Chereads / BLIND / Chapter 1 - Blind

BLIND

🇵🇭TheCreepyMan
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 6.8k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Blind

San kaba natatakot? sa multo?, sa hayop?, o sa mga supernatural things na nangyayari? Lahat naman tao may kinatatakutan. Ang problema lang, kung paano mo ito haharapin.

Ang pangalan ko ay 'Rachel', 20 yrs old na at ni isang bagay wala pa akong nakikita, tama!...Isang akong bulag mula pa nung bata. Hindi nakakatakot maging bulag kahit na wala man akong makita ay parang may kulay narin ang buhay ko kapag kasama ko si 'Kate' my childhood friend. Si Kate parang kapatid ko na; nag-aasaran, nagkakasiyahan, at sama-sama gumagawa ng mga trip. Masarap pala may makakasama sa buhay sa kabila ng nag-iisa lang ako. Walang na akong pamilya at tanging sa savings nalang ng magulang ko kinukuha ang mga gastusin. Kaya sya nalang pamilya ko, at kung mawala pa sya, di ko na alam ang gagawin sa buhay ko. Kung iisipin ang drama, but when you have someone precious lahat ay gagawin mo maprotektahan lang siya.

Bagong lipat lang kami sa dorm dito sa Maynila, para makatipid sa pamasahe. Galing pa kasi kami sa batangas nagtatrabaho ako dito bilang massage therapist, eh sakto naman na si Kate nag-aaral ng kolehiyo. Kami palang ang unang nakitira dito, di ko alam kung bakit walang ibang rumerenta kaya nga siguro mura ang bayad, marami din akong naririnig tungkol sa building na ito. May pinatay daw na babae dito at gusto maghiganti kung sinuman ang guluhin sya.

Well, its an urban legend, mga kwentong barbero lang siguro iyon. Di naman ako naniniwala sa mga ganyan at kung meron, wala naman din akong magagawa. Isipin mo di ba tatakutin ang isang bulag parang kaming hangin susulpot lang kung saan-saan at walang pansinan.

"Rachel, bangon na!" habang hinihila ako sa kama.

"Bangon na!...Malelate kana sa trabaho nyan."

Kaya bumangon na ako, at hinanap ang baston ko nang makatayo ng maayos.

"Good Morning Kate!" pagbati ko sa kanya.

"Uhmm" sabi ni kate nama'y laman ata sa kanyang bibig.

"Nakaluto na ko Reych, nasa lamesa lang ang pagkain aah"

"Thanks, Kate"

"At tsaka mauuna ako sayo ha! May pagkain pa naman sa Ref, yun nalang ang hapunan mo baka kasi gabihin pa ko ng uwi." sabi niya.

"O sige, " tugon ko.

"Wag ka mag-aalala, kaya ko naman sarili ko." katwiran ko sa kanya.

"At dun nga ako nag-aalala eh, masyado mo laging iniisip na kaya mo. Kaya ka nga napapahamak, huwag mong pwersahin lagi ang sarili mo humingi ka tulong kay Manang kung kinakailangan ha." Pagkatapos nun wala na akong napakinggan sa boses nya hanggang sa narinig ko nalang ang pagbukas at sara ng pinto.

Marami na akong utang loob kay Kate, mula pa nung namatay ang magulang ko sya na ang tumayong pamilya ko, parang ate kona sya kahit mas matanda ako sa kanya. Kung di lang sa mata ko gustong-gusto kong makita ang mukha nya.Kung may paraan lang masolusyonan ang ito matagal ko na sanang nagawa pero ganun talaga ang buhay, minsan swertihan lang kung ano magiging kapalaran mo.

Aalis na rin ako, nang biglang tumunog ang cellphone sa bulsa ko, kaya kinuha ko at sinagot.

"Uyy, Rachel nandyan kapa ba sa bahay nyo." Sa boses palang alam ko agad na manager namin ang tumawag.

"Opo!" sagot ko.

"Buti naman, nalimutan ko kasi sabihin sayo. Sarado pa muna ang spa. Umalis pa kasi ang may-ari, alam muna wala masyado katiwala kundi ako lang kaya mahihirapan. Oh, sige besh! balitaan nalang kita ah"

"Okay po, Salamat po!"

"O-key, Baboosh!!..bye" pinutol na niya ang linya.

Mukhang maboboring nanaman ako sa bahay.Lalo sa bulag na tulad ko, di ko alam kung anu ba dapat gagawin. Tutal matagal na akong namuhay ng ganito, kaya sanay na'ko kahit wala naka-alalay, kaya ko parin naman gawin kung anung karamihan na ginagawa sa bahay. At nagsimula na akong sumubok ng mga bagay-bagay.

Ala-syete na ng gabi kasalukuyan akong naghuhugas ng pinggan, iniisa ko bawat paglinis at para mahawakan ko nang maigi. Hiniwalay ko ang baso at pinggan para madali ko agad malaman. Inuna ko muna ang baso at niligay ko sa may bandang kanan ang mga tapus na. Patapos na ako hugasan ang lahat nang may narinig ako tumunog, kung saan nakatipon ang mga baso. Inisip ko baka mga daga lang na pagala-gala sa mga sulok kaya di ko nalang pinansin.Habang tumatagal patuloy parin ang ingay nanggagaling sa tabi at parang ginugulo pa mga nasa tabing nahugasan na, kaya baka si Kate na yun.

"Kate, Ikaw ba yan? ...Wag mo masyadong guluhin yung hinugasan baka mahul..."

Di pa ako natapos sa kakasalita nang biglang sumunod-sunod ang pagbagsak ng mga baso sa sahig, buti nalang mga plastic lang ang mga iyon. Napatakip nako ng tenga sa lakas ng ingay, parang sinasadya pa lalo.

"Kate? wag ka nga ganyan, tinatakot mo ko, Kate?...KATE?!"

Inantay ko magsalita si kate pero walang ni isang boses akong narinig. Nilibot at kinapa ko ang paligid kung may tao pero tanging ako lang talaga ang nandito. Nakakaramdam nako ng weird, pero di ko nalang inintindi at baka sa hangin lang yon. Umupo ako sa sahig dahan-dahan kong kinuha ang mga nahulog na baso, kinapa ko ang bawat basong maabutan ko at hanggang sa may nahawakan ko ang kakaiba; makinis, malambot at pakiramdam ko isa itong paa.

Napakalamig ang kanyang talapakan na parang kakagaling lang sa Refrigerator. Hindi ako nangamba, sa halip mas lalo akong na-curious kaya hinawakan ko ng maigi at nagbabaka sakali na mali ang iniisip ko.Mula sa paa, pataas hanggang sa mahawakan ko kanyang kaliwang kamay at tila may bagay na hawak-hawak sa palad. Sinimulan ko nang hipuin ang bagay na yun pero napatigil ako nang masugatan ang daliri ko.

Kaya biglang may bumuo na sa isipan ko. Mga bagay di ko dapat maiisip, na gumagawa ng dahilan upang ako'y matakot. Nagsisimula na pumatak ang luha ko dahil sa pag-iisip na "wala nakong magagawa" at ang salita na iyan pumipigil sakin upang kumilos.

Napaatras ako ng bahagya, di ko alam kung totoo ang hinawakan ko o hindi. Ang alam ko lang may tao talaga sa harapan ko. Pinagmamasdan ko kung may magbabago ba sa ihip ng hangin. Ginalaw-galaw ko ang kamay ko kung nandyan parin ba sya pero wala na akong mahawakan at parang naglaho nalang. Nagkaluwag-luwag na ang pakiramdam ko, when i think na imahinasyon ko lang pala.

Sa kabilang banda. Napansin kong may naririnig akong boses sa labas, si kate pala at papasok na loob.

"Rachel?...rachel?...Nandyan kaba? bakit iniwan mong bukas ang pinto?" sabi niya.

Walang matutumbas na ngiti marinig ko ang boses niya. Kaya tatayo na sana ako nang may umapak sa kamay ko at dire-diretso, na parang dinaan lang ako.

Napatunganga nalang ako at pinakiramdam ang presence ng kanyang paglakad. At hanggang napasigaw si Kate.

"AHHHHHH!!!...SINO KA ?!" sigaw niya.

Kaya nagmadali akong tumayo,

"Kate!...Kate!..KATE!!!"

Kumapit ako sa mga gilid na pwedeng mahawakan at nang makatayo ako agad pero biglang napaapak ang paa ko sa mga baso nakakalat sa sahig, ang dahilan kaya napadapa.

"Rachel?...nandyan ka?" tanong ni Kate.

"Sino babaeng toh, Rachel...rachel?...Nakatingin siya sakin...Bakit may dalang syang kutsilyo? Rachel!" di ko masasabi kung anung sitwasyon nya pero alam kong iba na ang nagyayari.

Wala nang oras upang makatayo agad, kaya sumigaw nalang ako malakas, nang marinig ni Kate.

"KATE!...UMALIS KANA!!!...HUMINGI KA, NG TULONG!"

"Hah?...ehh...panu ka?" sabi niya.

"Umalis kana! Bilis!" pilit kong pinagtatabuyan sya palabas.

"Ahhh...O sige,Babalik ako agad Rachel."

Pagkatapos, kalabog nalang ng pinto ang narinig ko. Nakatayo na ako ng maayos mula sa pagkakadapa, wala nakong oras upang hanapin ang tungkod kaya sinundan ko nalang ang angulo ng daanan upang makalabas nadin nawalan ako ng balanse sa paglalakad nang may bigla akong narinig na boses sa labas, walang dudang si Kate iyon.

"Bitawan mo ko!,...Tulong!..." Boses ni kate, batay sa kanyang boses ay nanganib sya.

Kaya tumakbo ako patungo sa pinanggalingan ng ingay.

"Kate?, KATE!!!..." tuluy-tuloy ang karipas ang takbo. Di kona pinansin ang bawat madaanan ko tila blanko na ang lahat basta ang bumubuo nalang sa isip ko ay ang kalagayan ni Kate.

Patuloy ako sa takbo hanggang mapansin kona malapit ako sa pinto. Napatigil at hinintay ko ang pagkakataon marinig ang boses niya.

"Kate!!!, KAATTTTE!!!..."paulit-ulit kong sigaw. Sa pangatlong boses, narinig kona ang kanyang boses.

"Rachhheell!!...AHHHHHH!!!"

"Kate!..,Nasaa..."

Sa isang iglap napatigil ang mundo ko.Sa isang tunog ay naging bangungot, na nagbibigay sakin ng kahinaan. Mga bagay ayokong paniwalaan, na pumapasok isip ko habang napapansin kong may wisik na dumapo sa aking balat. At hanggang narinig ko nalang ang pagbagsak na isang bagay.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!..." ungol kong paglakas.

"HINDI!!!...KATE!!!..."

Wala na akong sinayang na panahon kaya dali-dali kong pinuntahan ang pinagmulan nun.Naglakad ako paabante mula sa aking kinatatayuan nang mapansin kong wala na pala maihahakbang ang aking paa, hangggang sa napadausdos ako at sumubsob. Di ko akalaing na hagdan na pala ang tinatapakan ko naging parang isa akong trumpo sa tuloy ang pagbagsak sa hagdan mula.

Hindi ko na napansin sa bilis ng nangyari, ang utak ay nakaramdan ng hilo.Ang katawan ko ay tila naging paralisado, at may halong di matiis na sakit nang maramdaman kong bali ang mga braso at binti ko. Dumudugo ang aking ulo, at di ko masasabi kung hanggang kailan pa meron akong malay. Pero inisip ko nalang wala na akong dahilan upang mabuhay pa, ang tanging bagay na pinakaiingatan ko ay nauuna pa sakin kaya mas mabuti nalang sa ganito ang maging katapusan ang lahat.

Kaya pinikit kona ang mata ko, tinaas ang ulo na handang-handa na sa kabilang buhay. Pero sa mga oras yun, may narinig ako.

"Wooh!..Sucess, Kate" sabi ng nagsalita malapit sa akin.

"Wag ka maingay naghihingalo pa eh" sabi naman ng isa.

"Anu naba gagawin natin?"

Di ko masasabi kung ilan sila pero siguradong madami silang nakapalibot sa akin. Patuloy silang nagkwekwentuhan hanggang sa may nagsalita pamilyar na boses,

"Uyy, Buhay kapa ba?" matamlay na boses, habang tinitingnan ako ng pulso.

Labis na galak sakin ang nadarama ko na narinig ko pa ang kanyang boses na di ko aakalain na mangyayari pa ito.

"Ka...tte?" pilit kong binibigkas ang kanyang pangalan.

"Wag kana magsalita. May itatanong lang ako ulit sayo?,"

"Ano nga ba ulit yung password mo sa bank acc?"

Di ko maintindihan ang sinasabi ni Kate, parang ibang Kate na ang nasa harapan ko ngayon. Kaya pinilit kong magsalita,

"Anu.. bang ..Sii..si...nasabi...?"

"Ayy, birthday ko nga pala." tila di pinapansin ang bawat lumalabas sa aking bibig.

Ang aking tuwa ay napalitan ng takot. Takot na humarap sa katotohanan, mga bagay na di ko aakalain mangyayari.

"Kung sa bagay marami ng dugo nawala sa'yo, at baka di ka narin magtatagal. Sasabihin ko na ang lahat."

"Di kita gusto!,"

"Alam mo, bwiset ka! Akala mo sakin isang alila. Di ako pinanganak upang pagsilbihan ka...,"

"Tingin mo dahil nagtagal ako sa'yo walang magbabago!...Walang sinuman ang may tatanggap sa iyo, isa kang BASURA!!!"

Di ko na marinig ang mga sinasabi nya pero alam ko matindi na ang galit sakin. Anu ba naging kasalanan ko? pagiging bulag, pabigat o kawalan kakayahan. Wala naba akong karapatang mamuhay ng tahimik. Madaming pa akong tanong sa sarili pero di ko na mabibigyan kasagutan.

"Atsaka pala, kung di mo lang nakita ang pagkamuhi ko sayo. Pero magpasalamat ka nagtagal kapa ng ganito dahil sa maraming araw na may pagkakataon ako mas pinili ko sulitin at panoorin ang kamangmangan mo."

"HAHHAHAHA!!!...Biruin mo yun nakailang-beses nako may ginawang kakaiba saiyo!!!.... Di mo man lang napapasin...Hahahahaha!..."

"Kate, a...alam kong di ikaw toh!..." pilit kong makapagsalita.

"Huh!, napapakinggan mo ba ang sarili mo. Hindi kita tinuring na kaibigan o anu pa. Pera lang ang habol ko sa'yo"

Sa mga kinaraming tao, bakit pa ang taong mahalaga sakin ang gumagawa nito. Ang dibdib ko napuno ng galit at poot. Lahat ng magagadang alala namin ay isang pagpapanggap lang pala. Bakit ako pa?!, bakit?...Tatangapin konalang ba?, sa mundong ito wala talagang lugar para sa amin.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!....." tila naging speaker ang aking boses sa sobrang lakas.

"Kate!, Uy...Baka may makarinig na sa kanya."

"Oo nga, tapusin na natin."

"Pera lang ang habol ko dito. Bahala na kayo dyan!...Ayokong makulong"

"Uyyy, San ka pupunta?"

"Wag mo kong pigilan..."

"Tang....inna... Bakit moko sinuntok?!"

"Ulol!,..."

"Hahhhh!..." Tuloy-tuloy silang nagkasagutan at nauwi sa away, hanggang sa...

May bagay na tumama sa aking ulo. At dahilan na pagtigil sa pagbuka ng aking bibig.

"Ooohhh!...Ayan na! Patay na, masaya na kayo!" sabi ni Kate.

"At Ilayo nyo na nga sakin yan."

"Uy, Kate panu yung parte namin?"

"Wag kayo mag-aalala tiba-tiba ang pera nyan, mayaman ang pamilya nito."

"Kayo na ang bahala ahh... Wala makakapansin dyan. Sakto ang pinili kong lugar, walang-tao. Atsaka pala, Uy Rose! masyado mo naman napasubrahan ang pagtulak sakin. Di naman nakakakita yan!"

"Ayy, sorry!"

"Atsaka good job Mae! Ang ganda ng pag-arte mo dun ahh, 'White lady' talaga."

"Syempre san naman ako magmamana... hahhaha!"

"Ehh, Anu sasabihin natin kapag may nakahanap sa bangkay?"

"Madali lang yan, sabihin mo lang naging baliw ito at nagpakamatay dito. Ganun lang kadali,"

"Ahhh,Basta masaya akong naging successful ang ginawa ninyo guys! At dahil dyan mag-paparty tayo buong gabi!...HAHAHAHA!!!...."

"YAHHHOOO..."

"Ayos!...Kasama ako dyan ah!"

"YEAHHHHH!!!.."

"WOOOHOOO!!!"

"Oo, At dahil yun sa Teamwork na ginawa nyo."

Ang katawan natin ay isang instrumento, nagsisilbing katibayan na ikaw ay tao.Pero paano kung mawalan ka ng isa sa mga ito. Tao ka pa ba kaya?, ano ba paraan upang ikaw maging katanggap-tanggap bilang tao? Ang sagot ay 'wala' lahat ng bagay na pagkilanlan mo sa sarili ay isang lang kasinungalingan. Walang talagang tao sa mundo, kundi puro mga nakakatakot na halimaw na naninirahan sa katawan ng tao at naghahanap lang ng may maibibiktima.

Namumuhay tayo sa takot, isang parte ng ating katauhan na kusang lalabas. Paano kung ang takot na ito ay maging lakas mo. Di ko alam, ang buhay natin ay puno ng misteryo di mo malalaman ang mangyayari bukas dahil minsan baka ito ay maging isang malaking kahulugan sa iyong pagkatao. Katulad ko na nakakahilata ngayon, nag-aantay tumigil sa pagtibok ng puso kaya iniisip ko "Wala na ba akong magagawa?... Ito na ba talaga?" At hanggang sa unang pagkakataon ng buhay; nakakakita nako ng liwanag. At sa unang beses nagkaroon ako ng pag-asang mag-isip na hindi pa ito ang huli....dahil,

"Babalik ako!..."

*THE END*