaan ang mga araw, magpapasukan na naman pero hanggang ngayon wala paring mensahe galing kay mama. Yesterday my dad called me at gusto niyang doon na ako tumira sa spain para malapit ako sa kanya.

Pero gusto ko munang pag-isipan yun, I don't want to be a bother to his family at nakakahiya din kay Lola kung aalis agad ako.

Bumaba ako sa sala at nakitang nagbubunot si Anna sa makintab ng sahig. Maaga namang umaalis si Lola patungo sa maliit grocery store niya sa bayan at gabi pa ang uwi non.

"Anna, maglalakad-lakad muna ako sa labas."

"Ha? Pero bumalik ka agad ha, baka mawala ka." concerned nitong sabi.

Ngumiti ako, "Sure." kumaway ako sa kanya bago lumabas ng gate.

Bitbit ang netbook ko at dslr ay tinahak ko ang daan patungo sa dagat, hinubad ko ang stinelas at binitbit. Mas dama ko na ngayon ang gaspang ng buhangin sa aking mga paa.

Nilingon ko ang paligid at nakitang walang tao doon, napangiti ako at umupo sa buhangin. Sinadal ko ang katawan sa puno at nagsimulang mag type sa aking netbook.

Madami akong Idea sa susunod na chapter sa aking ginagawang nobela. Hindi ko namalayan ang oras at natigil nalang sa pagsusulat ng maramdaman ang sakit sa mata.

Binaba ko ang netbook at tumayo para mag inat at ipahinga ang aking katawan. Kinuha ko ang Dslr at nagsimulang kumuha ng litrato sa aking camera.

Kumunot ang noo ko ng tingnan ko ang nakuhang larawan, there's a topless man na nahagip ng camera ko. Tinanaw ko ang paligid, but it's no use. Hindi ako nakakakita ng mukha sa malayo.

Ginamit ko ang camera at ini zoom in yun, napasinghap ako ng makita ang lalaking nakatalikod habang ang dalawang kamay ay nasa beywang.

Nakatanaw lang ito sa dagat at parang malalim ang iniisip, halos mabitawan ko ang camera ng lumingon ito sa banda ko.

Pero alam kong hindi niya ako nakikita dahil nasa liblib na parte ako at madaming niyog, bunos pa na madilim sa parteng yun at naka all black ako. Binalik ko ang camera sa lalaki, at kinunan siya ng litrato.

I don't know why but I find him inspirational for my stories. Kapag ginagalaw niya ang katawan ay nag f-flex ang muscles niya.

The man is taller than me, much taller.

Hindi din ito masyadong maputi at hindi rin naman matatawag na maitim. Nakatagilid ito, kaya kitang-kita ko ang well-defined jawline nito.

Lumingon ulit ang lalaki at this time ay nakuhanan ko yun, I noticed how his forehead creases na para bang napansin niya ng presensya ko.

Mabilis kong kinuha ang gamit at parang ninja na umalis sa lugar na yun. Habang naglalakad pabalik ng bahay tiningnan ko ang litrato na nakaharap siya, kumunot ang noo ko.

He's the same guy from before.

"Hindi kaya nakita niya ako na kinukunan siya ng litrato? Gosh, that's embarrassing." tinampal ko ang noo bago pumasok sa kwarto.

Tiningnan ko paisa-isa ang nakuhang larawan ng lalaki, he looks like a model who came out from the magazines.

The first time I met him at the beach ay hindi ko siya natitigang mabuti but right now habang naka zoom ang kuha ko kitang-kita ng mukha niya.

Maganda ang hugis ng mukha niya at lalong nagpa attract sa mukha nito ang panga nito, matangos din ang ilong at hindi maipagkakailang may lahi din, ang labi nito ay parang parating nakangiti.

"Trinity, mag meryenda muna tayo."

Nag-angat ako ng tingin sa aking pinsan bago siya hinila sa tabi ko at pinakita ang larawan sa kanya.

"Sino 'to?"

Bahagyang namula ang mukha ng pinsan.

"Si Eugene Serrano yan, may-ari sila ng pinakamalaking resort dito sa el deseo."

"So, they're filthy rich? Pero bakit nandon siya naliligo."

Tumayo na si Anna kaya sumunod ko sa kanya para makakain, I know she cooked banana cue at it became my favorite.

"Yung mansyon nila nasa gilid nong pinuntahan natin, hindi ko din alam na palagi siya doon." wika ni Anna.

Maybe he likes being alone, like me sometimes kung gusto kong mag-isip isip ng mga bagay bagay.

Last day of enrollment at sabay kaming nag enroll ni Anna, katulad ko ay first year college na din siya kaya possible na magka klase kami sa ibang subjects dahil pareho kami ng kinuhang kurso. The school is not that big katulad ng dati kong school pero maganda parin ang school na yun at malinis.

Pagkatapos namin mag enroll ay bumili kami ng meryenda ni Anna at naglakad-lakad sa school, madami ding studyante na nandon para mag enroll. Not bad, madaming gwapo sa school na to.

"Anna, pinsan mo?"

"Hi miss!"

I gave them a smile bago pinagpatuloy ang paglakad, I bet they're college students.

"Trinity!" a man came running towards my direction.

I'm wearing my contact lens right now kaya agad kong namukhaan sino siya, Travis Serrano with his friends and the girls I saw at the beach.

"I thought you are just here for vacation, how old are you, anyways?"

"Seventeen." ngumiti ako sa kanya.

Pinakilala niya ko sa mga kaibigan niya at pinsan patin na rin doon sa babae na tinaasan lang ako ng kilay. Base on what she's wearing mukhang mayaman din ito.

"Can I have your number, hindi ko nakuha last time." he handed me his phone.

Tinaggap ko yun at nilagay ang number ko, I handed him my phone too.

"Oh, Iphone. Yan ba yung made in china?" Harley laughed in a rude way.

"Stop it, Harley." saway ni Travis dito.

Isinauli ni Travis ang phone ko, hinarap ko kay Harley ang likuran ng phone kung saan nakalagay kung saang country yun ginawa.

"It's legit, mas legit pa sa kilay mo."

Nagtawanan ang mga kasama nito pati si Anna na nasa gilid ay bahagyang natawa, I waved at Travis bago naglakad paalis kasama si Anna.

I noticed hindi nila kasama yung lalaki na nasa beach, maybe he's not that sociable.

That day my father called again, pinadalhan niya ako ng pera kahit na madami pa namang laman ang card ko. He's spoiling me, siguro doon nalang siya bumabawi sa mga pagkukulang niya sakin. I don't mind, at least my father communicates with me all the time.