Chereads / The Adventure of Piggy Girl / Chapter 2 - Ang maswerting Baboy

Chapter 2 - Ang maswerting Baboy

Gold

Alas kuwatro palang ng madaling araw gising na ako. Di ako makatulog sa daming nangyari sa akin. Hinihiintay ko si Justin.

Di ko siya nobyo, pero parang nobyo narin yun ngalang matatawag akong kabit. May jowa na kasi si mestiso.

Ang jowa niya ay Beauty Queen ng Munisipyo namin. Kilala ang dalawa sa pagiging perfect couple at ako naman bilang dakilang kabit.

Sa totoo lamang gusto ko nang tapusin ang walang label na relasyon namin. Mag iisang linggo na akong kinukutya at hinaharass ng mga barkada ni Justin at ni Krisler, ang hilaw na jowa ni Justin.

Hindi talaga ako taga dito sa Sampalok, lumaki ako sa Cebu sa probinsya ng San Fernando.

Nadistino ako dito sa Sampalok, Assistant Manager kasi ako ng branch isang kompanya. Mag-dadalawang taon narin akong naninirahan sa Barangay Mabuhay ng Sampalok.

Si Justin nakilala ko lang sa Mall, nasa restaurant ako nuon. Kumakain ng carbonara, puno na ang mga lamesa noon. Lunch break kasi, bigla siyang lumapit sa akin at nakisuyo na pwede ba siyang maki-table.

Ako naman si mataba, pumayag. Akala ko di na kami magkikita eh yun pala anak siya ng Mayor ng Sampalok at taga Barangay Mabuhay pa.

Simula noon parati na kaming nag-uusap at pinupuntahan niya ako sa apartment ko.

Parati siyang nagdadala ng mga bulaklak, pagkain at nakikitulog din si mestiso sa apartment ko.

Malapit naring mag two years ang relasyon namin. Nag-assume ako na kami na. Kasi hatid sundo niya ako sa trabaho, parati siyang nasa apartment ko. Para na kaming mag-asawa.

Hanggang sa nuong isang linggo lang pinuntahan ako ni Krisler at ng mga barkada niya sa apartment ko. Duon pinag tulong tulungan akong sinabunutan, sinuntok at pinadyakan.

Doon ko na nalaman may girlfriend pala si Mestiso at ako naman si tanga di ko man lang napansin ang mga kakaibang tingin ng mga kapitbahay ko.

Imagine mag two-two years di ko man lang inalam o tinanong si Justin.

Gusto kong umiyak, magpakamatay dahil niloko ako pero narealize ko di ko pala alam kung ano kami ni Justin.

Hindi alam ni Justin ang nangyari sa akin kasi nasa US siya at that time. Nagbakasyon sila ng pamilya niya.

Ang kanyang mga barkada naman di nila ako gusto, pag nakikita nila akong naglalakad galing sa trabaho, tinitingnan nila ako ng may pandidiri.

Ano ba daw ang meron ako ba't gustong-gusto ako ni Justin. Kamakailan lang nila nalaman ang relasyon namin ni Justin.

Nakita kasi nila kami sa sinehan at magkahalikan.

Oo ako na si marupok, normal lang naman na magkahalikan kami kasi sa panahong iyon akala ko nobyo ko siya.

Pero lesson learned "Never assumed unless stated!"

Kaya ito sinusuot ang damit na bigay ni Justin nuong kaarawan ko.

"Hik, hik, hik" Tumulo na ang luha ko

"Gold! huwag kang umiyak!" Sabay tapik ko sa aking pisngi

"Mas mabuti ng nangyari ito para malaman mo rin ang totoo! Dapat wakasan mo na ang lahat, dapat hindi ka niya niloko!"

"Huhuhuhhu, huhuhu" Di ko na mapigilan ang luha ko, akala ko kasi nakita ko na ang lalaking tatanggap sa akin kahit mataba ako.

Akala ko ako ang pinaka maswerteng babae sa mundo yun pala hindi. Nahusgahan na ako, marami ng pangungutya at masasakit na salita ang natatanggap ko.

"Huhuhu bahala na, ta-tapusin ko na ang lahat!" Alas singko na ng umaga, nalagay ko narin sa maleta ang aking mga gamit.

Lilipat na kasi ako ng lugar, doon na ako sa Manila ma-aasign tinanggap ko na ang alok ng aking boss na maging manager sa isa pang branch ng kompanya.

Nasa sala na ako at naka-upo, mamayang alas otso pa ng umaga darating si Justin galing US. Alam ko kasi ako ang nag book ng ticket niya.

Nasa tabi ko naman ang isa pang maleta, andun ang lahat ng damit at iba pa niyang gamit na nasa apartment ko.

"Ang aga ko palang nagising, hik, ang kawawa ko naman hik, huhuhuhuhu!" Umiiyak na ako wala na akong pakialam kung magigising ang mga kapitbahay

Patuloy parin ako sa aking iyak ng biglang may malakas na kumakatok sa pintuan ko.

"Gold! Ako to si Justin!" Humihingal na saad niya

"Justin?" Napatayo ako sa upuan at dali dali kong pinunasan ang aking mga luha.

Binuksan ko kaagad ang pintuhan at nakatambad sa akin ang pawis na pawis na mukha ni Justin.

"Gold!" Sabay yakap niya sa akin

"Patawad, huhuhu patawad!" Niyakap niya ako ng mahigpit habang tumutulo ang kanyang luha

Bigla akong nanlamig , nag baka sakali na sasabihin nyang matagal na silang hiwalay ni Krisler, na hindi totoo ang lahat. Pero umasa lang pala ako.

"Patawad, malaki ang kasalanan na nagawa ko. Pero Gold, mahal na mahal kita. Hindi ko hihingin ang tawad mo, pero sana huwag mo akong iwan!" Di na ako nakatiis, tinulak ko siya ng malakas

"Marami akong gustong sabihin sa iyo, gusto kitang sampalin, suntukin!" Sunod-sunod na tumulo ang aking mga luha habang nakatitig sa kanya

"Pero wala na akong lakas para gawin ang mga bagay na iyon. Kasalanan ko din naman ang lahat di manlang ako nagtanong sa iyo , kung ano tayo! Wala akong maraming nalalaman tungkol sa buhay mo." Lumayo ako sa kanya at napa upo sa sofa. Sumunod siya sa akin at nakaluhod na yumakap sa tiyan ko

"Gold, huwag mo ng ituloy huhuhu, ayaw kong marininig ang susunod mong sasabihin. Gold di ko kayang mabuhay na wala ka!" Pilit niyang kinukuha ang mga kamay ko at pinapasuot ang singsing na dala niya.

"Magkaka-anak na tayo, pananagutan kita. Alam na nina Mama at Papa na buntis ka. Gusto ka nilang makilala ka. Ha, pakasalan mo ako please, huhuhu." Hinawakan nya ang aking mukha at pilit na pinapaharap

"Hindi ko mahal si Krisler, ikaw ang mahal ko, alam ko malaki ang kasalanan ko sa iyo. Pero sana bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon na itama lahat. Gold, tingnan mo ako please!" Pagmamaka-awa niya sa akin.

Hinarap ko siya at tinitigan, ang pinakagusto ko sa lahat ng parte ng kanyang katawan ay ang kanyang mga mata. Gustong gusto ko kung paano nya ako titigan na ako lang ang pinakamaganda sa lahat.

Pero ngayon, sobrang sakit ang nararamdaman ko ng dahil sa kanya.

Pilit kung winaksi ang kanyang pagkakahawak sa akin. Tumayo ako at kinuha ang aking maleta.

"Justin"

"Gold, huwag mo akong iwan please!!"

"Justin, nakunan ako at hindi na ako magpapaliwanag sa iyo kung ano ang dahilan. Ang sakit! Hah! Mahal na mahal kita pero sa lahat ng nangyari sa akin at sa aking anak!" Impit akong napa-iyak

"Ayaw na kitang makita!" Dali dali akong naglakad hawak hawak ang aking maleta.

Nasa eskinita na ako para pumara ng taxi.

"Gold! Please, huwag kang umalis! Sisihin mo ako, alipinin mo ako, huwag mo lang ako iwan!" Umiiyak na saad ni Justin habang pilit na kinukuha ang aking maleta.

"Justin! Lumayo ka sa babaeng iyan! Andito ka lang pala!" Dumating si Krisler kasama ang mga barkada ni Justin

Sunod sunod ang pagdating ng mga kotse at motor.

"Dude you already have a girlfriend at si Krisler yun. Hindi kaba ginayuma ng isang ito!?" Tinulak ako ni Luke, bestfriend ni Justin

"Fuck! Siraulo ka pala eh!" Sinuntok ni Justin si Luke

"Bitch! It's all your fault!" Sigaw ni Krisler sa akin habang pinipilit niyang pinaghihiwalay sina Luke at Justin

"Anton, James, help me!"sigaw ni Krisler

"Fuck! Justin! What''s wrong with you man!" saad ni Anton

"Dahil lamang sa matabang babae na yan tatalikuran mo kami!" Sigaw ni James

"Stop insulting her! ang matabang babaeng nilalait niyo ay siyang magiging ina sana ng anak ko!" Napa-upo at umiiyak si Justin

"Pinatay niyo ang anak ko! Pinatay mo Krisler! Hinding hindi kita mapapatawad!" Masamang tiningnan ni Justin si Krisler

"Wha-what?" di makapaniwalang saad ni Krisler

"Buntis ako magtatlong-linggo na, kahit nakita mong dinudugo na ako patuloy parin kayo sa pagpatid sa tiyan ko." Napatingin ako sa kanya at kina James, Anton at Luke

"Nagmamaka-awa ako, hik, nag-mamaka-awa ako huhuhuhu. Walang kasalanan ang anak ko huhuhuhu." Di ko na kaya, napa upo ako sa daan at humagulhul

Napatahimik silang lahat.

"Gold! Please sumama ka sa akin, dadalhin kita sa hospital." Lumapit sa akin si Justin, mugto ang mata at ang pisngi. Niyakap niya ako ng mahigpit habang ako ay patuloy parin sa pag-iyak.

"Du-dude hin-hindi namin alam." mahinang saad ni Anton

"Just go! Simula sa araw na ito hindi ko na kayo kaibigan!" sigaw ni Justin

"Justin, ang sakit, ang sakit sakit, pagod na ako." Mahinang bulong ko sa kanya kasabay ng pagpikit ng aking mga mata.

"Gold, go-gollld!!!"