Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Hanggang Sa Muli

🇵🇭Chile1204
--
chs / week
--
NOT RATINGS
3.2k
Views

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - Hanggang Sa Muli

Sadyang makapangyarihan ang pag-ibig. Gagawa ito ng paraan upang paglapitin ang dalawang pusong pinaghihiwalay ng tadhana. Hadlangan man, lalaban at lalaban ito upang makapiling ang taong tanging makapagbibigay rito ng kaligayahan.

***

Sa isang lungsod may magkaibigang na nagngangalang Perseus at Taniya. Si Perseus ay isang makisig na binata at si Taniya ay isang marikit na dalaga. Hindi maiiwasan na marami ang humahanga sa kanilang dalawa. 

Magkasama silang lumaki at nahulog ang loob sa isa't isa. Ang kanilang pagkakaibigan ay mas lumalim at natutuhan nilang mahalin ang isa't isa. 

Pinangarap nilang ikasal at magkasama hanggang sa pagtanda ngunit nang ipaalam nila ang kanilang relasiyon ay tutol ang kanilang magulang dahil sa alitan nila sa kaniya-kaniyang negosyo.

Dahil sa pagtutol ng kanilang magulang ay ipinaghiwalay sila at pinaglayo. 

"Hindi kayo nararapat sa isa't isa!"

Paulit-ulit itong tumatakbo sa isipan ni Taniya habang tumutulo ang kaniyang luha matapos siyang hindi payagan ng kaniyang magulang na lumabas sa kaniyang kwarto hangga't hindi siya pinahihintulutan ito.

Sa kaniyang pag-iyak, nakarinig siya ng isang tinig mula sa bintana na tumatawag sa kaniya.

"Taniya!"

Nilapitan niya ito at hinawi ang kurtina na humaharang dito kung saan nagmumula ang tinig ng pagtawag ng kaniyang sinisinta na si Perseus.

"Perseus!" nagagalak niyang tawag sa kasintahan mula sa bintana. Kita sa mukha ni Perseus ang pag-aalala kay Taniya nang malaman na hindi na  ito pinapayagang umalis basta-basta.

Mula sa kwarto ni Perseus ay sinenyasan niya ang kasintahan na huwag munang aalis sa may bintana at siya'y kumuha ng papel at panulat.

Kaniyang sinulat ang mga katagang, "Ayos ka lang ba?" at  ipinakita sa dalaga mula sa bintana.

Sa kabilang banda ay kumuha rin ng papel at panulat si Taniya at isinagot ng "Oo, ayos lang ako."  na may pait na ngiti sa labi.

Pagkatapos noon ay dito sila nagpapalitan ng matatamis na usapan. Sila lang dalawa ang nakaka-alam sa paraan ng kanilang kominikasyon mula sa bintana. Nagsilbi itong messenger nila sa isa't isa

Ilang metro ng agwat ng bintana nila mula sa isa't isa na naghihiwalay sa kanila, ang pagitan ng bintana na naglalayo sa kanila, ang naging daan ng kanilang paglalapit.

"Hindi tayo susuko. Ipaglalaban natin sa ating magulang ang pag-iibigan natin."  ang kanilang palagiang sinasabi.

Isang araw ay may isang makisig na binata ang bumisita sa bahay nila ni Taniya na ipinakilala ng kaniyang magulang na nagngangalang Stefan.

Masayang ipinakilala at pinakisamhan ng kaniyang magulang si Stefan. Alam ni Tanya ang ibig ipahiwatag ng kaniyang magulang sa kaniya.

Gusto nila si Stefan para sa kaniya.

Hindi maipagkakaila na mabait at mabuti ang intensiyon ni Stefan, ngunit hindi mapapalitan nito ang wagas na pagmamahal niya kay Perseus.

Ipinaalam kaagad ito ni Taniya kay Perseus ang tungkol kay Stefan at ang nais ng kaniyang magulang para sa kaniya. 

Ganoon rin ang nangyari sa panig Perseus, may ipinakilala rin babae sa kaniya ngunit tumanggi siya sa nais mangyari ng kaniyang magulang at ipinaglaban ang pagmamahal niya kay Taniya.

Dumating ang panahon na hindi na nila kaya pang tiisin ang kalungkutan bunga ng pangungulila. Nagpasiya silang tatakas at magtatanan malayo sa kanilang lungsod upang mamuhay ng malaya.

Nang gabing iyon ay tumakas sila ng patago at nagkita sa isang tagong puno malapit sa kanilang mga bahay. Sinalubong nila ang isa't isa ng mahigpit na yakap na puno ng pangungulila at kagalakan.

Dali-dali silang umalis at humanap ng transportasiyon mula sa bayan. Sa kanilang paglalakbay ay nakasalubong nila si Stefan na may seryosong mukha.

Mabilis gumapang ang gulat, takot at kaba kay Taniya nang makita si Stefan dahil baka ipaalam nito ang pagtakas niya sa kaniyang magulang.

"A-anong ginagawa mo dito, Stefan?" nagugulat at kinakabahang tanong ni Taniya. Naramdaman niya ang paghigpit ng hawak sa kaniya ni Perseus.

Hindi na nagulat si Stefan nang makita at makasalubong niya sina Taniya at Perseus paalis sa kanilang lungsod. Dahil bago pa siya ipakilala ng magulang ni Taniya sa kaniya ay matagal na niyang alam na nagmamahalan ang dalawa.

"Huwag kang mag-alala, Taniya. Malinis ang aking intensiyon kung bakit ako nandito." panimula ni Stefan. "Matagal ko nang alam ang tungkol sa inyong dalawa. Hindi ko nais hadlangan kayong dalawa nang ipakilala ako ng iyong magulang, Taniya." 

"Kung gano'n ay ano ang pakay mo sa'min?" seryosong tanong ni Perseus.

"Inaasahan ko nang magpapasiya kayong umalis dito sa lungsod dahil parehas tutol ang inyong magulang sa pag-iibigan ninyo. Kaya andito ako para tulungan kayo na makaalis kaagad dahil ipapahanap kayo kaagad kapag nalaman na nila na tumakas kayo." mahabang paliwanag ni Stefan.

Itinuro niya ang isang sasakyan malapit sa isang puno at inabot ang susi kay Perseus.

"Hanggang dito na lang ang makakaya ko, Taniya at Perseus." sambit ni Stefan. "Nais ko kayong maging masaya. Wala na ako magagawa kung sakaling habulin kayo ng mga tauhan ng magulang niyo."

"Maraming salamat, Stefan." nakangitang pasasalamat ni Perseus saka nauna nang sumakay sa saksakyan.

Nagpahuli si Taniya at yumakap kay Stefan, "Maraming salamat, Stefan. Hindi ko alam kung paano  ko susuklian ang kabutihan mo."

"Walang anuman, Taniya." ngiting sagot ni Stefan at humiwalay sa yakap. "Dapat na kayong umalis at mag-iingat kayo." 

Nakangiting tumango si Taniya at sumakay sa saksakyan. Kaagad itong ipinaandar ni Perseus, sa huling pagkakataon ay kumaway si Taniya kay Stefan mula sa bintana na tinugunan rin ng binata.

May ngiti sa labi na umalis ang magsing-irog palayo sa kanilang lungsod. Napawi lamang ito nang makita nila ang mga pamilyar na sasakyan na sumusond sa kanila.

"Perseus.." nag-aalalang sambit ni Taniya. Mahigpit na hinawakan ni Perseus ang kamay ng kasintahan at binigyan ng matamis na ngiti upang pagaanin ang loob nito.

Mabilis na pinaharurot ni Perseus ang saksakyan, ngunit sadyang mabilis din magmaneho ang mga sasakyang sumusunod sa kanila.

Nagpatuloy-tuloy ang paghabol sa kanila ang mga tauhan ng magulang nila hanggang sa mawala ni Perseus ang iba, hindi rin maipagkakaila na may mga humahabol pa rin sa kanila.

Biglang idinaan ni Perseus ang sasakyan sa isang daan kung saan isang sasakyan lamang ang makakadaan.

Mas binilisan pa ni Perseus ang pagmaneho at hinigpitan pa lalo ang paghawak sa kamay ng kasintahan.

"Anuman ang mangyari ikaw lang ang babaeng mamahalin ko hanggang sa susunod na pagkakataon." hindi maipagkakaila ang kaba at lungkot sa boses ni Perseus.

"Ako rin, ikaw lang mamahalin ko kahit sa ilan pang pagkakataon, Perseus." malungkot na sambit ni Taniya.

May tumulong luha mula sa pisngi ni Taniya dahil alam niya ang mga posibilidad na maaaring kahantungan nilang dalawa.

Mabilis ang naging pangyayari at hindi nila inaasahan ang pagsalubong sa kanila ng paparating na sasakyan. Huli na ang lahat bago pa ihinto ni Perseus ang sasakyan kaya iniliko niya ito upang iwasan hanggang sa bumangga sila sa isang puno.

Masama ang naging itsura ng sasakyan nang bumangga ito mula sa puno. Naliligo sa sarili nilang dugo ang magsing-irog.

Nagawa pang imulat ni Taniya ang kaniyang mga mata at nakita ang itsura ng kasintahan na naliligo sa kaniyang dugo, hindi niya maiwasan na mapaluha sa pait na sinapit nila.

Biglang iminulat ni Pereus ang kaniyang mga mata kahit nahihirapan na siya, nagawa pa niyang harapin ang kaniyang kasintahan na lumuluha ngayon dahil sa kanilang sitwasiyon.

"Tandaan mong...." nahihirapang ani Perseus."....mahal na mahal kita, .....Taniya." sa huling pagkakataon ay sinubukan niyang bigyan ng isang matamis ng ngiti ang iniirog. "Hanggang sa muli.." hanggang sa isarado niya ang kaniyang mata.

Naramdaman ni Taniya ang pagluwag ng paghawak nito sa kaniyang kamay.

Mapait itong niya itong sinagot  na "Oo, tatandaan ko. Mahal na mahal kita, Perseus." naluluha niyang sinambit at ipinikit ang mga mata.

"Hanggang sa muli, aking mahal."